Ang Pagsunod sa Dios Ay Ang Tamang Landas
Religious center
๐ฟ๐ฒ๐บ๐๐๐ ๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฉ๐ฐ๐ฉ๐ณ๐ฌ ๐๐๐๐ ๐ ๐ถ๐๐๐๐๐ ๐๐?๐ณ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ โบ๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ผ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐ ๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐ฎ๐ช ๐๐๐๐๐๐ฟโฃ๏ธ
Sino gusto NG Bible study ๐๐ Add Kita SA GC๐ Free Po ito at walang religion magbasa lang tayo at makinig๐๐๐
โค๐๐๐Paano dapat mabuhay ang pamilya ng may pagkakaisa sa bawat isa?
๐๐โฃ๏ธ Genesis 2:18
At sinabi ng Panginoong Dios, Hindi mabuti na ang lalake ay magisa; siyaโy ilalalang ko ng isang katulong niya.
ใGenesis 2:24
Kayaโt iiwan ng lalake ang kaniyang ama at ang kaniyang ina, at makikipisan sa kaniyang asawa: at silaโy magiging isang laman.
๐๐โฃ๏ธ Colosas 3:19
Mga lalake, ibigin ninyo ang inyo-inyong asawa, at huwag kayong maging mapait sa kanila.
๐๐ Kawikaan 31:10
Isang mabait na babae sinong makakasumpong? Sapagkaโt ang kaniyang halaga ay higit na makapupo kay sa mga rubi.
๐โฃ๏ธ Efeso 6:4
At, kayong mga ama, huwag ninyong ipamungkahi sa galit ang inyong mga anak: kundi inyong turuan sila ayon sa saway at aral ng Panginoon.
ใKawikaan 22:6
Turuan mo ang bata sa daan na dapat niyang lakaran, at pagka tumanda man siya ay hindi niya hihiwalayan.
๐๐๐ SABI NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS ," Mula pa noong likhain ang mundo nasimulan Ko nang italaga at piliin ang grupo ng mga taong ito, samakatuwid nga, kayo sa kasalukuyan. Ang inyong pag-uugali, kakayahan, anyo, tayog, sambahayan kung saan kayo isinilang, ang iyong trabaho at ang iyong buhay may asawa, ang iyong kabuuan, maging ang kulay ng iyong balat at ng iyong buhok, at ang panahon ng iyong pagsilang ay isinaayos ng Aking mga kamay. Maging ang lahat ng iyong ginagawa at ang mga tao na iyong nakatatagpo sa bawat isang araw ay isinasaayos ng Aking mga kamay, huwag nang banggitin ang katunayan na ang pagdadala sa iyo sa Aking presensiya sa kasalukuyan ay Aking pagsasaayos talaga. Huwag mong ibulid ang sarili mo sa kaguluhan; dapat kang magpatuloy nang mahinahon.
ใAng Kapalaran ng Sangkatauhan at ang Kapalaran ng Sansinukob ay Di Maihihiwalay Mula sa Dakilang Kapangyarihan ng Manlilikha."
Nakakatakot na mga Sakuna! Ito ba ay Parusa ng Diyos o Kaligtasan?
Noong Abril 2024, nasaksihan ng mundo ang sunud-sunod na mga sakuna: Tumama ang lindol sa Taiwan, Japan, at Estados Unidos; nakaranas ang Dubai ng bihirang malakas na pag-ulan, at ang Indonesia ay humarap sa mga lindol at pagsabog ng bulkan. Maraming lugar din ang nakasaksi ng hindi pangkaraniwang mga palatandaan sa kalangitan.
Sino ang namumuno sa mga sakuna na ito?
Ang lahat ay nasa ilalim ng kontrol ng Diyos.
Ngunit ano ang layunin ng Diyos? Ang mga sakuna ba na ito ay tungkol lamang sa pagkawasak at kamatayan?
Balikan natin ang kasaysayan: ang baha noong panahon ni Noe na sumira sa mundo, ang pagkawasak ng Sodoma at Gomorra sa pamamagitan ng apoy, at ang mga babala bago ang sakuna ng Ninive. Bakit dumating sa kanila ang mga sakuna, kamatayan, pagkawasak, at p**t ng Diyos?
Dahil ito sa katiwalian at kasamaan ng tao!
Ang Diyos ay banal at matuwid; Hindi niya kinukunsinti ang kasamaan at karumihan. Tanging ang mga itinuturing na matuwid sa paningin ng Diyos ang makakaligtas sa malalaking sakuna.
Umaasa ang Diyos na lahat ay magsisi; ito ang gustong ipaalala sa atin ng Diyos sa pamamagitan ng mga sakuna.
Nasa mga huling araw na tayo ngayon. Ang mga propesiya ng mga sakuna sa Aklat ng Pahayag ay natutupad pa rin. Naniniwala ka bang magkakaroon ng mas malalaking sakuna sa hinaharap?
Kung hindi tayo makapagsisisi sa harap ng Diyos, ano ang naghihintay sa atin?
Tanging nakakatakot na mga sakuna at parusa sa impiyerno.
Ang sabi ng Bibliya, โNa ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng kaarawan ng Diyos, na dahil dito'y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init?
Nguni't, ayon sa Kaniyang pangako, ay naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, na tinatahanan ng katuwiran. Kaya nga, mga minamahal, yamang kayo'y nagsisipaghintay ng mga bagay na ito, ay pagsikapan ninyong masumpungan kayo sa kapayapaan, na walang dungis at walang kapintasan sa paningin Niyaโ (2 Pedro 3:12โ14).
Sabi ng Diyos, โAko lamang ang pag-asa ng sangkatauhan at, higit pa rito, Ako ang Siya kung saan nakasalalay ang pag-iral ng lahat ng sangkatauhan. Kung wala Ako, agad na hihinto ang sangkatauhan. Kung wala Ako, magdurusa ng kapahamakan at yuyurakan ng lahat ng uri ng mga multo ang sangkatauhan, bagaman walang nagbibigay ng pansin sa Akin. โฆ Umaasa Akong naghahanda kayo ng sapat na mabubuting gawa para sa patutunguhan ninyo. Kung gayon ay malulugod Ako; kung hindi, wala sa inyong makatatakas sa sakunang sasapitin ninyo. Magmumula sa Akin ang sakuna at mangyari pa ay isinasaayos Ko. Kung hindi kayo lilitaw bilang mabuti sa paningin Ko, hindi ninyo matatakasang pagdusahan ang sakuna.โ
Nais mo ba ang kaligtasan ng Diyos?
Tumugon na may isang matunog na โAmenโ!
Amen
๐God say's,
๐๐"Ang pinakadakilang karunungan ay ang tumingala sa Diyos at manalig sa Kanya sa lahat ng bagay."๐๐
๐น๐๐ท Bakit sinasabi ng ginagawang ganap ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos ang kabuluhan ng pagkakatawang - Tao..
๐๐๐SABI NG DIYOS,"Ang unang pagkakatawang-tao ay upang tubusin ang tao mula sa kasalanan sa pamamagitan ng katawang-tao ni Jesus, iyon ay, iniligtas Niya ang tao mula sa krus, ngunit ang tiwaling maka-satanas na disposisyon ng tao ay nanatili pa rin sa loob ng tao. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay hindi na upang magsilbing handog para sa kasalanan kundi upang lubos na iligtas yaong mga taong tinubos mula sa kasalanan. Ito ay ginagawa upang ang mga pinatawad ay mapalaya mula sa kanilang mga kasalanan at magawang ganap na malinis, at sa pagkakamit ng pagbabago sa disposisyon, sa gayon ay makawala sa impluwensya ng kadiliman ni Satanas at makabalik sa harap ng trono ng Diyos. Tanging sa paraang ito maaaring lubos na mapabanal ang tao. Sinimulan ng Diyos ang gawain ng pagliligtas sa Kapanahunan ng Biyaya nang matapos na ang Kapanahunan ng Kautusan. Nagpatuloy ito hanggang sa mga huling araw, kung kailan ganap na dadalisayin ng Diyos ang sangkatauhan sa pamamagitan ng paghatol at pagkastigo sa tao para sa kanilang pagiging mapanghimagsik. Saka lamang tatapusin ng Diyos ang Kanyang gawain ng pagliligtas at papasok sa kapahingahan. Samakatuwid, sa tatlong yugto ng gawain, dalawang beses lamang nagkatawang-tao ang Diyos upang isagawa Niya Mismo ang Kanyang gawain sa tao. Iyon ay dahil isa lamang sa tatlong yugto ng gawain ang aakay sa mga tao sa kanilang mga buhay, habang ang dalawa pang iba ay binubuo ng gawain ng pagliligtas. Tanging kapag nagiging katawang-tao ang Diyos saka Siya maaaring mamuhay kasama ng tao, maranasan ang paghihirap ng mundo, at mamuhay sa isang normal na katawang may laman. Sa ganitong paraan lamang Niya maaaring tustusan ang mga tao ng praktikal na daan na kailangan nila bilang mga nilalang. Ang tao ay nakakatanggap ng lubos na kaligtasan mula sa Diyos sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao ng Diyos, hindi direkta mula sa langit bilang kasagutan sa kanyang mga panalangin. Sapagkat ang tao ay may laman at dugo, walang paraan ang tao na makita ang Espiritu ng Diyos at lalong hindi ang lapitan ang Kanyang Espiritu. Ang makakaugnayan lamang ng tao ay ang katawan ng Diyos na nagkatawang-tao, at sa pamamagitan lamang nito na nauunawaan ng tao ang lahat ng daan at lahat ng katotohanan at matatanggap ang ganap na kaligtasan. Ang ikalawang pagkakatawang-tao ay sapat upang alisin ang mga kasalanan ng tao at ganap na dalisayin ang tao. Samakatuwid, sa pangalawang pagkakatawang-tao ay dadalhin sa pagtatapos ang lahat ng gawain ng Diyos sa katawang-tao at kukumpletuhin ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ng Diyos. Pagkatapos noon, ang gawain ng Diyos sa katawang-tao ay lubos na magtatapos. Pagkatapos ng ikalawang pagkakatawang-tao, hindi na Siya muling magiging katawang-tao sa ikatlong pagkakataon para sa Kanyang gawain. Sapagkat ang Kanyang buong pamamahala ay natapos na. Ang pagkakatawang-tao sa mga huling araw ay ganap nang nakamit ang Kanyang hinirang na bayan, at ang sangkatauhan sa mga huling araw ay napaghiwalay na ayon sa kanilang uri. Hindi na Niya gagawin ang gawain ng pagliligtas, ni babalik sa katawang-tao upang magsakatuparan ng anumang gawain.
ใHinango mula sa โAng Hiwaga ng Pagkakatawang-tao (4)โ sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
Ang iyong pangalan ba ay nasa aklat ng buhayโ๐ค๐ฅน
HEBREW 9:27ใ
โItinakda sa mga tao na minsan lamang mamatay at pagkatapos ay ang paghuhukom.โ
God๏ผAng pangalan niya ba ay nasa aklat ng buhay๏ผ
Anghel๏ผHindi po, Diyos ko. ๐
God๏ผUmalis ka! โก
Babae๏ผDiyos ko, naging mabuti po akong tao, tanungin mo pa ang pastor ko.
Babae๏ผHuhuhu ito na talaga ang aking katapusan. ๐ญ๐ญ๐ญ
*Sa impyerno*
Lalake๏ผTingnan mo ngayon saan ako dinala ng iyong nakakahumaling na ganda! ๐ก Kinamumuhian kita! ๐
Babae๏ผAng iyong pagnanasa ang nagdala sa iyo dito sa impyerno, hindi ako! ๐ค Nalinlang rin ako ng pagkakasala! ๐๐ญ๐ญ
Kriminal๏ผAhhhh, apoy ๐ญ Diyos ko! ๐ซ๐ญ maawa po kayo sakin, nagsisisi na ako ngayon! ๐ญ๐ญ ahhhh! ๐ซ๐ซ๐ซ
Mateo 7:21ใ โHindi lahat ng tumatawag sa akin, โPanginoon, Panginoon,โ ay papasok sa kaharian ng langit, kundi ang mga tao lamang na sumusunod sa kalooban ng aking Ama na nasa langit.โ
PAHAYAG 20:13-15ใ
โIniluwa ng dagat ang mga patay na naroroon. Iniluwa din ng Kamatayan at Daigdig ng mga Patay ang mga patay na nasa kanila. Hinatulan ang lahat ayon sa kanilang mga ginawa. Pagkatapos ay itinapon din sa lawa ng apoy ang Kamatayan at ang Daigdig ng mga Patay. Ang lawa ng apoy ang pangalawang kamatayan. Ang sinumang hindi nakasulat ang pangalan sa aklat ng buhay ay itinapon sa lawa ng apoy.โ
๐บโ๏ธ๐๐ Ang talinghaga ng nawawalang tupa ...
๐๐๐Mateo 18:12โ14 Ano ang akala ninyo? Kung ang isang tao ay may isang daang tupa, at maligaw ang isa sa mga yaon, hindi baga iiwan niya ang siyamnapuโt siyam, at pasasa kabundukan, at hahanapin ang naligaw? At kung mangyaring masumpungan niya, ay katotohanang sinasabi Ko sa inyo, na magagalak ng higit dahil dito kaysa sa siyamnapuโt siyam na hindi nangaligaw. Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.
๐๐๐ SABI NG DIYOS ," Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.โ Sariling mga salita ba ito ng Panginoong Jesus, o mga salita ng Ama sa langit? Sa unang tingin, tila ba ang Panginoong Jesus ang nagsasalita, nguniโt kinakatawan ng Kanyang kalooban ang kalooban ng Diyos Mismo, kaya sinabi Niyang: โGayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.โ Tanging ang Ama sa langit ang kinilala ng mga tao sa panahong iyon bilang Diyos, at naniwalang ang taong ito na kanilang nakita sa harap ng kanilang mga mata ay isinugo lang Niya, at hindi maaaring kumatawan sa Ama sa langit. Iyon ang dahilan kung bakit kinailangan ng Panginoong Jesus na idagdag ang pangungusap na ito sa hulihan ng talinghagang ito, upang tunay na maramdaman ng mga tao ang kalooban ng Diyos sa sangkatauhan at maramdaman ang pagiging-tunay at katumpakan ng Kanyang sinabi. Kahit na isang simpleng bagay ang pangungusap na ito para sabihin, sinabi ito nang may pagmamalasakit at pag-ibig at ibinunyag ang pagpapakumbaba at pagiging tago ng Panginoong Jesus. Naging tao man ang Diyos o gumawa man Siya sa espirituwal na dako, Siya ang nakakilala nang pinakamabuti sa puso ng tao, at nakaunawa nang pinakamahusay sa kung anong kinailangan ng mga tao, nakaalam sa kung anong ikinababahala ng mga tao, at kung anong nakalilito sa kanila, at kaya idinagdag Niya ang pangungusap na ito. Itinampok ng pangungusap na ito ang isang suliraning nakatago sa sangkatauhan: Nag-alinlangan ang mga tao sa sinabi ng Anak ng tao, na ang ibig sabihin, nang nagsasalita ang Panginoong Jesus kinailangan Niyang idagdag ang: โGayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak,โ at tanging sa saligang ito makapamumunga ang Kanyang mga salita, upang papaniwalain ang mga tao sa katumpakan ng mga ito at pagbutihin ang kredibilidad ng mga ito. Ipinakikita nito na noong naging karaniwang Anak ng tao ang Diyos, nagkaroon ang Diyos at ang sangkatauhan ng isang di-mapalagay na ugnayan, at na ang kalagayan ng Anak ng tao ay talagang nakahihiya. Ipinakikita rin nito kung gaano kahamak ang katayuan ng Panginoong Jesus sa gitna ng mga tao sa panahong iyon. Nang sinabi Niya ito, ito ay upang sabihin talaga sa mga tao na: Makatitiyak kayoโhindi kinakatawan ng mga salitang ito kung ano ang nasa sarili Kong puso, bagkus ang mga ito ay ang kalooban ng Diyos na nasa inyong mga puso. Para sa sangkatauhan, hindi ba ito isang kakatwang bagay? Bagaman ang Diyos na gumagawa sa katawang-tao ay maraming kalamangan na wala sa Kanya sa Kanyang persona, kinailangan Niyang tiisin ang kanilang mga alinlangan at pagtanggi gayundin ang kanilang kamanhiran at kapurulan. Masasabi na ang proseso ng gawain ng Anak ng tao ay ang proseso ng pagdanas ng pagtanggi ng sangkatauhan at pagdanas ng kanilang pakikipagtunggali laban sa Kanya. Higit pa roon, ito ang proseso ng paggawa upang patuloy na makuha ang tiwala ng sangkatauhan at malupig ang sangkatauhan sa pamamagitan ng kung anong mayroon at kung ano Siya, sa pamamagitan ng Kanyang sariling diwa. Hindi naman talaga naglunsad ang Diyos na nagkatawang-tao ng digmaan sa lupa laban kay Satanas; mas masasabi na naging isang karaniwang tao ang Diyos at nagsimula ng isang pakikibaka kasama ang mga sumusunod sa Kanya, at sa pakikibakang ito ay natapos ng Anak ng tao ang Kanyang gawain sa Kanyang pagpapakumbaba, sa kung anong mayroon at kung ano Siya, at sa Kanyang pag-ibig at karunungan. Natamo Niya ang mga taong ninais Niya, nakuha ang pagkakakilanlan at katayuan na nararapat sa Kanya, at โbumalikโ sa Kanyang luklukan.
ใHinango mula sa โAng Gawain ng Diyos, ang Disposisyon ng Diyos, at ang Diyos Mismo IIIโ sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
๐โ๏ธ๐Sa ngayon minamahal pa ng Diyos ang mga tao ngunit malapit ng matapos ang kanyang paghihintay sa sangkatauhan, pilitin po nating lumapit sa Diyos mahalin ang Diyos na siyang nararapat gawin ng bawat tao...
๐๐๐ SABI NG MAKAPANGYARIHANG DIYOS ," Lahat ng imposible para sa mga tao ay maayos at malayang tumatakbo para sa Akin. Walang sinumang makapipigil nito, at walang sinumang makapagbabago nito. Ang mundong ito, sa buo nitong kalakhan, ay ganap na nasa Aking mga kamay, bukod pa ang maliit na diyablong si Satanas. Kung hindi dahil sa Aking plano ng pamamahala, at kung hindi dahil sa Aking mga panganay na anak, matagal Ko na sanang winasak itong matandang kasamaan na ito pati na rin ang malaswang kapanahunang ito na lipos ng masangsang na amoy ng kamatayan. Nguniโt kumikilos Ako nang maayos at hindi Ako basta nagsasalita. Sa sandaling sabihin Ko ang isang bagay, ito ay matutupad; at kahit pa hindi ganoon, palaging mayroong aspeto ng Aking karunungan, na siyang tutupad ng lahat para sa Akin at magbubukas ng daan para sa Aking mga pagkilos. Ito ay dahil ang Aking mga salita ay Aking karunungan; ang Aking mga salita ang lahat-lahat. Ang mga tao ay pangunahing nabibigong maunawaan ang mga iyon at hindi malaman ang mga iyon. Malimit Kong tinutukoy ang โlawa ng apoy.โ Ano ang ibig sabihin niyan? Ano ang pagkakaiba nito sa lawa ng apoy at asupre? Ang lawa ng apoy at asupre ay tumutukoy sa impluwensya ni Satanas, samantalang ang lawa ng apoy ay tumutukoy sa buong mundong sakop ni Satanas. Bawat tao sa mundo ay sakop ng pag-aalay sa lawa ng apoy (ibig sabihin, laloโt lalo silang nagiging tiwali at kapag umabot na ang kanilang katiwalian sa isang antas, isa-isa Ko silang wawasakin, na madali Kong magagawa sa pagbigkas lamang ng isang salita). Mas matindi ang Aking p**t, mas matindi ang paglagablab ng apoy sa buong lawa ng apoy. Tumutukoy ito sa kung paanong ang mga tao ay pasama nang pasama. Ang panahon na sumabog ang Aking p**t ay magiging ang panahon din kung kailan sasabog ang lawa ng apoy; ibig sabihin, iyon ang magiging panahon kung kailan mapapahamak ang buong mundo ng sansinukob. Sa araw na iyon, ang Aking kaharian ay lubusang maisasakatuparan sa lupa at magsisimula ang isang bagong buhay.
mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
๐ฆ๐ฎ๐ฏ๐ถ ๐ป๐ด ๐ ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด๐๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ต๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐๐ผ๐:โAng oras ay nasa Aking mga kamay; huwag mong sayangin ito, at huwag kailanman magmabagal kahit na isang sandali; ang pag-aaksaya ng oras ay umaantala sa Aking gawain at hinahadlangan nito ang Aking kalooban sa iyo.โ โKulang na kulang na sa oras ngayon, kayaโt hindi ka dapat mahuli kahit na kaunti sa karera ng buhay; dapat mong sundan nang mabuti ang Aking mga yapak.โ mula sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao
๐พ๐พDiyos ang Pinagmulan ng Buhay ng Tao๐พ๐พ
๐๐ Sabi ng Diyos,"Sa sandaling isilang kang umiiyak sa mundong ito, sinisimulan mong gampanan ang iyong tungkulin. Para sa plano ng Diyos at sa Kanyang ordinasyon, ginagampanan mo ang iyong papel at sinisimulan ang iyong paglalakbay sa buhay. Anuman ang iyong pinagmulan, at anumang paglalakbay ang nasa iyong harapan, walang makakaiwas sa mga pangangasiwa at pagsasaayos ng Langit, at walang sinumang may kontrol sa sarili nilang tadhana, dahil Siya lamang na namumuno sa lahat ng bagay ang may kakayahang gawin iyon. Mula nang umiral ang tao, iyon na ang ginagawa ng Diyos, pinamamahalaan ang sansinukob, pinangangasiwaan ang mga panuntunan ng pagbabago para sa lahat ng bagay at kung paano gagalaw ang mga ito. Tulad ng lahat ng bagay, tahimik at hindi alam ng tao na pinalulusog siya ng tamis at ulan at hamog mula sa Diyos; tulad ng lahat ng bagay, hindi alam ng tao na nabubuhay siya sa ilalim ng pangangasiwa ng kamay ng Diyos. Ang pusoโt espiritu ng tao ay nasa kamay ng Diyos, lahat ng tungkol sa buhay niya ay namamasdan ng mga mata ng Diyos. Naniniwala ka man dito o hindi, anuman at lahat ng bagay, buhay man o patay, ay lilipat, magbabago, mapapanibago, at maglalaho alinsunod sa mga iniisip ng Diyos. Ganito pinamumunuan ng Diyos ang lahat ng bagay.
mula sa Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos
โ๏ธ๐ฅ"Magbantay kayo at manalangin upang huwag kayong madaig ng tukso. Ang espiritu'y nakahanda ngunit ang laman ay mahina.โ๐ฅบ๐
(Mateo 26:41)
Nais mo bang malaman kung paano maging banal at pumasok sa Kaharian ng Diyos?
Ngayong gabi ng 8:00 PM, mayroong isang messenger group na magkaroon ng pakikisama. Ang paksa ay kung paano tanggapin ang pagbabalik ni Jesus at pumasok sa Kaharian ng Diyos, nais mo bang sumali sa po?
tomorrow might be too late ๐ญ๐ญ๐ญuse one minute to thank God, follow
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Contact the public figure
Telephone
Website
Address
San Jose
5100
Inobahan San Jose Romblon
San Jose, 547823489
welcome to my page i hope all of you is supported to my work as a writters