Baitussalam

Baitussalam

is committed to share & convey Islam through engaging/informative content, dispel misconceptions.

19/08/2024

DU'A KAPAG MASYADONG MALAKAS ANG ULAN.

At hinihiling natin na ito'y humupa na o tumigil na, ang tawag dito ay Istiṣhà (الاستصحاء), kabaliktaran ng Istisqà na siyang paghingi naman ng ulan sa Allah.

اللَّهُمَّ حَوَالَيْنَا وَلاَ عَلَيْنَا، اللَّهُمَّ عَلَى الآكَامِ، وَالْجِبَالِ، وَالْآجَامِ، وَالظِّرَابِ، وَبُطُونِ الأَوْدِيَةِ، وَمَنَابِتِ الشَّجَرِ.

(Allāhumma hawālayna wa lā ʻalaynā, Allāhumma ʻalal-ākāmi, wal-jibāli, wal-ājāmi, waẓ-Ẓirābi, wa buṭūnil-awdiyah, wa manābitish-shajar).

"Ya Allah, ipaulan Niyo po doon sa palibot namin at hindi po sa ibabaw namin, Ya Allah, ipaulan Niyo po sa ibabaw ng mga burol, at mga kabundukan, at mga talampas, at mga lambak, at sa mga sapa at ilog, at sa mga lugar na tinutuboan ng mga kakahuyan." [Bukhari at Muslim].

✍️Shaykh Muhammad Ali Granaderos

DU'A KAPAG MASYADONG MALAKAS ANG HANGIN.

"اللَّهُمَّ إِنِّي أَسْأَلُكَ خَيْرَهَا، وَخَيْرَ مَا فِيهَا، وَخَيْرَ مَا أُرْسِلَتْ بِهِ، وَأَعُوذُ بِكَ مِنْ شَرِّهَا، وَشَرِّ مَا فِيهَا، وَشَرِّ مَا أُرْسِلَتْ بِهِ".

(Allāhumma innī as'aluka khayrahā,
wa khayra mā fīhā,
wa khayra mā ursilat bih,
wa a`ūdhu bika min sharrihā,
wa sharri mā fīhā,
wa sharri mā ursilat bih).

"Ya Allah, tunay na hinihiling ko sa Iyo ang kabutihan nito, at ang kabutihan na nilalaman (o napapaloob) nito, at ang kabutihan ng kung anoman ang ipinadala kasama nito. At ako ay nagpapakupkop (humihingi ng proteksyon) sa Iyo laban sa kasamaan nito, at sa kasamaan na nilalaman (o napapaloob) nito, at sa kasamaan ng kung anoman ang ipinadala kasama nito."
[Isinalaysay ni Muslim].

(CTTO Shk. Muhammad Ali Granaderos)

*****

DU'A/PANALANGIN KAPAG MAY ULAN, KULOG O MALAKAS NA NHAGIN☁️⚡🌪🌧

🌧PANALANGIN KAPAG NAMATAAN ANG ULAN:

اللهم صيبا نافعا

🔸️ALLĀHUMMA SAYYIBAN NĀFIĀ

(OH Allah, ipagkaloob mo nawa sa amin ang ulan na mapagpala nang walang pinsala)

🌪PANALANGIN KAPAG MAY MALAKAS NA HANGIN:

اللهم إني أسألك خيرها و أعوذ بك من شرها

🔸️ALLĀHUMMA INNIY AS-ALUKA KHAYRAHA WA AUWDHU BIKA MIN SHARRIHA

(Oh Allah, hinihingi ko sa Inyo ang kabutihan ng hangin na ito at nagpapakupkop ako sa Inyo mula sa kasamaan na tinataglay nito)

⚡PANALANGIN KAPAG NARINIG ANG KULOG:

سبحان الذي يسبح الرعد بحمده والملائكة من خيفته

🔸️SUBHĀNALADHDHIY YUSABBIHUR RA'DU BIHAMDIHI WAL MALĀIKATU MIN KHIYFATIH

(Kaluwalhatian sa Kanya na Siyang niluluwalhati ng kulog at pinupuri Siya at gayundin, niluluwalhati Siya ng mga anghel dahil sa tindi ng kanilang takot sa Kanya)

☁️PANALANGIN SA PAGHUPA NG ULAN:

مطرنا بفضل الله و برحمته

🔸️MUTIRNA BIFADLILLAH WA BIRAHMATIH

(Bumuhos ang ulan sa amin dulot ng kabaitan at awa ng Allah)



(CTTO: Shk. Khadafy B. Mangansakan)

16/08/2024

"NGAYON MO HINGIN ANG LAHAT NG NAIS MO."

قال النبي صلى الله عليه و سلم:
((فِي الْجُمُعَةِ سَاعَةٌ لَا يُوَافِقُهَا عَبْدٌ مُسْلِمٌ قَائِمٌ يُصَلِّي فَسَأَلَ اللَّهَ خَيْرًا إِلَّا أَعْطَاهُ إياه))
رواه البخاري و مسلم

Sinabi ni Propeta Muhammad ﷺ :

"Katotohanang sa araw ng Jumu'ah ay may oras na kung saan walang sinuman ang mananalangin at hihingi liban na ipagkakaloob ito sa kanya ni Allaah."

(Iniulat nina Imaam Bukhaari at Muslim)

Sabi ng ating mga Ulama na ang oras ng 'Asr ang siyang mas malapit at tamang opinyon.

Ano pa ang inaantay natin? Ito ang panahon kung saan kailangang kailangan ng bawat isa ang mga nalalabing oras na ito. Nawa ang bawat isa ay mapakinabangan ang mga sandaling ito at nawa ay tanggapin ni Allah ang ating mga panalangin.

(CTTO: Ust. Ismail Aguirre Amil)


'ah
'a

15/08/2024

AsSalamu 'Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuhu.

Sa SABADO hanggang LUNES ay tatapat ang Ayyāmul Biyd (Mga Puting Araw) para sa buwan ng :

✅ AUGUST 17, 2024 :
13th ng Safar 1446 (SABADO)

✅ AUGUST 18, 2024 :
14th ng Safar 1446 (LINGGO)

✅ AUGUST 19, 2024 :
15th ng Safar 1446 (LUNES)

Sunnah ang pag-aayuno sa tatlong araw na ito at para ka na ding nag-ayuno ng isang buong taon. Paalalahan po natin ang iba. 🍽

Sinabi ng Sugo ni Allah ﷺ:
"Ang pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan ay katumbas ng pag-aayuno ng buong taon."
📖Sahih Bukhari at Muslim.

Ayon kay Abi Hurayrah رضي الله عنه sabi niya: "Pinayuhan ako ng aking matalik na kaibigan (ang Propeta Muhammad ﷺ) ng tatlong bagay hinding-hindi ko iniwan hanggang sa ako’y mamatay: ‫❝‬Ang pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, at pagsasalāh ng salātud duhā (pagkatapos ng pagsikat ng araw ng ilang minuto at magtatapos ito bago mag Adhān ng Dhuhr), at magSalāh ng Witr bago matulog.‫❞‬
📖Al-Bukhāri at Muslim.

Sinabi ng Sugoﷺ ng Allāh:

“Tunay na mayroong pintuan sa Jannah (Paraiso) na tinatawag na Ar-Rayyân (الرَّيَّانُ), na papasok dito ang mga nagsisipag-ayuno sa Araw ng Paghuhukom, na wala ng iba pang papasok dito liban sa kanila, at sasabihin sa kanila, "Saan na ang mga nagsisipag-ayuno? At sila ay magsisipagtayo, at walang iba na papasok dito liban sa kanila, at kapag sila'y nakapasok na dito kaagad itong isasara, at wala ng makakapasok pa doon ni isa man.”
📖Sahīh Al-Bukhāri, Sahīh Muslim.

Mainam po na imbitahan at mapaalalahanan ang mga kapatid nating Muslim, kapamilya, kamag-anak, at kaibigan tungkol sa mga araw ng pag-aayuno dahil ang pag-aanyaya sa iba tungo sa pagsasagawa ng kabutihan ay pagkakamit ng kaparehong gantimpala na katulad ng nagsagawa nito.







*****

Photos from Almaarif Educational Center Inc. Updates's post 14/08/2024
11/08/2024

✨ Samahan kami para sa isang napapanahon talakayan at suriin ang hukom at panuntunan na nakapalibot sa musika sa Islam! Sama-sama nating tuklasin ang mga maling kuru-kuro at kaalaman. Maghanap tayo ng kaalaman, magbahagi ng mga insight, at makisali sa makabuluhang mga talakayan.

"Musika armas ng Shaytan"

Lecturer: Ustadh Abuammar Esmael
Hosted by: Ustadh Kashmir Abubakr

Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang palawakin ang iyong kaalaman at palakasin ang iyong pananampalataya! 🌙💡

Photos from Isa Ibn Maryam Inc.'s post 04/08/2024

Assalamu alaikum warahmatullahi wa barakatuh,

Kapatid Nag hahangad ka bang Matutong mag Basa at mag Sulat ng Arabic?

Maunawaan ang Qur'an sa sarili nitong Salita?

Maunawaan ang Islam ng mas Malawak?

Samahan niyo po kami at Matuto,
Open po ito sa mga Kalalakihan at mga Kababaihan.

Ito po link for registration:
https://isaibnmaryam.org/courses

Location:
https://maps.app.goo.gl/6dGzy1WrfcZVAnpJ8?g_st=com.google.maps.preview.copy

03/08/2024

"Paano natin pangangalagaan ang ating mga anak sa harap ng Fitnah"
🎙️Ustadh Hamza Duran

🎥; Saturday August 3, 2024
📍: Blue Mosque Maharlika Village Taguig City

03/08/2024
03/08/2024

Mamaya po ito iniimbitahan po namin na makinig sa lecture ni Shk Brother Hamzah Duran

29/07/2024

UPDATE: 🎥 Malapit nang mag-live sa loob ng ilang minuto ang naantalang livestream ng lecture, "Ang Babae sa Islam" kasama ang ang ating ginagalang Dr. Sulaiman Aloudah at (Ustadh Hamza Duran bilang translator).

Upang makakuha ng mahalagang mga pananaw sa kahanga-hangang papel ng kababaihan sa Islam. 🌟🕌

29/07/2024

Magkaroon ng mas malalim na pagkilala at pananaw sa buhay at katangian ng ating minamahal na Propeta Muhammad (ﷺ) sa pamamagitan ng aming Online Halaqah kasama si Ustadh Moammar Esmael. Huwag palampasin ang pagkakataong ito para mapahusay ang iyong pananampalataya. ✨Buksan ang inyong mga puso sa kagandahan ng Islam. 💖

Assalamualaikum wa rahmatullahi wa barakatuh!

27/07/2024

Assalamu 'Alaikum warahmatullahi wa Barakatuh.

Humihingi po kami ng paumanhin po sa mga naghihintay ng Live Stream patungkol sa event na ito. Ang Live stream po ay isasagawa pagtapos ng event. Jazakumullahu Khayran.

“𝗔𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗯𝗮𝗲 𝘀𝗮 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗺”

Samahan kami sa Sabado, ika-27 ng Hulyo 12nn tungkol sa katayuan ng kababaihan sa Islam.

Ang ating tagapagsalita ay si Dr. Sulaiman Aloudah, isang dating propesor sa Qassim University at naging Director ng Islamic Center North Buraydah. Makakasama niya sina Ustadh Hamza Duran at Bro. Ibrahim Kaisy para sa isang mabiyayang talakayan.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang madagdagan ang iyong kaalaman sa pananampalatayang Islam. Magkakaron po ng Q and A session, kung saan maari po magtanong ang audience sa lecturer.

Ibahagi at anyayahan ating brothers and sisters sa ating Deen.

Assalamualaikum wa rahmatullahi wa barakatuh.

Date: July 27, Saturday
Time: 12nn
Venue: Veterans Museum (Auditorium), Veterans Road, Taguig City
* Open to brothers and sisters
* Be on time limited seats available (350 slots only)
* 1st come 1st serve

Location: https://maps.app.goo.gl/hjXbbtP7HjgrFRxTA

26/07/2024

Assalamualaikum wa rahmatullahi wa barakatuh!

Don't miss this golden opportunity! Our respected Dr. Sulaiman Aloudah will be sharing his invaluable knowledge with us. This is your chance to learn, ask questions, and deepen our understanding of Islam together.

Date: July 27, Saturday
Time: 12nn
Venue: Veterans Museum (Auditorium), Veterans Road, Taguig City
* Open to brothers and sisters
* Be on time; limited seats are available (350 slots only)
* 1st come, 1st served (entrance & seats)
* Facebook livestream will be available

Location map: https://maps.app.goo.gl/hjXbbtP7HjgrFRxTA

24/07/2024

“𝗔𝗻𝗴 𝗕𝗮𝗯𝗮𝗲 𝘀𝗮 𝗜𝘀𝗹𝗮𝗺”

Samahan kami sa Sabado, ika-27 ng Hulyo 12nn tungkol sa katayuan ng kababaihan sa Islam.

Ang ating tagapagsalita ay si Dr. Sulaiman Aloudah, isang dating propesor sa Qassim University at naging Director ng Islamic Center North Buraydah. Makakasama niya sina Ustadh Hamza Duran at Bro. Ibrahim Kaisy para sa isang mabiyayang talakayan.

Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang madagdagan ang iyong kaalaman sa pananampalatayang Islam. Magkakaron po ng Q and A session, kung saan maari po magtanong ang audience sa lecturer.

Ibahagi at anyayahan ating brothers and sisters sa ating Deen.

Assalamualaikum wa rahmatullahi wa barakatuh.

Date: July 27, Saturday
Time: 12nn
Venue: Veterans Museum (Auditorium), Veterans Road, Taguig City
* Open to brothers and sisters
* Be on time limited seats available (350 slots only)
* 1st come 1st serve

Location: https://maps.app.goo.gl/hjXbbtP7HjgrFRxTA

24/07/2024

DU'A KAPAG MASYADONG MALAKAS ANG ULAN.

At hinihiling natin na ito'y humupa na o tumigil na, ang tawag dito ay Istiṣhà (الاستصحاء), kabaliktaran ng Istisqà na siyang paghingi naman ng ulan sa Allah.

اللَّهُمَّ حَوَالَيْنَا وَلاَ عَلَيْنَا، اللَّهُمَّ عَلَى الآكَامِ، وَالْجِبَالِ، وَالْآجَامِ، وَالظِّرَابِ، وَبُطُونِ الأَوْدِيَةِ، وَمَنَابِتِ الشَّجَرِ.

(Allāhumma hawālayna wa lā ʻalaynā, Allāhumma ʻalal-ākāmi, wal-jibāli, wal-ājāmi, waẓ-Ẓirābi, wa buṭūnil-awdiyah, wa manābitish-shajar).

"Ya Allah, ipaulan Niyo po doon sa palibot namin at hindi po sa ibabaw namin, Ya Allah, ipaulan Niyo po sa ibabaw ng mga burol, at mga kabundukan, at mga talampas, at mga lambak, at sa mga sapa at ilog, at sa mga lugar na tinutuboan ng mga kakahuyan." [Bukhari at Muslim].

✍️Shaykh Muhammad Ali Granaderos

DU'A KAPAG MASYADONG MALAKAS ANG HANGIN.

"اللَّهُمَّ إِنِّي أَسْأَلُكَ خَيْرَهَا، وَخَيْرَ مَا فِيهَا، وَخَيْرَ مَا أُرْسِلَتْ بِهِ، وَأَعُوذُ بِكَ مِنْ شَرِّهَا، وَشَرِّ مَا فِيهَا، وَشَرِّ مَا أُرْسِلَتْ بِهِ".

(Allāhumma innī as'aluka khayrahā,
wa khayra mā fīhā,
wa khayra mā ursilat bih,
wa a`ūdhu bika min sharrihā,
wa sharri mā fīhā,
wa sharri mā ursilat bih).

"Ya Allah, tunay na hinihiling ko sa Iyo ang kabutihan nito, at ang kabutihan na nilalaman (o napapaloob) nito, at ang kabutihan ng kung anoman ang ipinadala kasama nito. At ako ay nagpapakupkop (humihingi ng proteksyon) sa Iyo laban sa kasamaan nito, at sa kasamaan na nilalaman (o napapaloob) nito, at sa kasamaan ng kung anoman ang ipinadala kasama nito."
[Isinalaysay ni Muslim].

(CTTO Shk. Muhammad Ali Granaderos)

*****

DU'A/PANALANGIN KAPAG MAY ULAN, KULOG O MALAKAS NA NHAGIN☁️⚡🌪🌧

🌧PANALANGIN KAPAG NAMATAAN ANG ULAN:

اللهم صيبا نافعا

🔸️ALLĀHUMMA SAYYIBAN NĀFIĀ

(OH Allah, ipagkaloob mo nawa sa amin ang ulan na mapagpala nang walang pinsala)

🌪PANALANGIN KAPAG MAY MALAKAS NA HANGIN:

اللهم إني أسألك خيرها و أعوذ بك من شرها

🔸️ALLĀHUMMA INNIY AS-ALUKA KHAYRAHA WA AUWDHU BIKA MIN SHARRIHA

(Oh Allah, hinihingi ko sa Inyo ang kabutihan ng hangin na ito at nagpapakupkop ako sa Inyo mula sa kasamaan na tinataglay nito)

⚡PANALANGIN KAPAG NARINIG ANG KULOG:

سبحان الذي يسبح الرعد بحمده والملائكة من خيفته

🔸️SUBHĀNALADHDHIY YUSABBIHUR RA'DU BIHAMDIHI WAL MALĀIKATU MIN KHIYFATIH

(Kaluwalhatian sa Kanya na Siyang niluluwalhati ng kulog at pinupuri Siya at gayundin, niluluwalhati Siya ng mga anghel dahil sa tindi ng kanilang takot sa Kanya)

☁️PANALANGIN SA PAGHUPA NG ULAN:

مطرنا بفضل الله و برحمته

🔸️MUTIRNA BIFADLILLAH WA BIRAHMATIH

(Bumuhos ang ulan sa amin dulot ng kabaitan at awa ng Allah)



(CTTO: Shk. Khadafy B. Mangansakan)

15/07/2024

Ano ang itinuturo ng Islam tungkol sa pagpasok sa Paraiso?

Tuklasin ang "Mga Susi ng Paraiso" kasama si Ustadh Moammar Esmael ️

14/07/2024

Ano ang itinuturo ng Islam tungkol sa pagpasok sa Paraiso?

Abangan mamya sa aming Facebook Live lecture para tuklasin ang "Mga Susi ng Paraiso" kasama si Ustadh Moammar Esmael ️

July 15, 2024 | Lunes | 9pm

Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang makakuha ng kaalaman at matuto kung paano mamuhay tangan ang mga susi sa Jannah. Magkita kita po tayo! hosted by Ustadh Kashmir Abubakar

07/07/2024

SAMANTALAHIN ANG WALONG ( 8 ) ARAW NG PAG-AAYUNO SA BUWAN NA ITO!!!

ISANG TAON NA KASALANAN AY MAPAPATAWAD SA PAG-FASTING SA ARAW NG ASHOORAH (July 16, 2024)

👉 Sinabi ng Mahal na Propeta ﷺ:

“...At Ang pag-aayuno sa araw ng Ashoorah ay Umaasa ako na mapatawad ang isang taon na kasalanan na nagawa bago pa ang taong ito."
Iniulat ni Imam Muslim 1162

PAALAALA:

♦️ Sikapin mag-ayuno dahil napakalaki ang gantimpala at hindi natin alam na baka ito na ang Huling Ashoora natin!!!

♦️ Ang Fasting (pag-ayuno) sa araw ng Ashoora (July 16) lamang ay Ipinahintulot at walang pagbabawal hinggil dito,

Ngunit mas mainam ay isali narin ang araw ng Lunes (July 15) alinsunod sa paghahangad ng Mahal na Propeta na pag-ayunuhan ito.

♦️ Ang pagpaparami ng ayuno sa buwan ng Muharram ay isang mainam na Sunnah ng Mahal na Propeta.

👉 Sinabi ng Mahal ng Propeta ﷺ:
"Ang pinaka mainam na pag-aayuno pagkatapos ng obligadong pag-aayuno ay sa buwan ng Allah na tinatawag na Muharram."
Inulat ni Imam Muslim

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

-حديث: "فضل الصيام بعد الفريضة شهر الله الذي تسمونه المحرم" أخرجَه مسلمٌ في صحيحه.
-حديث: "....وَصِيَامُ يَوْمِ عَاشُورَاءَ أَحْتَسِبُ عَلَى اللَّهِ أَنْ يُكَفِّرَ السَّنَةَ الَّتِي قَبْلَهُ " رواه مسلم 1162.

✍🏼 Zulameen Sarento Puti حفظه الله







*****

AsSalamu 'Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuhu.

Sa BIYERNES hanggang LINGGO ay tatapat ang Ayyāmul Biyd (Mga Puting Araw) para sa buwan ng :

✅ JULY 19, 2024 :
13th ng Muharram 1446 (BIYERNES)

✅ JULY 20, 2024 :
14th ng Muharram 1446 (SABADO)

✅ JULY 21, 2024 :
15th ng Muharram 1446 (LINGGO)

Sunnah ang pag-aayuno sa tatlong araw na ito at para ka na ding nag-ayuno ng isang buong taon. Paalalahan po natin ang iba. 🍽

Sinabi ng Sugo ni Allah ﷺ:
"Ang pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan ay katumbas ng pag-aayuno ng buong taon."
(Sahih Bukhari at Muslim)

Ayon kay Abi Hurayrah رضي الله عنه sabi niya: "Pinayuhan ako ng aking matalik na kaibigan (ang Propeta Muhammad ﷺ) ng tatlong bagay hinding-hindi ko iniwan hanggang sa ako’y mamatay: ‫❝‬Ang pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, at pagsasalāh ng salātud duhā (pagkatapos ng pagsikat ng araw ng ilang minuto at magtatapos ito bago mag Adhān ng Dhuhr), at magSalāh ng Witr bago matulog.‫❞‬
Al-Bukhāri at Muslim.

Sinabi ng Sugoﷺ ng Allāh:

“Tunay na mayroong pintuan sa Jannah (Paraiso) na tinatawag na Ar-Rayyân (الرَّيَّانُ), na papasok dito ang mga nagsisipag-ayuno sa Araw ng Paghuhukom, na wala ng iba pang papasok dito liban sa kanila, at sasabihin sa kanila, "Saan na ang mga nagsisipag-ayuno? At sila ay magsisipagtayo, at walang iba na papasok dito liban sa kanila, at kapag sila'y nakapasok na dito kaagad itong isasara, at wala ng makakapasok pa doon ni isa man.”

Sahīh Al-Bukhāri, Sahīh Muslim.

Mainam po na imbitahan at mapaalalahanan ang mga kapatid nating Muslim, kapamilya, kamag-anak, at kaibigan tungkol sa mga araw ng pag-aayuno dahil ang pag-aanyaya sa iba tungo sa pagsasagawa ng kabutihan ay pagkakamit ng kaparehong gantimpala na katulad ng nagsagawa nito.








*****

04/07/2024

ANG KAHALAGAAN NG BAGONG TAON SA ISLAM "Unang araw ng buwan ng Muharram -New Year o Amon Jadeed" ‼

ANO NGA BA ANG KAHALAGAAN NG UNANG ARAW NG BUWAN NG MUHARRAM "new year"?

Una sa lahat, Nilimbag ang Islamikong kalendaryo upang malaman ang pagpasok ng taon, buwan o maging batayan sa mga kasunduan, mga mahahalagang kagananapan sa Islam tulad ng pagsasagawa ng Ibadah sa buwan ng Ramadhan, Hajj etc.

Ngunit Ang pagdiriwang at pagbabatian sa pagpasok ng unang taon "new year" ay hindi po ginawa ng Mahal na Propeta sampu ng kanyang mga kasamahan (Sahabah), kanyang pamilya gayundin ang mga Salaf (sinaunang mananampalataya).

👉 ANG TANGING IPINAGDIRIWANG SA ISLAM TUWING TAON AY ANG EIDUL FITR AT EIDUL ADHA ‼

Kaya mainam sa atin na huwag din itong ipagdiwang!
Hindi na kailangang magbatian sa pagpasok ng bagong taon alinsunod sa gawain ng Propeta at ng mga Salaf.(sinaunang mananampalataya)
Sapat na ang malaman na pumasok ang unang araw (new year!)

👉 Nang tanungin si Shaikh Fawzan hinggil sa pagbabatian sa unang araw ng taon "new year in Hijrah Calendar", kanyang sinabi:
"Wala tayong alam na basehan hinggil sa bagay na ito "Walang batayan para sa pagbabatian"

قال الشيخ صالح الفوزان حيث سئل عن التهنئة بالعام الهجري الجديد فأجاب: ((لا نعرف لهذا أصلاً،"

- Walang naiulat mula sa Propeta sampu ng mga Sahaba (kanyang mga kasamahan) na sila ay nagbabatian sa tuwing papasok ang unang araw ng Muharram (new year).

-Wala rin naiulat mula sa Propeta na kanyang pinag-ayunuhan ang unang araw ng buwan ng Muharram bilang pagdirawang sa pagpasok ng buwan.
At ang pag-aayuno sa unang araw ng Muharram ay walang kahigitan sa pangkaraniwang araw.

Kung siya ay mag-aayuno upang ipagdiwang ang unang araw ng Muharram ay mahuhulog ito sa gawaing Bid'ah.
Ngunit, kung siya ay mag-ayuno hindi dahil sa pagdiriwang o pagbibigay halaga sa unang araw nito kundi siya ay nag-aayuno para sa kainaman ng buong buwan ng Muharram, sa ganitong kalagayan ito ay ipinahintulot.

UNAWAING MAIGI!!
👉 Sinabi ng Mahal ng Propeta ﷺ:
"Ang pinaka mainam na pag-aayuno pagkatapos ng obligadong pag-aayuno ay sa buwan ng Allah na tinatawag na Muharram."

Inulat ni Imam Muslim
حديث: أفضل الصيام بعد الفريضة شهر الله الذي تسمونه المحرم" أخرجَه مسلمٌ في صحيحه.

✍🏼 Zulameen Sarento Puti حفظه الله






*****

30/06/2024

Pansin niyo ba ?

Ang mga nagbebenta ng pakwan ay binubuksan nila ang malaki, matamis, at mapulang uri ng pakwan ngunit ang nakakagulat ay walang bumibili nito? Ito ay dahil ang bukas na pakwan ay nahawak-hawakan na at nadumihan na at naalikabukan na; kayat wala ng tao ang gustong pumili nito.

Ito ay maihahalintulad sa ibang babae na binubuksan niya ang kanyang awrah para makita ng karamihan, wala ng pipili sakanya na matinong lalaki dahil para na siyang nadumihan, maliban nalang sa nagbalik loob at kinaawaan ni Allah.

منقول بالترجمة

✍🏼 Brother Saad حفظه الله

https://www.facebook.com/profile.php?id=100063963490463&mibextid=ZbWKwL






*****

29/06/2024

O Messenger of Allah, what charity is best?’ He replied, ‘Providing drinking water.’

This hadith encourages us to be kind and generous towards all living beings as we will be rewarded for our good deeds no matter how small they may seem. We should always strive to do good deeds and help those in need as this will bring us closer to Allah and earn His blessings.

Photos from Baitussalam's post 27/06/2024

...Important Announcement: Grand Symposium Rescheduled..

Assalamu alaykum wa rahmatullahi wa barakatuhu
We regret to inform you that the Grand Symposium titled "Ang Pagkakaisa Para sa Tamang Manhaj" organized by Hurul A'yn Women's Dawa Training Institute in collaboration with Baitussalam and TCU-MSA has been rescheduled due to unforeseen circumstances...

We sincerely apologize for any inconvenience this may cause. We will announce the new date and time for the event as soon as possible.

Jazakum Allahu Khairan for your understanding...

Stay tuned for further updates. inshaallah...

Photos from Baitussalam's post 22/06/2024

ٳنــــاللە و ٳنـــــا ٳلــــیە راجــــعون

Inna lillahi wa inna 'ilaihi raji'oon.

Si Sheikh Saleh Al-Shaiba, ang punong may-hawak ng Susi ng Kaaba at ika-109 na kahalili ni Uthman ibn Talha (RA), ay pumanaw na.

Ang Janazah ay gaganapin pagkatapos ng Fajr ngayon sa Masjid Al Haram, kasama ang libing sa Al Mu'alla Cemetery sa Makkah. Kaawaan nawa ng Allah ang kanyang kaluluwa. Ameen.

Source : Haramain FB Page

19/06/2024

Eid Mubarak! from Baitussalam Team

Photos from Taha Foundation PH's post 19/06/2024

Jazakumullahu khairan!

18/06/2024

AsSalamu 'Alaikum wa Rahmatullahi wa Barakatuhu.

Sa MIYERKULES hanggang BIYERNES ay tatapat ang Ayyāmul Biyd (Mga Puting Araw) para sa buwan ng :

✅ JUNE 19, 2024 :
13th ng Dhul Hijjah 1445 (MIYERKULES)

✅ JUNE 20, 2024 :
14th ng Dhul Hijjah 1445 (HUWEBES)

✅ JUNE 21, 2024 :
15th ng Dhul Hijjah 1445 (BIYERNES)

🚫 Sa araw ng Miyerkules, June 19, ay ika-13 araw ng Dhul Hijjah NGUNIT bawal itong pag-ayunuhan dahil napapaloob ito sa AYYAMUT TASHREEQ (Ang ika-11,12, at 13 ng Dhul Hijjah) na kung saan ito ang mga araw ng pagkain, pag-inom at pag-alaala sa Allāh.

✅ SUBALIT maaari naman palitan ang ika- 13 araw ng Dhul Hijjah sa ika-16 araw ng Dhul Hijjah (JUNE 22, 2024 / SABADO) o sa iba pang mga araw para inyong makumpleto ang 3 araw na pag-aayuno sa Ayyamul Biyd.

Sunnah ang pag-aayuno sa tatlong araw na ito at para ka na ding nag-ayuno ng isang buong taon. Paalalahan po natin ang iba. 🍽

Sinabi ng Sugo ni Allah ﷺ:
"Ang pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan ay katumbas ng pag-aayuno ng buong taon."
(Sahih Bukhari at Muslim)

Ayon kay Abi Hurayrah رضي الله عنه sabi niya: "Pinayuhan ako ng aking matalik na kaibigan (ang Propeta Muhammad ﷺ) ng tatlong bagay hinding-hindi ko iniwan hanggang sa ako’y mamatay: ‫❝‬Ang pag-aayuno ng tatlong araw sa bawat buwan, at pagsasalāh ng salātud duhā (pagkatapos ng pagsikat ng araw ng ilang minuto at magtatapos ito bago mag Adhān ng Dhuhr), at magSalāh ng Witr bago matulog.‫❞‬
Al-Bukhāri at Muslim.

Sinabi ng Sugoﷺ ng Allāh:

“Tunay na mayroong pintuan sa Jannah (Paraiso) na tinatawag na Ar-Rayyân (الرَّيَّانُ), na papasok dito ang mga nagsisipag-ayuno sa Araw ng Paghuhukom, na wala ng iba pang papasok dito liban sa kanila, at sasabihin sa kanila, "Saan na ang mga nagsisipag-ayuno? At sila ay magsisipagtayo, at walang iba na papasok dito liban sa kanila, at kapag sila'y nakapasok na dito kaagad itong isasara, at wala ng makakapasok pa doon ni isa man.”

Sahīh Al-Bukhāri, Sahīh Muslim.

Mainam po na imbitahan at mapaalalahanan ang mga kapatid nating Muslim, kapamilya, kamag-anak, at kaibigan tungkol sa mga araw ng pag-aayuno dahil ang pag-aanyaya sa iba tungo sa pagsasagawa ng kabutihan ay pagkakamit ng kaparehong gantimpala na katulad ng nagsagawa nito.







*****

15/06/2024

KAMI PO AY BUMABATI SA INYO NG

عيد الأضحى مبارك!

Eid Al-Adhaa Mubarak!

تقبل الله منا ومنكم صالح العمل

Taqabbalallahu minnaa wa minkum salihal a'mal.

Tanggapin nawa ng Allah ang atin at gayundin ang inyong mga mabubuting gawa.

Allahumma Aameen 🤲🏼

14/06/2024

𝗣𝗮𝗿𝗮𝗺𝗶𝗵𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗱𝘂'𝗮 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝗳𝗮𝗵, 𝗺𝘂𝗹𝗮 𝘀𝗮 𝘂𝗺𝗮𝗴𝗮 𝗵𝗮𝗻𝗴𝗴𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗻𝗮𝗵𝗼𝗻 𝗯𝗮𝗴𝗼 𝗽𝘂𝗺𝗮𝘀𝗼𝗸 𝗮𝗻𝗴 𝗠𝗮𝗴𝗵𝗿𝗶𝗯 𝗯𝘂𝗸𝗮𝘀. 𝗜𝘁𝗼'𝘆 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗹𝗮𝗵𝗮𝘁 𝗻𝗴 𝗺𝘂𝘀𝗹𝗶𝗺, 𝗻𝗮𝗴𝗵𝗮-𝗵𝗮𝗷𝗷 𝗺𝗮𝗻 𝗼 𝗵𝗶𝗻𝗱𝗶. 𝗔𝘁 𝗶𝘁𝗼'𝘆 𝗸𝗮𝗯𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗺𝗴𝗮 𝗱𝗮𝗸𝗶𝗹𝗮𝗻𝗴 𝗦𝘂𝗻𝗻𝗮𝗵.

Samantalahin ang dakilang pagkakataon na ito. Dahil ang pinakamainam na du'a ay ang du'a sa Araw ng Arafah.

Sinabi ng Propeta ﷺ:

"خير الدعاء دعاء يوم عرفة، وخير ما قلت أنا والنبيّون من قبلي: لا إله إلا الله وحده لا شريك له، له الملك، وله الحمد، وهو على كل شيء قدير".

"Ang pinakamainam na du'a ay ang du'a sa Araw ng Arafah, at ang pinakamainam na sinabi ko (na du'a) ako at ang mga propeta na nauna sa akin ang: 𝙇𝘼 𝙄𝙇𝘼𝙃𝘼 𝙄𝙇𝙇𝘼𝙇𝙇𝘼𝙃, 𝙒𝘼𝙃𝘿𝘼𝙃𝙐 𝙇𝘼 𝙎𝙃𝘼𝙍𝙄𝙆𝘼 𝙇𝘼𝙃𝙐, 𝙇𝘼𝙃𝙐𝙇-𝙈𝙐𝙇𝙆𝙊, 𝙒𝘼 𝙇𝘼𝙃𝙐𝙇-𝙃𝘼𝙈𝘿𝙊, 𝙒𝘼 𝙃𝙐𝙒𝘼 '𝘼𝙇𝘼 𝙆𝙐𝙇𝙇𝙄 𝙎𝙃𝘼𝙔'𝙄𝙉 𝙌𝘼𝘿𝙀𝙀𝙍 (Walang ibang Diyos na dapat sambahin maliban sa Allah ang Nag-iisa at walang katambal sa Kanya, sa Kanya ang kaharian at pagmamay-ari at sa Kanya ang lahat ng papuri, at Siya ang may ganap na kakayahan sa lahat ng bagay." [Termidhi, Hasan ayon kay Albani, bagama't mahina ang kanyang sanad]

Sinabi ni Talhah bin Ubaid bin Karíz - رحمه الله - isa sa mga Tabi'in:

"أفضل الدعاء دعاء يوم عرفة".

"Ang pinakamainam na du'a ay ang du'a sa Araw ng Arafah." [Muwatta ni Imam Malik, Mursal ang hadith na ito]

𝗜𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗻𝗮𝘁𝗶𝗻 𝘀𝗮 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗗𝗨'𝗔 𝗮𝘁 𝗤𝗨𝗡𝗨𝗧 𝗮𝗻𝗴 𝗮𝘁𝗶𝗻𝗴 𝗺𝗴𝗮 𝗞𝗔𝗣𝗔𝗧𝗜𝗥𝗔𝗡 𝘀𝗮 𝗣𝗔𝗟𝗘𝗦𝗧𝗜𝗡𝗘 🇵🇸 𝗮𝘁 𝗮𝗻𝗴 𝗔𝗟-𝗠𝗔𝗦𝗝𝗜𝗗 𝗔𝗟-𝗔𝗤𝗦𝗔 🕌

✍🏼 Shk. Muhammad Ali Granaderos حفظه الله








*****

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Taguig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

What are the five pillars of Islam?The most important Islamic practices are the Five Pillars of Islam. The five pillars ...
"HINDI MADALI ANG PAG-AASAWA"🎙️: Ustadh Ibrahim Kaisy.........#angbabaesaislam  #islamicpost #sunnah #Quran #muslim #pro...
"Paano natin pangangalagaan ang ating mga anak sa harap ng Fitnah"🎙️Ustadh Hamza Duran🎥; Saturday August 3, 2024📍: Blue ...
"Pumili ng babaeng magiging magandang modelo at teacher ng anak mo."🎙️: Ustadh Ibrahim Kaisy.........#angbabaesaislam  #...
"Ang Babae sa Islam" - Dr. Sulaiman Aloudah
Sino man ang manglait pagtawanan nya ang isang tao hinde sya mamamatay Hanggat di nya ginagawa ang ginagawa ng nilalait ...
"Mga Susi ng Paraiso" with si Ustadh Moammar Esmael ️
May Pinag sisisihan ka ba ng YUMAKAP KA SA ISLAM?
"𝗚𝗘𝗡-𝗭 𝗜𝗡 𝗜𝗦𝗟𝗔𝗠𝗜𝗖 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗣𝗘𝗖𝗧𝗜𝗩𝗘"
"𝗚𝗘𝗡-𝗭 𝗜𝗡 𝗜𝗦𝗟𝗔𝗠𝗜𝗖 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗣𝗘𝗖𝗧𝗜𝗩𝗘"
"𝗚𝗘𝗡-𝗭 𝗜𝗡 𝗜𝗦𝗟𝗔𝗠𝗜𝗖 𝗣𝗘𝗥𝗦𝗣𝗘𝗖𝗧𝗜𝗩𝗘"

Telephone

Website

Address

Maharlika Village
Taguig
Other Taguig non profit organizations (show all)
Real LIFE Foundation Real LIFE Foundation
32nd Street Corner University Parkway, Bonifacio Global City
Taguig, 1634

Real LIFE Foundation is a Philippine nongovernmental organization that exists to honor God by serving and empowering the underprivileged youth of the Philippines through educationa...

Mga Batang Dekada Nobenta Mga Batang Dekada Nobenta
Taguig

Laking Dekada Nobenta ka ba? Sariwain natin ang mga alaala! http://no-benta.blogspot.com

JCI Global CT JCI Global CT
Bonifacio Global City (Fort Bonifacio)
Taguig

Active GLOBAL Citizens: Think Global. Go GLOBAL. For membership (ages 18-40), please visit our website @ www.jciglobalct.cc

British Council Philippines British Council Philippines
7th Floor The Curve, 32nd Street Corner 3rd Avenue
Taguig, 1635

We support peace and prosperity by building connections, understanding and trust between people in the UK and countries worldwide. Terms of use: https://www.britishcouncil.ph/priv...

Kabalikat sa Makabuluhang Pagbabago (KMP) PUP Taguig Kabalikat sa Makabuluhang Pagbabago (KMP) PUP Taguig
General Santos Avenue
Taguig

The official page of Kabalikat sa Makabuluhang Pagbabago - the first and only non-affiliated student party list organization of PUP-Taguig since 1995.

Philippine Green Building Council Philippine Green Building Council
Unit G-4B, One/NEO, 26th Street Corner 3rd Avenue
Taguig, 1634

Be part of the transformation, and join the largest and greenest building initiative in the Philippines.

S.A.F S.A.F
TAGUIG
Taguig, 1630

Helping Hands- Taguig City Helping Hands- Taguig City
Taguig

A community of parents who understand the joys and struggles of raising children with special needs.

Padayon Paglaom Padayon Paglaom
Bonifacio Global City
Taguig, 1634

PADAYON PAGLAOM is a non-profit organization that promotes public service and bayanihan. This aims to provide at least basic needs of people from far-flung areas most especially th...

Vista De Lago Taguig Community Vista De Lago Taguig Community
Bagong Calsada Street
Taguig, 1632

This page is exclusive for Vista De Lago Condominiums Taguig residents only. This is to promote communication to and from the residents, the property management and the board of di...

Seaman Wife Adviser Seaman Wife Adviser
Taguig

I'm a seawoman, who worked with a lot of Seaman. And could give you answer to your question in relevance to seaman/seaman life onboard

APP - Reinforcement Unit - Taguig Chapter APP - Reinforcement Unit - Taguig Chapter
Taguig

non government organization pnp force multiplier