Samahan ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino (SADAFIL)
Nearby universities
Ceit
Tongco Street
Maysan Road Corner Tongco Street Maysan
Maysan Road
Maysan Road Corner Tongco Street, Makati
Tongco Street, Makati
Maysan Road Corner Tongco Street
Opisyal na Pahina ng SADAFIL
Ang Samahan ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino o SADAFIL ay ang opisyal na samahan ng mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa pamamatnubay ng Kagawaran ng Filipino ng Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela. Nilalayon ng organisasyon na maipagmalaki at palaganapin ang wika at panitikang Pilipino sa loob at labas ng Pamantasan; magbuklod-buklod upang pangalagaan ang kaniyang karapatan at
"๐จ๐๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐
๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐
๐๐๐๐๐
๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐?
๐จ๐๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐ ๐๐? ๐พ๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐, ๐๐๐๐."
โ ๐จ๐๐
๐๐๐ ๐ฉ๐๐๐๐๐๐๐๐, ๐๐ข๐จ-๐ช๐ฃ๐ช๐จ ๐ด๐ข ๐๐ช๐ฏ๐ถ๐ฃ๐ถ๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ถ๐ฑ๐ข
Nakikiisa ang ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐๐๐๐ฅ๐ฎ๐๐ก๐๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ ngayong Pambansang Araw ng mga Bayani, ating alalahanin at bigyang-pugay ang mga bayaning nagbuwis ng kanilang buhay upang ipaglaban ang ating kalayaan. Mula sa mga kilalang pangalan hanggang sa mga tahimik na mandirigma, ang kanilang tapang at dedikasyon ay nagbigay-daan sa kasarinlan na tinatamasa natin ngayon. Ang kanilang mga sakripisyo ay nagsilbing ilaw sa landas ng bawat Pilipino na patuloy na nag-aalay ng serbisyo at pagmamahal sa bayan.
Ngunit hindi natatapos sa pag-alala ang diwa ng kabayanihan. Sa araw na ito, nawaโy magsilbing inspirasyon sa bawat isa ang kanilang kuwento upang ipagpatuloy ang laban para sa katotohanan, katarungan, at kapayapaan. Ang tunay na paggunita ay hindi lamang sa pagdiriwang, kundi sa araw-araw na pagsasabuhay ng mga aral na kanilang iniwan. Mabuhay ang ating mga bayani, noon at ngayon!
Anyo ni Bb. Rozvee Ann Peda
Kapsyon ni Bb. Kimberly Ann Sardido
๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐ข๐ง๐ข๐ฅ๐ข ๐๐ญ ๐๐ข๐ง๐ข๐ง๐จ!
Tuluyan nang naipasa ng nakaraang Pamunuan ang tungkulin at posisyon sa mga bagong hanay ng lider.
Sa bagong hanay ng mga pinuno na ngayo'y nanumpa, isang bagong kabanata ang ating haharapin. Nawaโy patuloy nating suportahan ang kanilang mga layunin at pagtulungan.
Isang pagpupugay sa ating mga dating lider na buong pusong nagsilbi at naglaan ng kanilang oras, talino, at dedikasyon para sa ikabubuti ng ating samahan. Pagbati mga bagong lider ng Samahan!
Anyo ni Bb. Jana Camille Cristobal
Kapsyon ni Bb. Kimberly Ann Sardido
Kuhang Larawan ni Bb. Jona Mondano
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ข๐ฅ๐ข๐ฐ-๐ ๐ข๐ฅ๐ข๐ฐ ๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ข๐ง๐ ๐๐ค๐๐ฅ๐๐ฐ๐๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ฎ๐ฅ๐จ ๐ง๐ ๐ฌ๐ข ๐๐ข๐ง๐จ๐จ๐ง๐ ๐๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐๐ง ๐๐๐๐ฎรฑ๐๐ซ ๐๐
Patuloy na magpakita ng angking-galing bilang isang indibidwal at pakikipaghalubilo sa samahan. Lubos naming hangad ang iyong kasiyahan hindi lamang sa araw ng iyong kaarawan, kundi pati na rin sa mga darating na araw. Hangad din namin na maging mas masaya ang iyong kaarawan kasama ang iyong mga pamilya at mga kaibigan.
Nawa'y magpatuloy ang inspirasyon at iyong dedikasyon sa ating samahan. Muli, Maligayang Kaarawan!
Kapsyon ni Bb. Keila Maxielle Ragay
Anyo ni G. Janzen Cortes
๐๐๐ง๐ข๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐๐ฌ๐ญ๐ซ๐, ๐๐๐ง๐ข๐๐๐ ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฅ๐๐ฅ๐๐ฒ๐๐ !
Bagong aralin, bagong karanasan, at bagong hamon ang naghihintay. Gamitin natin ang ating mga natutuhan mula sa nakaraang semestre bilang gabay patungo sa mas magagandang resulta. Huwag nating kalimutan na bawat hakbang ay isang pagkakataon upang makamit ang mga pangarap para sa ating sarili.
Sa dami ng mga pagsubok na maaaring dumating, manatili tayong matatag at determinado. Ang tagumpay ay hindi nasusukat sa bilis, kundi sa ating pagsusumikap at dedikasyon. Sama-sama nating harapin ang semestre na ito ng may inspirasyon at pag-asa.
Tara, ipagpatuloy natin ang ating paglalakbay patungo sa mga pangarap!
Anyo ni G. Janzen Cortes
Kapsyon ni Bb. Kimberly Ann Sardido
๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐๐ฒ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ซ๐๐ฐ๐๐ง, ๐. ๐๐ก๐ซ๐ข๐ฌ๐ญ๐ข๐๐ง ๐๐ข๐๐ง๐๐จ!
Ang Samahan ng Nagpapakadalubhasa sa Filipino ay taos-pusong bumabati sa iyo. Nawa'y patuloy kang maging inspirasyon sa larangan ng wikang Filipino at higit sa lahat, sa iyong husay at dedikasyon sa musika. Ang iyong boses ay isang biyaya na nagbibigay buhay sa mga himig na nag-uugnay sa puso ng bawat isa.
Sa pagdiriwang ng iyong kaarawan, nawa'y patuloy kang pagpalain ng kalakasan at kasiyahan upang ipagpatuloy ang iyong misyon sa sining at wika. Kami ay nananalangin na ang iyong tinig ay magpatuloy na marinig at mahalin ng marami, sa bawat kantang iyong aawitin at sa bawat adhikaing iyong itataguyod. Muli, Maligayang Kaarawan, G. Biando!
Anyo ni Bb. Jana Camille Cristobal
Kapsyon ni Bb. Kimberly Ann Sardido
๐๐๐๐๐๐ฉ๐ ๐จ๐ ๐ข๐๐ฉ๐๐๐ช๐ข๐ฅ๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ฅ๐๐๐ฉ๐๐ฉ๐๐ฅ๐ค๐จ, ๐ฝ๐๐ฉ๐๐ ๐ผ๐ก๐๐ข๐๐ช๐ ๐๐!๐จโ๐๐ฉโ๐
Lubos ang galak ng Samahan sapagkat mamumulaklak na ang itinanim niyong binhi ng pagsusumikap. Nawa'y ang bagong yugto ng inyong paglalakbay ay mas magbunga pa๐
๐ด๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐/๐๐ ๐ญ๐๐๐๐๐๐๐!๐ซถ
Anyo ni G. Alwin Jay Feliciano
Kapsyon ni Bb. Marynele Llanillo
Maghanda at makiisa sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2024.
https://twb.nz/sadafilbnw
https://twb.nz/sadafilbnw
https://twb.nz/sadafilbnw
****
"๐จ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐
๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐'๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐โ - ๐ ๐ถ๐ฟ๐ฎ๐๐ผ๐น ๐ ๐ฎ๐ฝ๐๐น๐ฎ๐ป
Ako si ____, mula sa ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ___, ay naglalayong itampok ang kapangyarihan ng ating wika bilang instrumento ng kalayaan at pagkakaisa. Ngayong Agosto, taos pusong sumusuporta sa pagdiriwang ng ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ 2024 na may temang ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ: ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ฒ๐. Bilang kasapi ng Samahan ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino (SADAFIL), tayo ay magiging susi sa pag-unlad ng ating kamalayan, magbibigay-daan sa mas malalim na pag-unawa sa ating sarili at kapwa, at magbubukas ng oportunidad sa pagkatuto ng ating wika.
Mula sa mga makata, manunulat, g**o, at mag-aaral, hanggang sa bawat Pilipinong nagsusulong ng wika sa araw-araw, ang bawat isa ay inaasahang palakasin at pagyabungin ang ating wika bilang sandata upang maging malaya sa pagpapahayag ng damdamin at saloobin.
Anyo ni Bb. Jana Camille Cristobal
Kapsyon ni Bb. Keila Maxielle Ragay
"๐ฏ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐-๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐
๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐.โ
- ๐๐ฟ. ๐๐ผ๐๐ฒ ๐ฅ๐ถ๐๐ฎ๐น, ๐๐ฅ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐๐ฎ๐ฌ๐ญ๐๐ซ๐ข๐ฌ๐ฆ๐จ
Nakikiisa ang ๐๐๐ฆ๐๐ก๐๐ง ๐ง๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ ๐ฉ๐๐ฉ๐๐ค๐๐๐๐ฅ๐ฎ๐๐ก๐๐ฌ๐ ๐ฌ๐ ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ (๐๐๐๐๐
๐๐) sa pagbubunyi sa ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ง ๐ง๐ ๐๐ข๐ค๐ ๐๐๐๐ na may temang ๐
๐ข๐ฅ๐ข๐ฉ๐ข๐ง๐จ: ๐๐ข๐ค๐๐ง๐ ๐๐๐ฉ๐๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ฒ๐! Halina't makiisa sa makulay na pagdiriwang ng SADAFIL na maghahatid ng mga kapana-panabik na mga aktibidad na tiyak na magpapasigla at magpapalalim sa mga kasapi ng samahan at mga mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela sa pagmamahal sa ating wika. Huwag palampasin ang pagkakataon na makilahok sa paligsahan ng sining at wika, na magpapakita ng inyong talento at kaalaman.
Sama-sama nating ipagdiwang ang wikang Filipino bilang kasangkapan ng kalayaan at pagkakaisa. Mas lalong palakasin ang ating pagkakakilanlan at ipakita ang diwang mapagpalaya ng ating wika para sa isang maunlad at nagkakaisang bayan.
Abangan ang ilan pang mga anunsyo patungkol sa Buwan ng Wika 2024 at patuloy pang makiisa!
Anyo ni G. Vladimir Cascante
Kapsyon ni Bb. Kimberly Ann Sardido
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐? โ of course, no!
Maligayang kaarawan sa nag-iisang Ikalawang Pangulo sa Usaping Pang-akademiko at Dekana ng Kolehiyo ng Edukasyon, ๐ฟ๐ง. ๐๐๐ก๐๐ ๐๐๐ฃ๐ ๐พ. ๐๐๐ง๐๐๐ฃ๐ค!
Nawa'y maging mabuti at mapagpala ang darating na taon na ito sa inyo. Lubos ang pasasalamat ng samahan at departamento sa inyong hindi matatawarang paggabay. Hiling namin ang lahat ng mabuti sa iyo at sa iyong pamilya.
Muli, maligayang kaarawan po!
Anyo at Kapsyon ni Alwin Feliciano
Kahapon, Hulyo 25, 2024 nagpadala ng puwersa ang Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela kasama ang iba't ibang organisasyon sa ALERT Center Valenzuela para sa repacking ng mga relief goods para sa mga kapwa Valenzuelano na nasalanta ng pagbaha dulot ng .
Kabilang sa mga organisasyon ang Samahan ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino (SADAFIL) kasama ang kasalukuyang Pangulo, G. Alwin Jay Feliciano at Tagasuri, Bb. Angela Bierneza.
Naroon din at nakasama nila ang mga alumni ng Samahan na sina Bb. Frishelle Gonzales at Bb. Marian Mecija.
๐๐ข๐ข๐: The PLV - Union of Public Administration Students (UPAS), together with the local government of Valenzuela, Philippine Coast Guard, and various school organizations from PLV, including Samahan ng Nagpapakadalubhasa sa Filipino (SADAFIL) and Student Helping in Imminent Events and Life-threatening Disasters (SHIELD), conducted relief packs operation for Super Typhoon โCarinaโ victims. This initiative is intended to provide the affected families with immediate assistance and support. This humanitarian response underscored the importance of taking action quickly and effectively during disasters.
๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐ข๐ค๐๐๐ฅ๐!๐ฅณ
Bagaman maulan, hindi kalilimutan ang kaniyang kaarawan.
Maligayang araw ng pag-iral sa Direktor ng Salamin, ๐๐๐๐๐๐๐ ๐ธ๐๐๐๐๐! Hiling ng Samahan ang mabuting kalagayan kasama ang mga mahal sa buhay at maayos na kalusugan. Gayundin, ang tunay na ligaya sa kabila ng sigwa๐ซ
Anyo ni G. Alwin Jay Feliciano
Kapsyon ni Bb. Marynele Llanillo
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Ngayong panahon ng bagyo at pagbaha, mahalagang isaalang-alang ang mga sumusunod:
๐. ๐๐๐ ๐ฌ๐ฎ๐๐๐ฒ๐๐๐ฒ ๐ฌ๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐ญ ๐๐๐๐๐๐๐:
Maigi na mag-monitor ng mga opisyal na babala mula sa Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) at Valenzuela City Disaster Risk Reduction and Management Office tungkol sa pag-ulan at pagbaha na nararanasan sa inyong lugar.
๐. ๐๐๐ ๐ก๐๐ก๐๐ง๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ก๐๐ฒ:
โข Siguruhing mayroong emergency kit na naglalaman ng pagkain, tubig, gamot, at iba pang essentials.
โข I-secure ang mga importanteng dokumento at gamit na mahirap palitan.
โข I-charge ang mga cellphone at iba pang communication devices.
๐. ๐๐๐ ๐ฅ๐ข๐ค๐๐ฌ:
โข Kung ikaw ay nasa low-lying area o malapit sa ilog, sapa, o karagatan, maghanda na para sa posibleng paglikas.
โข Sumunod sa mga lokal na awtoridad at evacuation orders. Huwag mag-atubiling lumikas kung kinakailangan.
๐. ๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐ญ๐๐ฌ๐๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ -๐ฎ๐ฅ๐๐ง:
โข Iwasan ang paglalakad sa baha. Maaaring may hidden hazards tulad ng malalalim na lubak o kahoy na nadala ng baha.
โข Huwag tumawid sa mga baha o agos ng tubig. Gamitin ang mga designated na tulay o tawirin ang mga ito nang maingat.
๐. ๐๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง:
โข Mag-ingat sa malalakas na hangin. I-secure ang mga gamit sa labas ng bahay.
โข Kung ikaw ay nasa lugar na may wind signals, sundin ang mga safety precautions.
๐. ๐๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ญ๐จ๐ค ๐ฌ๐ ๐๐จ๐ค๐๐ฅ ๐ง๐ ๐๐๐ฅ๐ข๐ญ๐:
Alamin ang mga lokal na impormasyon at updates. Maaaring may specific na impormasyon tungkol sa inyong lugar na hindi nire-report sa national news.
๐๐๐๐๐๐๐: Ang kaligtasan ay bawat isa sa atin ang responsibilidad. Magtulungan tayo at maging handa sa anumang pagbabago ng panahon.
Batis: Bureau of Fire Protection National Capital Region
Anyo ni Alwin Feliciano
Ngayong araw ay ipinagdiriwang ng isa sa mga mahuhusay na g**o ng Departamento ng Filipino at Tagapayo ng Samahan, ๐. ๐๐ง๐๐๐ฃ ๐. ๐๐ช๐ฉ๐๐๐ง๐ง๐๐ฏ ang kaniyang kaarawan!๐ฅณ
Ang iyong ipinamalas na galing para sa Samahan ay hindi kailanman matutumbasan ng kahit na anong bagay. Dalangin ng namin na mas umalab at mag-umapoy pa ang iyong adhikain sa pagtuturo ng bagong kaalaman para sa lahat.
Muli, isang mainit na pagbati mula sa buong Samahan!
Anyo ni G. Alwin Jay Feliciano
Kapsyon ni G. Marc Licaros
๐ ๐๐๐๐๐๐ฌ๐๐ก๐ ๐๐๐๐ฅ๐๐ช๐๐ก, ๐๐๐ฅ๐ข๐ ๐!
Ngayong araw, ipinagdiriwang ng Tagapag-ingat ng Kagamitan ng Samahan, G. Jerome V. Dag**o ang anibersaryo ng kaniyang mabungang pag-iral.
Hiling ng Samahan ang masaya at ligtas na pamumuhay dala-dala ang sipag, determinasyon, at kagustuhang makapaglingkod. Hiling din namin ang lahat ng mabuti sa iyo, Jerome!
Muli, Maligayang Kaarawan!
Anyo at Kapsyon ni Alwin Feliciano
๐๐๐๐๐๐๐, ๐. ๐๐๐๐๐๐๐ ๐. ๐๐๐๐๐๐๐!
Inilabas na ng UP Diliman โ Sentro ng Wikang Filipino ang isyu ng โDaluyan 29-1, 2023โ. Kabilang sa isyung ito ang papel ni G. Anthony B. Gabumpa na may pamagat na โ๐๐ผ๐ผ๐ป ๐ฃ๐ผ ๐๐ฎ ๐ ๐ฎ๐ ๐๐ฎ๐ธ๐ผ๐ป๐ด-๐๐๐น๐ผ: ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ถ๐บ๐๐น๐ฎ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐๐๐๐ฒ๐ป๐๐ผ๐ป๐ด-๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐ป๐ด ๐ฉ๐ฎ๐น๐ฒ๐ป๐๐๐ฒ๐น๐ฎ.โ
Mainit na pagbati ang hatid namin at ipinagmamalaki ka ng Samahan at departamento, G. Anthony!
Basahin ang kaniyang papel dito: https://journals.upd.edu.ph/index.php/djwf/issue/view/975?fbclid=IwZXh0bgNhZW0CMTEAAR22sP8KxborEustBEZhMn9DVgt-1pyNYQP2rbUM2LrrzdqscETGsCI6AGY_aem_aulnoMQUxeZ7ytRffVXa0A
๐ฝ๐๐๐๐๐ฟ๐ผ๐ ๐๐๐๐ผ, ๐๐๐๐!~
Ngayong araw, ipinagdiriwang ng isa sa mga Tagapamahala ng Pahina, Bb. ๐๐๐ซ๐ฒ๐ง๐๐ฅ๐ ๐. ๐๐ฅ๐๐ง๐ข๐ฅ๐ฅ๐จ ang kaniyang kaarawan.
Mainit na pagbati sa anibersaryo ng iyong pag-iral dito sa mundo dala-dala ang sipag, determinasyon, at pagmamahal sa paglilingkod. Hiling ng samahan ang matiwasay at malusog na buhay sa panibagong taon mo. Gayundin ang lahat ng mabuti sa iyo!
Anyo at Kapsyon ni Alwin Feliciano
Sila lamang na handang mag-aalay ng sarili upang yumukod at manilbihan ang tunay na makapagkakamit ng kapangyarihan.
Hindi maitatanggi ang pagpupunyagi nilang mga lider ng Samahan para sa Akademikong Taon 2023-2024. Pinangunahan ng kadakilaan ng Pangulong Alwin Jay Feliciano, sa gabay ng Tagapayong si G. Erden G. Gutierrez sabayang ipinagaspas ng pamunuan ang kanilang mga pakpak upang arukin ang tayog ng lunggating makabayan at makalipunan ng Samahan.
Ang mga nakamit ng nagdaang pamunuan ay panibagong baitang na siyang tuntungang magpapaangat pa sa adhikain ng Samahan.
Mula sa kaibuturan ng aming puso, saludo kami sa inyo, Pamunuan 2023-2024!
๐ก๐๐๐จ๐๐๐ก๐ ๐ฃ๐๐ฆ๐๐๐.
SA MGA LARAWAN:
Isinagawa ang Ratipikasyon ng nirebisang Saligang Batas 2013 noong ika-7 ng Disyembre 2023 sa COED Function Hall.
Dinaluhan ito ng buong Pamunuan, Tagapayo, at mga Pangulo ng iba't ibang taon sa ilalim ng Departamento ng Filipino. Naroon din ang dating Pangulo ng Samahan (2023), G. Christopher U. Palomares bilang reactor at miyembro ng Komite sa Seguridad at Disiplina.
Binigyang-pansin sa ratipikasyon ang naging resulta ng Plebesito na sinang-ayunan at nilagdaan ng lahat ng kasapi ng SADAFIL. Naglalaman ito ng mga mungkahing pagpapaunlad at pagdaragdag sa Saligang Batas na magiging tuntungan ng lahat sa mga susunod pang taong-panuruan.
Ipinagmamalaki ng Samahan ang iyong husay sa pagsasalaysay, ๐ถ. ๐ฒ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐. ๐ฟ๐๐๐๐๐๐๐๐!๐ค
Pagbati sa iyong sanaysay na pinamagatang "๐๐ข๐ฌ๐ข๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ๐ฏ๐จ ๐๐ข๐ฃ๐บ๐ณ๐ช๐ฏ๐ต๐ฉ, ๐๐ด๐ข๐ฏ๐จ ๐๐ข๐จ๐ญ๐ช๐ญ๐ช๐ฎ๐ช ๐ด๐ข ๐๐" na nagkamit ng Ikatlong Karangalan sa PNU-KADIPAN.
Nawa'y patuloy na maglabas ng tinta ang iyong plumaโ๏ธ
Anyo ni Bb. Jana Camille Cristobal
Kapsyon ni Bb. Marynele Llanillo
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐: ๐๐ฎ๐ฐ๐๐ฅ๐จ ๐ง๐ ๐๐๐ก๐๐ฉ๐จ๐ง, ๐๐๐จ๐ญ ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ญ๐ฎ๐ข๐ง ๐ฌ๐ ๐๐๐ ๐ญ๐๐ฅ๐จ๐ง
Narito ang balik-tanaw sa naganap na PAHIMAKAS 2024 noong ika-4 ng Hunyo 2024 sa COED Lecture Room 6D!
Simula pa lamang sa pag-apak ng mumunti nilang mga paa sa Pamantasan, tunay ngang nagsasabog na ng liwanag. Ang hindi nila alam, ang pinakamaliliit na hakbang na iyon ang makapagdadala sa kanila sa iba't ibang panig ng Valenzuela, ng bansa, at ng mundo. Higit sa lahat, sa iba't ibang panig ng pag-unlad at pagkilala sa sarili sa kabila ng mga luhang naiwiwisik mula sa pagkasiphayo at pagkalugmok. Naipalalaganap din ang taos na ehemplo ng pagsusumikap at pag-ibig sa ginagawa.
Tinitingala kayo ng bawat isa sa amin. Ipagpatuloy ang pagpapakalat ng liwanag, ang pagpapalaganap ng pag-asa.
Sa muling pag-aninag namin sa inyong liwanag... Maraming salamat at ๐ฃ๐ฎ๐ฑ๐ฎ๐๐ผ๐ป, ๐๐๐ง๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐จ๐๐๐!
Mga kuha ni Rozvee Peda
Kapsyon nina Alwin Feliciano at Amiel Aguilar
MAALAB NA ARAW NG KALAYAAN, KA-SADAPEEPS!
Ipinagdiriwang ngayong araw ang ika-126 na anibersaryo ng proklamasyon ni Heneral Emilio Aguinaldo ng kasarinlan ng Pilipinas sa gitnang bintana ng kaniyang mansyon sa Cavite Viejo, ngayoโy Kawit, Cavite.
Sa araw na ito, nawa'y paglimian ng bawat Pilipino ang kahulugan ng kalayaan. Sana'y umigpaw ito sa mga katatawan at panunudyo sa iba't ibang uri ng media.
Hamunin ang sariling ipagmalaki ang kasarinlan sa wika at kultura at aktibong makiisa upang ipagtanggol at, kung hindi ganap, ay angkinin ang "kalayaang" ito.
Anyo ni Alwin Feliciano
Kapsyon ni Amiel Jasper Aguilar
๐๐๐ผ๐ ๐ผ ๐ฝ๐๐๐๐๐ฟ๐ผ๐!๐ค๐
Maligayang kaarawan, ๐ฎ. ๐จ๐๐๐๐๐๐ ๐ฎ๐๐๐๐๐๐! Hiling ng samahan ang mabuting kalagayan at maayos na kalusugan. Gayundin, mahanap ang tunay na ligaya sa kabila ng nakapapagal na hamon sa araw-araw.
Lubos ang pasasalamat ng samahan sa iyong buhay. Nawa'y maging masaya at ligtas ang pagdiriwang ng iyong kaarawan kasama ang mga minamahal. Pagpalain ka!โค๏ธ
Anyo ni G. Alwin Jay Feliciano
Kapsyon ni Bb. Marynele Llanillo
๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐!
Samahan ninyo kami sa โ๐ธโ๐๐๐ธ๐๐ธ๐ 2024 upang sariwain ang alaala ng kahapon ng ๐๐๐ญ๐๐ก ๐๐ฅ๐ข๐ฆ๐๐ฎ๐ค๐๐ mula sa Ikaapat na Taon bilang kanilang ๐๐ฌ๐๐ก๐ค ๐จ๐ ๐ฅ๐๐๐ฉ๐๐ก๐ค๐ฃ ๐ฉ๐ช๐ฃ๐๐ค ๐จ๐ ๐ฅ๐๐-๐๐๐ค๐ฉ ๐ฃ๐ ๐ ๐๐ฃ๐๐ก๐๐ฃ๐ ๐ข๐๐ ๐๐๐ฉ๐ช๐๐ฃ!๐
Gayundin, pagkilala sa kanilang husay, kasipagan, at naging ambag sa pagpapaunlad ng Samahan. Ito ay gaganapin bukas, Hunyo 4. Mula 3:00 n.h. hanggang 6:00 n.g.
Kita kits sa Lecture Room 6D!๐ค
Anyo ni G. Alwin Jay Feliciano
Kapsyon ni Bb. Marynele Llanillo
"Kung ikaw ay nangangamba
Dahil 'di ka katulad nila
Huwag matakot tumaliwas
Ipakita kung sino ka
Kung sino ka..."
- Bukod-Tangi, Cup of Joe
Nakikiisa ang Samahan ng mga Nagpapakadalubhasa sa Filipino sa selebrasyon ng bahaghari.
Isang malamig na pagsalubong sa nalalapit na pagtatapos ng semestre, PLVians!
Paghusayan at ibigay ang buong makakaya para sa inyong Pangwakas na Terminong pagsusulit. Hangad ng Samahan ang tagumpay ng bawat isa sa mga hirap at pagod na naramdam sa nagdaang panuruan.
Anyo ni Alwin Feliciano
Kapsyon ni Marc Licaros
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ถ ๐๐ฎ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ฏ๐ฎ๐ด๐ผ๐ป๐ด ๐ด๐๐ฟ๐ผ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป!๐ค๐
Ipinagmamalaki ng Samahan ang ka-Sadapeeps na pumasa sa Licensure Professional Teacher Examination ngayong Marso 2024! Labis ang galak sa inyong tagumpay. Nawa'y mas maging mabunga pa ang inyong bagong landas na tatahakin.
๐ฐ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐. ๐ท๐๐๐๐๐๐๐๐!๐
Anyo ni Bb. Jonalyn Mondano
Kapsyon ni Bb. Marynele Llanillo
๐ก๐๐ฅ๐๐ง๐ข ๐ก๐ ๐๐ก๐ ๐๐๐๐ข๐ก๐ ๐ฃ๐๐ ๐จ๐ก๐จ๐๐ก
๏ผ๏ผ๏ผ๏ผ-๏ผ๏ผ๏ผ๏ผ! ๐
Pagbati sa matagumpay na pagharap sa hamon. Nawa'y ipakita at iparamdam ang ipinangakong pagpapabuti at pagpapaunlad sa Samahan pagtuntong ng Akademikong Taon 2024-2025.
Magbunyi!๐ค๐
Anyo ni Bb. Jonalyn Mondano
Kapsyon ni Bb. Marynele Llanillo
SADAFILEKSYON 2024
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Contact the university
Website
Address
Valenzuela
0441
Valpoly Cmpd. Kamagong Street Fortune Village 6. Parada
Valenzuela, 1442
Valenzuela City Technological College is a local government college, which provides technical education and training to high school graduates, out-of-school youth and unemployed ad...
3rd Floor SBH Building (OLFU), Tamaraw Hills
Valenzuela, 1440
Official page of the OLFU RadTech Society โข๏ธ The Eye of Medicine ๐ฉป
Kamagong Street , Fortune Village 6, Parada, Valenzuela City
Valenzuela, 1442
Valenzuela City Polytechnic College Student Council and Student Government
120 MC ARTHUR Highway
Valenzuela, 1440
This is the OFFICIAL PAGE OF THE COLLEGE OF RESPIRATORY THERAPY OF OUR LADY OF FATIMA VALENZUELA
120 MacArthur Highway
Valenzuela, 1440
JPCS OLFU - Valenzuela Chapter is a student organization centered ICT
120 McArthur Highway, Marulas
Valenzuela, 1440
The official club of Our Lady Of Fatima University - Valenzuela Campus for SHS STEM students.