RoadNews

RoadNews aims to deliver news and current events anytime and anywhere in the world.

09/07/2024

United Filipino Seafarers (UFS) Nagsampa ng Reklamo na Graft Plunder laban sa mga Opisyal ng MARINA SA OMBUDSMAN


RoadNews Buboi Guiron Patriarca Jr

09/07/2024

Mamayang gabi na ang awarding
KENNETH DAGATAN MANALO KAYA SA BUCHEON INTERNTIONAL FANTASTIC FILM

Mamayang 7 pm na ang awarding sa 28th Bucheon International Fantastic Film Festival (BIFAN) Network of Asian Fantastic Films (NAFF) It Project!,Manalo kaya ang Filipino filmmaker na si Kenneth Dagatan ("In My Mother's Skin") para sa kanyang film in development na "Molder" na co-production ng Pilipinas, Italy at Singapore? Gaganapin ang gabi ng parangal sa Webtoon Convergence Center sa Bucheon City! Narito ang aking panayam kay Kenneth Dagatan!
Ito po si Boy Villasanta, nag-uulat para sa RoadNews !

09/07/2024

ANG BATAM BATANG PINOY FILM MAKER SCHOLAR NGAYON SA BUCHEON

World-class talaga ang mga Pinoy at pinatutunayan muli ito si James Morados, isang batam batang filmmaker na lumikha ng short film na "Ang Pagliligtas sa Dalagang Bukid" na itinanghal sa 2022 Quezon City International Film Festival. Film scholar ngayon si James sa Fantastic Film School (FFS) ng 28th Bucheon International Fantastic Film Festival (BIFAN) sa Bucheon City, South Korea!
Marami nang na-produce na award-winning at sikat na ngayon na mha Pinoy filmmaker tulad nina Richard Soriano Legaspi, Arden Rod Condez, Kenneth Dagatan, David Corpuz at marami pang iba! Narito ang ating psnayam kay Jaime Morados!
Ito po si Boy Villasanta, nag-uulat para sa RoadNews

08/07/2024

PROTEST AGAINST PHILIPPINES-JAPAN RECIPROCAL ACCESS AGREEMENT
Japan embassy, Roxas Boulevard
Joint statement of bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) And Asia-Wide Campaign against U.S Japan domination and aggression of Asia (AawC-Japan)

RoadNews Buboi Guiron Patriarca Jr

08/07/2024

IKINUWENTO NI CORA YIM FILM PRODUCER ANG KANYANG KARANASAN SA CO-PRODUCTION

08/07/2024

Sa panahon na bagsak ang industriya ng pelikula kabilang sa Pilipinas, ano ang kahalagahan ng co-production sa paggawa ng pelikula sa daigdig. Ito ang tinalakay sa Made in Asia forum ng ika-28 Bucheon International Fantastic Film Festival (BIFAN) sa Bucheon City na ginanap sa Webtoon Convergence Center sa Bucheon City, South Korea! Narito ang ating intro sa programa!
Boy Villasanta para sa RoadNews

08/07/2024

'Pag 'di sumipot sa Senado...
ALICE GUO AARESTUHIN

MULING binalaan ni Senator Sherwin Gatchalian ang suspendidong mayor ng Bamban, Tarlac na maaaring maglabas ng warrant ang Senado para sa pag-aresto sa kanya kung muling iisnabin ang pagdinig ng Senado sa Hulyo 10 kaugnay sa ni-raid na POGO hub sa kanyang bayan.

Sinabi ni Gatchalian na mapipilitan ang Senado na patawan ng contempt ang dating mayor at padadalhan ito ng warrant of arrest.

Muling iginiit ni Gatchalian kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na dapat ipagbawal na ang Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa dahil pinag-uugatan lang ito ng iba't-ibang krimen. (Dindo Operario)

08/07/2024

Mga pelikula lang ba mula sa Hollywood ang magaganda? Siyempre, hindi. Maraming pelikula mula sa Asia, sa Europa at sa iba pang kontinente. Tulad na lamang nang mula sa Norway, Finland, Denmark at iba na kung tawagin ay Nordic! Nagpakita at nag-pitch ang Nordic genre (horror, fantasy, sci-fi, supernatural, thriller etc.) fi groups ng kanilang mga film development projects with matching trailers/ teasers at maihahambing din ang produksyon mga ito sa kabonggahan ng Hollywood, Hollywood o kahit ng iba pang Asian filmmaking capitals! Narito anh exclusive coverage namin ng Nordic genre pitchinh sa 28th Bucheon International Fantastic Film Festival (BIFAN), the largest, most advanced and game-changing festival dito sa Bucheon City, South Korea!
Boy Villasanta para sa RoadNews

08/07/2024

PINAKAMALAKI PINABAGO ANG GAME CHANGING FESTIVAL "BIFAN" SA BUCHEON NORHT KOREA

At sa pagpapatuloy po ng ating special exclusive coverage ng 28th Bucheon International Fantastic Film Festival (BIFAN), ang pinakamalaki, pinakabago at game-changing festival sa buong Asya, ano ang papel ng isang Indonesian filmmaker at TV artist sa pagsulong ng ugnayan ng Pilipinas at Indonesia sa pagpapaunlad ng industriya ng pandaigdig na pelikula.
May interbyu tayo mula sa Indonesian movie and TV director at producer na si Emilka ng MNC Media! Narito ang panayam natin kay Emilka na nag-aral ng Master of Business Administration mula sa University of Makati! Ito po si Boy Villasanta, nag-uulat mula sa 28th Bucheon International Fantastic Film Festival sa Bucheon City, South Korea para sa RoadNews !

07/07/2024

Ninakaw sa museo...
PAINTING NI FERNANDO AMORSOLO

NINAKAW ang isang obra ng National Artist na si Fernando Amorsolo mula sa isang museo sa Silay City, Negros Occidental noong Miyerkoles.

Humingi na ng tulong ang Hofileña Museum sa publiko para mahanap ang painting na "Mango Harvesters" na may sukat na 12x18 inches, at isa sa mga unang obra ni Amorsolo noong 1936.

Ayon kay city tourism officer Gerlie Sulmaca, nadiskubre ng isang tour guide na nawawala ang nasabing artwork.

Ayon nam sa hepe ng pulisya ng Silay, base sa kuha ng CCTV camera, isang babae at isang lalaki ang nakita umanong tumangay sa painting, at nakipag-ugnayan na umano sila sa Bacolod City Police Office (BCPO) para matunton ang mga suspek. (Galo Kintanar)

07/07/2024

RANDOLF ZAINI INDONESIAN FILM MAKER IN BIFAN, BUCHEON CITY, SOUTH KOREA the game changer...

Sa pagpapatuloy ng ating coverage sa 28th Bucheon International Fantastic Film Festival (BIFAN)--ang pinakamalaki, pinakabago, pinaka-matagumpay, pinaka-natatangi, pinaka-game chaging sa genre movies (horror, fantasy, sci-fi, thriller, supernatural etc.) sa buong Asya-- sa Bucheon City, South Korea! May isang Indonesian filmmaker, si Randolf Zaini, nagdirek ng "Nightmares and Daydreams," konsepto ng kilalang Indonesian filmmaker na si Joko Anwar para sa Netflix! Ano ang pakiramdam ng isang direktor na napapanood sa Netflix? Narito ang aminv panaysm kay Randolf Saini!
Ito po si Boy Villasanta, nag-uulat para sa RoadNews !

07/07/2024

Guevarra discussed the “P29 Rice Program” and other initiatives of the agency.
ASEC GENEVIEVE GUEVARRA DISCUSSED THE 29 PESOS RICE PROGRAM AND OTHER INITIATIVES OF THE AGENCY
Buboi Guiron Patriarca Jr para sa RoadNews

07/07/2024

Casio said it’s up to prosecutors to determine the merits of the human trafficking case the PAOCC filed against suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo while calls for the banning of Philippine Offshore Gaming Operators are best left to policymakers;

RoadNews Buboi Guiron Patriarca Jr

07/07/2024

Saturday News Forum, Dapo Restaurant 11 Sct Borromeo St., South Triangle, QC Latest developments on the West Philippine Sea, ️ PCG Commodore Jay Tarriela

Buboi Guiron Patriarca Jr para sa RoadNews

07/07/2024

ANG UNANG ARAW NI TITO BOY VILLASANTA SA BUCHEON SOUTH KOREA, para sa BIFAN


RoadNews RisingPinoy2.net Rising Philippines Bugsy's Sports Bar & Bistro

07/07/2024

28Th BIFAN BUNCHEON INTERNATIONAL FANTASTIC FILM FESTIVAL NG BUCHEON, SOUTH CITY, SOUTH KOREA

Ano ang laban ng 28th Bucheon International Fantastic Film Festival (BIFAN) ng Bucheon City, South Korea sa lakas at tindi ng dating ng K-pop? Nang magbukas ang 2024 BIFAN noong Huwebes, dumalo ang K-pop idol na si Son Ye-jin, ang bidang babae sa "Crash Landing on You," "The Last Princess," "The Truth Beneath" at marami pang ibang klasiko nang serye, Ayon sa mga taga-BIFAN, pinagkaguluhan si Son! Narito kami ngayon sa BIFAN at ibibigay nsmin sa inyo blow-by-blow ang mga kaganapan dito.
Ito po so Boy Villasanta, nag-uulat para sa RoadNews !

07/07/2024

TRIPLE THREATS NG CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPHINES

Pakingan at panoorin ang mga ginintuang tinig nina Carla Guevarra Laforteza, Shiela Valderrama Martinez at Tanya Manalang Atadero, ang tatlong Leading Ladies ng Philippine Musical Theater na magtatanghal, magpapatalbugan sa concert series na "Triple Threats" ng Cultural Center of the Philippines (CCP) sa magkakahiwalay na araw! Si Carla ay sa July 25, 2024; si Shiela ay sa October 17, 2024 at si Tanya ay sa December 12, 2024! Ang lahat ng show ay gagawin sa Tanghalang Ignacio Gimenez sa CCP grounds. Narito ang tatluhang tinig nina Carla, Shiela at Tanya! Ito po si Boy Villasanta, nag-uulat para sa RoadNews...

07/07/2024

Pagpilay sa Abu Sayyaf...
PBBM NAGPUGAY SA AFP

BUNGA ng matagumpay na paglaban at pag- neutralize sa Abu Sayyaf, binigyang pugay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang mga tauhan ng 11th Infantry Division sa Jolo, Sulu.

Sa talumpati ng Pangulo sa harap ng mga sundalo, sinabi niya na mababawasan na ang banta ng Abu Sayyaf sa lugar.

Kaya panawagan ni Marcos sa mga sundalo, huwag maging kampante dahil hindi pa tuluyang nasusugpo ang mga kalaban ng estado.

"I have to congratulate all of you who have worked to achieve this success, who have worked very hard and have made many sacrifices so that we can now say that the capabilities of the main threat, which is ASG, have been severely reduced," pahayag ng Pangulo.

Nangako naman ang Pangulo na tuloy ang suporta ng pamahalaan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para matiyak ang kapayapaan sa bansa lalo na papalapit na eleksiyon sa Bangsamoro Automous Region in Muslim Mindanao (BARMM). (Isagani Masallo)

07/07/2024

Kaysa mababang sahod sa Pinas...
PINOY SEAMEN MAS NAIS PANG MAHARAP SA PANGANIB

HIGIT pang gugustuhin ng mga OFW na seafarers ang ipakipagsapalaran ang kanilang buhay at maharap sa kamatayan sa Red Sea at Strait of Hormuz kaysa sa mababang pasahod sa Pilipinas.

Ayon kay Bohol 3rd District Rep. Kristine Alexei Besas Tutor, nakalulungkot man ay ito ang reyalidad sa kasalukuyan kung saan hindi alintana ng mga Pinoy seafarers kung maharap man sila sa panganib, magtamo ng matinding sugat at makidnap.

Ang Red Sea at Strait of Hormuz ang itinuturing ngayong danger zone sa karagatan ng Middle East kung saan target ng pag-atake ng missile ng mga Houthi rebels ang mga dayuhang barko na dumaraan sa lugar bilang bahagi naman ng 'sympathy attack' laban sa Israel na bumuwelta ng giyera laban sa Palestine. (Dindo Operario)

06/07/2024

CARLA GUEVARRA LAFORTEZA SA TANGHALANG IGNACIO GIMINEZ THEATER SA CCP

Paano titirahin ng isang babaing Filipina na singer ang napakahirap na kanta ni Al Jarreau na "Spain"? Kung kinn Gary Vakenciano Michael Laygo, mina-mani-mina lang nila ito, makakalusot ba ito sa isa sa mga Leading Lady ng Philippine Musical Theater na si Carla Guevarra Laforteza? Kakantahin ni Carla ang "Spain" sa kanyang concert na "Triple Threats" sa July 25, 2024 sa Tanghalang Ignacio Gimenez o ang Black Box Theater sa CCP Grounds sa Pasay City! Magtagumpay kaya siya? At ano ang papel ni Piolo Pascual sa kanyang show? Narito ang ating panayam kay Carla Guevarra Laforteza!
Ito po si Boy Villasanta, nag-uulat para sa RoadNews !

05/07/2024

RHENE IMPERIALS NAWALAN NG MILYON DAHIL SA PGTITIWAlLA

Nagkandaletse-letse ang mga pelikulang disin sana'y gagawin at ipoprodyus nang tuluyan ng action superhero na si Rhene Imperials dahil sa umano'y pagtitiwala sa mga tao! Milyun-milyong puso ang nasunog kay Rhene sa paggawa lamang ng mga teaser ng mga action movies na ibebenta niya sa Netflix at iba pang live streaming apps! Saan na pupunta ngayon si Imperial? Ano ang kanyang mga options? Narito ang panayam namin kay Rhene!
Ito oo si Boy Villasanta, nag-uulat para sa RoadNews !

05/07/2024

Katuparan ng pramis ni PBBM...
P27-B COVID ALLOWANCE NG HEALTH WORKERS INILABAS NA NG DBM

BILANG pagtupad sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabayaran na ng buo ang lahat ng unpaid arrears para sa Health Emergency Allowance (HEA) ng mga healthcare workers, inanunsiyo ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Amenah Pangandaman na ire-release ngayong araw ang P27 bilyon para sa naturang bayarin.

Ayon kay Pangandaman, inaasahan na mababayaran na ng buo ang lahat ng "unpaid arrears" na matagal ng inaantay ng ating mga kababayang nasa healthcare sector. (Galo Kintanar)

05/07/2024

AFP tatapatan...
PANGHA-HARASS NG CHINA SA WPS

SASAGUPAIN ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pangha-harass ng China Coast Guard (CCG) sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., ang instruction umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ay pigilan na kumalat o uminit ang tensiyon sa WPS.

"But rest assured that we will be following the orders of our Commander-in-Chief, our President. So for instance, meron po umatake sa atin. Ang gagawin po natin is that we will apply the same level of force that will allow us to defend ourselves", giit ng Chief of Staff.

"For instance, kung gumamit po siya ng kutsilyo, gagamit din po tayo ng kutsilyo," paglilinaw pa ni Brawner. (Dindo Operario)

05/07/2024

'Back to basics'...
CURRICULUM, BENEPISYO SA MGA G**O, PRAYORIDAD NI ANGARA

PAGTUTUUNAN ng kanyang atensiyon ni incoming Department of Education Secretary Sonny Angara ang pagpapasimple ng kurikulum at pagpapabuti ng mga benepisyo para sa mga g**o.

Sinabi ni Angara na inaalam niya ang mga detalye sa Matatag curriculum na inintroduce ng nagbitiw na si VP Sara Duterte na layuning i-streamline o pahusayin ang pangkalahatang kalidad ng edukasyon.

"Dapat back to basics lang ho tayo," ani Angara sa isang panayam.

Sinabi ni Angara na uunahin din niyang bawasan ang ang non-teaching tasks at palakasin ang kanilang pag-access sa financial institutions.

"Very distracted sila sa rami ng kanilang ginagawa. Kaya maganda yung instruction ng Pangulo sa atin na mag-focus sa pagtuturo at ayusin din ang kanilang mga benepisyo para inspired at motivated sila," ani Angara.

"Tinitingnan natin yung mga benepisyo nila...For example, 'yung mga nakukuha nilang loan, minsan natatali sila diyan nang matagal at mataas ang interes. Pag-aralan natin, tapos kausapin natin 'yung ibang financial institutions ng gobyerno...na nagpapautang ng mura sa mga negosyante. Dapat may access din sila rito o preferential treatment," dagdag pa ng kalihim. (Dindo Operario)

04/07/2024

"Miss Saigon"'s Kim sa United Kingdom at sa hit na hit na "Ang Huling El Bimbo" na si Tanya Manalang-Atadero, magpapakitang-gilas muli sa "Triple Threats" At kahit sa December pa ito ipapalabas, handang-handa na si Tanya sa kanyang solo concert! Narito ang aming panayam kay Tanya Manalang-Atadero! Ito po si Boy Villasanta, nag-uulat para sa RoadNews

04/07/2024

Sports news:

22 PINOY ATHLETES SA PARIS OLYMPICS

NATUPAD din ng Philippine Olympic Committee (POC) ang target nitong makapagpadals ng mahigit 20 atleta matapos umabot sa 22 ang nagkwalipika sa 2024 Paris Olympics.

Ito ang pinakamalaking delegasyon ng bansa sapul noong 1992 edisyon sa Barcelona, Spain.

Nadagdag pa sa listahan sina hurdlers Lauren Hoffman at John Cabang Tolentino na pormal nang inihayag ng World Olympics.

"Target achieved," ani Abraham 'Bambol' Tolentino. "Now to the most important goal---medals," dagdag niyang pahayag. (Isagani Masallo)

04/07/2024

Itinanggi ng DILG...
'SHOW CAUSE ORDER' VS BASTE

PINABULAANAN ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang ulat na nagpalabas sila ng 'show cause order' laban kay Davao City Mayor Sebastian "Baste" Duterte upang pagpaliwanagin sa pagbaha sa kanyang lokalidad noong nakaraang linggo habang nasa Tacloban City siya at nakikipag-sosyalan kasabay ng umanoy pangangampanya.

"Ito po ay walang katotohanan as far as the DILG is concerned," ani DILG Secretary Benhur Abalos. (Dindo Operario)

04/07/2024

Binubusisi ng NBI...
ISA PANG 'ALICE GUO' FINGERPRINT

TINUTUTUKAN na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang nadiskubreng ikatlong Alice Guo na kumuha ng NBI clearance noong 2005 sa branch ng ahensiya sa Quezon city.

Ayon kay NBI director Jaime Santiago, sumasailalim ngayon sa pagsusuri ng ahensiya ang fingerprint ng ikatlong Alice Guo.

Sinabi ni Santiago na sa pagbusisi sa address na nakasulat sa aplikasyon ng clearance ng ikatlong Alice Guo ay hindi naman nag-e-exist.

"I have a third fingerprint na anytime within the day, lalabas ang resulta," ani Santiago.

Anya, ang address ng aplikante ay nakarehistro sa Quezon City pero wala namang napatunayan na Alice Guo na nakatira sa lungsod. (Galo Kintanar)

04/07/2024

EKONOMIYA NG PINAS MAS LUMAKAS--PBBM

NANINIWALA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa pahayag nitong lumalakas na ang ekonomiya ng bansa.

Ito ang ipinahayag ng Pangulo sa ginanap na multi-billion fleet expansion ng kumpanyang Cebu Pacific.

Sa courtesy call sa Malakanyang ng mga opisyal ng CebuPac, sinabi ni Pangulong Marcos na isang malaking hakbang ang ginawa ng kumpanya.

Mahigit 100 eroplano mula sa kompanyang Airbus na nagkakahalaga ng $24 bilyon ang bibilhin ng kompanya na itinuturing itong pinakamalaking aircraft order sa Philippine aviation history.

"It gives us great encouragement that it was get it right, we can actually get something done and make the transformation of our economy. Make it happen," anang Pangulo. (Dindo Operario)

03/07/2024

TEAM PH MASAYA SA METZ TRAINING CAMP

AT HOME na at home ang Pinoy athletes na nasa Metz, France para sa matinding training camp bago magsimula ang 2024 Paris Olympics sa Hulyo 26.

Masaya si Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham 'Bambol' Tolentino na makitang nage-enjoy ang Pinoy squad habang nasa kasagsagan ito ng paghahanda para sa Paris Games.

"You can feel it in their eyes and you can see it in their actions," ani Tolentino. (Galo Kintanar)

Want your business to be the top-listed Media Company in Quezon City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

United Filipino Seafarers (UFS) Nagsampa ng Reklamo na Graft Plunder laban sa mga Opisyal ng MARINA SA OMBUDSMAN#Seafare...
Mamayang gabi na ang awardingKENNETH DAGATAN MANALO KAYA SA BUCHEON INTERNTIONAL FANTASTIC FILM            Mamayang 7 pm...
ANG BATAM BATANG PINOY FILM MAKER SCHOLAR NGAYON SA BUCHEON             World-class talaga ang mga Pinoy at pinatutunaya...
PROTEST AGAINST PHILIPPINES-JAPAN RECIPROCAL ACCESS AGREEMENT Japan embassy, Roxas BoulevardJoint statement of bagong Al...
IKINUWENTO NI CORA YIM FILM PRODUCER ANG KANYANG KARANASAN SA CO-PRODUCTION
Sa panahon na bagsak ang industriya ng pelikula kabilang sa Pilipinas, ano ang kahalagahan ng co-production sa paggawa n...
Mga pelikula lang ba mula sa Hollywood ang magaganda? Siyempre, hindi. Maraming pelikula mula sa Asia, sa Europa at sa i...
PINAKAMALAKI PINABAGO ANG GAME CHANGING FESTIVAL "BIFAN" SA BUCHEON NORHT KOREA             At sa pagpapatuloy po ng ati...
RANDOLF ZAINI INDONESIAN FILM MAKER IN BIFAN, BUCHEON CITY, SOUTH KOREA the game changer...             Sa pagpapatuloy ...
Guevarra discussed the “P29 Rice Program” and other initiatives of the agency.ASEC GENEVIEVE GUEVARRA DISCUSSED THE 29 P...
Casio said it’s up to prosecutors to determine the merits of the human trafficking case the PAOCC filed against suspende...
Saturday News Forum, Dapo Restaurant 11 Sct Borromeo St., South Triangle, QC Latest developments on the West Philippine ...

Telephone

Address


Quezon City
1100

Other News & Media Websites in Quezon City (show all)
AutoIndustriya.com AutoIndustriya.com
Suite M, 2F Cortes Building, 265 Tomas Morato Avenue
Quezon City, 1103

A high-performance online automotive experience featuring the latest news, updates, and videos from the Philippine and global auto industry.

GameOPS GameOPS
Quezon City

Philippine Gaming, Technology, Lifestyle, Pop Culture, News, and Reviews

Bulatlat Bulatlat
60 Kamuning Road
Quezon City, 1103

Bulatlat (www.bulatlat.com) is the Philippines's top alternative news site. It is the longest-running

Pinoy Weekly Pinoy Weekly
Quezon City

Voice of the marginalized Pinoy

Bisakol Ako Blog Bisakol Ako Blog
Quezon City

Bisakol Ako Blog Bisaya at Bikolano Ako Blog

The Philippine Online Chronicles The Philippine Online Chronicles
Quezon City, 1104

The best of Philippine news.

The VANGUARD The VANGUARD
Sct. Torillo, Kamuning
Quezon City, 1103

The Official Student Publication of Eugenio M. Lopez Jr. Center for Media Arts Senior High School.

Dr.Corrin - Dermatologist Dr.Corrin - Dermatologist
Quezon City, 1000

Dr.Corrin - Dermatologist

I Am Ready Pilipinas I Am Ready Pilipinas
Quezon City

I Am Ready Pilipinas

Balita Higala Balita Higala
Quezon City

News and Media updates in Philippines and around the globe. Funny memes and realistic happening around the world are in this page.

Tigre ng Norte Tigre ng Norte
Quezon City

Raffy Tulfo News Live Raffy Tulfo News Live
Quezon City, 33063

Raffy Tulfo is a Filipino broadcast journalist based in Mandaluyong City, Philippines. He is a hard-