San Carlos College Batch ‘93: The Reunion

San Carlos College Batch ‘93: The Reunion

The High School Reunion

28/01/2023

SCC Batch ‘93 OFFICIAL GRAND REUNION

14/11/2022
08/08/2022

PANAWAGAN NG PAGKAKAISA

Mga Mahal kong Kamag Aral,

• Sa ngalan ng lupon ng komite ng ating Grand Reunion; malubos naming kayong binabati ng isang maganda at mapagpalang araw. Nawa’y nasa mabuti tayong lahat na kalagayan.

• Nais ko din humingi ng paumanhin dahil ngayon lang tayo ulit nagkaroon ng mensahe mula sa akin; lubos kong hinihingi ang iyong pang unawa. Ang aking pananahimik at ng komite ay hindi dahil nakalimutan na namin ang ating malaking pagtitipon.

• Nitong nakaraang dalawang taon Lahat tayo ay dumaan at dumanas ng napakatinding pagusbok; lahat tayo ay dumaan sa suliraning pangkalusugan, pinansyal, pisikal, emosyunal at kung ano ano pa. Walang nakaligtas lahat tayo naakpektuhan kasama din ako.

• Nitong mga nakaraang buwan unti unti na nagluluwag ang pamahalaan at nakakakita na tayo ng pagkakataon para maituloy ang ating naka planong malaking pagtitipon.

• Nawa’y maging bukas ang kaisipan ng lahat sa samahan natin na sa mga pinagdaanan nating lahat nitong nakaraang dalawang taon; marami pa din ang unti unti pa lang nakakabalik sa trabaho at mga pinagkukunan ng hanap buhay kaya nais ko sanang imungkahi na ganapin ang ating pagtitipon sa susunod na taon. Enero 21 o 28, 2023; para mabigyan tayo ng mas mahabang pagkakataon para makapag plano para sa ating mga sarili at makabalik sa mas comportableng estado.

• Nais ko ding banggitin na ang pondong nalikom at ipinagkatiwala sa atin ay nasa mabuting kalagayan. May mga nagpa abot ng pagtulong na nangailangan bawiin dahil ito’y pinang tulong din nila sa iba nating mga kasamahan. Nais kong ipabatid sa lahat na kahit kailan hindi ginalaw o walang nagkainteres mula sa komite na galawin ang pondo; ito ay kasalukuyan pa din sa pag iingat ng ating nahirang na tagapag ingat yaman-(nasa bangko po ang buong halaga).

• Isang malaking paumanhin an gaming hinihingi sa mga kasamahan natin na nag nais na humiling na bawasan ang pondo; ito’y kinailangang tanggihan sa kadahilanang ang pondong nalikom natin ay nakalaan lamang para sa ating GRAND REUNION.

• May mga nagpahayag ng nais ng pagbitiw at pagtataguyod ng sarili nilang pagtitipon; ginagalang ko at ng komite ang inyong pasya subalit nais ko ring hilingin sa inyo ang pag konsidera ng isang nagkakaisang magkakamag aral. Walang puti o p**a o berde o azul; iisang taon tayo nagsipagtapos-batch ’93.

• Walang nakasaad na Batch 93 White o 93 Pink o 93 blue o iba pang kulay nung tayo’y nagtapos. Sa aking kaalaman. BATCH ’93 LANG TAYO; IISANG BATCH LANG.

• Maari po sanang ihinto na natin ang patuloy na pagwawatak ng ating samahan; kung isang samahan lang tayo mas mapapaganda natin ang selebrasyon na ating ninanais.

• Walang halong kahit ano pa man ang intensyon ng komite kundi ang maisama ang kalahatan at maituloy na ang Grand Reunion.

• Ang tinatag na komite at liderato ay hindi para maghari harian na gaya ng pinapahayag at malisyosong kinukwestyon ng ibang tao; ito ay para magkaroon ng pananagutan sa buong samahan ang mga namumuno. Mayroon tamang pagbibilang at pag endorso sa pag gamit ng pondo at walang milagrong mawawala ang pondo na walang kapali-paliwanag. Kung ano man ang nalilikom na pondo ito’y gagamitin ng wasto para sa ikabubuti ng ating pagtitipon.

• Malaki ang ating hinahandang pagtitipon at nais ko po sanang hilingin ang PAGAKAKAISA ng lahat.

• At kung sakaling meron akong nasaling sa bukas na liham kong ito o noong mga nakakaraang taon o ng mga nakalipas na taon; ako’y nagpapakumbaba sa inyong pang unawa. Hindi ko sinasadyang saktan ang inyong damdamin o ang inyong kaisipan.

• Wala na tayo sa edad ng paligsahan sa kahit ano sa buhay; ang bawat isa sa atin ay mahalaga sa ikabubuti ng ating mithiin; ating pakaisipin na iba na ang mundong ginagalawan natin. Lubhang napakaiksi ng buhay ng tao para gugulin sa patuloy na galit at p**t sa kapwa.

• Sa ngayon; napakapalad pa din natin; dahil tayo’y nandito pa at may kakayanan pang mabuhay ng mas maligaya at mas mapayapa.

• Sa halos tatlumpong taon o tatlong dekada mula nung tayo’y huling nagkasama sama; nawa’y sa pagkakataong ito na binigay sa atin ay gawin natin ang marapat at tayo’y magsama samang muli-bilang ISA.

• Magsama sama tayo sa isang araw na ito na walang paninibugho, walang pag iimbot; walang galit, walang inggit, walang malisya- kundi makiisa lamang sa pagtitipon ng kasiyahan ng mga magkakamag aral na noo’y nangarap at patuloy na lumalaban sa hapon ng pandemya at ng buhay.

• Maraming, maraming salamat sa inyong pang unawa at pag suporta. Inaasahan namin ang inyong paglahok sa gaganapin nating malaking pagtitipon.

• Mabuhay po tayong lahat.

Photos from San Carlos College Batch ‘93: The Reunion's post 16/01/2020

June 8, 2019

16/01/2020

Reunion 2014

Photos from San Carlos College Batch ‘93: The Reunion's post 06/01/2020

Batch'93 get together june 8 2019...

Want your school to be the top-listed School/college in San Carlos City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

SCC Batch ‘93 OFFICIAL GRAND REUNION

Category

Website

Address

San Carlos City
Other Schools in San Carlos City (show all)
St. Therese College Foundation Inc. St. Therese College Foundation Inc.
Palaris Street
San Carlos City, 2420

This is where Theresians past and present meet and greet and find out what's happening at their alma

Barangay Palampas Tech4ED Center Barangay Palampas Tech4ED Center
Barangay Palampas
San Carlos City

FREE COURSES OFFERED *Basic Computer Operation Concept

Step Ahead Preschool Zone Step Ahead Preschool Zone
142 Broce Street
San Carlos City, 6127

The Lighthouse: Tañon College-College Department The Lighthouse: Tañon College-College Department
Ylagan Street Barangay V
San Carlos City, 6127

This is the Official Page of Tañon College (College Department). Announcements & Updates will be po

VMUF School of Law VMUF School of Law
Dr. Martin P. Posadas Avenue
San Carlos City, 2420

This is the official page of the Virgen Milagrosa University Foundation - School of Law.

VMUF College of Engineering VMUF College of Engineering
Martin P. Posadas Avenue
San Carlos City, 2420

DepEd San Carlos City - DRRM DepEd San Carlos City - DRRM
Corner Azcona Street
San Carlos City, 6127

Provide awareness and preparedness measures on natural and human induce hazards

Eye Level San Carlos City Eye Level San Carlos City
RMM Bldg. Mabini Street , Brgy. Mabini San Carlos City, Pangasinan
San Carlos City, 2442

Eye Level is an international supplementary education program for children.

Colegio de Sta. Rita Alumni Association, Incorporated Colegio de Sta. Rita Alumni Association, Incorporated
V. M. Atienza Avenue , Brgy. 5
San Carlos City, 6127

this page is for the Alumni of Colegio de Santa Rita De San Carlos, Inc.

Tandoc NHS Reading 911 Program Tandoc NHS Reading 911 Program
San Carlos City, 2420

SSLG of  Don Carlos Ledesma National High School SSLG of Don Carlos Ledesma National High School
San Carlos City

This will be the Supreme Secondary Learner Government of DCLNHS page

Agdao Integrated School  Project SAFE updates Agdao Integrated School Project SAFE updates
Agdao
San Carlos City, 2420

Safe Actions for Future Emergencies