DepEd Tayo - Youth Formation - Pagkakaisa Elementary School

Official page of the Supreme Pupil's Government (SPG) of Pagkakaisa Elementary School.

30/08/2024

Buwan ng Wikang Pambansa 2024

"Filipino: Wikang Pambansa

Wikang Filipino bilang Instrumentong Nagpapalaya

Sa gramatikang Filipino, ang panlaping-unlaping “Mapag” ay nagsasaad ng kawilihan o pag-uugali tulad ng mapagkalinga, mapagkawang-gawa, mapagpatawad—sa tema ngayong taón ay MAPAGPALAYA. Kung sa gayon, itó ay pag-uugaling nagpapalaya ang mapagpalaya.

Ano-ano ang katangian ng wika upang maging behikulo ng pagpapalaya?

1. Kung mayroong wikang magbibigkis sa gitna ng hidwaan, mawawakasan ang sigalot sa dalawang panig na hindi nagkakaunawaan.
2. Kung may mga publikasyon o babasahin na mababasa ng mga batang nasa laylayan ng lipunan, makalalaya sila sa iliterasiya.
3. Kung ang nasyon ay gagamit ng wikang Filipino sa pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan, lalong mararamdaman ng mamamayan ang serbisyong pambayan na sa kanila ay inilalaan, gaya ng winika ni Sen. Lito Lapid (2022):

“Sadyang napakahalaga po sa ating bansa na lubos na naiintindihan ng ating mga kababayan ang lahat ng mga dokumento at sulatin ng ating gobyerno. Kung madali pong maintindihan ang ating mga batas ay mas ma-eengganyo po ang ating mga kababayan na hindi lamang sumunod sa batas, kundi makilahok po sa mga usapan patungkol sa mga pambansa at pampublikong mga isyu.”

4. Kung wikang Filipino ang magiging midyum sa propesyonalisasyon at paggawa, mapup**ol ang tanikala ng kahirapan sa bansa na itinatadhana ng Saligang Batas ng Pilipinas (1987):

Article II, Section 24. The State recognizes the vital role of communication and information in nation-building.

Article III, Section 7. The right of the people to information on matters of public concern shall be recognized. Access to official records, and to documents, and papers pertaining to official acts, transactions, or decisions, as well as to government research data used as basis for policy development, shall be afforded the citizen, subject to such limitations as may be provided by law.

Sa ganitong framework o kaisipan ninais ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wika bilang instrumento sa pagtatamo ng social justice. Sa madaling sabi, isang kainhustisyahan kung hindi natin tatangkilikin ang ating sariling wika sa mga bagay-bagay na nakaaapekto sa ating mga buhay. Kaya, isang mahusay na ehemplo nito ay ang mga balita sa telebisyon na hanggang sa ngayon ay gamit ang Filipino. Ito ay patunay na mas mauunawaan ng madla ang paggamit ng sariling wika.

Idagdag pa rito ang wika ay tulay sa pagtatamo ng mga konseptong abstrak na magpapalaya sa karahasan sa kaisipan, kamalayan, kahirapan, katayuan, at kamangmangan na napakahalagang gampanin ng wika lalo sa ating mga mag-aaral at kabataan. Ang wika ang susi sa pagpapatahan sa umiiyak na bata, susi sa wastong pagpapalaki sa anak, susi sa wastong pagtuturo, susi sa hinaharap ng ating bayan. Ang wika ay nakapagpapalaya at nakapagbibigay ng aliw at inspirasyon sa kabataan upang higit na maabot nila ang kanilang pangarap at umangat ang ating bansa sa kabuoan.

Ayon kay Virgilio Enriquez (1986), sa kaniyang artikulo sa Sikolohiyang Pilipino na may pamagat na “Ang Kaisipang Pilipino sa Sikolohiyang Malaya at Mapagpalaya” na:

Ang "kaisipang Pilipino" ay tumutukoy samakatwid sa katauhan, ugali, at diwang Pilipino. Hindi ko na aangkinin pa ang pagtatalo sa pagitan ng mentalismo at behabyorismo sa Kanluraning sikolohiya sapagkat sa gamit ko ng salitang "kaisipan" ay tinatanggap ko na ang pagkilos ng tao ay nakaugnay sa kaniyang diwa, ugali, at kaisipan. “ # # #

Ginamit ni Enriquez ang salitang “mapagpalaya” upang ilarawan ang sikolohiyang Pilipino na magkaugnay ang kaisipan sa aspekto ng tao sa kaniyang pag-uugali at iniisip. Kaya, ang konsepto ng salitang “mapagpalaya” ay bahagi nang malawak na kultural na pagmamay-ari ng ating sikolohiyang Pilipino.

Hinggil sa Aktibidad

Batay sa KWF Kapasiyahan Blg. 8-2, s. 2024, ang tema ng Buwan ng Wikang Pambansa ay hinati sa limang (5) lingguhang tema: (1) FSL tungo sa Ingklusibong Pambansang Kaunlaran; (2) Sistematiko at maka-Agham na Pananaliksik tungo sa Pambansang Kaunlaran; (3) Paggamit ng Indigenous Knowledge System and Practices (IKSP) sa Scientific Research; (4) Katutubong Wika sa Pagpapaunlad ng Edukasyong Pambansa; at (5) Paglaban sa Misinformation (fact checking).

Tampok din ang iba’t ibang gawaing pangwika sa buong buwan ng Agosto sa lalong pagpapatupad ng Pampanguluhang Proklamasyon Blg. 1041, s. 1997 kabilang ang limang (5) serye ng webinar, tertulyang pangwika sa pamamagitan ng mga Sentro ng Wika at Kultura sa iba’t ibang unibersidad sa Pilipinas, mga timpalak at gawad, Selyo ng Kahusayan sa Serbisyo Publiko, at Gabi ng Parangal.

Simbolismo sa Poster

Kaugnay sa sikolohiyang Pilipino sa pagiging mapagpalaya ay makikita sa poster ngayong paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa ang krokis at dibuhong may mga Pilipinong naglalakad na may iba’t ibang kasuotan mula sa payak na pananamit hanggang sa kultural na mga kasuotan na sumisimbolo sa dibersidad ng mga wika sa Pilipinas na patungo sa kanilang mga gawaing magbibigay sa kanila ng kasiglahan, saysay, at kalayaan sa paggawa. Gayundin ang nasa mga kuwadrong guhit na may senyas na wika, pakikipagkapuwa, pakikinig, pagbabasa, pagtuturo, at mga gawaing nagbibigay nang matiwasay na pagpapakahulugan tungo sa makabuluhang paggamit ng wika bilang instrumentong titiyak sa emansipasyon sa anumang hamon at suliranin na kanilang kinakaharap. Wika ang susi sa ugnayang-pantao na magtatawid sa mabuting tunguhin na makikita sa poster sa gitna nang mabilis na pag-usad ng mundo.

Kinuha mula sa Komisyon ng Wikang Filipino

30/08/2024

Buwan ng Kasaysayan 2024

"Salaysay ng Bayan, Saysay ng Bansa"

Binibigyang halaga ng pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan sa taong ito ang mga kanya-kanyang kwento ng bawat bayan na siyang nagbibigay ng saysay sa ating pagkabansa.

Ang mga larawang makikita ay mga naitalang "cultural heritage" o pamanang pangkultura ng ating lungsod sa isinagawang cultural mapping noong 2016 ng Biñan City Culture, History, Arts and Tourism Office (BCHATO). Nahahati sa ilang aspeto ang cultural map tulad ng "tangible, intangible heritage, prominent personalities, institutions , at natural resources".

Ang Alberto Mansion, Rizal Monument, San Isidro Catholic Church maging ang imahen ng San Isidro Labrador at Birhen ng dela Paz ay pawang nabibilang sa tangible heritage.

Ang sayaw na maglalatik at ang paraan ng pagluluto ng p**o na siyang ibinibbida sa taunang P**o- Latik Festival ng ating lungsod ay napapaloob sa intangible heritage kasama rin ang Himno ng Binan at Martsa ng Binan.

Ang mga personalidad na sina Ambrosio Rianzares Bautista, Jacobo Gonzales, Rogelio Limaco, Encarnacion Alzona, Dioscoro Umali at Fransisco Mercado ay di lamang kilala sa ating lungsod bagkus bilang parte rin ng ating pambansang kasaysayan.

Ang Lawa ng Laguna at Tibagan Falls ay napapailalim naman sa "natural heritage".

26/08/2024

Nakikiisa ang Supreme Elementary Learners Government ng Pagkakaisa ES - Biñan City sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng mga Bayani.

Sa pagdiriwang na ito, ating sariwain ang pagsusumikap ng ating mga bayani sa nagdaang digmaan, pag-uusig at pagmamalabis upang ating makamtan ang ating tinatamasang kalayaan. Ating ipagpunyaging higit ang kanilang kadakilaan at kagitingan sa kabila ng kanilang mga sariling kahinaan. Nawa’y ating pamarisan ang kanilang mabubuting gawi upang ating makamit ang higit pang kaunlaran buhat ng kanilang mga gawa.

31/07/2024

National Disaster Resilience Month 2024

"Bantayog ng Katatagan at ang Pagbubuklod sa Layuning Kahandaan"

Kaisa ang SELG Officers ng Pagkakaisa Elementary School sa pagdiriwang ng bansa sa Disaster Resilience Month. Ito nawa'y maging paalala upang ating masig**o ang kaligtasan at kahandaan ng bawat isa sa anumang sakuna.

31/07/2024

Nakikiisa ang SELG Officers sa pagdiriwang ng 50th Nutrition Month na may temang,"Sa PPAN, sama-sama sa sapat na nutrisyon para sa lahat!"

Alinsunod sa Philippine Plan of Action for Nutrition (PPAN) 2023-2028, layunin nitong harapin ang tatlong problemang kaakibat ng malnutrisyon sa anumang antas ng edad:

-undernutrition (kakulangan sa nutrisyon, pagkapayat at pagkabansot)

- micronutrient deficiency (kakulangan sa bitamina)

-at overnutrition (kalabisan sa nutrisyon, labis na pagtaba at labis na timbang).

Photos from DepEd Tayo - Youth Formation - Pagkakaisa Elementary School's post 24/07/2024

Bilang sambayanang may pananalig sa Diyos, tayo ay dumulog sa kaniya sa tulong ng mga banal na sa kanya rin ay umasa at naging sandigan.

Ipanalangin natin 'di lamang ang ating sarili bagkus pati na rin ang ating kapwa na higit na nangangailangan ng tulong.

Nawa sa tulong ng Ina ng Diyos, ang Birhen ng Dela Paz, payapain nawa ng Diyos ang bagyo at baha. Sa tulong ng kalung-kalong na sanggol ni San Antonio de Padua, ang lahat ng nasa panganib ay maligtas. Nawa maging huwaran namin si San Isidro Labrador na tapat at may pananampalataya sa iyo.

✠ Oratio Imperata ✠
Panalangin para Ipag-adya sa mga Kalamidad

Amang Makapangyarihan, itinataas naming sa lyo ang aming mga puso ng nagpapasalamat sa kagandahan ng lyong milikha na kung saan kami ay bahagi sa pagkalinga Mong nagtataguyod sa aming mga pangangailangan at sa karunungan Mong gumagabay sa takbo ng Daigdig.

Kinikilala namin ang aming mga pagkakasala sa lyo at sa sangnilikha. Hindi kami naging mabuting katiwala ng kalikasan.

Pinagkamali naming ang iyong utos na pangasiwaan ang daigdig. Ang kapaligiran ay nagdurusa sa aming kamalian at ngayon ay aming inaani ang aming pagmamalabis at kawalang pakialam. Ang "Global Warming" ay laganap na.

Ang mga bagyo, pagbaha, pagp**ok ng bulka, at iba pang kalamidad ay patuloy na tumitindi sa pananalanta. Lumalapit kami sa lyo. Mapagmahal na Ama at humihingi ng kapatawaran sa aming mga kasalanan.

Hinihiling naming na kami, kasama ng aming mga mahal sa buhay at pinagpagurang ari-arian at ipag-adya sa banta ng mga kalamidad, likas man o kagagawan naming.

Iniluluhog naming gawin kaming mapanagutang katiwala ng lyong nilikha at maging bukas-palad na kapwa sa mga nangangailangan, Sa Pangalan ni Hesus. AMEN.

24/07/2024
24/07/2024

Sama- samang magtulungan para sa ligtas at maayos na paaralan, para sa mga Batang Pagkakaisa.

Brigada Eskwela 2024
"Bayanihan para sa MATATAG na Paaralan"

18/06/2024

TALAMBUHAY NI DR. JOSE RIZAL:

Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
(Manunulat, Pambasang Bayani ng Pilipinas, ▪️Dakilang Henyo ng Lahing Malayo)
▪️ISINILANG SA: Calamba, Laguna (Hunyo 19, 1861)
▪️BINARIL SA: Bagumbayan (ngayo’y Luneta; Disyembre 30, 1896)

Mga Magulang: Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso Realonda y Quintos (“Z” sa ibang aklat)

Mga Ninuno: Domingo Lamco, sa panig ng ama (negosyanteng Instik); Lakandula, sa panig ng ina (pinuno ng Tondo na namuno sa isang bigong pag-aalsa sa mga Kastila, inapo ni Rajah Sulayman ng Maynila)

Nagbinyag: Padre Rufino Collantes
Ninong: Padre Pedro Casañas
Paboritong kura paroko/parish priest: Padre Leoncio Lopez (nagturo kay Rizal ng pagrespeto sa karapatan ng ibang tao)
Buong Pangalan: (Complete name) Jose Protacio Mercado Rizal y Alonso Realonda

Jose Protacio - first name
Jose: sa karangalan ni San Jose, patron ng mga manggagawa, asawa ng Birheng Maria, tatay sa lupa ni Hesukristo
Protacio: sa karangalan ni San Protacio (isang martir; kapistahan/feast day niya tuwing Hunyo 19)
Mercado: tunay na apelyido ng kanyang ama; nangangahulugang “pamilihan/market” sa wikang Español
Rizal: apelyidong pansamantalang pinagamit kapalit ng Mercado upang makaiwas sa gulo (kabibitay pa lamang sa Gomburza; konektado kay Padre Burgos si Paciano kaya delikado ang apelyidong Mercado); mula sa salitang Español na “ricial” (luntiang lupang tinatamnan ng trigo/green fields of barley)

Alonso: tunay na apelyido ng ina noong dalaga pa o maiden name; middle name ni Jose Rizal
Realonda: middle name ng kanyang ina noong dalaga pa; galing sa lola ni Rizal

Mga kapatid:
▪️Saturnina
▪️Paciano – tanging lalaking kapatid ni Jose; tumustos/nagpondo sa pag-aaral ni Jose sa Europa; naging heneral ng Hukbo ng Rebolusyong Pilipino
▪️Narcisa
▪️Olympia – namatay sa 13 oras na panganganak
▪️Lucia
▪️Maria
▪️Concepcion – kasunod ni Jose; namatay sa sakit sa edad na 3 taon
▪️Josefa – naging pangulo ng pangkababaihang grupo ng Katipunan
▪️Trinidad – tinuruan ni Jose ng Ingles; pinagbigyan ng lamparang naglalaman ng teksto ng Mi Ultimo Adios
▪️Soledad

Unang g**o: ang kanyang ina (nagturo ng alpabetong Kastila/abecedario; pagdarasal sa Latin at panimulang pagbasa)

Unang pighating naranasan: pagkamatay ni Concepcion (Co**ha) na lagi niyang kalaro

Unang tulang sinulat: “Sa Aking mga Kabata” (sinulat sa Tagalog; tungkol sa pagmamahal sa sariling wika; 8-taong gulang siya noon)

Mga Tiyuhing Nakaimpluwensya:
▪️Tiyo Manuel – palakasan/sports
▪️Tiyo Gregorio – pag-ibig sa aklat
▪️Tiyo Jose Alberto – husay sa sining/art

Unang g**o sa pormal na edukasyon: Justiniano Aguino-Cruz (paaralan sa Biñan, Laguna)
Unang Kawalang-katarungang dinanas ng pamilya Rizal: pagkakulong ni Doña Teodora dahil sa walang basehan na paratang ng paglason sa hipag/sister-in-law niya

Pangyayaring nagmulat kay Rizal sa kawalang-katarungan sa Pilipinas: Pagbitay sa Gomburza (Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora; tatlong Pilipinong pari na nagsusulong sa Pilipinisasyon ng mga parokya; idiniin o i-friname-up sa pag-aalsa sa Cavite noong 1872).

Buhay-High School: sa Ateneo Municipal (nasa loob ng Intramuros, Maynila noon; paboritong paaralan ni Jose; pinatatakbo ng mga Heswita/Jesuit
Tulang sinulat sa paglaya ng ina: “Mi Primera Inspiracion” (My First Inspiration/Ang Una Kong Inspirasyon)

Unang G**o sa Ateneo: Padre Jose Bech
Paboritong G**o sa Ateneo: Padre Francisco Sanchez (humikayat sa kanya na ipagpatuloy ang pagsusulat)

1877: Nagtapos sa Ateneo; sobresaliente o excellent ang marka sa lahat ng asignatura; tumanggap ng diplomang Bachiller en Artes (katumbas ng high school diploma ngayon)

Abril 1877: Pumasok sa Unibersidad ng Santo Tomas (UST) para magkolehiyo; pinatatakbo ng mga Dominikano/Dominicans; kumuha ng Pilosopiya at Letra sa unang taon batay sa gusto ng ama; lumipat sa Medisina nang sumunod na taon, batay sa payo ni Padre Pablo Ramon, rektor ng Ateneo.

Tulang nagwagi ng unang gantimpala – 1879 : “A la Juventud Filipina” (Sa Kabataang Pilipino/To The Filipino Youth); dito binigyang-diin ni Jose na ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan.

Dulang nagwagi ng unang gantimpala: “El Consejo de los dioses” (Ang Pulong ng mga diyos/The Council of the gods); tungkol sa pag-aaway-away ng mga diyos at diyosa sa Bundok Olimpo sa kung sino kina Homer (Griyegong/Greek sumulat ng “Iliad” at “Odyssey”), Virgil (nagsulat sa Latin ng “Aeneid”) at Miguel de Cervantes (Kastilang nagsulat ng “Don Quijote de la Mancha”) ang pinakamahusay; nagwagi ito sa patimpalak/contest na inorganisa ng Liceo Artistico Literario de Manila para sa paggunita sa ika-400 taong kamatayan ni Cervantes

1880: Hinampas ng espada ng isang gwardya sibil; nagreklamo kay Gob. Hen. Primo de Rivera pero walang nangyari

1882: Nagpasyang sa ibang bansa na lang mag-aral dahil:
▪️Di gaanong mahusay ang pagtuturo sa UST noon
▪️May diskriminasyon sa UST; minamaliit ang mga Pilipino
▪️Galit sa kanya ang mga Dominikano dahil sa pagtatatag niya ng Compañerismo (kapatiran/fraternity ng mga Pilipino)
▪️Gusto niyang gamutin ang mata ng ina (mas maganda ang turo sa Europa)

Mayo 1882: naglakbay papuntang Europa, mula sa Maynila

Ruta mula Maynila (sa pamamagitan ng barko/ship):
▪️Singapore
▪️Colombo, Sri Lanka
▪️Aden, Yemen
▪️terminal sa Suez Canal (Ehipto/Egypt)
▪️Italya
▪️Pransya
▪️Espanya (dumating: Hunyo 1882)

Unang sinulat sa Europa: Sanaysay/essay na “Amor Patrio” (Pag-ibig sa Bayan o Love of Country); gumamit ng sagisag-panulat o pen name na Laong Laan (“matagal nang inalay”) isinalin sa Tagalog ni Marcelo H. del Pilar, na gumamit naman ng pen name na Dolores Manapat; lumabas sa “Diariong Tagalog” (unang dyaryong Tagalog sa Pilipinas)

Nobyembre 1882: Pumasok sa Universidad Central de Madrid/UCM; kumuha ng kursong Pilosopiya at Letra at Medisina; habang nasa UCM ay umanib siya sa “Circulo Hispano-Filipino” at sa Masonerya o Freemasonry

Talumpati sa Madrid: binigkas sa karangalan nina Juan Luna at Felix Resureccion-Hidalgo, 2 pintor na Pilipinong nagwagi sa Pambansang Eskposisyon sa Sining (ng Espanya) para sa “La Spolarium” at “Virgenes Expuestas Al Populacho,” na parehong masining na tumuligsa sa masamang pamamahala ng mga Kastila

1884: Binigyan ng lisensya sa medisina; bago pumunta sa Paris, dinalaw muna ang mga kaibigan niyang sina Maximo Viola at Pardo de Tavera na nasa Barcelona

1885: Pumunta sa Paris, Pransya upang magsanay sa klinika ni Dr. Louis de Weckert; naging bahagi ng “La Solidaridad” (dyaryo ng Kilusang Propaganda)
Sa Alemanya/Germany:
▫️Nakilala si Prof. Ferdinand Blumentritt (Austrian na ethnologist na nananaliksik tungkol sa wikang Tagalog) na siya niyang naging pinakamatalik na kaibigan/best friend
▫️Nagsanay sa ospital na pangmata ng University of Heidelberg sa pamamahala ni Dr. Otto Becker
▫️Habang nasa Heidelberg, sinulat ang tulang “A las Flores del Heidelberg” (Sa Mga Bulaklak ng Heidelberg/To the Flowers of Heidelberg); nagpapakita ng pangungulila sa sariling bayan
▫️Tinapos at pinalimbag ang “Noli Me Tangere” sa Alemanya; pinautang siya ng pera ni Maximo Viola (kaibigan niyang taga-San Miguel, Bulacan) para sa pagpapalimbag ng unang 2,000 kopya/sipi ng Noli; bago umuwi sa Pilipinas para alamin ang reaksyon ng mga Pilipino sa nobela, ay naglakbay muna siya sa Europa kasama si Maximo Viola
Unang Pagbalik sa Pilipinas:
▫️Nanggamot at naging makatarungan sa paniningil (depende sa katayuan o status ng pasyente ang singil); nakilala bilang Dr. Ulliman (dahil nagsanay sa Alemanya)
▫️Pinatawag ni Gob. Hen. Emilio Terrero; pinag-iingat siya nito sa mga tumutuligsa sa Noli; binigyan siya ng gwardya (Jose Taviel de Andrade)
▫️Tinuligsa ng mga prayle ang Noli: sumulat ng liham-pastoral si Padre Jose Rodriguez na pinamagatang “Caiingat Cayo” (Mag-ingat kayo/Beware!); pinag-iingat at pinagbabawalan niya ang mga tao na basahin ang sinulat ni Jose na diumano’y subersibo (laban sa gobyerno) at heretikal (kontra sa Simbahan)
▫️Sinagot ni Marcelo H. del Pilar ng “Caiigat Cayo” (Maging Igat Kayo/Be Like Eels) ang batikos ni Rodriguez; pinayuhan niya ang mga tao na maging parang igat/eel (isang uri ng madulas na isdang mahirap hulihin) ang mga tao upang di sila mabitag o ma-trap sa kasinungalingan ng mga prayleng galit kay Rizal
▫️Ipinagtanggol din ni Padre Vicente Garcia si Rizal
▫️Nagpasya si Rizal na muling maglakbay sa ibang bansa upang mas malayang makakilos (sa Pilipinas, mahirap magsulat o bumatikos dahil malakas ang impluwensya ng mga prayle)

Ikalawang Paglalakbay ni Jose Rizal (mula Maynila):
▪️Hong Kong – pumasyal sa mga Pilipinong taga-roon na gaya ni Jose Maria Basa na tumulong sa pagpupuslit o pagi-smuggle ng mga kopya ng Noli
▪️Hapon – nakilala niya rito si O-Sei-San
▪️Estados Unidos – nabiktima sila ng diskriminasyon; “bansang malaya ngunit para lamang sa mga puti,” ayon kay Rizal
▪️Londres/London, Gran Britanya/Great Britain – nanaliksik sa malaking aklatan para ihanda ang anotasyon sa “Sucesos de las Islas Pilipinas” (Mga Pangyayari sa Kapuluan ng Pilipinas/Events in the Philippine Islands) ni Dr. Antonio de Morga; ang aklat na ito ay nagpapatunay na may sibilisasyon na ang mga Pilipino nang abutan o madatnan sila ng mga Kastila; dito rin niya sinulat ang “Liham sa mga Kababaihang Taga-Malolos” (Malolos, Bulacan; sinulatan niya ang mga babaeng taga-rito para ipakita ang kanyang paghanga at pagsuporta sa kanilang layunin na magpatayo ng paaralang pambabae roon)
▪️Sa Belhika/Belgium – dito inilimbag (sa Ghent, Belgium) ang “El Filibusterismo,” ang karugtong/ sequel ng Noli Me Tangere; ang El Fili ay inalay niya sa Gomburza; pinautang siya ni Valentin Ventura upang ito’y ipalimbag
▪️Sa Hong Kong ulit – para manggamot at makipagkita sa buong pamilya Rizal (dito sila nagpasko; kapapalayas pa lamang ng pamilya nila at ng iba pang pamilya ng mga magsasaka sa asyenda/hacienda ng mga Dominikano sa Calamba, Laguna; ayaw na kasing magbayad ng upa ni Don Francisco dahil sobrang taas na ang sinisingil); sandaling nanggamot din si Jose sa Hong Kong; habang narito, sumulat din siya kay Gob. Hen. Eulogio Despujol upang hilingin dito na dalhin o i-resettle ang mga taga-Calamba sa Sabah/North Borneo (ito ang tinawag ni Rizal na “Proyekto ng Kolonisasyon ng Borneo” na ibinasura lang si Despujol)

Ikalawang Pagbabalik sa Pilipinas: Bakit nagpasyang bumalik?
▪️Para mapanatili ang pagkakaisa ng Kilusang Propaganda (nag-away-away sila noon sa Europa kung sino ang dapat maging pangulo nila, si Rizal o si del Pilar; umalis na lang si Rizal para maresolba ito)
▪️Kakausapin niya si Despujol para alamin kung magbabago pa ang pasya nito
▪️Itatatag niya “La Liga Filipina” (Ang Liga ng mga Pilipino/League of Filipinos) sa Pilipinas

Mga Nangyari sa Ikalawang Pagbabalik sa Pilipinas:
▪️Itinatag niya “La Liga Filipina” noong Hulyo 2, 1892 sa bahay ni Doroteo Onjungco sa Tondo, Maynila (ang La Liga ay samahang sibiko para sa mga Pilipino na layuning magsulong ng mga reporma sa Pilipinas); isa si Andres Bonifacio sa mga orihinal na kasapi ng La Liga
▪️Limang araw pagkatatag ng La Liga (Hulyo 7), ipinatapon (in-exile) si Rizal sa Dapitan, Zamboanga dahil sa mga sumusunod na dahilan:
🔻May nakuhang sipi ng “Pobres Frailes” sa unan ni Lucia (kapatid na kasama niya sa paglalakbay); ang babasahing ito’y anti-prayle/ kontra sa Simbahan (malamang na inilagay lamang ito sa bagahe ng magkapatid)
🔻Inalay ni Rizal ang “El Filibusterismo” sa Gomburza, kaya’t ito’y subersibo
🔻Diumano’y (allegedly) iligal daw ang La Liga Filipina

3. Hulyo 7, 1892 din: itinatag ni Andres Bonifacio at ng ilan pang kasapi ng La Liga Filipina, ang KKK/Katipunan (Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan/ Supreme and Most Respectable Organization of the Sons of the Motherland) para simulan ang sikretong pag-oorganisa na hahantong sa armadong pag-aalsa/rebolusyon para mapatalsik ang mga Kastila at makapagtayo ng demokratikong gobyernong pinatatakbo ng mga Pilipino (para sa kanila, ang pagkapatapon ni Rizal ay senyales na wala nang pag-asa ang reporma sa ilalim ng mga Kastila at kung gayon, wasto na ang magrebolusyon)

Mga Nangyari sa Dapitan
▪️Nagtayo siya ng paaralan para sa mga batang lalaki
▪️Nagtayo ng patubig/irrigation system para sa mga magsasaka at mamamayang taga-Dapitan
▪️Nakipagdebate (sa sulat) kay Padre Ramon Pastells (isang Heswita) tungkol sa mga usaping panrelihiyon
▪️Sinulat ang tulang “Mi Retiro” (Ang Aking Pahingahan) bilang tugon sa hiling ng ina
▪️Nakatuklas ng mga bagong specie ng palaka, tutubi/dragonfly at uwang/ beetle na malao’y ipapangalan sa kanya
▪️Naglilok ng mga pigurin at estatwang bato atbp.
▪️Tumanggap ng mga pasyente mula sa iba’t ibang dako ng Pilipinas at ng daigdig
▪️Nakilala at kinasama (live-in) si Josephine Bracken, na malao’y mistulang asawa na rin niya
▪️Dinalaw siya ni Dr. Pio Valenzuela (sugo/emissary ni Andres Bonifacio) para alamin ang opinyon niya sa rebolusyong inoorganisa ng Katipunan; inalok siya ni Valenzuela na itakas para pamunuan niya ang rebolusyon, di pumayag si Rizal at sinabi rin niyang tutol siya sa rebolusyon dahil:
🔻Nangako siya sa mga Kastila na di tatakas sa Dapitan
🔻Hindi pa raw handa ang mga Pilipino (kulang sa armas atbp.)
🔻Wala pa raw pagkakaisa ang mga Pilipino
🔻Diumano’y hindi pa sanay mamahala ang mga Pilipino
🔻Marami raw madadamay na inosente
▪️Sumulat si Jose kay Gob. Hen. Ramon Blanco para hilingin na payagan siyang pumunta sa Cuba para maging doktor sa Hukbong Kastila (Spanish Army; noo’y nagrerebolusyon na ang mga Cubano laban sa mga Kastila; ayon sa ibang aklat, sikretong plano ni Rizal na obserbahan ang taktikang gerilya/guerilla tactics na ginagamit ng mga Cubano laban sa Español)

Agosto 23, 1896: Nagsimula ang hayagang pag-aalsa ng Katipunan laban sa mga Kastila

Hulyo 1896: Pinayagan siya ni Blanco na pumunta sa Cuba; nakaalis ang bapor nila sa Maynila pero nasa Singapore pa lamang ang barkong sinasakyan niya’y muli siyang ipinaaresto (September 30). Nang makarating sa España ang kanilang barko ay inilipat siya sa isang barkong militar at ibinalik sa Pilipinas para ikulong sa Fort Santiago (sa loob ng Intramuros).

Disyembre 8, 1896: Pinamili siya ng magiging abogado niya sa isang listahan; pinili niya si Luis Taviel de Andrade

Disyembre 11, 1896: Binasahan siya ng sakdal o ipinaalam sa kanya ang mga ikinaso sa kanya:
▪️Sedisyon o pag-uudyok ng pag-aalsa
▪️Rebelyon o pagsulat ng aklat laban sa pamahalaan
▪️Pagtatatag ng diumano’y lihim na samahan (La Liga)

Depensa ni Rizal at kanyang abogado: Walang kinalaman si Rizal sa pag-aalsa ng Katipunan, dahil tutol nga siya sa rebolusyon (nagpalabas pa nga siya ng manipesto para patunayan ito); hindi subersibo o sedisyoso ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo dahil hindi naman ito itinago ni Rizal kaninuman, layunin lamang niyang isiwalat ang katotohanan; Lalong hindi lihim ang La Liga Filipina dahil alam na nga ng mga Kastila ang tungkol dito at wala ring ginawang labag sa batas ang La Liga (humihingi lamang ito ng reporma)

Paano nadiin si Rizal: Dahil sa pagbaligtad at pagtatraydor ng mga dati niyang kasamahan, mga kapwa Pilipino, lalo na si Dr. Pio Valenzuela (na nakakatawa ma’y siya pang nagdiin kay Rizal sa hukuman); galit na galit kay Rizal ang mga prayle dahil sa kanyang sinulat na nagsiwalat sa mga baho ng ilang miyembro ng Simbahan, kaya idiniin nila ito (gaya ng ginawa nila sa Gomburza), kaya kahit inosente’y hinatulan pa rin siya.

Disyembre 28, 1896: Nilagdaan ni Gob. Hen. Camilo Polavieja ang hatol o sentensya ng kamatayan ni Rizal

Disyembre 29, 1896: Sinulat niya ang kanyang huling tula: “Mi Ultimo Adios” (Ang Huling Paalam o My Last Farewell)

Disyembre 30, 1896: Binaril sa Bagumbayan (Luneta) si Rizal, habang sumisikat ang araw sa silangan, namatay siya nang di nakita ang pagsikat ng araw sa silangan (ang paglaya ng Pilipinas), ngunit di kalabisang sabihing siya ang isa sa nagmulat ng sambayanan upang makita nito ang kanyang aping kalagayan at sa huli’y mag-alsa upang lumaya sa pagkaalipin.

Mga Pag-ibig ni Rizal
📍Segunda Katigbak – unang pag-ibig; kapatid ng kanyang kaibigang si Mariano; nakilala nang siya’y nasa UST; di gaanong matangkad, may mga matang nangungusap, kulay rosas na pisngi
📍Margarita Almeda-Gomez – ikalawang pag-ibig; taga-Pakil, Laguna; kayumangging kulay, kaakit-akit ang mga mata
📍Leonor Rivera – pinakadakilang pag-ibig ni Rizal; second cousin niya; si “Taimis”; pinaghanguan ng karakter ni Maria Clara; ikinasal sa British/Ingles na si Charles Henry Kipping
📍Jacinta Evardo Laza - si “Binibining L”
📍Leonor Valenzuela – kapitbahay sa Intamuros; kasulatan niya gamit ang asin at tubig; taga-Calamba; estudyante ng medisina
📍Suzanne Jacoby – nakilala sa Belgium; sandali lamang silang nagkaibigan ‘pagkat umalis din agad si Rizal para asikasuhin ang kaso ng pamilya sa Espanya
📍Gertrude Beckett – dalagang taga-London; kapamilya ng kanyang tinirhan doon; tumulong sa pag-aaral niya ng Ingles.
📍Magkapatid na Adelina at Nelly Boustead – noong una’y mas nagustuhan si Adelina na mas bata; si Nelly ay gusto rin ni Antonio Luna; dahil nangungulila kay Leonor (na nabalitaan niyang nagpakasal na), niyaya niya si Nelly na magpakasal; nagpatumpik-tumpik si Nelly dahil alam niyang nangungulila lang si Rizal kay Leonor at baka maging panakip-butas lang siya, isa pa, Protestante si Nelly at ayaw namang itakwil ni Rizal ang kanyang pagka-Katoliko.
📍Usui Seiko o O-Sei-San o O Sei Keio – nagturo ng wikang Hapon/Niponggo kay Rizal; muntik na rin niyang pakasalan kundi lang dahil sa bayan
📍Consuelo Ortiga y Perez – Kastila; inalayan ni Rizal ng tula; iniwan niya ‘pagkat gusto rin ni Eduardo de Lete na kanyang kaibigan
📍Josephine Bracken – itinuring niyang asawa; isang Irish; ampon ng isang Amerikanong taga-Hong Kong na nagpagamot kay Rizal; balingkinitan ang katawan at asul ang mata

Ang Batas ni Rizal (ligal na batayan ng pag-aaral sa buhay at mga sinulat ni
Jose Rizal)
▫️Batas ng Republika Blg. 1425
▫️Pinagtibay noong Hunyo 12, 1956
▫️Ipinatupad ng Lupon sa Pambansang Edukasyon (Committee of National Education) noong Agosto 16, 1956
▫️Akda ni Sen. Claro M. Recto ang orihinal na bersyon (lolo ni dating Sen. Ralph Recto)
▫️Binatikos ng ilang grupo at senador ang bersyon ni Recto kaya naglabas ng pamalit o substitute bill si Sen. Jose P. Laurel Sr. (na batay sa panukala nina Sen. Emmanuel Pelaez at Roseller Lim); ito ang naging Batas Republika 1425

Mga Tumutol sa Orihinal na Bersyon ng Batas Rizal
▫️Sen. Decoroso Rosales (kapatid ni Arsobispo Rosales)
▫️Mariano Cuenco (kapatid ni Arsobispo Cuenco)
▫️Padre Jesus Cavanna
▫️Sen. Francisco “Soc” Rodrigo
▫️ilang grupo sa Simbahang Katoliko

Mga Puna sa Orihinal na Batas Rizal
▫️Nilalabag daw ang kalayaan sa pagpili ng relihiyon
▫️Bahagi na raw ng nakalipas ang Noli at Fili kaya di na dapat pag-aralan pa
▫️May 120 pahayag daw sa Noli laban sa Simbahang Katoliko

Ang Pagtatanggol sa Batas Rizal
▫️Pagpapalaganap ng nasyonalismo ang layunin ng pag-aaral sa buhay at mga sinulat ni Rizal kaya walang masama rito
▫️Hindi pa nalulutas ang mga suliraning panlipunang tinalakay ng nobela kaya kailangan pa rin itong pag-aralan
▫️Naayos ang gusot nang payagan ng
bagong bersyon ng batas ang paggamit ng
expurgated version ng mga nobela ni Rizal

Tatlong Pangunahing Probisyon ng Batas Rizal
▫️Pagsasama sa kurikulum ng lahat ng paaralang pribado at publiko ng kursong tungkol sa buhay at mga sinulat ni Rizal lalo na ang Noli at El Fili
▫️Pagpapalimbag at libreng pamamahagi ng mga orihinal at mga salin ng mga akdang ito
▫️Pagpapanatili at pagpapalawak ng koleksyong Rizaliana sa mga aklatan sa bawat paaralan sa bansa

Paano pinili si Rizal bilang Pambansang Bayani?
Pamantayan o Criteria sa Pagpili:
▫️isang Pilipino
▫️namayapa (patay na)
▫️may matayog na pagmamahal sa bayan
▫️may mahinahong damdamin (dapat ay ayaw sa rebolusyon, dahil noo’y sinasakop pa lang tayo ng mga Amerikano; kung rebolusyunaryo nga naman ang pambansang bayani, baka mag-alsa ang mga Pilipino laban sa kanila gaya ng nangyari noong panahon ng Kastila)

Ang Pinagpiliang Listahan:
▫️Marcelo H. del Pilar
▫️Graciano Lopez-Jaena
▫️Hen. Antonio Luna
▫️Emilio Jacinto
▫️Jose Rizal
▫️Emilio Aguinaldo
▫️Apolinario Mabini

📍Dahil sa bilang 2) at 3) ng pamantayan, inalis agad sa listahan sina Aguinaldo at Mabini, lalo pa’t para sa mga Amerikano, si Aguinaldo ay “mapusok” (nananawagan pa siyang ituloy ng mga Pilipino ang rebolusyon laban sa Amerikano, hanggang madakip siya sa Palanan, Isabela) at si Mabini nama’y “matigas ang ulo” (madali siyang nadakip siya ng mga Amerikano dahil lumpo; ayaw niyang manumpa ng katapatan sa simula sa mga Amerikano kaya pinatapon siya ng mga ito sa Guam; isa pa, nagpalabas din ng manipesto si Mabini, bago maaresto, na nagtatagubilin sa mga Pilipino na ituloy ang laban; pinatapon siya sa Guam sa takot ng mga Amerikano na maging simbolo siya ng rebolusyong Pilipino)

Ang mga nagpasya kung sino ang dapat maging Pambansang Bayani:
Commissioner William Howard Taft (malao’y naging ▫️pangulo ng Estados Unidos)
▫️Morgan Schuster
▫️Bernard Moses
▫️Dean Worcester
▫️Henry Clay Ide
▫️Trinidad Pardo de Tavera
▫️Gregorio Araneta
▫️Cayetano Arellano
▫️Jose Luzurriaga

Mga Pilipinong may lahing-Kastila; nang dumating ang mga Amerikano para tayo’y sakupin, sila ang kauna-unahang nagtaksil sa Rebolusyong Pilipino para makakuha ng pwesto sa ilalim ng gobyernong Amerikano sa Pilipinas
▫️Imposibleng piliin si Antonio Luna, sapagkat anti-Amerikano na siya noon pa lamang; bago siya patayin ng mga kapwa Pilipinong tauhan ni Aguinaldo, siya ang nagbabala kay Aguinaldo na mag-ingat sa mga Amerikano
▫️Malabo ring piliin si Emilio Jacinto sapagkat itinuring siyang “Utak ng Katipunan,” bagamat patay na siya noong panahon ng mga Amerikano (mayorya sa mga natirang kasapi ng Katipunan sa buong bansa ay nagpatuloy sa paglaban sa mga Amerikano hanggang madakip si Aguinaldo)
▫️Halos kapantay lamang ni Rizal sina del Pilar at Jaena sa pagiging repormista (ayaw sa rebolusyon; bagamat nagpahayag si del Pilar na pabor siya sa rebolusyon bilang huling opsyon) ngunit lumamang si Rizal sa pagiging diumano’y mas dramatiko ng pagkamatay niya: siya’y binaril sa Bagumbayan, namatay naman sa tuberculosis si del Pilar at namatay rin sa sakit si Jaena (bagama’t kung tutuusin, dramatiko rin ang pagkamatay ni del Pilar na kaya nagkasakit ay sa kawalan ng perang pangkain; naubos ang kanyang pera sa paglalathala ng La Solidaridad na pangmulat sa mga Pilipino; namatay siyang isang pulubi sa Espanya).
▫️Gayunman, isang bagay ang di pinagtatalunan, at hindi tinututulan maging ng mga umaayaw kay Rizal bilang pambansang bayani: ang kadakilaan ng kanyang panulat: ang pagsulat niya sa Noli Me Tangere at El Filibusterismo na parehong de-kalidad na obra-maestrang tumatalakay sa mga suliraning panlipunan at nagmulat sa mga Pilipinong inaalipin ng Espanya. Walang nakapantay sa husay niyang magsulat para magmulat.

ccto

( Photo not mine )

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Binãn?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Buwan ng Wikang Pambansa 2024
Buwan ng Kasaysayan 2024"Salaysay ng Bayan, Saysay ng Bansa"Binibigyang halaga ng pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan sa ...
Nakikiisa ang Supreme Elementary Learners Government ng Pagkakaisa ES - Biñan City sa pagdiriwang ng Pambansang Araw ng ...
National Disaster Resilience Month 2024"Bantayog ng Katatagan at ang Pagbubuklod sa Layuning Kahandaan"Kaisa ang SELG Of...
Nakikiisa ang SELG Officers sa pagdiriwang ng 50th Nutrition Month na may temang,"Sa PPAN, sama-sama sa sapat na nutrisy...
BIRGADA ESKWELA CAMPAIGN

Telephone

Website

Address


Romana Subd. , Brgy. San Antonio
Binãn
4024

Other Youth Organizations in Binãn (show all)
Launchpad Launchpad
Binãn

Taking Off Towards Life To the Fullest.

DLSU Laguna College of Business Government DLSU Laguna College of Business Government
LTI Spine Road, Laguna Boulevard , Barangay Malamig
Binãn, 4024

The Official page of the Laguna College of Business Government (LCBG) - Ramon V. del Rosario

DLSU Laguna Campus CGE DLSU Laguna Campus CGE
LTI Spine Road, Laguna Boulevard, Barangay Malamig
Binãn, 4024

The official page of the Laguna Campus College Government of Education (LCGE).

Southville 5A INHS Senior Scouts Southville 5A INHS Senior Scouts
Binãn, 4024

Duty to God, Country, and Others.

Lifegiver Biñan YGM Lifegiver Biñan YGM
3rd Flr, Elrancho Hotel, Resort And Casino, National Hiway, Brgy. Canlalay
Biñan

Aktibong Lingkod at Lingap ng Epektibong Nagsisilbi - Team Allen Aktibong Lingkod at Lingap ng Epektibong Nagsisilbi - Team Allen
Brgy. Tubigan
Binãn, 4024

Allen-man Saanman Kabataan no. 1 | Let Team Allen Lead 🇵🇭

SIKLAB-Biñan City SIKLAB-Biñan City
Binãn, 4024

Makakabataang organisasyon na naglalayon na isulong ang kapakanan at karapatan ng mga kabataan sa pamamagitan ng pagpapasiklab ng kanilang kakayahan, karunungan at kamalayan tungo ...

House of Kelly - UPHSL House of Kelly - UPHSL
Brgy. Sto. Nino
Binãn, 4024

This page is made to support House of Kelly in UPHSL Psychology department which aims to raise mental health awareness and also to help and influence people suffering from mental h...

DLSU Laguna Campus Computer Studies Government - LCCSG DLSU Laguna Campus Computer Studies Government - LCCSG
LTI Spine Road, Laguna Blvrd. , Baranggay Malamig
Binãn, 4024

The Official Page of the De La Salle University Laguna Campus Computer Studies Government.

DepEd Tayo - Youth Formation - Zapote Elementary School DepEd Tayo - Youth Formation - Zapote Elementary School
Barangay Zapote
Binãn, 4024

This page aims to share and provide the latest updates and activities of the Youth Formation - Zapote Elementary School

League of SK Councilors League of SK Councilors
Binãn, 4024

SK Councilors/Youth Volunteers of the City of Biñan.