Volleybukids
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Volleybukids, Sport & recreation, Sitio Paliparan, Morong.
EIGHT TEAMS advance to the SEMI-FINAL MATCH.
Let us support these teams as they play for their slot in the Finals.
Sino ang mananaig? Sino ang 'di magpapadaig?
MATATAG KAYA 'DI NATIBAG! ππΎ
Sa pagdaan ng mga araw, pa-tindi nang pa-tindi ang laro sa panig ng 12 koponan sa bukid. Narito ang mga manlalarong naging susi upang magtagumpay ang kani-kanilang koponan sa pag-usad nila papalapit sa kampeyanto.
Sino'ng koponan nga ba ang patuloy na aarangkada? Abangan, dito lamang iyan Bukid Cup 2023!
Sino ang mananaig? Sino ang 'di padadaig?
Road to Batang Pinoy and PNVF. (Team.Province of Bataan)
Pagpupugay sa ating mga manlalaro sa bukid na nagpamalas ng kani-kanilang talento sa paglalaro ng volleyball. Matayog nilang iwinagayway ang bandera ng mga taga-bukid sa katatapos lamang na Team Bataan Try-out na ginanap sa Hermosa Elementary School ngayong May 12, 2023 (Biyernes).
Tunay ngang walang imposible sa pagkamit ng mga pangarap. Walang makaka-hadlang sa batang may puso sa laro, may pananampalataya sa Panginoon at may tapang at dedikasyon upang maging katotohanan ang pangarap na kanilang inaasam-asam.
Salamat sainyong pakiki-isa:
1. Yhuan Miguel OΓ±ate
2. Joshua Apuyan
3. Roldan Delos Santos
4. Cy Perez
5. John Matthew Dalupirit
6. Sean Andrei Vistan
7. Angelo Mostoles
Samantala, binabati namin kayo:
β’ Under-15 Boys Category:
1. Weslie Angeles
2. John Christopher Aquino
3. Jessie Carting
4. Arnel Diwa Jr.
β’ Under-17 Boys Category:
1. Renz Janbert Paguio
2. Raycien Percia
Mga taga bukid, ngayon, tayo naman! ππΎ
SA MANLULUPIG 'DI SILA NAGPASIIL! ππΎ
PAGPUPUGAY! Narito ang mga manlalarong nagpamalas ng kani-kanilang aking husay sa pagsisimula ng Bukid Cup 2023.
Ating suportahan ang mga batang-atleta sa kanilang paglalakbay pa-tungo sa kampeyonato rito lamang iyan sa Bukid Cup!
Sino ang mananaig? Sino ang 'di magpapadaig?
KAMPIHAN NA!
Kaninong koponan kaya aayon si Bathala?
Suportahan ang bawat batang manlalaro ng balibol sa kauna-unahang Bukid Cup 2023.
Sino'ng mananaig? Sino'ng 'di magpapadaig?
MAGTULUNGAN PARA SA SITIO KANAWAN! π
"No amount of donation is big or small, as it can help them in some way."
Ating suportahan ang Tiger Cub mula sa Sitio Paliparan at pride ng ating bayan!
Let's go, Kuya John Cris Aquino Galicia ! ππΎ
Let's go, UST BVT! ππ
[ BOY'S VOLLEYBALL]
BATTLE FOR TWICE TO BEAT - WIN IT WITH NO FEAR!π―
MAGIC BUNOT for today's match.
PAGBATI! UST Junior Tiger Spikers sainyong pagka-panalo kontra National University Bullpups.
Pagtungtong nga ng 4 set ay ipinasok si number 7 (Bot Galicia) ng kaniyang Coach at hindi niya naman ito binigo nang magpamalas siya ng kaniyang husay sa laro.
Binabati ka namin, Bot! Ang iyong husay na ipinakita sa laro ay naka-tulong upang makamit ninyo ang tagumpay.
Bot, isa-isa lang...dahan-dahan lang.
Captured by: Matthew Vincent V. Vital (The Varsitarian)
"Sa huli, wagi pa rin ang Athletang may puso't dedikasyon sa laro."
PAGPUPUGAY! Sa mga manlalaro mula sa Sitio Paliparan Volleybukids na nagpamalas ng kani-kanilang husay sa larangan ng isports, ang volleyball.
Buong tapang silang kumatawan sa kanilang koponan para sa kanilang sintang paaralan ang Morong National High School sa nagdaang Palarong Pampaaralan na ginanap sa Dinalupihan, Bataan noong Pebrero 8-10 sa taong kasalukuyan.
Binabati namin kayo, Volleybukids!
Ipinagmamalaki namin kayo:
Secondary Volleyball Girls:
1. Galicia, Catherine A.
2. Galicia, Cathy A.
3. Galicia, Katlyn Ann A.
4. Sonajo, Cazbhel Joy A.
Secondary Volleyball Boys:
1. Angeles, Weslie R.
2. Aquino, John Christopher S.
3. Mostoles, Angelo L.
4. Paguio, Renz Janbert D.
Mabuhay kayo!
Pagpapalain kayo ng ating Panginoon.
Ang Pride ng mga taga-bukid, John Cris Aquino Galicia !
God bless sainyong koponan UST Boys para sa parating na UAAP Juniors' Volleyball.
"Malayo pa pero malayo kana."
Tila ba blangkong papel ang iyong kaisipan nang magtungo ka sa Maynila,
mga ugong ng saksayan sa lansangan at naglalakihang gusali ang palagi mong nakikita.
Malayo sa kinagisnan mong kalabaw at bukid,
sa gabi-gabi ikaw ay tumatangis ngunit 'di ito naging balakid.
Nagduda man sila sa kakayahan mo noong una,
pinatunayan mong mali sila.
Dahil pinili ka, pinili ka ng UST.
Sa iyong espesyal na araw ang iyong pamilya't mga kalaro at koponan mula sa Sitio Paliparan Volleybukids ay bumabati saiyo ng isang "Maligayang kaarawan!"
Pagpapalain ka ng ating Panginoon, John Cris Aquino Galicia "Bot-Bot" !
"Sana po makapaglaro ako sa bukid n'yo."
Maraming salamat Multi-awarded NCAA Athlete from MAPUA University Ben "Barbie" San Andres. πβ€
Kita-kita sa po rito bukid! ππΎπ€
"Once a Volleybukid, always a Volleybukid." π―
Sa bukid na kaniyang naging unang tahanan, bumalik siya at onti-onting ibinahagi ang kaniyang mga nalalaman. ππΎ
Mag-iingat ka sa'yong muling pagluwas, Kuya John Cris Aquino Galicia . Ang miyembro ng Sitio Paliparan Volleybukids na ngayon ay kasalakuyang manlalaro at ka-bahagi ng UST Boys Volleyball Team. Padayon 'Bot! ππβοΈ
Ang tunay na diwa ng Pasko ay pagmamahalan at pagbibigayan. Kaya naman, mula sa aming kopononan nais namin kayong batiin ng isang "Maligayang Kapaskuhan!" Sa Panginoon ang lahat ng pasasalamat at papuri. ππΎβοΈ
December 15, 2020 nang sama-samang itinayo, linisin at gawin ng mga kabataan ng Sitio Paliparan ang Volleybukids court.
Sino'ng mag-aakala na ang volleyball court sa gitna ng bukid ang magiging daan upang magkaroon ng pagkakataong makatungtong ang ilang sikat na PVL players, kilalang Volleyball players at Coaches mula sa Bataan at magsagawa rito ng volleyball clinic.
Patunay na pagiging isang balibolista ay 'di lamang nakikita sa kung paano maglaro sa court ang isang manlalaro kung hindi ay kung paano siya makakapagbigay ng inspirasyon at liwanag ng pag-asa para sa kanyang kapwa.
Mabuhay ang mga kabataan ng Sitio Paliparan!
Pagpapalain ng Panginoon ang Volleybukids. ππΎπ
Pinatunayan ng Sitio Paliparan Volleybukids na "May Volleyball sa Morong".
Ang aming Volleyball community ay lumahok sa Araw ng Pasasalamat One Day League na inilunsad ng Spike and Serve Philippines Inc. noong December 11, 2022 sa One Arena Cainta sa lalawigan ng Rizal.
Ang mga sumusunod na kategorya ay nakapag-uwi ang aming koponan ng karangalan:
β’ Womens Volleyball Junior Division-Champion
β’ Mens Volleyball Junior Division- Silver medalist
β’ Mens Volleyball Coaches Division- Silver medalist
Samantala, hinirang naman ang mga sumusunod na manlalaro bilang Most Valuable Player:
β’ Emmanuel Mostoles - Coaches Division MVP
β’ John Christopher "John-John" Aquino- Junior Boys MVP
β’ Cazbhel Joy "Aquino" -Junior Girls MVP
Sa likod ng nakamit nating tagumpay, nais naming taos-pusong pasalamatan ang mga taong nagbahagi ng kanilang mga puso at resources, ang ating mga Sponsors. Ang Volleybukids Community ay nakalikom ng mga sumusunod na halaga sa mga isinagawang aktibidad para sa Donation Drive, na ginamit sa transportasyon, pagkain at uniporme.
1. Gcash Donation Drive (Bring Home The Crown Sitio Paliparan) - 24, 012.00
2. Door to door solicitation - 8, 150.00
3. Two days Carolling -2, 280.00
Total: 34, 442.00
Ang tagumpay ng isa ay tagumpay ng lahat! Ito ay patunay na walang 'di kayang gawin nang mag-isa kung hindi nang magkakasama.
Muli po, marami pong salamat!
Pagpapalain po tayo ng ating Panginoon.
"Nano" ang maliit ngunit malupit na Setter ng Sitio Paliparan Volleybukids. ππΎ
Halina at suportahan ang Sitio Paliparan-Sitio Hilltop Volleybukids! ππΎ
Handa na kaming makipagtagisan ng galing at tikas sa iba't-ibang koponan! βοΈ
One Big Roar para sa EspaΓ±a Kuya John Cris , ang pride ng Sitio Paliparan Volleybukids! πβοΈπ
God bless your game, Kuya Bot! Ipinagmamalaki ka namin. ππ
U-S-T LETβS GO FIGHT! π―
Let us show our support for our Junior Tiger Spikers as they compete in the LGR Power Volleyball League Semi-Finals against NU-B this coming Sunday (Nov. 27, 22) 4:00 PM at Gatorade Hoops Center (Shaw Blvd. Mandaluyong City)
Bring Home The Crown, Sitio Paliparan! ππΎ
Mapagpalang araw po!
Kami, ang Sitio Paliparan Volleybukids ay inaanyayaang lumahok sa Araw ng Pasasalamat sa darating na December 11, 2022 na lalahukan ng iba't-ibang volleyball communities sa panig ng bansa. Ito ay inorganisa ng Spike and Serve Philippines at gaganapin sa bayan ng Cainta, lalawigan ng Rizal.
Ang mga pangunahing pangangailan tulad na lamang ng transportasyon, pagkain, uniporme at iba pang kagamitang panglaro ay malaking hamon para sa aming koponan.
Kaya naman, ang aming Volleyball community at kumakatok sainyong mga busilak na kalooban nang sagayon ay matugunan ang aming pangangailangan upang kami ay maka-sali sa nasabing patimpalak.
Sa mga nais pong tumulong narito po ang Gcash account na maaari ninyo pong paglagakan ng tulong pinans'yal.
Gcash account name: Peter Paul B. Aquino
Gcash number: 09776967994
Inaasahan po namin ang inyong pakiki-isa at pagtugon.
Maraming salamat po! π€
Pagpapalain po tayo ng ating Panginoon! β€π
LOOK: Our very own Volleybukid John Cris, also known as "Bot-Bot", during the ALAB Welcome Walk 2022 held at the University of Santo Tomas.
God bless your journey Bot! Ipinagmamalaki ka namin.
Iiyak sa umpisa, tatahan at lalaban hangang dulo.
Noong Mayo nagulat ang lahat nang tuluyan tayong iwanan ni Kuya mo. Siya ang naging dahilan kung bakit pinagpatuloy mong magtyaga sa paglalaro at pag-eensayo ng volleyball.
Ngunit ngayon, pinatunayan mo na gaano man kalungkot at ka-sakit ang bagay na dinanas natin. Hindi man natin ibabalik ang mga sandali na kasama siya, alam kong nada tabi mo siya palagi. Ginagabayan tayo sa bagay hakbang na sabay-sabay nating tinatahak.
Sa pagtatapos ng taong ito, baunin mo ang bawat leksyon na natutunan mo. Ipinagmamalaki kita Joel dahil ikaw ang patunay na isa kang tunay at tatak Sitio Paliparan Volleybukids ππΎ.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Category
Telephone
Website
Address
Sitio Paliparan
Morong
2108
San Guillermo
Morong, 1960
Morong Nordic Sports Club is a grassroots club that provides alternative sports in Morong, Rizal province, recreationally and competitively: - rollerski, cross-country, and soon b...
Morong, 1960
sana magustuhan nyo ung mga musika na ibinabahagi ko sa inyo maraming salamat po sa pag suporta
BERNABE II Brgy Binaritan Morong Bataan
Morong, 2108
Garchitorena's place is a place where you can relax, swim ,play billiards while enjoying fresh mountain air, scenic mountain views.
Morong, 2108
FunPlayBuild is a Team Building & Workshop Facilitator that can handle a large number of group with 10 or more challenging actives. Relax and Play with us!
Brgy.Poblacion
Morong, 2109
2 storey house w/ 3bedrooms.Beach front location cottege and swimming pools.Can accommodate 15-20 person..Privacy,Quite and comfortable vacation.