Nelson nomrot

Nelson nomrot

You may also like

CokRan Hood
CokRan Hood

welcome to my page i hope all of you is supported to my work as a writters

13/07/2022

"Hatid"
by:๐Ÿ–‹๏ธNelson

dito na magtatapos
Hindi na din naman maayos
Kung sa kanya ka sasaya,
ihahatid kita.

Sa dami ng ating pinag awayan,
Meron akong natutunan, yun ay wala akong dapat patunayan.

Noong una pa lang
naisip ko ng umalis na ng tuluyan,
kasi alam kong wala akong laban
pero hindi naman tamang
ikaw ay iwanan ng walang paalam.

Ihahatid kita,
kung saan ka magiging masaya,
kahit na hindi ako ang iyong kasama
kung dun ka magiging masaya ihahatid kita.

07/07/2022

"๐š†๐™ฐ๐™ป๐™ฐ ๐™ฐ๐™บ๐™พ๐™ฝ๐™ถ ๐™น๐™พ๐š†๐™ฐ"
๐™ฑ๐šข:๐™ฝ๐šŽ๐š•๐šœ๐š˜๐š—

Wala akong jowa
Salitang di ko ikakahiya
Dahil alam kong kasiyahan ay matatamasa
May jowa man o wala.

Hindi naman sa ayaw ko talaga
Kundi naghihintay ng pagkakataong pwede na
hindi naman basehan ng pagkalalaki ang pagkakaroon ng jowa.

Kase sapat na yung alam mong ikaw ay maligaya.

Pagmamahal sa diyos pamilya at mga kaibigan
Yan ang dapat unahin at tutukan
Dahil sila ang tunay na dahilan
Kaya may salitang kasiyahan.

Habang binata pa buhay ay ilaan
At diyos muna ang pagsilbihan
Dahil sya ang dahilan ng buhay at kasiyahan
Matutong maghintay sa taong sakin ay nakalaan.

Balang araw may darating ng di inaasahan
Taong magmamahal satin ng lubusan
Kaya habang naghihintay sa taong paglalaanan ng pagmamahal
Maghintay sa plano ni lord at haluan ng dasal.

06/07/2022

"Depression"

It's killing me again
It attacking my mind
I can't fall asleep
I can't even talk to anyone.

There are voices inside my head
Many people who hurts me,
Many monster killing my mind
Again, and again and again.

๐Ÿ–‹๏ธ:Nelson

02/07/2022

"MATH IBIG"

Halika dadalhin kita sa mundo ng Mathematika
At sa pag-ibig nyong malabo ng masulusyunan pa
Hanapin natin ang "Y"
Kung bakit kayo nag hiwalay.

Sa pag add tiwala'y dagdagan
Sa pag minus pride ay bawasan
Sa pag divide sapat na oras ang ilaan
At sa time doble mo syang ingatan.

Yung X mo halos lagi andito sya
binibigyan mo pa sya ng halaga
Eh diba iniwan kana nya?
Pati sa math pinapahirapan ka.

Parang angle at depression
Babagsak ka sa kanyang distinasyon
At ang angle of elevation
Sa pag tingala mo'y sya ang rason.

Ang love nyong inequality
Greater mo syang mahal
less than kanaman nyang minahal
Kaya di talaga kayo equal.

Magiging syntax error ang inyong pag-sasama
Kung di na maintindihan ang isa't isa
Kahit calculator ay di nya kinaya
Kung anong solusyon sa inyong dalawa.

Kung consistent na
Ang pag- aaway nyong dalawa
Mula sa positive noong una
Magiging negative nayan pag nag sawa na.

Sa theorem dapat magaling kang manindigan
Dahil may kaylangan kayong patunayan
Kung congruent ba kayo sa inyong pagmamahalan
Kung di outcomes nyan ay hiwalayan.

Maraming mathematician
Pero pagdating sa pag iibigan
Hindi sila pinapahalagahan
Laging sinasaktan at iniiwang luhaan.

๐Ÿ–‹๏ธ:๐™ฝ๐™ด๐™ป๐š‚๐™พ๐™ฝ ๐™ฝ๐™พ๐™ผ๐š๐™พ๐šƒ

01/07/2022

"Panibagong Rosas"
by:โœ๏ธ:๐™ฝ๐™ด๐™ป๐š‚๐™พ๐™ฝ ๐™ฝ๐™พ๐™ผ๐š๐™พ๐šƒ

Ikaw ang panibagong rosas na aking aalagaan
pag nalanta ika'y didiligan
ng aking pagmamahal, ibubuhos ko ang lahat.

Hindi ka pababayaan, hindi ka papakawalan
Panibagong rosas na aking magiging wakas
Aking Rosas ika'y ipaglalaban ko sa kahit kanino.

28/06/2022

Aking binibini
Tahimik ang namamayani
Hindi alam ang sasabihin
Pagkat ika'y sobrang mahinhin.

Nag-u-umpisa ng magsalita
Nakaisip ng tungkol sa kahit anong balita
Di inaasahang ikaw ay masabik
Pagkat ang akala ko'y dika iimik.

Mag uusap ng kahit ano
Wag lamang matapos to
Pero kahit anong gawin ko
Mangyayari at mangyayari parin to.

Ang iyong manunulat
โœ๏ธ:Nelson

27/06/2022

"๐€๐Š๐ˆ๐ ๐Š๐€ ๐๐€"

๐–จ๐—๐—Ž๐—๐—Ž๐—‹๐—‚๐—‡๐—€ ๐—„๐—‚๐—๐–บ ๐—‡๐–บ ๐–บ๐—„๐—‚๐—‡๐—€ ๐—‰๐—‹๐—‚๐—‡๐—Œ๐–พ๐—Œ๐–บ
๐–จ๐—„๐—Ž๐—„๐—Ž๐—…๐—ˆ๐—‡๐—€ ๐—Œ๐–บ ๐—‰๐—Ž๐—Œ๐—ˆ ๐—„๐—ˆ๐—‡๐—€ ๐—†๐–บ๐—€๐—Œ๐—‚๐—Œ๐—‚๐—…๐–ป๐—‚๐—‡๐—€ ๐—‚๐—’๐—ˆ๐—‡๐—€ ๐—๐–บ๐—๐—…๐–บ
๐–ถ๐–บ๐—€ ๐—๐–บ๐—‡๐—€๐—„๐–บ๐—‡๐—€ ๐—‚๐—„๐–บ'๐—’ ๐—„๐—Ž๐—†๐–บ๐—๐–บ๐—…๐–บ
๐–ฒ๐–บ๐—‰๐–บ๐—€๐—„๐–บ๐— ๐–บ๐—„๐—‚๐—‡ ๐—„๐–บ
๐–ฝ๐—‚ ๐—‰๐—๐–พ๐–ฝ๐–พ ๐—Œ๐–บ ๐—‚๐–ป๐–บ.

๐–ฝ๐—‚ ๐—‰๐–บ๐—…๐—Ž๐—…๐—Ž๐—๐–บ๐—‚๐—‡ ๐–บ๐—‡๐—€ ๐—‚๐—’๐—ˆ๐—‡๐—€ ๐—†๐—€๐–บ ๐—†๐–บ๐—๐–บ
๐– ๐—Œ๐–บ๐—๐–บ๐—‡ ๐—†๐—ˆ๐—‡๐—€ ๐—‚๐—„๐–บ๐— ๐–บ๐—‡๐—€ ๐—‚๐—‚๐–ป๐—‚๐—€๐—‚๐—‡
๐—๐–บ๐—‡๐—€๐—€๐–บ๐—‡๐—€ ๐—Œ๐–บ ๐—๐—Ž๐—…๐—‚๐—‡๐—€ ๐—๐—‚๐—‡๐—‚๐—‡๐—€๐–บ
๐–บ๐— ๐—๐–บ๐—‡๐–ฝ๐–บ๐—‡๐—€ ๐—†๐–บ๐—€๐—‚๐—‡๐—€ ๐–บ๐—…๐—‚๐—‰๐—‚๐—‡
๐—‰๐–บ๐—‹๐–บ ๐—‰๐–บ๐—€๐—Œ๐—‚๐—…๐–ป๐—‚๐—๐–บ๐—‡ ๐—„๐–บ.

๐– ๐—…๐–บ๐—† ๐—†๐—ˆ ๐–ป๐–บ๐—‡๐—€ ๐–บ๐—„๐—ˆ'๐—’ ๐—†๐–บ๐—Œ๐–บ๐—’๐–บ
๐—๐—‚๐—‡๐–ฝ๐—‚ ๐—๐–บ๐—๐–บ๐—’๐–บ๐–บ๐—‡๐—€ ๐—‚๐—„๐–บ'๐—’ ๐—†๐–บ๐—๐–บ๐—…๐–บ
๐–บ๐— ๐—Œ๐–บ ๐–ป๐–บ๐—๐–บ๐— ๐–ป๐—‚๐—€๐—„๐–บ๐—Œ ๐—†๐—ˆ ๐—‡๐—€ ๐—Œ๐–บ๐—…๐—‚๐—๐–บ๐—‡๐—€ "๐–ฌ๐–บ๐—๐–บ๐—… ๐—„๐—‚๐—๐–บ"
๐–บ๐—‡๐—€ ๐—‰๐—Ž๐—Œ๐—ˆ' ๐—„๐—ˆ'๐—’ ๐—๐—‚๐—…๐–บ ๐—Ž๐—†๐—‚๐—‚๐—‡๐–ฝ๐–บ๐—’๐—ˆ๐—€ ๐—Œ๐–บ ๐—๐—Ž๐—๐–บ.

๐—‰๐—๐–พ๐–ฝ๐–พ ๐–ป๐–บ๐—‡๐—€ ๐—๐—‚๐—‡๐—€๐—‚๐—‡ ๐–บ๐—‡๐—€ ๐—„๐–บ๐—†๐–บ๐—’ ๐—‡๐—€ ๐—‚๐—‡๐—’๐—ˆ๐—‡๐—€ ๐–ฝ๐–บ๐—…๐–บ๐—€๐–บ
๐–ฝ๐–บ๐—…๐–บยฒ ๐–บ๐—‡๐—€ ๐—Œ๐—‚๐—‡๐—€๐—Œ๐—‚๐—‡๐—€ ๐—‡๐–บ ๐—‚๐—Œ๐—Ž๐—Œ๐—Ž๐—ˆ๐— ๐—„๐—ˆ ๐—Œ๐–บ๐—‡๐–บ ๐—Œ๐–บ ๐—„๐–บ๐—‡๐—’๐–บ
๐– ๐—’๐–บ๐— ๐—„๐—ˆ ๐—‡๐–บ ๐—„๐–บ๐—Œ๐—‚๐—‡๐—€ ๐—Œ๐—’๐–บ'๐—’ ๐—†๐–บ๐—๐–บ๐—…๐–บ ๐—‰๐–บ
๐—„๐–บ๐—Œ๐—‚ ๐—†๐–บ๐—๐–บ๐—… ๐—„๐—ˆ ๐–บ๐—‡๐—€ ๐–บ๐—‡๐–บ๐—„ ๐—‡๐—’๐—ˆ ๐–ฒ๐–ฎ๐–ก๐–ฑ๐– .

๐—„๐–บ๐—’๐–บ ๐—†๐–บ๐—๐–บ๐—… ๐—Œ๐—‚๐—†๐—Ž๐—…๐–บ ๐—‡๐—€๐–บ๐—’๐—ˆ๐—‡
๐—”๐—ž๐—œ๐—ก ๐—ž๐—” ๐—ก๐—”

๐– ๐—‡๐—€ ๐—‚๐—’๐—ˆ๐—‡๐—€ ๐—†๐–บ๐—‡๐—Ž๐—‡๐—Ž๐—…๐–บ๐—
โœ๏ธ:๐™ฝ๐šŽ๐š•๐šœ๐š˜๐š—

27/06/2022

aking natatanging lihim
Isinulat kita sa buhangin
kung papalaring mabasa mo ang isang hiling
Sana'y ako ay iyong piliin.

Aking pinaka-iingatang lihim
Laman ng bawat panalangin
kung ikaw ay hindi man ipagkaloob sa akin
para sa'yo, malugod ko pa rin itong tatanggapin.

Aking paboritong lihim
ang hiwaga sa likod ng buwan at mga bituin
kapara mo'y prosang nakamamangha
nakabibighani at kahanga-hanga.

Aking espesyal na lihim
Ikaw ang aking tula
Ang pangalan at paksa na hindi masambit
Sa gising kong mundo isa kang panaginip.

ang iyong manunulat
โœ๏ธ:๐‘ต๐‘’๐“๐’”๐‘œ๐“ƒ

26/06/2022

Hindi ako tanga

hindi ako tanga para paulit ulit na umasa
kahit alam kong masakit at nakakapagod na
bakit ako nagtitiis na gustuhin at pangarapin ka.
kung hindi naman ako laman puso't isip mo diba.

hindi ako tanga para ipagpalitan ka
ang sarili ko sa katulad mong may mahal na iba
hindi ako pinanganak para masaktan at lumuha
sa isang taong pinakilala ng tadhana
pero para lamang pala sa panandaliang saya.

mapaglarong mundo
tayo ay pinagtagpo
Mapagbirong tadhana
pinagkita tayo pero hindi pwedeng maging sa isa't isa.

ang inyong manunulat
โœ๏ธ:ษดแด‡สŸ๐˜€แดษด

25/06/2022

Our broken soul and beautiful sunrise

Sleepless night keep thinking
In an endless cycle
I cannot stop
Being hard on myself in the
front of blinded eyes.

A sunrise
The blue hue is so lonely
make me feel cold
The breeze.the frosty air everything
is so peaceful, and pure.

Little sun rays slowly take over a
corner of a city
Where thier yellow lights
are still on
the buildings lay there's still
in there dreams.

Watching us going true a hard life
Suddenly we feel the world is so empty
Suddenly we realized the heaven
is that close.

And suddenly we ask why?
we had an urge to die for it we had enough
at the end of the day, all we have left.

Our broken soul and beautiful sunrise.

โ€•ษดแด‡สŸ๏ฝ“แดษด

23/06/2022

Dito lang tayo
Kung saan tahimik ang mundo
At ang tanging ingay na kailangan ko
Ay ang pagtibok ng puso mo.

Kasabay ang paghuni ng mga ibon
Pag-ibig ng hangin sa mga dahon
Tadhana'y patuloy ang paghimig
at mga puso nati'y sabik makinig.

Sa dagat na payapa
Dagliang natagpuan ang pahinga
sa nakakalunod mong mga mata
Nasilayan ang sapat at ginhawa.

Hindi alintana ang sikat ng araw
At hindi nababahalang masilaw
Marahil handa akong mabulag
Sa pagtitig sa'yo araw araw.

Kaya't dito nalang tayo
Kung saan tahimik ang mundo
at ang tanging kailangan ko
ay ang pag-ibig mo.

ang iyong manunulat
โœ๏ธ๏ผฎ๐ž๐’๐—Œแดษด

17/06/2022

Lord, kahit si mama at nalang ingatan nyo kahit wag na ako

Alam ko nakikinig ka
Lahat ng aming dasal tumutugon ka
Lahat ng panunumbat tiniis mo na
Lord. Salamat po.

Maraming beses ko nang narinig magdasal si Mama
Minsan masaya
Minsan malungkot
Minsan umiiyak mag isa.

Sa bawat bigkas ng kanyang bibig
Alam ko na kapakanan ko ang kanyang sinasambit
Bihira ko nga sya narinig na nagdasal para sa sarili nya
Madalas puro saming pamilya nya.

Kaya heto ako lord, nagdadasal
Naglalambing ang batang nagmamahal
Pwede po bang ingatan nyo si Mama
Kahit di na ako kasi alam ko naman na andyan sya.

Ingatan nyo po sya sa lahat ng kanyang ginagawa
Patawanin nyo po sa paraan na maluluha sya sa saya
Kasi po deserve nya naman maging masaya
Yung di na iiyak kasi problemado at nag aalala sya.

Panginoon sya lang po kasi yung nakilala kong ganyan tao
Yung iniisip yung kapakanan ko bago ang kanyang gusto.

Handang masaktan at ibaba ang prinsipyo
Para lang sa anak na minsan mas inuna ang gusto.

Alam ko na kahit di ako magdasal para sa kapakanan ko
Andyan naman si mama nagdadasal para mapabuti ako
kasi po ganun syang tao
Napakabuti nyang tao

Kung sakali man na mapahamak sya
Baka yun yung sandali na ayokong makita sya
Ayoko po kasing nahihirapan sya
Dahil ang mama ko ang aking prinsesa.

Panginoon, sana marinig nyo ang aking dasal
Mga salita na pinuno ko ng pagmamahal
Kasi po mahal ko si Mama
Mahal ko sya at gusto ko syang palaging maging masaya amen๐Ÿ™

Ang iyong manunulat
โœ๏ธ:๐—ก๐—ฒ๐—น๐˜€๐—ผ๐—ป

07/06/2022

"Handog ng Buwan"

kayganda pagmasdan ang hugis ng buwan
Saksi si Pluto sa taglay nyang karikitan
Maging puso ni kupido'y tinamaan
Sa mala Athena nyang kagandahan.

Tahimik ang dagat sa himig ng hangin
Di maipinta ang tuwa ng buhangin
Mga batong masasayang nagsisi-awit
Lumbay at sakit tuluyang iniwaglit.

Nagmistulang rosas ang ilaw na buwan
Tanaw mala paraisong karagatan
Ang puno sa tabi'y alay kasiyahan
Sa mga ibong hangad ay kasarinlan.

ang iyong manunulat
โœ๏ธ:๐—ก๐–พสŸ๐˜ด๐˜ฐ๐˜ฏ

06/06/2022

ako'y mananatili...
dumating man ang araw na kahit hindi na ako,
kahit hindi na ako ang tinitibok ng puso mo,
mananatili akong tagahanga mo at nakasuporta sayo...

nandito lang ako, mananatiling nakatanaw sayo mula sa malayo kahit iba na ang kasama mo...

-๐แด‡สŸ๐šœ๐š˜๐š—

05/06/2022

"Lihim ng paglaya"

Saksi ang mga malalaking bakal sa paligid
kung gaano kahigpit ang tanikala sa akin nakakabit

Mistulang Indiong inaalisputa
ng manghilakbot mong pagsinta

Araw gabi'y mga mata'y nangingiyak
Karalitaa'y humihikbi sa pag iyak
Umaasang makamtan ang kasarilang hinahangad
Sa mga kamay na lubhang nakakasindak.

Padapit hapon na ika'y lumisan
Nagliwanag ang buong kalangitan
Tanaw hugis pusong kay ganda
Simbolo ng lihim ng paglaya.

ang iyong manunulat
โœ๏ธ:๐—กแด‡สŸ๏ฝ“แดษด

05/06/2022

"Napunit na Pahina"

Ikaw, ang naging pangalawa kong paksa,
na kusang hinatid ng tadhana,
sa panahong binalot ako ng dusa,
at ng nagpipitagang pangamba.

Ikaw, ang nagsilbing panyo ko,
sa mga oras na kailangan ko ng tagapayo.
Habang sinusulat ko ang mga kwento,
na nagmumula sa kaibuturan ng aking puso.

Ikaw, ang minsan ng napunit na pahina,
na kinatatakutan kong muling mawala.
Ngayon, sa buhay kong nais kong muling itala.
Ang mga kwentong ikaw na ang bagong paksa.

ang iyong manunulat
โœ๏ธ:๐—ก๐–พ๐—…๐—Œ๐—ˆ๐—‡

04/06/2022

"Sana, Ikaw na"

Batid kong 'di mahulugang karayom ang may nais sayo.
Gayunpaman, nawa'y mapansin mo ang tunay na pagsinta ko.
Alam kong, alam mo, na 'di maliparang uwak ang mundo.
Asahan mo tanging sa hardin mo lamang,iikot ang iyong lingkod na paru-paro.

Yaong gabing hinagkan't niyakap ng bituin ang buwan.
Bulong ng isip, turo ng puso 'wag ka ng pakawalan.
Mistulang masaganang halamanang nabiyayaan.
Na kay sarap pagmasdan sa durungawan.

Sana,Ikaw na.
Ang ihandog sa akin ni Bathala.
Wala na akong ibang hihilingin pa.
Mabigyan lamang ng magandang paksa ang susunod na kabanata.

ang iyong manunulat
โœ๏ธ:๐–ญ๐–พ๐—…๐—Œ๐—ˆ๐—‡

04/06/2022

"Nag-iisang Tala"

'Di maipinta sa mukha ang saya,
habang binabaybay ko ang daang patungo sa rurok ng pag-asa
Tila natagpuan ko na ang nag-iisang tala,
na matagal ko nang ipinagsumamo Kay Bathala.

'Di maliparang-uwak ang kalangitan.
Tanaw ang 'di mabilang na mga bituin.
Nakakaaliw at hindi nakakasawang pagmasdan.
Ngunit may nag-iisang pumukaw sa aking puso't damdamin.

Tunay ngang makapangyarihan ang Panginoon.
Mismong ang inyong lingkod nasaksihan mula noon hanggang ngayon
Walang duda na lahat ng ating ipinapanalangin nangyayari sa itinakdang panahon.
Basta patuloy na manalig at maghintay sa tamang pagkakataon.

Marahil ang iba'y nawawalan na ng pag-asa.
Sa pagdating din ng nag-iisa nilang tala.
Pakiusap ko'y huwag kayong mangamba.
Hindi natin alam matagal mo na pala siyang nakita, hinihintay lang niya na mapansin mo siya.

Ang iyong manunulat
โœ๏ธ:๐แด‡สŸ๐—Œ๐—ˆ๐—‡

04/06/2022

-Buwan

Buwan ang nag iisang saksi sa ating pagmamahalan.

Buwan ang may alam kung gaano kita kamahal.

Sya ang naging saksi sa ating wagas na pagmamahalan.

Ngunit sya din ang naging saksi sa ating wakas na hindi inaasahan.

ang iyong manunulat
โœ๏ธ:๏ผฎ๏ฝ…๏ฝŒ๏ฝ“๏ฝ๏ฝŽ

03/06/2022

Kung maaari lang sana,ayoko munang mamalagi,
Dito sa tahanang, nagpapaalala sakin ng pighati.
Tuwing ako'y nagmumuni-muni sa isang tabi.
Anino niya'y nakikita bawat sandali.

Masisilayan sa mga mata ang lungkot na nadarama.
Bakit ba kasi ganun, ang laro ng tadhana?
Hahayaan ka munang maging masaya sa una.
Pagkatapos, uuwi kang luhaan na.

Kung batid ko lang, pinili ko na lang muna sana ang mapag-isa.
Hindi pa ako umiyak nang sobra-sobra.
Naging malaya sana ang pakpak na lumipad.
Kasabay ng mga nakaabang na oportunidad.

Ganun talaga sa laro.
Minsan talo,minsan panalo.
Hindi sa lahat ng pagkakataon masaya.
Kung sa una nagkamali,
laging pakatatandaan pagkatapos ng ulan
may bahagharing masisilayan.

Laro ng tadhana
sa panulat ni โœ๏ธ:๏ผฎ๏ฝ…๏ฝŒ๏ฝ“๏ฝ๏ฝŽ

03/06/2022

To all heartbroken women and men
Remember this
It's thier lost
Not yours
Remember that
You worth it
it just that they can't afford it
People always skip expensive things once they can't afford it.

-ษดแด‡สŸ๐ฌ๐จ๐ง

02/06/2022

"FAR-FAR AWAY"

sa isang abandunadong kastilyo
Naninirahan ang isang binatilyo
Nag-iisa habang hawak ay sigarilyo,
Kung ilalarawan palaban na pilyo.

Walang gustong kumausap
Walang nabubuong pangungusap
Ngiti'y mahirap na mahaligap
Makihalubilo sa iba'y mahirap.

Hindi maintindihan ng karamihan
Kung bakit mag isang naninirahan
Lumayo at puso'y hinarangan
Ayaw makarinig ng saya at tawanan.

Totoong istorya'y walang may alam
Ngunit napakadali lang nilang husgahan
"Manhid" hindi daw nakakaramdam
Umiiwas dahil takot na muling masaktan.

ang iyong manunulat
โœ๏ธ: ๏ผฎ๏ฝ…๏ฝŒ๏ฝ“๏ฝ๏ฝŽ

02/06/2022

Hayaan mo na lahat ng paghihirap sa huli ay may ganti
Lahat ng pagod, luha at pawis ay mapapalitan ng ngiti
huwag kang mangamba, palagi akong nakasupporta
Ngayon sila muna, sa susunod tayo namang dalawa๐Ÿ˜—โค๏ธ

ang iyong manunulat
โœ๏ธ:๐๏ฝ…๏ฝŒ๏ฝ“๏ฝ๏ฝŽ

02/06/2022

"BUWAN"

Sa kompleto at liwanag na buwan
at ikaw ang pumapasok sa aking isipan
nagdasal at nakatingin sa kalangitan
na sanay ako'y iyong tabihan.

ang iyong manunulat
โœ๏ธ:๐๏ฝ…สŸ๏ฝ“แดษด

02/06/2022

"KANYANG HAPUNAN"

sa isang malawak na kagubatan
may isang dalagang tumatakbong sugatan
umiyak, sumisigaw ng aking maabutan
may taga ang kanyang mukha at ibang parte ng katawan.

sinubukan ko itong lapitan
ngunit huli na ng sya ay nawala ng biglaan
hinanap ko ito kung saan saan
at sa wakas sya ay aking natagpuan.

niyapos ko ito ng walang pangangailangan
ngunit bigla sya nag ibang pangangatawan
ako'y kanyang kinain at ginawang hapunan
at ng sya'y nagpakilala Maria Labo ang kanyang pangalan.

ang inyong manunulat
โœ๏ธ:๐๏ฝ…สŸ๏ฝ“๏ฝ๏ฝŽ

01/06/2022

"TINIG"

tila isang musika sa aking pandinig ang iyong tinig
habang ako'y dinadala sa ibang mundo ng iyong mga tinig
natataranta ako at ang mga tuhod ay nanginginig
sino ba namang hindi matataranta sa boses mong nakakakilig.

Tabi ako'y dadaan
tutungo sa kung saang tinig mo'y madaratnan
bakit ba ang daming epal sa daan
nais ko lang namang ika'y makamtan

Malapit na ako malapit ko nang makamtan ang tinig mo
Nasaan ka ba?
bakit tila yata habang lumalapit ako'y lumalayo ka
makakamit na kita ngunit bakit parang ayaw mo?

Parusa ba ito
Anong klaseng kasalanan ba ang nagawa ko
Sabihin mo lang at aking itatama, pangako
hindi ako makalapit sayo sa oras na hahawakan kita'y bigla akong napapaso.

ang iyong manunulat
โœ๏ธ๐๏ฝ…สŸ๏ฝ“๏ฝ๏ฝŽ

01/06/2022

"PANGUNGULILA"

tumigin ka saking mga mata

tignan mo kung pano mo hinayaang masira
pagmamahal ay di mahalaga sayo
pagkat balewala sayo ang lahat ng ginagawa ko.

Pagmamahal ko sayo walang kondisyon
Pero bakit pag iwas ay sya mong tugon?
hayaan mo na lang ako mahalin ka
Pagkat yan lang ang tanging hiling ko sayo.

Mahal kailan ka magbabalik sa dati
sa piling mo ako'y nasasabik
sa akin ika'y napakahalaga
kaya labis ang aking pangungulila

ang iyong manunulat
โœ๏ธ:Nelson

31/05/2022

"UN TILLED"

Binalikan ko ang mga tulang inalay
ngunit natagpuang ko itong walang buhay
nanatili ang mga tugma ngunit wala na itong lasa
hindi na ito matamis o dika'y mapait.

Isa na lamang silang palatandaan
katulad ng mga tala sa kalawakan
na maghahatid sa akin sa lugar kung saan
ako'y tunay na maintindihan.

Na sa kabila ng mga talinghaga
sa aking mga mata,
o malalim na kahulugan ng aking kaluluwa
dadalhin ako ng mga tula at tala,
sa pinakamalayong lugar na
kakayaning abutin ng mga paa.

ang iyong manunulat
โœ๏ธ:Nelson

31/05/2022

sinuway ko ang utos nila
dahil gusto kong makasama ka.

ngunit gumising akong nasasaktan
kasabay ng pag sisisi
sa pagkat ang pinili kong babae ay iniwan ako sa huli.

ngayon ko lamang napag tanto
na isa ka sa mga taong naka tadhanang saktan ako
sa kadahilanang kailangan kong matuto
Na hindi lahat ng mahal ko ay handang mahalin ako.

ang iyong manunulat
โœ๏ธ:Nelson

31/05/2022

"LUHA"

Isang tubig
bigla bigla na lang tumutulo
Sa di malaman na dahilan
Isa ito sa mga kakampi natin.

Isa siya sa mga sandalan natin
Malungkot kaba
Umiyak ka lang
Sya lang ang nakaka intindi sayo.

Masaya kaba
Pero bakit hindi naman halata
Pagod kana ba
Lumaban ka para hindi na sya tutulo.

ang iyong manunulat
โœ๏ธ:Nelson

30/05/2022

"PULANG ROSAS"
By:Nelson

Pulang rosas
mabangong bulaklak
Na ang lahat ng babae ay nais makatanggap,
ngunit bakit napaka hirap

Lahat tayo may mahal
Ngunit bakit ang iba'y hindi kayang suklian
Kung ang simpleng pagyakap
Sa paghanap nito ay hindi mismo mahanap

San nga ba mahahanap ang pagyakap
Pagyakap na dadalhin ka sa ulap,
na sadyang napaka sarap
Pero bakit napaka saklap
Pagmamahal na dimo malalasap

Mabangong pulang rosas
Na di matanggap ng mga malas
sa pag ibig sila'y naka posas.

ang iyong manunulat
โœ๏ธ:Nelson

30/05/2022

"IKAW AY NASA LIBRO"

magkaiba tayo ng mundo
Nasa reyalidad ako
Samantalang ikaw
ay nasa libro.

Lahat ng hanap
Lahat ng gusto ko sa iisang tao
ay nasa iyo pero
ikaw ay nasa libro.

Paano iwasan ang mahulog sa iyo?
kung lahat ng katangian mo
ay binabanggit ng taga sulat sa iyo
maging ang iyong hilig.

Na hindi kayang tapalan ng tunay na tao
kung maari lang pumasok sa mundo mo
para hindi lang puro imahinasyon
pero hindi pala maaari iyon.

dahil ikaw ay nasa libro.

ang iyong manunulat
โœ๏ธ:Nelson

30/05/2022

"EVERYTIME"

EVERYTIME I KISS
I FEEL YOUR LIPS
AND EVERYTIME I CRY
I SEE YOUR SMILE
AND EVERYTIME I CLOSE MY EYES
I REALIZE
THAT EVERYTIME I HOLD
YOUR HANDS IN MINE
THE SWEETEST THING MY HEART
COULD EVER FIND
AND I HAVE NEVER LEFT THIS WAY
SINCE THE DAY
I GAVE YOUR LOVE AWAY๐Ÿฅ€๐Ÿ’™

โœ๏ธ: Nelson

29/05/2022

Gaano man katarik ang bundok na nais mong akyatin
Gaano man kainit ang disyertong nais mong lakbayin
gaano man kalakas ang alon ng dagat na nais mong languyin
Basta kasama mo ang diyos magtiwala ka ika'y makakarating.

ang iyong manunulat
โœ๏ธ: Nelson

29/05/2022

sa panibagong yugto hiling ko sana, IKAW PARIN
ikaw parin ang papawi ng pagod at lungkot sa akin
ikaw parin ang kasama sa kasiyahan
ikaw parin ang paboritong kapahingahan.

ang iyong manunulat
โœ๏ธ:Nelson

29/05/2022

paulit ulit na salita
para sa iisang paksa
tama na ang panghuhusga
dahil ubos na aking luha.

Pinilit kong lumaban,
at aking sinubukan
sarili ko'y pagod ng lubusan
sa mga pagkakamali na palaging sinusumbatan.

Okay lang at ayos lang
ako'y magpanggap na tapang tapangan
at sakyan ang peking kasiyahan
ang magpanggap na ako'y okay lamang.

nagkunwari na ako'y matibay
at kaya kong makisabay
kahit sarili ko handa ng magbigay
kapit dahil yan ang buhay.

ngumiti ka,
kahit hindi mo na kaya
wag kang magpahalata
dahil sila ang palaging tama.

ang iyong manunulat
โœ๏ธ:Nelson

29/05/2022

๐Ÿ“โ€”"AKING TAHANAN"
โœ๐Ÿป

Oh kay sarap sa ilalim ng kalawakan,
Lalo't kapiling kang nakatitig sa kawalan,
Habang saksi ang bituin at buwan,
Tayo'y magkayakap at ramdam ang pagmamahalan.

Niyaya mo kong tumayo at kamay ay hinawakan,
Isinayaw mo ko ng dahan-dahan,
Nilapit ang bibig sa tainga at ako'y binulungan,
At sinabing ako ang gustong pamahalaan.

Nangako ka na ako ang iyong tahanan,
At balang-araw ako ay pakakasalan,
Gagawa tayo ng sariling tirahan,
Bubuo ng pamilya at masayang samahan.

Kung saan lagi tayong magtatawanan,
Sa mga problema'y dadamayan,
Pangako'y gagawin at walang iwanan,
Tayo lamang hanggang dulo't hanggang sa kamatayan.

ang iyong manunulat
โœ๏ธ:Nelson

28/05/2022

"NOT BAD FOR THE FIRST TIME"

Inunahan ako ng kaba at pagdududa
napanghinaan ng loob at umaayaw na
maraming umudyok, pero tinanggihan ko noong una
pero sumobok upang malaman kung kaya
heto aking natanggap isang napakagandang gatimpala.

kaya para sa madla
huwag hayaan lamunin at unahin ng takot
gawin ang gusto,
ipakita ang talento
Sayang ang pagkakataon kung tanggihan mo
walang mawawala kung susubukan mo.

ang iyong manunulat
โœ๏ธ:Nelson

Want your public figure to be the top-listed Public Figure in San Jose?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Category

Telephone

Address

Inobahan San Jose Romblon
San Jose
547823489
Other Writers in San Jose (show all)
MANG TOMAS MANG TOMAS
Secret
San Jose, SECRET

Hirap na buhay Hirap na buhay
San Jose
San Jose

Eldest of Eleven Eldest of Eleven
379 Aguila
San Jose, 4227

Hugot ng walang jowa Hugot ng walang jowa
San Mauricio
San Jose, ANGELA

Airplane mode Airplane mode
San Jose, 5100

Mabait slight

Mhine koh Mhine koh
San Jose

๏ฟฝ

Yrrr654 Yrrr654
San Jose

Hi

Don Terencio III Don Terencio III
San Jose, 1500

i write my feelings on a plain white paper.

Ang Pagsunod sa Dios Ay Ang Tamang Landas Ang Pagsunod sa Dios Ay Ang Tamang Landas
Purok 1
San Jose, 5100

Religious center

Fabulas de corde meo Fabulas de corde meo
San Jose

stories

Tula para sa madla Tula para sa madla
San Jose

The poet waits quietly to paint the unsaid.