Ka Luring Franco

Ang page na nagtatala ng kasaysayan ng buhay at bokasyon ni Laurena "Ka Luring" Franco. It

Photos from St. Michael Parish Hagonoy Taguig's post 17/10/2023

Nag alay ng isang Banal na Misa ang mga pamilya at kaibigan ni Ka Luring Franco sa St. Michael Parish Hagonoy Taguig, sa pangunguna ng kura paroko na si Reb. Padre Robi Okol. Ito ay paggunita sa ika 12 na taon ng pagkamatay ni Ka Luring Franco.

Ka Luring Franco, ipamagitan mo kami sa Diyos!

Photos from St. Michael Parish Hagonoy Taguig's post 17/10/2023

Kaninang umaga ay binasbasan ng Kura Paroko ng St St. Michael Parish Hagonoy Taguig, na si Reb. Padre Robi Okol and libingan ni Ka Luring Franco.

Ginugunita natin ang ika-12 na taong anibersaryo ng pagpanaw ni Ka Luring ngayong araw.

16/10/2023

Sa darating na Ika-17 ng Oktubre ay ating aalahanin ang Ika-12 taon ng Pagpanaw sa daigdig ni Laureana “Ka Luring” Franco

Ang Pagbabasbas ng kanyang puntod ay sa ganap na Ika 8:00 ng umaga, Magkakaroon din ng pagrorosaryo at pagdarasal sa kaluluwa sa ganap na Ika 5:00 ng hapon sa ating Parokya.

Ang Banal na Misa sa ating Parokya ay sa ganap na Ika- 6:00 ng gabi.

Ka Luring, ipamagitan mo kami sa Diyos!

Sa darating na Ika-17 ng Oktubre ay ating aalahanin ang Ika-12 taon ng Pagpanaw sa daigdig ni Laureana “Ka Luring” Franco

Ang Pagbabasbas ng kanyang puntod ay sa ganap na Ika 8:00 ng umaga, Magkakaroon din ng pagrorosaryo at pagdarasal sa kaluluwa sa ganap na Ika 5:00 ng hapon sa ating Parokya.

Ang Banal na Misa sa ating Parokya ay sa ganap na Ika- 6:00 ng gabi.

Ka Luring, ipamagitan mo kami sa Diyos!

16/10/2023

SALAMAT KA LURING
PATAWAD KA LURING

Homiliya sa Misa ng Paglilibing kay Laureana "Ka Luring" Franco.

Salamat Ka Luring sapagkat…

Marami kaming nagugutom sa presensya ng Diyos.
Sa pamamagitan ng iyong payak na pagsasaksi - binusog mo ang mga kalooban naming nagpakabusog sa aming pagkamakasarili, pagkamakamundo, pagkamapagmataas.

Pinakita mo sa amin na si Hesus sa Eukaristiya – ang Tinapay ng Buhay ang siyang tanging makabubusog sa amin.

Marami rin kaming nauuhaw sa Salita ng Diyos.
Sa pamamagitan ng iyong pagiging mabuti, masipag, at dedikadong katekista ay ginamit ka ng Panginoon para pawiin ang pagkauhaw namin kay Hesus na kalimitan ay pinupunan namin sa maraming pamatid-uhaw katulad ng kayamanan, kapangyarihan at marami pang kasarapan sa buhay na nagdudulot ng panandaliang ligaya lamang.

Pinakita mo sa amin na si Hesus ang Salita ng Diyos ang tanging papawi sa pagkauhaw ng kaluluwa namin sa Poong Maykapal na tanging kaligtasan namin.
Marami kaming nahubaran ng dignidad bilang anak ng Diyos dala ng aming mga kasalanan. Sa pamamagitan ng mga naituro mo sa salita at gawa, kami’y nadamitang muli ng dignidad ng pagiging Kristiyano.

Sa iyong pangangaral, namulatan kami na ang liwanag ni Kristo ang dapat magningning sa aming pag-uugali at pagkakawanggawa sa mga nangangailangan lalo na ang mga dukha.

Marami kaming nasaktan ang kalooban dala ng hidwaan, di-pagkakasundo at alitan sa pamilya at pamayanan. Naging instrumento ka ng paghihilom ng maraming sugatang puso – di lamang sa iyong pangangaral kundi lalo na sa iyong mga panalangin at sakripisyo. Sa pamamagitan mo, kaming may mga sakit sa kalooban dala ng sama ng loob at pagtatanim ng galit ay natututong magpatawad, maghilom at makipagkasundo.

Marami sa amin ay parang mga dayuhang hindi mo kilala. Nagpakilala ka na simpleng katekista, lingkod ng parokya, at katuwang ng pari sa paglilingkod sa simbahan. Pinatuloy mo kami sa puso ng Panginoon, sa tahanan ng Diyos, upang doon maramdaman na kami’y minamahal at kailanma’y di pababayaan ng Diyos. Marami kaming parang bilanggo dala ng aming pagkakakulong sa mga bisyong nagdala sa amin sa kasalanan. Dinalaw mo kami at sa simpleng ngiti at mas madalas na katahimikan ay naramdaman namin ang dalaw ni Hesus na pinaparamdam na mahalaga kami at di-dapat mawalan ng pag-asa sa buhay.
Katambal ng Pasasalamat ay ang paghingi rin ng tawad.

Patawad sa mga pagkakataong naramdaman mong ika’y kaawa-awang nanlilimos para sa maraming nangangailangan.

Patawad sa mga panahong ni hindi ka namin naalok ng makakain o maiinom, gayung alam naman naming nahahapo ka na rin sa paglilingkod mo bilang Katekista.

Patawad sa mga sandaling di na rin namin halos mapansin at nabalewala sa mga oras na ikaw ay kumakalampag sa amin at humihingi ng tulong para sa iba. Patawad sa aming mga pari, madre at katekistang nakasakit sa iyo, dala ng aming di pagiging mabuting saksi ni Kristo.

Patawad noong sa mga huling sandali ng iyong buhay, wala kami sa tabi mo para hawakan ang iyong mga kamay at maiparamdam sa iyo na hindi ka nag-iisa sa gitna ng matitinding kirot na nararamdaman mo sa nanghihina mong katawan.

Patawad dahil maaari na sa huling sandali ng iyong hininga – di ka man lang namin naisip, naalala o naipanalangin sa pagpasok mo sa dilim ng kamatayan at sa pagtawid mo sa buhay na walang hanggan.
Ka Loring, salamat at patawad – panalangin namin na balang araw – katulad mo – masabi sa amin ng Diyos.

“Halikayo, mga pinagpala ng aking Ama! Pumasok na kayo at manirahan sa kahariang inihanda ko para sa inyo mula pa nang likhain ang sanlibutan.”
Amen.

Bishop Mylo Hubert C. Vergara
Diocese of Pasig
October 22, 2011
St. Michael Parish, Hagonoy, Taguig City

Photos from Ka Luring Franco's post 13/10/2023

Nagkaroon ng isang panayam ang mga katekista sa Diyosesis ng Pasig patungkol sa buhay at kabanalan ni Ka Luring. Ito ay ginanap sa Tahanan ng Mabuting Pastol - Diocese of Pasig ngayong ika-13 ng Oktubre 2023 at pinamunuan ito ni Dr. Erickson Javier.

Maraming salamat sa ating Diocesan Catechetical Ministry sa inyong masayang pagtugon!

09/10/2023

Isa ang pagmamadre sa mga naging pangarap ni Ka Luring Franco ngunit mas tinawag siya sa ibang bokasyon, ang pagiging katekista.

02/10/2023

Mahalaga ang naging trabaho ni Ka Luring bilang switchboard operator. Isa siya sa mga tumatanggap at ang nag didirekta nga mga tawag mula sa iba't-ibang opisina at departamento sa VIllamor Airbase.

25/09/2023

Si Ka Luring ay nagturo sa mga pampublikong paaralan sa bayan ng Taguig.

18/09/2023

Si Ka Luring ay bininyagan sa Parokya ni Santa Ana, na nakakasakop noon sa Hagonoy, Taguig.




Photo Credits: Lumang Simbahan FB Page - Minor Basilica and Archdiocesan Shrine Parish of St. Anne - Taguig City

11/09/2023

Si Laureana Franco na mas kilala na Ka Luring ay ipinanganak sa Hagonoy sa Bayan ng Taguig.

(Ang litrato ay mula sa kapatid ni Ka Luring.)

11/09/2023

Magandang Umaga! I-like at i-follow ang page na ito para makita ang mga kaalaman tungkol kay Ka Luring Franco, isang Laiko at Katekista mula sa Hagonoy, Taguig.

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Pasig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Website

Address


Tahanan Ng Mabuting Pastol, C. Raymundo Avenue, Caniogan
Pasig
1602
Other Religious Organizations in Pasig (show all)
Greenhills Christian Fellowship - GCF Greenhills Christian Fellowship - GCF
Ruby Corner Garnet Roads, Ortigas Center
Pasig, 1605

Know Christ and Make Him Known • www.gcf.org.ph GCF Sunday Services: 10:00 AM (English) - Live On-S

FREED Youth Ministries FREED Youth Ministries
Pasig, 1550

Freed youth ministries exist to bring young people to an experience freedom in Christ, to lead them in worship, to unite them in one spirit, to mature them in their faith, giving t...

God's Vineyard Catholic Charismatic Community God's Vineyard Catholic Charismatic Community
Immaculate Conception Cathedral, Pasig City
Pasig, 1600

GV Mission: To bring people to a personal relationship with the Lord and make them doers of the word. All things for the glory of GOD!

Jezreel Baptist Church Jezreel Baptist Church
Bayabas Ext Napico Manggahan
Pasig, 1611

Flock of the Holy Spirit Flock of the Holy Spirit
Immaculate Conception Cathedral
Pasig, 1600

Flock of the Holy Spirit Catholic Charismatic Community

ICY.PH ICY.PH
Pasig

FIGHTING ~FAITHING

Lifegiver Santolan Pasig Lifegiver Santolan Pasig
76 E. STO. TOMAS EXT
Pasig, 1610

Mission Love God, Love People, and Make Disciple!

I.F.I Diocese of Laguna I.F.I Diocese of Laguna
Pasig, 4009

church

Ministry of Altar Servers Immaculate Conception Cathedral Pasig Ministry of Altar Servers Immaculate Conception Cathedral Pasig
Plaza Rizal, Malinao
Pasig

"Dedicated Servers of Christ and His Holy Church." The Official page of the Ministry of Altar Servers, Immaculate Conception Cathedral

One in Christ Sta.Rosa, Laguna One in Christ Sta.Rosa, Laguna
Market Place Sta. Rosa, Laguna
Pasig, 4026

Vision Statement: Reach the unreached. Mission Statement: Be blessed and be a blessing to others ...

Praise and Worship Praise and Worship
Blk. 1 Lot 15 Pagkalinawan Estacio
Pasig, 1600

God deserve Praise and Worship

The Hour of Three The Hour of Three
C. Raymundo Avenue , Barangay Maybunga
Pasig, 1607

At the Hour of Three is a program every Wednesday 3:00pm-4:00pm aired at " THE HOUR OF THREE PAGE".