478 Elcano Street Binondo Manila

FUNERAL SERVICE , CASKET funeral

20/01/2023

‘ANG OSTIYA’
Sa Misa, madalas nating makita ang isang uri ng tinapay na ito. Kulay puti, bilog ang hugis at manipis. Ano nga ba ang kahalagahan ng tinapay na ito na kung tawagin ay Ostiya?

Tanong: BAKIT KAILANGANG MAY TINAPAY O OSTIYA PA SA MISA?

✔️ DAHIL SI HESUS ANG TINAPAY NG BUHAY. Juan 6:51 “Ako nga ang tinapay na nagbibigay-buhay na bumabâ mula sa langit. Mabubuhay magpakailanman ang sinumang kumain ng tinapay na ito. At ang tinapay ay ang aking katawan na ibibigay ko upang mabuhay ang sangkatauhan.”

✔️HINDI TAYO INIWAN NI HESUS. Nangako ang Panginoon Hesus na kahit Siya’y umakyat na sa kalangitan, kasama natin Siya palagi. Mateo 28:20 “Tandaan ninyo, ako'y laging kasama ninyo hanggang sa katapusan ng panahon.” SA ANYO NG TINAPAY LAGI NATIN SIYANG KASAMA.

✔️DAHIL SI HESUS AY INIAALAY NATIN SA DIYOS AMA. Mga Hebreo 10:5 (5-6) “Dahil diyan, nang si Cristo'y naparito sa daigdig, sinabi niya sa Diyos: “Ang mga pang-alay, pati mga handog, at ang mga hayop na handang sunugin, hindi mo na ibig sa dambana dalhin, hindi mo kinalugdan ang mga handog na sinusunog, at ang mga handog upang pawiin ang kasalanan. Kaya't inihanda mo ang aking katawan upang maging handog.”

Tanong: ANONG KATIYAKAN NATIN NA SI HESUS ANG TINATANGGAP NATING TINAPAY SA ANYO NG OSTIYA?

✔️ SI HESUS ANG NAGTAGUBILIN KUNG PAANO SIYA AALALAHANIN. MAHIGPIT ANG KANYANG BILIN NA GAWIN ITO SA PAGALALA SA KANYA. Lucas 22:19 “Dumampot din siya ng tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos ay kanyang pinaghati-hati iyon at ibinigay sa kanila. Sabi niya, “Ito ang aking katawan na inihahandog para sa inyo. Gawin ninyo ito bilang pag-alaala sa akin.”Samakatuwid, hindi lamang ito basta tinapay, ito ay nagiging TUNAY NA KATAWAN ng Panginoong Hesukristo.

Tanong: KELAN MAGIGING BANAL ANG SIMPLENG OSTIYA at ALAK?

✔️ Ito ay ganap ng nagiging katawan at dugo ng Panginoong Hesus sa bahagi ng Misang PANALANGIN NG PAGPUPURI AT PAGPAPASALAMAT (CONSECRATION). SA MISA, MARIRINIG:
“Ama naming banal, ikaw ang bukal ng tanang kabanalan Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu gawin mong banal ang mga kaloob na ito upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo + ng aming Panginoong Hesukristo.”

Samakatuwid, ang Ostiyang ipinapamahagi tuwing Misa ay hindi miryenda o pamatid gutom, bagkos ito ang TUNAY NA KATAWAN NI KRISTO na makikipagisa sa atin! ITO AY BANAL, SAGRADO, at DAPAT PAG-UKULAN NG RESPETO’T PAGSAMBA!

Kinakailangang tayo’y handa sa pagtanggap. 1 Mga Taga-Corinto 11:27 “Ang sinumang kumakain ng tinapay at umiinom sa kopa ng Panginoon sa paraang di nararapat ay nagkakasala sa katawan at dugo ng Panginoon.” 1 Mga Taga-Corinto 11:28 “Kaya't dapat siyasatin ng tao ang kanyang sarili bago siya kumain ng tinapay at uminom sa kopa.”

Ang pananampalatayang Katoliko ay lubos na naniniwala sa kasagraduhan ng Banal na Eukaristiya. Anumang pang-babastos o pang-babalahura sa Banal na Sakramentong ay hindi natin pinahihintulutan.

❌HUWAG PAGLARUAN ANG OSTIYA. Kapag ito’y tinanggap na, lunukin. Tayo ay inaasahang manahimik.
❌HUWAG IUWI ANG OSTIYA
❌HUWAG TUMANGGAP KUNG HINDI KATOLIKO
❌HUWAG TUMANGGAP KUNG HINDI PA NAKAKAPAG-FIRST COMMUNION
❌HUWAG TUMANGGAP KUNG HINDI NAMAN NAGSIMBA
✔️TANGGAPIN SI KRISTO NG MAY PAG-GALANG
✔️MANGUMPISAL BAGO MANGUMUNYON.
✔️MAGING MAPAGMASID SA PALIGID. MAGING MAPAGBANTAY KUNG MAY PANGAABUSO SA BANAL NA EUKARISTIYA AT KUNG MAY MAKITA AY IPAGBIGAY ALAM SA KURA PAROKO.

Sana’y kahit papaano’y magkaroon tayo ng pangunawa kung gaano kabanal sa ating paniniwala ang EUKARISTIYA, Si Hesus SA OSTIYA upang sa susunod na tayo ay magsimba, tayo ay handa sa isip, sa salita at sa gawa. Tayo ay handa espiritwal at pisikal. Bagamat hindi tayo karapat-dapat na magpatuloy sa Kanya, ang grasya at awa ng Diyos ay dadaloy sa atin. Amen.

Want your practice to be the top-listed Clinic in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Website

Address


478 Elcano Street Binondo
Manila
1006
Other Funeral Services in Manila (show all)
St. Peter Life Plan and Memorial Services St. Peter Life Plan and Memorial Services
Manila

Dapat bawat pamilyang Filipino ay; MANIGURADO BE PRACTICAL ! BE OPEN-MINDED ! MAGING HANDA !

Loyola Memorial Parks and Cemetery By Analyn Bonaobra Loyola Memorial Parks and Cemetery By Analyn Bonaobra
Antipolo And Marikina
Manila, 0000

Memorial Park in Antipolo

Ang Praktikal Sa Kamatayan - St. Peter Life Plan and Chapel San Juan Branch Ang Praktikal Sa Kamatayan - St. Peter Life Plan and Chapel San Juan Branch
Manila

A Pre-Need plan memorial services to the Filipino public and has recently diversified into modern cr

Columbario De STA. ANA Columbario De STA. ANA
OUR LADY OF THE ABANDONED CHRUCH, NEW PANADEROS Street
Manila, 1630

COLUMBARIUM., in Our Lady of Abandoned Church, Sta. Ana, Manila Columbarium is maintained to repose

St. Peter Life Plans Agent - Shi St. Peter Life Plans Agent - Shi
Manila, 1008

St. Peter Life Plan, Inc. is a Pre-Need DeathCare Company that offers affordable traditional memoria

St. Peter Life plan - Sales agent Hiring St. Peter Life plan - Sales agent Hiring
Manila

Nawa’y lahat ng pamilya ay may St. Peter Life plan! We all deserve a decent funeral/memorial service.

Manila Memorial Park Promo Manila Memorial Park Promo
4590 V. Francisco Street
Manila, 1016

MEMORIAL LOT & CREMATORIUM

St.Peter Life Plan Inc. SA2 Tess St.Peter Life Plan Inc. SA2 Tess
Labores Ext Pandacan
Manila, 1011

helping people to have a peace of mind with a minimum amount of investment

Akhirah Janazah Kit Akhirah Janazah Kit
Manila

Janazah Kit with Free Janazah Manual (Booklet) in Filipino Language

Lot's Funeral Flowers and Services Lot's Funeral Flowers and Services
Manila

Lot's Funeral Flowers and Services wants to extend sympathy for your lost. May the soul of your loved one rest in peace.