John Rey Tiangco

This is the Official Facebook Fanpage of Navotas City Mayor John Rey Tiangco

Photos from John Rey Tiangco's post 24/09/2024

Binisita po natin ang pamamahagi ng Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa mga rehistradong Navoteño PWDs. Bawat isa po sa kanila ay nakatanggap ng P3,000.

Maraming salamat po, President Bongbong Marcos at House Speaker Martin Romualdez para sa programang ito.

May susunod pa pong batch ng PWDs na mabibigyan ng ayuda. Antabayanan lang po ang anunsyo.

23/09/2024

Happy Kainang Pamilya Mahalaga Day!

Importante ang bonding, quality time, at masayang usapan tuwing sabay-sabay na kumakain ang pamilya. Mas nagpapatibay ito ng relasyon ng bawat isa.

Photos from John Rey Tiangco's post 23/09/2024

Pumirma po tayo ng Memorandum of Understanding kasama ang DSWD NCR para sa paglulunsad ng Project RESOLVE sa ating lungsod.

Sa tulong ng web-based app na ito ay mas mapapabilis ang ating pag-responde sa mga panahon ng kalamidad. Makakatanggap din ng notification bago at kung may nagaganap na emergency o sakuna. Maaari ring ma-access mula rito ang mga balita tungkol sa mga serbisyo at programa ng DSWD-NCR.

23/09/2024

Masayang araw ng Lunes sa ating lahat!

Muli tayong magsama-sama sa pagtalakay ng mga latest happenings sa ating lungsod. I-comment po ang inyong mga tanong at i-share ang ating FB Live para mas marami ang maging updated at makasali sa ating usapan.

22/09/2024

Omcm 📚😴📝

21/09/2024

Congrats sa 721 nating graduates sa Navotas Polytechnic College! 7 po sa kanila ang magna, at 39 ang cm laude.

Masayang-masaya po tayo sa tagumpay ng ating mga estudyante at bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap, makatatanggap sila ng P1,500 na graduation incentive at P3,000 AKAP para makatulong sa kanilang paghahanap ng trabaho.

Muli, congrats at God bless, NCPians!

Photos from John Rey Tiangco's post 21/09/2024

Honoring, loving, and missing you always, Papa.

20/09/2024

Sama-sama po tayo sa paglilinis ng ating lungsod. Gawing habit ang tamang pagbubukod ng basura, iwasan ang pagtapon ng basura kung saan-saan, at panatilihin ang kalinisan at kaligtasan ng ating paligid.

Photos from John Rey Tiangco's post 20/09/2024

Bumisita po tayo sa pamamahagi ng ayuda para sa mga kababayan nating fisherfolk na naapektuhan ng nagdaang oil spill sa Bataan. Nasa 3,682 mga mangingisdang Navoteño ang nakatanggap ng P7,500 mula sa ating Pangulong Bongbong Marcos.

Maraming salamat po sa inyong malasakit sa mga Navoteño, President BBM!

19/09/2024

Payout po ngayon ng Batch 2 ng Handog ni Pangulong Bongbong Marcos na tulong para sa mga rehistradong mangingisdang Navoteño. P7,500 po ang kanilang matatanggap dahil mula P5,000 na naunang sinabi, dinagdagan ito ni President noong bumisita sya sa ating lungsod noong September 12.

Maraming, maraming salamat muli, President Bongbong!

18/09/2024

Paalala lamang po sa Batches 2-3 beneficiaries ng Handog ni Pangulong Bongbong Marcos na tulong para sa mga mangingisdang Navoteño. Hindi na po P5,000 kundi P7,500 na ang inyong matatanggap na ayuda.

Batch 2 payout
19 September 2024
NavotaAs Homes I-Tanza Court (Old Pabahay)
https://tinyurl.com/HandogBBM-B2

Batch 3 payout
20 September 2024
NavotaAs Homes I-Tanza Court (Old Pabahay)
https://tinyurl.com/HandogBBM-B3

Siguruhing madala ang sumusunod na dokumento at pumunta lamang sa schedule na nakalaan para sa inyo:
1. Original Fisherfolk ID
2. Original government-issued ID
3. Photocopies ng Fisherfolk ID at government-issued ID na may tatlong (3) pirma
4. NavoRehistro QR Code

Hindi po pinapayagan ang kinatawan kaya dapat personal na kukunin ng benepisyaryo ang kanyang ayuda.

Muli, nagpapasalamat po tayo kay President sa napakalaking tulong na inihandog niya sa mga Navoteño.

16/09/2024

Sa latest report ng PAGASA, nasa ilalim ng Signal No. 1 ang northern portion ng Metro Manila, kasama ang Navotas, dahil sa Bagyong . Alinsunod sa DepEd Order 37, automatic ang class suspension ngayong araw, 17 September 2024, sa kindergarten hanggang Grade 12 pati na ALS. Mag-ingat po tayo sa anumang sakuna.

16/09/2024

Masayang Lunes, mga Navoteño! 100 days na lang, Pasko na!
Magsama-sama po tayong muli sa ating lingguhang situationer para malaman ang latest updates sa ating lungsod.

I-comment ang inyong mga tanong at i-share ang link upang marami pang makabahagi sa ating usapan.

16/09/2024

100 days na lang. Siguruhing sa https://citizen.navotas.gov.ph kung ikaw ay nakatira sa Navotas!

14/09/2024

Start na po ng libreng sports clinic sa basketball, volleyball, at dance. Katuwang natin dito ang UST Institute of Physical Education and Athletics.

Nasa 141 na mga kabataang Navoteno ang kasali sa Batch 2. Hangad nating mahasa pa ang kanilang galing sa sports, at mahubog sa kanila ang magagandang values tulad ng disiplina, sportsmanship, at iba pa.

14/09/2024

Katuwang ang San Miguel Corporation, nililinis po natin ngayon ang Tanza Marine Tree Park dahil napuno ito ng basura pagkatapos ng Bagyong .

Sa September 21, may International Coastal Clean up din po tayo sa coastal d**e sa Brgy. BBN. Makiisa po tayo!

13/09/2024

Maghanda po.

13/09/2024

Kasabay ng kaarawan ni President Bongbong Marcos, ipinamamahagi rin po ang kanyang P5,000 na Ayuda para sa Kapos ang Kita Program (AKAP) sa 1,000 nating rehistradong PWD.

Makatatanggap naman ng P3,000 ang 1,381 na PWDs na qualified din sa programa.

Muli, maraming salamat at happy birthday, President !

Photos from John Rey Tiangco's post 12/09/2024

Lubos po tayong nagpapasalamat kay President Bongbong Marcos sa kanyang pagbisita at pamamahagi ng ayuda sa 3,682 na mga kababayan nating fisherfolk. Imbes na tayo ang magbigay ng birthday gift sa kanya, tayo pa ang binigyan niya ng tulong, at personal pa siyang bumisita sa atin. Bukod dito, nagpapasalamat din tayo sa kanyang agarang pag-aksyon para maayos ang ating floodgate.

Taos-puso po tayong nagpapasalamat sa pagmamalasakit ni Pangulong BBM sa Navotas. Wish po namin sa inyong kaarawan ang patuloy na kalusugan at karunugan upang pangunahan ang ating bansa.

12/09/2024

President Ferdinand R. Marcos Jr. leads the distribution of assistance to fisherfolk and families affected by the oil spill in Bataan last July as he conducts a visit to Navotas City on September 12, 2024.

The President hands over financial aid to 10 select beneficiaries from the City and turns over a cheque worth PhP43.415 million to the City Government of Navotas.

Likewise, the Office of House Speaker Ferdinand Martin Romualdez distributes 10 kilos of rice to each attendee in today’s program at the Navotas Sports Complex.

Though Navotas has been spared from the oil spill caused by the sunken MTKR Terranova off Limay in Bataan last July, fisherfolk from the City have been suffering from low farmgate prices due to the oil spill scare. A few days after the oil tanker capsized, the Philippine Coast Guard (PCG) installed an oil spill boom at the entrance of the Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) floodgates in Barangay Tanza Uno, Navotas City as a preventive measure.

Photos from John Rey Tiangco's post 11/09/2024

Para sa Navoteño business owners na nais mag-apply ng environmental compliance permits, nasa ating lungsod ang EMB-NCR Permitting On Wheels for Environmental Regulations o EMPOWER. On-the-spot ang assistance mula sa mga kawani ng DENR kaya mas madali na ang pag-proseso sa mga kailangan ninyong dokumento.

Ang ating lungsod ang unang dinayo ng EMB-NCR at hanggang bukas na lang po ito, kaya naman , punta na sa Navotas City Hall Lobby.

11/09/2024

May handog na P5,000 ayuda si Pangulong Bongbong Marcos para sa mga rehistradong mangingisdang Navoteno!

Narito ang listahan ng mga benepisyaryo, at schedule, at venue ng payout:

Batch 1
12 September 2024, 6am
Navotas Sports Complex
https://tinyurl.com/HandogBBM-B1

Batch 2
19 September 2024
NavotaAs Homes I-Tanza Court (Old Pabahay)
https://tinyurl.com/HandogBBM-B2

Batch 3
20 September 2024
NavotaAs Homes I-Tanza Court (Old Pabahay)
https://tinyurl.com/HandogBBM-B3

Dalhin ang sumusunod:
1. Original Fisherfolk ID
2. Original government-issued ID
3. Photocopies ng Fisherfolk ID at government-issued ID na may tatlong (3) pirma
4. NavoRehistro QR Code

Dapat personal na kukunin ng benepisyaryo ang kanyang ayuda. Hindi po pinapayagan ang kinatawan.

Lubos po tayong nagpapasalamat kay Pangulong Bongbong sa kanyang pagmamahal at pagmamalasakit sa mga Navoteno. Tunay na sa Bagong Pilipinas, Saya ALL!

09/09/2024

Malugod po nating tinanggap ang 11 units ng laundry equipment mula sa Sharp Philippines. Malaking tulong po ang mga equipment na ito hindi lamang sa evacuation centers natin tuwing may sakuna kundi maging sa iba pang pasilidad ng ating pamahalaang lungsod. Maraming salamat po!

Congratulations, Sharp, for locally producing 11 million units of washing machines!

09/09/2024

Happy Monday, Navoteños!

Makulimlim po ang panahon pero patuloy na magiging maliwanag ang ating usapan ngayong Lunes kaya tune-in na po sa ating weekly situationer.

Paki-share po sa lahat ng inyong FB friends na Navoteño para lahat tayo ay updated sa mga na mga proyekto, programa, aktibidad, at serbisyo ng pamahalaang lungsod.

08/09/2024

Kasabay ng pagdiriwang natin ng Kapistahan ng Kapanganakan ng Mahal na Birheng Maria, taimtim rin nating ipanalangin ang kalakasan ng bawat isa at kaayusan sa ating lungsod. Sama-sama po nating hilingin ang patuloy niyang pagyakap at pag-akay sa atin patungo sa buhay na kasiya-siya sa kanyang anak na si Hesus.

Photos from John Rey Tiangco's post 07/09/2024

Sa meeting po kahapon sa MMDA, pinag-usapan ang mga guidelines at protocols na susundin ng mga bangka at barkong dadaan sa navigational gate. Kailangan ito para maiwasan na ang mga insidente ng pagkabangga sa floodgate at pagkasira nito na nagdulot ng malawakang pagbaha sa ating lungsod at sa Malabon.

Tuloy-tuloy naman ang assessment ng DPWH sa sira ng floodgate para mapanagot ang nakabangga rito.

07/09/2024

May handog pong P29 per kilo na bigas ngayon sa San Roque Barangay Hall. Bili na po kung kayo o ang kapamilya nyo ay 4Ps, senior, PWD, o solo parent. Dalhin lang ang ID.

Photos from John Rey Tiangco's post 06/09/2024

Maraming salamat, Gellie Pablo, sa pagbisita! Suportahan po natin ang ating kapwa Navoteño sa kanyang pagsali sa Tomboy Philippines 2024.

Good luck, Gellie!

Photos from John Rey Tiangco's post 06/09/2024

Congratulations, YuRi Verdadero ng Brgy. Tangos South, ang itinanghal na First Runner-up sa 3rd Regional PWD Got Talent ng Regional Council for Disability Affairs – NCR!

Patuloy mong linangin ang iyong talento sa pag-awit at maging inspirasyon hindi lamang ng iba pang PWD kundi ng lahat ng ating mga kapwa Navoteño.

05/09/2024

At last, bumuti na po ang panahon kaya MAY PASOK na po ang ating mga mag-aaral ngayong araw, 6 September 2024.

Mag-aral po nang mabuti!

Want your organization to be the top-listed Government Service in Navotas?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Alagaan natin ang bawat pamilyang Navoteño at patuloy nating sikapin na mapataas pa ang kalidad ng kanilang buhay. #Kain...
Navotas Situationer, September 9, 2024
Congrats sa 721 nating graduates sa Navotas Polytechnic College! 7 po sa kanila ang magna, at 39 ang cum laude. Masayang...
International Coastal Cleanup 2024
Batch 2 payout for BBM's cash aid to fisherfolk
Theme song ngayong araw…
Navotas Situationer, September 16, 2024
UST Sports Clinic Batch 2
Clean Up at Tanza Marine Tree Park
Kasabay ng kaarawan ni President Bongbong Marcos, ipinamamahagi rin po ang kanyang P5,000 na Ayuda para sa Kapos ang Kit...
Happy birthday po, President Bongbong Marcos, at maraming salamat sa tulong n’yo para sa mga Navoteño! May you be blesse...

Category

Telephone

Address


M. Naval Street
Navotas
1485
Other Public Services in Navotas (show all)
CAV's Premium Accounts CAV's Premium Accounts
168 B. Cruz Street Tangos North, Navotas City
Navotas, 1489

MALasakit MALasakit
FDR 2 Tres Bagong Kalsada Daanghari Navotas City
Navotas

Public servant

Kagawad Malou Gando Kagawad Malou Gando
Navotas

Public servant Kagawad of Brgy. Dagat-dagatan, Navotas City

Josemarie "oweng" Tongco Josemarie "oweng" Tongco
Bagumbayan South
Navotas, 1485

public service

Migs Castro Migs Castro
Barangay San Jose
Navotas

Official page of Jose Miguel "Migs" Castro |

KAPP AMOR Prades KAPP AMOR Prades
NBBN
Navotas

Alagang INA, P�SONG Mapagkalinga.

Romy Manalo Romy Manalo
Brgy. NBBS Kaunlaran
Navotas, 1485

Official page of Brgy. North Bay Blvd. South - Kaunlaran Punong Barangay Romy Manalo

Aldrin “Aeen” Lupisan Aldrin “Aeen” Lupisan
Tanza 1
Navotas, 1490

TANZA 1, NAVOTAS CITY

SK FORDA Youth - Brgy. NBBN SK FORDA Youth - Brgy. NBBN
North Bay Boulevard North
Navotas, 1485

Feasible, Obtainable, and Reliable Development that is Accessible for the Youth

Sangguniang Kabataan - Brgy. Sipac Almacen Sangguniang Kabataan - Brgy. Sipac Almacen
Sipac-Almacen
Navotas, 1409

ᴏꜰꜰɪᴄɪᴀʟ ꜰᴀᴄᴇʙᴏᴏᴋ ᴘᴀɢᴇ ᴏꜰ ꜱᴀɴɢɢᴜɴɪᴀɴɢ ᴋᴀʙᴀᴛᴀᴀɴ ɴɢ ʙʀɢʏ. ꜱɪᴘᴀᴄ-ᴀʟᴍᴀᴄᴇɴ 𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐒𝐄𝐑𝐕𝐀𝐍𝐓

Edwin "Magno" Cruz Edwin "Magno" Cruz
Brgy. Daanghari
Navotas

Kagawad Richard Rosales Kagawad Richard Rosales
Blk. 1 Lot. 3 Cattleya Street Nbbs Proper
Navotas, 1485

Kagawad Richard Rosales Official page @ your service!❤️💚