CCNHS Sinagtala Filipino Club

To educate students and make them more aware of Filipino culture and its rich history

Photos from CCNHS Sinagtala Filipino Club's post 30/08/2024

TALAKAN. KARIKTAN. KASUOTAN.

Ilan lamang iyan sa mga kaabang-abang na kaganapan sa pangwakas na pagdiriwang ng Buwan ng Wika ngayong darating na ika-2 ng Setyembre, Lunes.

Sisimulan ang programa sa pagbubukas ng pinakahinihintay na patimpalak ng CCNHSโ€“ang Lakan at Lakambini 2024!
Kasunod nito'y gaganapin naman ang pagbibigay ng mga sertipiko ng pagkilala sa mga natatanging mag-aaral na nanguna sa iba't ibang kompetisyon na isinagawa sa loob ng buwan ng Agosto.

Magbibigay parangal sa mga nagwagi sa Quiz Bee, Spelling Bee, Poster Making, Piliin Mo Ang Pilipinas Challenge at Spoken Poetry bilang pagbibigay karangalan sa mga estudyanteng hindi lamang nakilahok ngunit naging instrumento rin sa pagtatag ng adhikaing mapagtibay ang wikang kinamulatan ng bansa, ang wikang filipino.

Sama-sama nating buhayin ang diwa ng ating kultura at wikang Filipinoโ€”isang wikang mapagpalaya na sumasalamin sa ating pagkakaisa at pagkakakilanlan. ๐ŸŽ‰๐Ÿชถ Huwag palalampasin ang pagkakataong ito na ipakita ang pagmamahal sa ating wika't bayan. Kitakits sa isang makulay at makabuluhang pagtatapos ng ating pagdiriwang! ๐Ÿ’™โค๏ธ๐Ÿ’›

Photos from CCNHS Sinagtala Filipino Club's post 26/08/2024

Mapagpalang araw!

Ipinaaalam ng Sinagtala Organization na magkakaroon ng pagpupulong ang mga katauhang may kinalaman sa paghahanda sa gaganaping Lakan at Lakambini 2024 bilang preperasyon sa naturang kaganapan. Inaasahang dumalo ang mga kalahok sa patimpalak ng bawat departamento (candidates), mga tagapagsanay (coaches), maging mga estudyanteng taga-disenyo sa kasuotan ng bawat kalahok (designers). Ang pagpupulong ay gaganapin bukas โ€“ August 27, 2024 sa MSS Hall, gawing 3 pm ng hapon.

Aming ikalulugod ang inyong pagdalo at sisiguraduhing matagumpay ang gagawing pagpupulong. Muli, magandang araw at maraming salamat mula sa Sinagtala Organization!

26/08/2024

Maligayang Pambansang Araw ng mga Bayani! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Ngayong araw, Agosto 26, 2024 ating ipinagdidiriwang ang Pambansang Araw ng mga Bayani na may temang "Kabayanihan ng Pilipino sa Panahon ng Pagbabago".

Nakikiisa ang Sinagtala Filipino Organization sa selebrasyon ng Araw ng mga Bayani at sa lahat ng makabagong bayani na patuloy na lumalaban sa hamon ng buhay.

Sa bawat yugto ng pagbabago, nariyan ang diwa ng kabayanihan ng Pilipino. โœŠ๐ŸŒŸ Ating ipagbunyi ang Araw ng mga Bayaniโ€”ang ating taglay na katapangan, pagkakaisa, at malasakit ay patuloy na magbibigay liwanag sa ating bayan. Mabuhay ang ating mga bayani at mga bagong bayani ng makabagong panahon! ๐Ÿ”ฅ

25/08/2024

MAHALAGANG ANUNSYO โ€ผ๏ธ๐Ÿ“ข

Nais naming ipabatid na ang Araw ng Kulminasyon sa Agosto 30, 2024 ay iuurong sa Araw ng Setyembre ika-2, Lunes dahil sa hindi inaasahang gawaing pampaaralan. Kaya naman ikanalulungkot naming ipaalam na ang ilang Patimpalak para sa Buwan ng Wika ay kanselado. Humihingi kami ng pag-unawa at suporta mula sa lahat ng mga kalahok at tagasuporta.

Subalit tuloy pa rin ang ibang patimpalak gaya ng:

Lakan at Lakambini
I-Sayawitan
Pagbigkas ng Spoken Poetry

Mga KANSELADO:

DOBLE KARA
LARO NG LAHI
RAMPA KASUOTAN

ALALAHANIN: Ang ibang kumpetisyon sa naunang Facebook Post ay hindi apektado at magpapatuloy ayon sa plano.

Para sa karagdagang impormasyon, patuloy lamang na mag-abang ng mga update dito sa aming page. Maraming salamat sa inyong pag-unawa.

23/08/2024

BUWAN NG WIKA ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ

"โฐ End of Voting Alert! โฐ Ang oras para sa pagboto sa โ€˜Piliin Mo ang Pilipinas TikTok Challengeโ€™ ay tapos na. Huwag papalampasin ang pagkakataong suportahan ang iyong paboritong entry! Tiyaking tapos na kayo bumuto sa inyong mga departamento bago matapos ang deadline. ๐Ÿ˜‰ Hanapin ang napiling entry at ipakita ang iyong suporta sa pamamagitan ng pag-view, like, at share! ๐Ÿ“ฒ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

20/08/2024

PAGBATI sa Tatlong Makata na nakapasok sa pagsulat at pagbigkas ng Spoken Poetry!!, na itatanghal sa Agosto 30, 2024.

20/08/2024

Ang TATLONG Maswerte na nakapasok ng pagsulat ng Jinggle na itatanghal sa Agosto 30, 2024 sa pamamagitan ng SAYAWITAN ay ang mga sumusunod:

Photos from CCNHS Sinagtala Filipino Club's post 20/08/2024

Pagbati sa mga nagwagi sa patimpalak ng "TALINO YARN"

Photos from CCNHS Sinagtala Filipino Club's post 20/08/2024

Pagbati sa mga nagawagi sa Baybay Husay

20/08/2024

BINABATI KO ANG MGA MAG-AARAL NA NAGWAGI SA Poster making

20/08/2024

MAPAGPALAYANG ARAW MGA KASINAG!!
NARITO NA ANG MGA RESULTA SA MGA NAGING PATIMPALAK NOONG NAKARAANG BIYERNES AGOSTO 16, 2024

Send a message to learn more

18/08/2024

General Academics Strand - ENTRY #1

18/08/2024

BUWAN NG WIKA ๐Ÿฎ๐Ÿฌ๐Ÿฎ๐Ÿฐ

Mga ka-Sinag, Handa ka bang Piliin ang Pilipinas? Dahil kung handa na, halinaโ€™t tunghayan ang natatangi at malikhaing PILIIN MO ANG PILIPINAS TIKTOK CHALLENGE ng bawat clusters at departamento ng mga City Highers!๐Ÿค™๐Ÿ˜Ž Tulungan niyo kami sa pagpili ng mga karapat dapat na tanghaling panalo sa Tiktok Challenge na ito. Bawat react, share, at view ay mahalaga. ๐Ÿ˜Šโค๏ธ Bukas ang botohan hanggang Agosto 23, Biyernes 5 P.M., kaya ano pa ang hinihintay niyo? Suportahan niyo na ang inyong napiling entry!

Photos from CCNHS Sinagtala Filipino Club's post 16/08/2024

Oras na para ipakita ang inyong musical creativity! Mga ka-Sinag, samahan niyo kami mamayang alas dos ng hapon para sa Jingle Making Elimination Round! Gamitin ang inyong talento sa paglikha ng mga catchy at makabayang jingle na magpapalakas sa ating pagmamalaki sa Wikang Filipino. Ang mga mapipiling kalahok ay sasabak sa i-Sayawitan na patimpalak sa Agosto 30. Maging malikhain at ipakita ang inyong galing sa pagbuo ng himig na tutunog sa puso ng lahat. Tara na, at patunayan ang inyong musical prowess! ๐ŸŽต๐ŸŽค

16/08/2024

Sa bawat kulay at guhit na inyong isasalaysay, ipamalas ang kalayaan at diwa ng ating wika. Sama-sama nating ipinta ang kasaysayan, kultura, at pangarap ng lahing Pilipino. Para sa mga kalahok, ang inyong partisipasyon ay inaasahan! Kitakits sa ating Poster Making Contest ngayong alas dos ng hapon! ๐Ÿ˜‰Mabuhay ang Wikang Mapagpalaya! ๐ŸŽจโœจ

16/08/2024

Isang espesyal na pagkakataon para sa lahat ng mahilig sa tula! Mga ka-Sinag, magsama-sama tayo mamayang alas dos ng hapon para sa Spoken Poetry Writing Contest. Ipakita ang inyong talento sa pagsusulat ng tula na sumasalamin sa ating Pambansang Wika. Huwag palampasin ang pagkakataong ipahayag ang inyong damdamin at ideya sa pamamagitan ng sining. Maging handa, at ipakita ang inyong galing sa entablado! ๐ŸŽ™๏ธ๐Ÿ“œ

Photos from CCNHS Sinagtala Filipino Club's post 16/08/2024

Handa na ba kayo, mga mag-aaral? Oras na para ipakita ang galing sa pagsulat at pagbaybay ng ating sariling wika! Lahat ng kalahok ng Spelling Bee, tayo po ay magtipon-tipon mamayang alas dos ng hapon. Ipakita natin na ang bawat letra ay mahalaga sa pagpapayaman ng Wikang Filipino. Maging mapagmatyag, magpokus, at maging mapagpalaya! ๐Ÿ“โœจ

Photos from CCNHS Sinagtala Filipino Club's post 16/08/2024

Handa na ba kayo para sa ultimate battle ng kaalaman? City Highers, ang inyong talino at kasanayan ay bibigyang-diin sa ating Quiz Bee mamayang alas dos ng hapon! Maghanda na para sa mga tanong tungkol sa kasaysayan, kultura, at wika ng ating bansa. Ipakita ang inyong husay at pagmamahal sa Wikang Filipino. Laban na, mga ka-Sinag! ๐Ÿ†๐Ÿ“š

15/08/2024

Malayang ipa-feel ang ganda ng bansa sa pamamagitan ng paglahok sa โ€œ๐ŸŽŠPiliin mo ang Pilipinas Tiktok Challenge๐ŸŽŠโ€! Ipakita ang iyong pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng iyong creative video entries. Ipamalas ang galing ng isang estudyanteng pinoy! Huwag palampasinโ€”bukas na ang deadline! ๐Ÿ˜‰๐Ÿ˜ฑ

Maaaring i-click ang g-drive link sa ibaba para i-upload ang iyong entry at magkaroon ng tyansang manalo! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŽฅ

https://drive.google.com/drive/folders/1PnBRhHnl9PPAEbcJB-OEyzYn07yiKoxM?usp=drive_link

Photos from CCNHS Sinagtala Filipino Club's post 15/08/2024

Mapagpalayang araw, City Highers!

Ngayong buwan ng Agosto, ating ipinagdidiriwang ang Buwan ng Wika na may temang โ€œFilipino: Wikang Mapagpalayaโ€. Ito ay isang natatanging pagkakataon upang ating ipagdiwang at pahalagahan ang yaman ng ating sariling wika at kultura.

Kaugnay nito, kami ay naghahanap ng mga kalahok para sa iba't ibang aktibidad at patimpalak na gaganapin sa ating Buwan ng Wika. Ilan sa mga aktibidad na ito ay ang mga sumusunod:

Agosto 16,2024 Biyernes
Paglahok sa Quiz Bee/ Spelling Bee
Paggawa ng Poster
Pagsulat ng Jingle
Pagsulat at pagbigkas ng SPOKENPOETRY

Agosto 30 Araw ng Kulminasyon
Doble Kara
I-Sayawitan
Lakan at Lakambini
LARO NG LAHI
- Sipa
- Tumbang preso
- Patintero
- Kadang kadang
- Luksong tinik
- Luksong Lubid
- Piko

Maaari kayong sumangguni sa inyong Department Head o g**o sa FILIPINO.

Inaanyayahan namin ang lahat ng mag-aaral mula sa iba't ibang baitang at departamento na makilahok at ipamalas ang kanilang mga talento at kaalaman.

Mula sa organisasyong SINAGTALA at Departamento ng FILIPINO sa JHS at SHS, maraming salamat po!!

Photos from CCNHS Sinagtala Filipino Club's post 09/08/2024

๐ŸŽ‰๐ŸŒŸ **๐Ž๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฒ๐š๐ฅ ๐ง๐š ๐๐š๐ ๐›๐ฎ๐›๐ฎ๐ค๐š๐ฌ ๐ง๐  ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ’ ๐ฌ๐š ๐๐š๐š๐ซ๐š๐ฅ๐š๐ง๐  CALBAYOG CITY NATIONAL HIGH SCHOOL!** ๐ŸŒŸ๐ŸŽ‰

Matagumpay na isinagawa ng Calbayog City National High School, araw ng Agosto 6,2024, ang opisyal na pagbubukas ng Buwan ng Wika.

Ang makulay at maikling palatuntunan ay nagbigay saya at pagkamakabayan sa lahat mga g**o at mga mag-aaral.

Sa pagdiriwang na ito, ipinakita ng mga mag-aaral, g**o, ang kanilang pagmamalaki sa wika at kultura. Ang mga aktibidad ay nagbigay-diin sa kahalagahan ng pagtangkilik at pagpapayaman sa sariling wika.

Kasabay nito ay ang pagdiriwang ng Pandaigdigang Araw ng mga Katutubo. Kung saan ang mga katutubong mag-aaral ay ipinagmalaking isinuot ang kani-kanilang mga makukulay na mga kasuotan.

Maraming salamat sa lahat ng sumuporta at nakibahagi sa makasaysayang okasyong ito. Tayo'y magpatuloy sa pag-unlad at pagmamalaki sa ating wika!

07/08/2024

Agosto na!

Nawaโ€™y a-GUSTO mo ring makibahagi sa makulay na selebrasyon at patimpalak para sa Buwan ng Wika na hatid ng Sinagtala Filipino Organization para sa lahat ng mga g**oโ€™t mag-aaral ng Calbayog City National School.

Halina't palaganapin ang kahalagahan ng ating sariling wika at kultura! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

07/08/2024

BUWAN NG WIKA 2024!๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ
TEMA: Wikang Mapagpalaya

Sa Buwan ng Wika, ipagdiriwang natin ang kapangyarihan ng wika bilang susi sa pagkakaisa at kalayaan. Sa temang "wikang mapagpalaya" ay matutunan natin ang tunay na kahulugan ng pagkakaisa, respeto, at kasarinlan.

Ang wika ay hindi lamang daluyan ng ideya, kundi gabay tungo sa mas makatarungan at inklusibong lipunan. Magkaisa tayo sa pagpapalaganap ng wikang nagdadala ng pagbabago at pag-asa para sa lahat itaas natin ang ating tinig at gamitin ang wika bilang instrumento ng pagbabago, pagkakaisa, at pag-unlad.

Ang pag papahalaga sa wika ay mahalaga upang mas umunlad ang kultura at lipunan ng ating bansa.

Halina't makisaya at makibahagi sa pag diriwang ng Buwan ng Wika!๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญโœจ

30/11/2023

BONIFACIO DAY ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

"Ibigin mo ang inyong bayan nang sunod kay Bathala, sa iyong kapurihan, at higit sa lahat sa iyong sarili."

Isang taong tumindig, nagsakripisyo at namuno ng buong tapang para sa kalayaan at kinabukasan ng minamahal niyang bayan. Sa pagtatag ng Katipunan, kinilala si Andres Bonifacio bรญlang "Ama ng Rebolusyon" sa Pilipinas. Ginampanan ni Bonifacio ang responsibilidad na pamunuan ang katipunan, bawiin mula sa mga sumupil ang ating kalayaan, at itaguyod ang pagkakaisa bilang susi sa isang mas maaliwalas na kinabukasan.

Ngayong kaarawan ni G*t Andres Bonifacio, ating gunitain ang katapangan at kabayanihang kanyang inalay para sa ating bansa. Ipagdiwang natin ang isang tunay na bayani na naglilingkod sa kapwa at sa bayan. โœŠ๐Ÿผ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Photos from CCNHS Sinagtala Filipino Club's post 12/11/2023

Mahusay ka ba sa pagsusulat ng tula at pagtatanghal? Kung oo, ito ang patimpalak na hatid ng Sinagtala Filipino Organization kasama ang Barkada Kontra Droga para sa inyo! What a nice!

Bilang parte sa pagdiriwang ng Drug Abuse Prevention and Control Week ngayong Nobyembre 13โ€“17, 2023, ang Sinagtala Filipino Organization at Barkada Kontra Droga ay magkakaisa sa isang proyektong patimpalak para sa mga estudyanteng makata na tulad mo.

Ang โ€œKWENTULA: Kwento moโ€ฆIboses moโ€ฆKasali ka dito.โ€ ay isang Siday competition na may temang: โ€œPeople First: Stop Stigma and Discrimination, Strengthen Protectionโ€. Ito ay gaganapin ngayong ika-17 ng Nobyembre 2023, araw ng Biyernes sa CCNHS MSS Hall.

Ito ay bukas para sa lahat ng mag-aaral ng Calbayog City National High School. Ang mga mekaniks at rubriks ay nakalahad sa mga larawan ng post na ito at ang hindi pag-sunod sa mga ito ay katumbas sa diskwalipikasyon ng kalahok.

Kaya ano pa ang hinihintay niyo mga ka-Sinag? tara na't magsama-sama sa pagsiklab ng ating Siday revolution! Kayaโ€™t huwag nang magdalawang isip pa, sapagkat ang entablado ay naghihintay na. Isulat ang inyong kwento, yakapin ang bawat pahina ng inyong damdamin, at ipakita ang kahusayan sa pagtatanghal!

Maraming salamat po at magandang laban sa ating lahat!

Photos from CCNHS Sinagtala Filipino Club's post 05/11/2023

MABUHAY mga Ka-Sinagtala! ๐ŸŒž๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

"Ang pagiging tunay na Pilipino ay mas higit pa sa ating lahi, ito'y pagtangkilik sa mayamang kultura at kasaysayan na nagsisilbing kaluluwa ng ating pinakamamahal na inang bayan."

Sa ilalim ng maligayang araw, nawa'y magsilbing ilaw at lihim na kakaiba sa ating puso, kaluluwa, at kaisipan ang SINAGTALA FILIPINO ORGANIZATION! ๐ŸŒŸ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Ipinapakilala namin ang mga nagmumula sa masalimuot na alon ng kasaysayan ng ating kultura. Isang paglalakbay tungo sa kakaibang pagnanasa na higit pang maunawaan ang yaman ng ating lahi.

Kami ay nagnanais na maging mga alagad ng kaalaman at tagapagdala ng liwanag tungo sa mas mataas na antas ng kamalayan ukol sa ating kultura at kasaysayan. ๐Ÿ“š๐Ÿ’ก

Kasama ang aming mga gabay at mga kasama sa SINAGTALA FILIPINO ORGANIZATION, tayo ay maglalakbay nang sama-sama tungo sa pag-unawa at pagmamahal sa kulturang Filipino! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŒ„



๐Ÿ“œ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ๐ŸŒž
๐ŸŒŸ

Photos from CCNHS Sinagtala Filipino Club's post 27/09/2023

BAGONG TAON NG PAG-AARAL , BAGONG HANAY NG MGA TAGAPANGASIWA AT PINUNO NA MAG-AARAL

Muli na namang nagbukas ang bagong pahina para sa mag-aaral na determinadong mamuno at mangasiwa sa Sinagtala Filipino School Organization. Matagumpay na ginanap ang eleksyon ngayong ika-27 araw, buwan ng Setyembre taong kasalukuyan. Kung saan matagumpay na naihalal sa iba't ibang posisyon ang mga mag-aaral kasama na rin ang mga representante ng bawat baitang mula Junior hanggang Senior High School.

Bilang karagdagang kaalaman, ang nasabing organisasyon ay naitatag ilang taon na ang nakalipas kung saan sa pamamagitan nito ay nakapagsagawa at magsasagawa pa sa hinaharap ng mga aktibidadis na may layuning linangin, pagyamanin, tangkilikin, kilalanin at ipagbunyi ang mga mayamang kaugalian at kultura na sariling atin.

Muli, sabay-sabay na kilalanin ang bumuo sa bagong hanay ng mga mag-aaral na mamumuno sa taon ng pag-aaral na ito. At Nawa'y maging makabuluhan itong taon ng pag-aaral sa lahat ng mag-aaral sa itinuturi nitong ikalawang tahanan na tinaguriang 'True Home of Champions' ang Calbayog City National High School.

Caption via Billy James Maglinte

27/09/2023

LOOK HERE CITYHIGHER! The fun has just begun.

As you continue to strutt the labyrinth of excellence and immerse yourselves in the spirit of leadership you become an avatar of power, inspiring and demanding obedience and emulation. In joining you become a vital pillar, whispering wonders in the air of CityHigh.

So what are you waiting for? The clock is ticking! Bestir yourselves because time is a valuable commodity in a voyage of great leadership prowess.

These are the lineup of Organization offering a gateway to success where flickering candlelights, legacies are born for stories to inspire.

1. Erudites(English) - Room 005: "A pen is mightier than a sword" as words become weapons and knowledge is your shield, you become a nightingale creating a symphony of words that echoes through the campuses.

2. Youth Environment in School Organization(Yes-O) - Room 006: Be a warrior for the environment, dedicated to curating and conserving the environment for generations to come.

3. Sinagtala(Filipino) - Room 205: It helps students explore through the pages of their roots, becoming rays of sunshine traversing in their culture. Its mission is to guide and aid their members in improving their social skills, abilities, and talents through exceptional language and cultural instructions.

4. Drum and Lyre Corps - Room 206: As drums and bugles become your lullaby, immerse yourselves in a concerto of music representing the lively, upbeat, colorful, and playful students of CityHigh.

5. Sports - Room 306: Join in the rigorous but gratifying world of sports and become an athlete proficient in overcoming adversities, and competitive track and field events.

6. D'scire - Room 307: Provides student enthusiast the chance to explore and engage in the world of science.

7. BGP/GSP - Room 016: Do you have what it takes to be a scout? Embodying honesty, friendliness, discipline, courage, resilience, and many more. To Instill values of the scout oath and law.

8. Sine-Siplat Student Filmmakers' Guild - Room 017: Dive into the world of filmmaking where complexity and wonder meets. Turning phantom to reality. Join us in the madness of creativity.

Report via Psyche Marc Cordova
Poster by Sigfreid Von Axl Pesquira

08/09/2023
30/08/2023

PAGSISIMULA SA PAGTATAPOS

Mula sa opisyal na pagbubukas ng SINAGTALA CLUB sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2023 may temang "Filipino at mga Katutubong Wika: Wika ng Kapayapaan, Seguridad, at Ingklusibong Pagpapatupad ng Katarungang Panlipunan", sa paglulunsad ng iba't ibang patimpalak, hanggang sa pagdaraos ng isang makabuluhang palihan, nasaksihan natin kung paano nabigyang puwang ang pagdiriwang nito. Patunay na sa kabila ng aligagang mundoโ€” hangga't may nagpapahalaga sa wika, kultura, at panitikang Filipino, patuloy na maisasakatuparan ang ginintuang layunin nito.

Sa ika-31 ng Agosto muli niyo kaming samahan sa pagtatapos ng ating pagdiriwang para sa Buwan ng Wika 2023, kasabay ang pagkilala sa mga natatanging mga kalahok na nagpamalas ng kanilang natatanging talento, talino, at dedikasyon upang makamit ang tagumpay sa mga patimpalak na inilunsad ng samahan. Gayundin upang bigyang pasasalamat ang aming mga tagasubaybay sa pagsama sa amin sa pagdiriwang na ito. Mula sa lahat ng mga kalahok sa mga patimpalak, mga nakiisa sa palihan, mga tao sa likod ng pagdaraos ng mga palatuntunan, hanggang sa walang pasasalamat sa ating mga mga aktibong mag-aaral.

Sabay-sabay natin saksihan ang pagtatapos ng Buwan ng Wika at pagsisimula ng bagong hangarin upang ipagpatuloy ang pagsulong sa pag-unlad ng ating kamalayan sa wika at kulturang Pilipino.

Want your school to be the top-listed School/college in Calbayog?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

General Academics Strand - ENTRY #1
Agosto na! Nawaโ€™y a-GUSTO mo ring makibahagi sa makulay na selebrasyon at patimpalak para sa Buwan ng Wika na hatid ng S...
PAYAMANIN, MAHALIN, IPANALO ANG PAGIGING PILIPINO!โค๏ธIkinalulugod ng CCNHS Sinagtala Filipino Club na itanghal ang teaser...

Category

Website

Address


Calbayog
6710
Other Schools in Calbayog (show all)
San Joaquin CES - Official San Joaquin CES - Official
Calbayog

This Page is the official site of San Joaquin Central Elementary School designed to publish all educational announcements.

Junior Social Workers Association of the Philippines - CKC Calbayog Chapter Junior Social Workers Association of the Philippines - CKC Calbayog Chapter
499 Magsaysay Boulevard
Calbayog, 6710

Junior Social Workers Association of the Philippines - CKC Calbayog

CCNHS Red Cross Youth Council CCNHS Red Cross Youth Council
Calbayog, 6710

School Organization

CKC - Career and Job Placement Services CKC - Career and Job Placement Services
Calbayog

assistance provided to students in making informed educational and occupational exploration and career planning

Alibaba-Sinantan Cluster Alibaba-Sinantan Cluster
Brgy. Alibaba, Calbayog City
Calbayog, 6710

Alibaba-Sinantan Cluster are two school composition with one school administrator having 8 faculty members led by 1school head and 7 teachers. The 2 schools are ALIBABA ELEMENTARY ...

NWSSU CCJS - Collegiate Student Council NWSSU CCJS - Collegiate Student Council
Rueda Street Extension, Poblacion
Calbayog, 6710

The official page of College of Criminal Justice and Sciences - Collegiate Student Council Kindly se

Red Cross Youth of Oquendo National High School Red Cross Youth of Oquendo National High School
Oquendo Poblacion
Calbayog

The official page of the Red Cross Youth Council of Oquendo National High School.

ECCD - Calbayog City ECCD - Calbayog City
Calbayog, 6710

Early Child Care and Development

Oquendo 3 District Oquendo 3 District
Brgy. Pilar, Oquendo District
Calbayog, 6710

Working together is the best way to make the job lighter.

ADSAC Files ADSAC Files
Maharlika Highway, Purok 2, Barangay Matobato
Calbayog, 6710

ADSAC offers PRESCHOOL, GRADE SCHOOL & JUNIOR HIGH SCHOOL.

BIS  Supreme Student Government BIS Supreme Student Government
P-3 Brgy. Bagacay
Calbayog, 6710

Supreme Pupils Government - Navarro ES Supreme Pupils Government - Navarro ES
Navarro, Calbayog City
Calbayog, 6710