Ing Taldaua
Writing with Discipline!
BALITA || ๐๐๐ฆ๐ฉ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐๐ฅ๐๐ฌ: ๐๐๐ฌ๐ฉ๐จ๐ง๐ฌ๐ข๐๐ข๐ฅ๐ข๐ญ๐ฒ ๐ข๐ฌ ๐ฅ๐๐๐๐ข๐ง๐ ๐ญ๐จ ๐ญ๐ก๐ ๐๐ซ๐ข๐ ๐ก๐ญ ๐๐ฎ๐ญ๐ฎ๐ซ๐
ni ๐ฑ๐๐๐๐ ๐ฑ๐๐๐๐ ๐๐ ๐จ๐๐๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐๐ ๐ช๐๐๐๐๐
Pinayuhan ni Amable Lampa, punungguro, ang mga Club Officers sa naganap na Oath Taking Ceremony sa Prado Siongco High School covered court ngayong Martes, Setyembre 25, 2024.
"You have that responsibility to lead your co-learners to the bright future of life and you have also that accountability. So once na nanunungkulan tayo mag-iingat tayo sa ating ikinikilos at sasabihin," ani Lampa.
Dugtong pa ni Lampa na mahalagang hindi masira ang mga pangako ng isang lider dahil ito ang mga kaakibat nito ang tiwala ng bawat nagluklok sa kanila sa mga pwesto.
Nangako naman si Kagawad para sa Edukasyon Angelito M. Roque na silang barangay official, lalo na si Kapitan Rodolfo Bognot, na susuportahan nila ang mga estudyante ng PSHS.
Nagwakas naman sa panghihikayat si School Parent-Teacher Association (SPTA) President Kristel Manalili na ipakita ng bawat isa ang katangian ng pagiging lider at gampanan ito para sa kinabukasan ng eskwelahan.
TODAY || Oath Taking Ceremony of the elected officers this school year 2024-2025
๐ท Leidylee Rain Cunan
May chance naman maging kayo, sa panaginip nga lang. ๐๐๐ Kaya dali, pikit na.
Our new Editorial Board S.Y. '24-'25
Editor-in-Chief: Chloe Jade Lasay
Associate Editor: Nicole Valdez
Managing Editor: Eraรฑo Jae Ramos
News Editor: Jacob Jacob
Sports Editor: Rizen James Mendoza
Sci-Tech Editor: Barbie Agasa
Feature Editor: Merique Anthessa Nisperos
Opinion Editor: Lloyd Caleb Servano
Head Cartoonist: Ynna Franchesca Cruz
Lead Photojournalist: Leidylee Rain Cunan
Ngayon niya sabihing "It's not all about you."
From professional to namemersonal. ๐๐๐คญ
๐ท Darryl Yap
BALITA || ๐๐ฌ๐ข๐ฌ๐ฆ๐ข๐ฌ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐ฑ-๐๐๐ ๐๐ก๐ข๐๐ ๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ญ๐๐ค๐๐ฌ๐ข๐ง ๐ฌ๐ข ๐๐ฎ๐จ - ๐๐๐๐ ๐๐ก๐ข๐๐
Pinabulaanan ni Criminal Investigation Detection Group (CIDG) Chief Major General Leo Francisco na pawang tsismis lang ang tungkol sa dating hepe ng Philippine National Police (PNP) na kasabwat sa pagpapatakas kay dismissed Bamban Mayor Alice Guo.
"Purely tsismis ang sinabi niya na โyon at wala siyang basehan kaya sabi niya sakin kung magkikita kami bukas sa Senate ay magpapainterview siya na yung kanyang sinabi nung nakaraan na Senate hearing ay purely rumors lang,โ sabi ni Francisco patungkol sa naging usapan nila ni Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) Senior Vice President of Security and Monitoring Cluster Retired General Raul Villanueva.
Inamin naman ni Francisco na hindi naging bahagi ng dayalogo nila ni Villanueva na maglalabas ito ng 'public apology' bagamat nabanggit niya ritong naging malaking usapin ang pagbanggit sa pagkakadawit ng hindi pinangalanang ex-PNP chief.
Matatandaan namang nagsabi si PNP chief General Rommel Marbil na iimbestigahan nila lahat ng 24 dating hepe ng kapulisan para matuloy kung sino ang tumulong kay Guo.
Gayunpaman, hindi matutuloy ang imbestigasyon dahil na rin sa pag-amin ni Villanueva na walang katotohanan ang kanyang paratang sa di pinangalanang dating hepe ng PNP.
OPINYON || ๐๐๐ ๐๐๐ฒ ๐๐๐ง๐๐ญ, ๐๐๐ฒ ๐๐๐ฅ๐๐ค
"Stick to the Plan" sabi nga ni Representative Stella Quimbo. Para ligtas ang mga plano nila at hindi na mabisto pa ang ginagawa nila sa mga pondo.
Kaya bigla nilang inalis Cong. Rodante Marcoleta bilang Vice Chairman ng Committee. Buti na lang nasilipan pa rin sila ni Minority Deputy Leader Bernadette Herrera kaya ngayon ay hindi na rin nila alam paano lulusot.
Napa-lifestyle check tuloy ang mga netizens sa mga kongresistang pumupuna kay Inday Sara. Saan nga ba nila galing ang milyones na ginastos para sa mga luxury items nila.
Hindi rin nila masagot kung kailan nila hiniram at saan ginamit ang pondong inilipat sa mga unprogrammed projects. Kaya ba sila sigeng-sige sa paggisa sa bise para mapagtakpan ang kanilang mga kabulastugan?
BALITA || ๐๐๐๐ ๐ฉ๐ฐ๐๐๐๐ง๐ ๐ฆ๐-๐ข๐ฆ๐ฉ๐๐๐๐ก ๐ฌ๐ ๐ค๐๐ง๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐ฎ๐ซ๐๐ง ๐๐ฎ๐ซ๐๐ง ๐-๐๐๐ฒ ๐๐จ๐ง๐๐๐ซ๐ญ
Posibleng ikasa ang impeachment kay Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. dahil sa kontrobersyal na pagdiriwang ng kaniyang ika-67 kaarawan noong Setyembre 13 kung saan inimbita ang English pop rock band na Duran Duran sa isang Manila Marriot Hotel sa Pasay City.
Bagamat dumipensa na si Presidential Communications Office (PCO) Secretary Cesar Chavez na walang nagastos ang gobyerno at ginastusan ito ng mga malalapit na kaibigan ng Pangulo, labag naman ito sa batas.
Ayon sa Presidential Decree No. 46, na inakda mismo ng kanyang amang si dating Pangulo Ferdinand Marcos, Sr., "1 dated September 22, 1972, do hereby make it punishable for any public official or employee, whether of the national or local governments, to receive, directly or indirectly, and for private persons to give, or offer to give, any gift, present or other valuable thing on any occasion, including Christmas."
Samantala, ang naturang paliwanag ng PCO ay nangyari pa lamang matapos sabihin ng vlogger na si Sass Sassot noon ding Biyernes na nagkaroon si Marcos ng "private party" sa Marriot Hotel, kung saan nag-perform doon ang Duran Duran.
"Duran Duran I know that it is included in your contract to keep this private concert VERY PRIVATE. But we have GMA News and Rappler to confirm that you were flown to have a private concert for the birthday of Philippine President Bongbong Marcos. Please fact check Vera Files. So difficult to get pics and videos...very demure, very cutesy, very exclusive," ani Sass Sassot sa kaniyang post.
Pangunahing suspek naman si Sen. Imee Marcos sa pag-leak ng pribadong concert ng Duran Duran dahil na rin kilala ang senadora bilang Duterte Die-hard Supporters (DDS).
Makikita naman sa kumalat na mga larawan at video ang ilang senador na dumalo tulad nina Sen. Raffy Tulfo, Sen. Chiz Escudero, Sen. Jinggoy Estrada na kumakanta kasama ang pangulo.
Tinatayang ang nagastos ay nasa $700,000 o katumbas ng P35-milyon para sa talent fee ng pop rock band habang ang venue ay nagkakahalaga ng P38-milyon.
OPINYON || ๐๐จ๐ง๐ ๐ซ๐-๐ฌ๐จ๐ซ๐ข ๐ง๐ ๐ฅ๐๐ง๐ ๐๐?
Habang pinagtutulungan ng kongreso at mga senador si Bise Presidente Sarah Duterte kaugnay sa confidential funds, kailangan rin nilang ipaliwanag at panagutan ang paggamit sa earmark funds para sa Free Wifi Program.
"Kailangan ipaliwanag kung kailan hiniram at saan hiniram ang pondo," ani Deputy Minority Leader Bernadette Herrera.
Kung hindi ito kukwestyonin ay tiyak na magpapatuloy ang ganitong kalakaran ng mga kongresista lalo pa sila ang may kontrol sa mga pondo ng bayan at posibleng hindi lamang ang "Free Wifi Program" ang magiging una at huli.
Kagaya ng hiling nilang transparency sa OVP, marapat na sila rin ay maging tapat at kung maaari ay isapubliko rin ang kanilang mga ginagawang paggasta dahil silang mga senador at congressman ay tanging sertipikasyon lamang ang isinusumite kesehodang milyon o bilyon pa ang kanilang nilustay sa mga proyekto kuno.
AGHAM || ๐๐๐ ๐ฌ๐ข๐ง๐ ๐ก๐๐๐๐ง๐ ๐๐ซ๐๐ฐ ๐๐ญ ๐ ๐๐๐ข? ๐๐๐ฉ๐ญ๐๐ฆ๐๐๐ซ ๐๐ช๐ฎ๐ข๐ง๐จ๐ฑ '๐ฒ๐๐ง
Ang pinakamahabang umaga ay higit sa pinakamahabang gabi, gayundin ang pinakamaiksing umaga ay mas mahaba pa rin sa pinakamaiksing gabi na maaaring maranasan. Pero pwede ba silang maging pantay?
Ngayong araw, Setyembre 22, ay inaasahang magiging pantay ang haba ng umaga at gabi dahil sa tinatawag na September Equinox.
Ang September Equinox ay ang pagkakataon kung saan ang araw ay babaybayin ang Ekwador - isang pahalang na guhit sa globo - mula Hilaga papuntang Timog at karaniwang nagaganap sa mga araw na 22, 23, o 24 ng Setyembre.
Nagkakaroon ng equinox kapag ang axis ng Daigdig ay nagiging perpendicular sa mga sinag ng araw na nangangahulugang lahat ng rehiyon o bahagi ng mundo ay makakatanggap ng pantay-pantay na oras ng liwanag kaya ang araw at gabi sa buong daigdig ay pare-pareho.
Dalawang equinox ang nararanasan ng tao kada taon, isa sa Setyembre at isa sa Marso. Sa March equinox ay dadaan naman ang araw mula Timog pa-Hilaga.
Mahalagang maintindihan ang mga equinox sapagkat ang mga ito ang nagsisilbing hudyat ng mga panahon. Sa September equinox nagsisimula ang taglagas sa mga taga-Northern Hemisphere habang March equinox naman ang umpisa ng tagsibol sa mga bansang nasa Timog na bahagi ng ekwador.
BALITA || ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ ๐ง๐๐ง๐ ๐ฎ๐ง๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ข ๐๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ข๐ง๐๐ค๐๐ฆ๐๐ฉ๐๐ง๐ ๐๐ง๐ข๐ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ฌ๐
Sa tatlong sunod na taon, nanatiling numero uno ang Pilipinas sa mga bansang may mataas na world risk index (WRI) batay sa edisyon ngayong taon ng World Risk Report.
Nagtala ngayong 2024 ang bansa ng 46.91 na higit na mataas kumpara noong 2022 at 2023 na 46.82 at 46.86.
Nagsilbing pamantayan sa pagtataya sa 193 bansa ang mga antas ng pagkakalantad sa panganib, kahinaan, pagkamadaling maapektuhan, kakulangan sa kakayahang makayanan ang mga panganib, at kakulangan sa kakayahang umangkop sa mga krisis kabilang ang matinding kalamidad, gulo, pandemya, at digmaan.
Ayon sa ulat, "One example is the Philippines, which was hit by 22 tropical cyclones during the COVID-19 pandemic, including Typhoon Goni [Super Typhoon Rolly in late October 2020], one of the strongest storms ever recorded."
Kasama rin sa laman ng ulat ang libu-libong nasirang tahanan, siksikang mga evacuation centers, at mataas na kaso ng COVID-19 na dahilan ng mataas na panganib sa bansa.
Samantala, ikalawa naman sa ranggo ang Indonesia at ikato ang India habang ang Bahrain ang may pinakamababang risk index na 0.94.
BALITA || ๐๐๐ ๐ฐ๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฌ๐๐ ๐จ๐ญ ๐ฌ๐ ๐ฅ๐๐ ๐๐ฅ๐ข๐๐๐ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ ๐๐ฆ๐ข๐ญ ๐ฌ๐ ๐๐๐ซ๐ฆ๐๐ซ๐ค ๐๐ฎ๐ง๐; ๐๐๐ซ๐ซ๐๐ซ๐ ๐ญ๐ข๐ง๐๐ง๐จ๐ง๐ ๐ฉ๐๐ง๐๐ง๐๐ ๐ฎ๐ญ๐๐ง ๐ง๐ ๐ค๐จ๐ง๐ ๐ซ๐๐ฌ๐จ
"We regret that we cannot answer the question by Hon. Herrera."
Ito ang naging tugon ng Department of Justice (DOJ) sa katanungan ni Bagong Henerasyon (BH) Partylist Representative Bernadette Herrera-Dy patungkol sa legal basis sa paggamit ng kongreso ng earmark fund para sa Free Wifi program.
Idiniin din ni Herrera na sinabihan siya ni Marikina Representative Stella Quimbo, sponsor ng nakaraang hearing, na itanong na lamang sa DOJ ang mga concerns dahil legal questions ang mga ito.
Ayon pa kay Herrera, kada taon ay nag-iiba kasi ang sagot ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) tungkol sa earmark budget kaya ano naman ang pananagutan ng kongreso rito.
"Last year ang sabi hindi ginagamit ang pera. The other year ang sabi naka-intact. Then, all of a sudden this year ginagamit na ang pera. Dati ang sabi di siya nag-i-earn ng interest, the following year nag-i-earn ng interest, tapos ngayon biglang nawawala naman na yung pera," sabi ni Herrera.
Giit pa ni Herrera na ang kongreso ang may "power of the first detail" at nakakahiyang ma-kwestiyon sila ng Korte Suprema tapos ay hindi nila alam kung kailan hiniram at saan ginamit noong hiniram.
"Kaya humihingi po ako sa Committee on Appropriations na bago natin ipasa ang batas about General Appropriations, once and for all i-settle muna natin ang issue sa earmark revenues," sabi ni Herrera.
Sa dulo ay hinimok ni Herrera ang DOJ at mga kapwa mambabatas na ikonsidera ang One Fund Concept para sa ikatitino ng sistema at transparency.
BALITA || ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐๐ฌ, ๐๐ฎ๐ฆ๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ญ๐ก '๐๐๐ฌ๐ญ ๐๐จ๐ฎ๐ง๐ญ๐ซ๐ข๐๐ฌ'
Nalaglag ng dalawang pwesto, pang-45th na lamang ngayon ang Pilipinas mula sa 89 bansa ayon sa pinaka-latest na "Best Countries List" na taunang inilalabas ng US News and World Report.
Batay sa mga datos, nakakuha lamang ng 25.0 kabuuang puntos ang Pilipinas at pumang-19 lang sa "Open for Business" na nangangahuluhang mababang presyo at buwis ang ipinapataw sa mga negosyante.
Isinagawa ang survey sa 17,000 indibidwal sa mundo kung saan in-assess ang mga bansa batay sa 73 attribute na may kaugnayan sa matagumpay at modernong bansa.
Nanguna naman ang Switzerland na may perpektong puntos na 100.0 dahilan para hirangin itong "Best Country for 2024."
Nasa ikalawang pwesto naman ang Japan at pangatlo ang Estados Unidos na may 96.6 at 94.2 puntos ayon sa pagkakasunod.
AGHAM || ๐๐๐ ๐๐ฅ๐๐ฉ๐๐ง๐ญ๐: ๐๐จ๐ฅ๐ฎ๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ฆ๐๐๐๐ฐ๐ ๐ฌ๐ ๐ ๐ฎ๐ญ๐จ๐ฆ
Gutom ang matinding kalaban ngayon ng mga taga-Zimbabwe. Ang mainam bang solusyon dito ay pagkatay ng mga elepante?
Nakaplano ng katayin ang 200 elepante ng mga awtoridad ng bansang Zimbabwe dahil sa pagkagutom na nararanasan ng mga residente.
Tinuturing nilang ang El Niรฑo na tumama sa kanilang lugar ngayon ang pinakamalalang tagtuyot na sumapit sa kanila sa mga nakalipas na apat na dekada dahilan upang humantong muli sa ganitong desisyon.
Taong 1988 pa nang gawin rin ng bansa ang pagkatay ng mga elepante.
Ayon kay Tinashe Farawo, Zimbabwe Parks and Wildlife Authority (Zimparks) spokesperson, "It's an effort to decongest the parks in the face of drought. The numbers are just a drop in the ocean because we are talking of 200 (elephants) and we are sitting on plus 84,000, which is big,"
Isa kasi ang Zimbabwe sa limang mga bansang bumubuo sa malaking conservation area at populasyon ng elepante sa South Africa kasama ang Zambia, Botswana, Angola, at Namibia.
Ang parke kasi ay idinisenyo lamang para sa 55,000 elepante kaya kailangan talagang mabawasan ang mga dambuhalang hayop.
Nagiging madalas na rin kasi ang engkwentro ng mga tao at elepante sa paghahanap ng pagkain na nagresulta pa nga sa 50 katao na nasawi sa elephant attacks noong nakaraang taon.
Bagamat nakakalungkot ito sa pananaw ng iba, ito na lamang ang nakikitang paraan ng kanilang bansa upang sila ay makasalba.
Araw ngayon ng mga kaibigan nating di pa jinojowa. ๐๐โค ipa-raffle na ba natin sila?
BALITA || ๐๐๐: '๐ฉ๐จ๐ฌ๐ฌ๐ข๐๐ฅ๐ ๐๐ญ ๐ฌ๐๐ญ๐ข๐ฌ๐๐ข๐๐' ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ ๐ ๐๐ฌ๐ญ๐ ๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐
๐ง๐ ๐๐๐
Nilinaw ni Atty. Gloria A. Camora, team leader ng mga kinatawan mula Commission on Audit (COA), na 'satisfied at possible' ang paggastos ng kontrobersyal na P125 milyon na confidential at intelligence funds ni Bise Presidente Sarah Z. Duterte.
"Since we were given the data on the areas and they (the OVP) have submitted the evidences of the payments,... the frequency of the payments, if you can average that with the number of areas, I think it is possible to be spending that said amounts," paliwanag ni Camora.
Kinuwestiyon kasi ni Hon. Mikaela Angela B. Suansing, Nueva Ecija Representative, ang tungkol sa magkakaibang bilis ng disbursement ng confidential funds ng OVP.
Sabi ni Suansing, "The P125 million were spent in 11 days (Q4 2022) as opposed in the Q3 2023 wherein it was spent in 79 days. The number of areas in surveilance are different and the speed of the disbursement is different as well. But it seems like the expenditure patterns are very similar across categories and across different quarters."
Ipinaliwanag rin ng COA na ang notice of disallowance na iginawad nila ay bunsod ng tatlong bagay: hindi pagsusumite ng mga dokumento ukol sa mga payments of rewards, paglagay ng mga items na hindi maaari sa panuntunan ng joint circular, at hindi pagpasa ng rebisadong accomplishment report ng VP sa tatlong opisina - Office of President, Office of the Senate President, at Office of the Speaker of the House of Representatives.
Saad ng COA, "What they (OVP) have submitted are original ones and they made an amendment but as of now they have not resubmitted the amended accomplishment report."
AGHAM || ๐.๐๐จ๐ฅ๐ข ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐ ๐ฎ๐ฅ๐๐ฒ, ๐๐ฎ๐ฅ๐จ๐ญ ๐ง๐ ๐ญ๐ฎ๐๐ข๐ -๐ฎ๐ฅ๐๐ง
ni ๐ด๐๐๐๐ ๐พ. ๐ฌ๐๐๐๐๐
Pag-ulan ang pag-asa ng lupang tigang. Pero ang tubig ulan kung ididilig sa mga pananim, ligtas ba?
Sinuri ng mga mananaliksik mula University of the Philippines Diliman (UPD) ang 419 sampol ng gulay at lumabas na mas mataas ang presensya ng E.coli mula sa tatlong urban farm kaysa apat na palengke sa rehiyon ng Maynila.
Ang E.coli o Escherichia coli ay isang uri ng bakterya na karaniwang matatagpuan sa dumi ng tao o hayop. Isa rin ito sa limang bakterya mula 33 na responsable sa mga kamatayan sa buong mundo.
Ito rin ay maaaring magdulot ng mga sakit na dala ng pagkain tulad ng gastroenteritis, typhoid fever, at dysentery. Ngunit ang mga sakit na ito ay maaari namang maiwasan kahit sa bahay lamang.
Gayunpaman, ang bacterial infections pa rin ang pangalawang nangungunang sanhi sa bawat walong kamatayan batay sa isang pag-aaral noong 2022.
Ayon naman kay Pierangeli Vital ng UPD-CS Natural Sciences Research Institute, madalas kasing gumagamit ang mga urban farm ng tubig-ulan, tubig mula sa pond, at tubig mula sa balon para makatipid kaya napapataas nila ang panganib ng kontaminasyon ng bakterya.
"Minsan, kapag walang tubig, ginagamit namin ang nakaimbak na tubig-ulan sa mga drum," patotoo ni Alynna Prado, isang urban farmer.
Sabi ni William Mugot, Division Chief ng Plant Product Safety Services Division sa Bureau of Plant Industry, "May panganib ng kontaminasyon sa buong supply chain ng pagkain at nagsisimula ito sa farm... Sa tubig na ginagamit ng mga magsasaka, at habang isinasakay."
Sa kabilang banda, gaya ng testimonya ng ibang mamimili na hindi nag-aalala sa banta ng E.coli, kailangan lamang maingat na hugasan at iluto ang mga gulay na binibili. Dahil sa huli, bukod sa inaasahan naman ang mga kontaminant tulad ng E.coli na dulot ng tubig-ulan, nasa tao pa rin ang responsibilidad sa tama at malinis na pagkonsumo.
AGHAM || ๐ ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ข๐ ๐๐ข๐ ๐ฆ๐๐ฌ๐ข๐ฌ๐ข๐ฅ๐๐ฒ๐๐ง ๐ฆ๐ฎ๐ฅ๐ ๐๐๐ญ๐ฒ๐๐ฆ๐๐ซ๐
Tanging ang daigdig o Earth lamang sa mga planeta ang may iisang buwan. Pero posible bang dumami pa?
Simula Setyembre 29, magiging dalawa ang buwan sa pagpasok ng isang "mini-moon" para ikutan ang daigdig at pagkatapos ay lilipat din sa iba pang rehiyon ng solar system.
Ang mini-moon ay isang maliit na asteroid na may lapad na 33 feet na mananatili sa loob ng dalawang buwan hanggang Nobyembre 25.
Sinasabi ng mga pananaliksik na wala namang banta ng panganib ang asteroid na una nilang na-ispatan noong Agosto 7 sa NASA's Asteroid Terrestrial-Impact Last Alert System (ATLAS) gamit ang telescope.
Subalit suspetya ng mga eksperto mula sa Complutense University of Madrid, "It could temporarily take up residence in Earth's gravitational field."
Lumikha naman si Tony Dunn, isang amateur astronomer, ng orbit simulation kung paano iikot ang mini-moon o asteroid na may pangalang 2024 PT5 sa mundo.
Batay naman kay Paul Chodas, direktor ng Center for Near Earth Object Studies at NASA's Jet Propulsion Laboratory (JPL), ang mini-moon ay may ibang pinanggalingan taliwas sa konklusyon ng ibang mananaliksik na mula ito sa Arjuna asteroid belt, o ang grupo ng mga asteroid na may mga orbit sa palibot ng araw kagaya sa Daigdig.
Hindi ito ang unang asteroid na iikot sa ating mundo dahil nauna na ang 2022 NX1 na sandali lamang nanatili.
Gayunpaman, ipinagpapalagay ng mga eksperto na posibleng hindi rin makonsiderang mini-moon ang papasok na asteroid kung hindi nito makumpleto ang isang buong rebolusyon o pag-ikot sa daigdig. Subalit anu't ano pa man, ang ganitong mga kaganapan sa kalawakan ay maigi at mainam na pag-aralan kung ano ang kinalaman at magiging epekto nila sa ating mundo.
ISPORTS || ๐๐๐ฉ๐๐ง ๐๐ฉ๐๐ง: ๐๐ ๐ง๐๐๐ข๐จ ๐ก๐๐ซ๐ข ๐ฌ๐ ๐๐-๐๐๐ฅ๐ฅ
Nasargo ng Pilipinas ang kampeonato sa 37th Japan Open men's 10-ball matapos ilampaso ni Jeffrey "Cobra" Ignacio si Lin Tsung-Han ng Chinese-Taipei sa bisa ng 8-3 desisyon.
Pasok na sa listahan ngayon si Ignacio ng mga bagong kampeon na nagpapatunay ng hindi maawat na pamamayagpag ng mga Pilipino sa world stage ng billiards.
Nakaabante sa finals si Ignacio nang igupo niya ang kampanya ng pambato ng Japan, Satoshi Kawabata, sa semifinals sa iskor na 7-5.
Tumataginting na $9,400 o katumbas ng P500,000 ang premyong napitas ni Pinoy cue master.
"Thank you to my inspirations here, to the recent World Champion Rubilen 'Bingkay' Amit, who inspired me with your never-give-up attitude, and especially to you, Brother Johann Chua, whose consistency is truly motivating," ani Ignacio.
Pinasalamat din ni Ignacio ang mga kababayan nito na patuloy na sumusuporta sa kanyang laban.
Walang Face to Face class. Modular po tayo!
09/18/2024
Stay safe and stay at home.
BALITA || ๐๐๐ซ๐ซ๐๐ซ๐: ๐ข-๐ซ๐๐ฉ๐จ๐ซ๐ญ ๐ง๐ ๐๐จ๐ง๐ ๐ซ๐๐ฌ๐จ ๐ฌ๐๐๐ง ๐ ๐ข๐ง๐๐ฆ๐ข๐ญ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐จ๐ง๐๐จ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐๐ซ๐๐ ๐๐ข๐๐ข
Hiniling ni House Deputy Minority Leader Bernadette Herrera-Dy na magpaliwanag ang mga kongresista kung kailan hiniram at saan ginamit ang earmarked fund para sa programang free Wifi nitong Lunes, Setyembre 17.
๐ต๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ 2,600 ๐๐๐๐ ๐๐ 12,463 ๐๐๐๐๐๐๐ ๐พ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ซ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐ช๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐ป๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
๐.
"๐ฐ๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
๐ ๐๐ ๐ ๐๐๐ [๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐]? ๐ป๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐... ๐๐'๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐
[๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐พ๐๐ญ๐ ๐๐๐๐๐๐๐]," ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฏ๐๐๐๐๐๐.
Depensa naman ni Marikina Representative Stella Quimbo na pansamantalang ginamit ng gobyerno ang nakaparadang earmark fund sa ibang proyekto.
Sabi pa ni Quimbo, "But in any point in time that an agency demands those earmark revenues, the treasury must be able to make those funds available."
Tinawag naman ni Herrera na 'unconstitutional' ang paggamit ng earmark fund ng walang ligal na pahintulot kung saan binanggit niya ang nilalaman ng Section 37 ng Presidential Decree 1177 na naglalaman na hindi maaaring gamitin ang earmark fund sa mga proyektong hindi naman nakalaan para dito.
Bunsod nito, hinimok ni Herrera ang kongreso na amyendahan ang PD 1177 o magpasa ng batas na papayagang gamitin ang pondo ng mga earmark budget bilang pondo sa ibang proyekto.
BALITA || ๐๐จ๐ - '๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ง๐ ๐๐ก๐๐ง๐ฌ๐ฒ๐ ๐ข๐๐๐ฉ๐๐ง๐๐ ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ -๐๐ฉ๐ซ๐ฎ๐๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐จ๐ง๐๐จ
Iginiit ni Senate Finance Committee Chair Grace Poe na hindi dapat nakatuon ang pag-apruba o pagbago sa hinihinging badyet sa kung sino ang lider ng isang kagawaran.
Nirekomenda kasi ng House Appropriations Committee na tapyasan ang pondo sa susunod na taon ni Bise Presidente Sarah Duterte mula sa P2.037 bilyon sa P1.29 bilyon matapos nitong makipagpalitan ng mga maanghang na salita sa mga mambabatas.
๐จ๐๐๐ ๐๐๐ ๐ท๐๐, "๐พ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐
๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ โ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐
. ๐จ๐ ๐๐๐ ๐๐๐
๐๐ ๐๐๐ ๐
๐๐, ๐๐ ๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐
๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐๐ ๐๐ ๐
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐."
Matatandaan ding kinailangan pang pakalmahin ni Senate President Francis Escudero ang dalawang panig kung saan ipinunto niya ang mga pangambang tanggalan ng pondo o i-zero ang budget ng Bise.
"I urge all the concern to respect the legislative process on the budget, as the drama does not help the country in anyway," dagdag ni Escudero.
Bago ito, nagpakita na rin ng suporta si Senate Minority Leader Aquilino Pimentel na kailangan ng Office of the Vice President (OVP) ng "sufficient" na pondo.
Tahasan rin namang sinagot ni Senator Ronald Dela Rosa ng oo ang tanong na pinagtutulungan ng mga kongresista si Sarah.
September 17, 2024
WALANG PASOK dahil nakataas po sa ating probinsya, PAMPANGA, ang .
Stay alert and safe Pradonians!!
NEWS || ๐๐๐ง๐๐ซ ๐ญ๐จ ๐ฅ๐๐ง๐๐๐๐ฅ๐ฅ ๐ข๐ง ๐๐ฌ๐๐๐๐ฅ๐ ๐จ๐ซ ๐๐ฎ๐ซ๐จ๐ซ๐ - ๐๐๐๐๐๐
by ๐ฌ๐๐รฑ๐ ๐ฑ๐๐ ๐น๐๐๐๐
Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) confirmed that tropical depression Gener is maintaining its strength and expected to landfall in Isabela or Aurora within the next 24 hours.
In its latest advisory on Monday, PAGASA warned that the storm could impact the countryโs northern and central regions as it crosses Luzon.
Gener, which is forecast to reach the coastal waters of La Union or Pangasinan by Tuesday morning, is moving north-northwest at 10 kilometers per hour (kph), with maximum sustained winds of 55 kph and gustiness of up to 70 kph.
The weather bureau has placed multiple provinces, including Cagayan, Isabela, and Ilocos Norte, under Signal No. 1 as areas that could experience moderate to heavy rainfall in the coming hours.
As of Monday, PAGASA also warned that Gener might exit the Philippine Area of Responsibility (PAR) between Tuesday evening and Wednesday morning, heading towards southern China by Friday.
Residents in the affected regions are urged to stay updated through official weather reports and prepare for possible evacuations.
NEWS || ๐๐๐: ๐๐ฉ๐จ๐ฑ ๐๐๐ฌ๐๐ฌ ๐ง๐จ๐ฐ ๐๐ญ ๐๐
The Department of Health (DOH) chief Teodoro
Herbosa confirmed the new three cases of mpox or monkeypox in the country leading the count to 18 on Monday, September 16.
"Ang maganda rin, ang lahat ng 18 na na-pick up namin as of now, wala pang nahawang iba," Herbosa said.
Also according to DOH, five of the total cases have recovered while 11 were undergoing home isolation with no trace of transmitted virus to others.
While reports revealed zero mpox related death so far, the World Health Organization (WHO) declared again mpox as public health emergency due to thr surge of cases in Africa.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Contact the school
Telephone
Address
Prado Siongco High School
San Fernando
2005
San Fernando
The purpose of this campaign is to advocate the importance of self-love. This is to remind everyone to accept one's self for all that it is; the good and the bad. Let the beauty, s...
San Fernando, 2000
Official page of Dela Paz Norte Elementary School
City College Of San Fernando, Pampanga
San Fernando, 2000
"Finance without strategy is just a numbers, and strategy without finance is just dreaming" ~E. Faber
La Union National High School
San Fernando, 2500
This is the official page of La Union National High School - PSYSC
Dela Paz Norte
San Fernando, 2000
This is the official page of the OLFU-Pampanga College of Criminal Justice student organiza
Poblacion
San Fernando
This page is for the activity updates and information dissemination of the English Club.
San Fernando, 2000
San Fernando is a landlocked municipality in Pampanga's coastal province. It is indeed the provincial capital and the Central Luzon regional headquarters. The city is also a home t...