League of Filipino Students - UPLB

A national democratic mass organization for students lobbying against imperialists, and fascists It releases posters and statements on burning issues.

ABOUT US

The League of Filipino Students (LFS) started as an alliance against tuition fee increases and school repression during the time of Martial Law. Born September 11, 1977, the alliance formally became a national democratic mass organization in 1982. The LFS remains one of the largest student organizations in the country, continuously taking part in the history of the struggle of the youth

03/09/2024

⭐[POSTPONED]⭐

Dahil sa sama ng panahon, ililipat muna natin ang araw ng simula ng Mass Orientation sa ika-4 ng Setyembre.

Sana ay nasa mabuting kalagayan ang lahat ngayong kasagsagan ng bagyo, at mag-iingat ang lahat.

Makulimlim man ang panahon, naglalagablab pa rin ang ating laban para irehistro ang ating panawagan sa libre at makamasang edukasyon, tunay na reporma sa lupa, nakabubuhay na sahod, at pambansang soberanya. Patuloy po tayong magmulat, mag-organisa, at magpakilos!

Mangyaring mag sign-up sa link na ito:
tinyurl.com/LFSUPLBOnlineOrye2024

📌 WHAT: Face-To-Face Orientation
📌 WHEN: September 4-10 2024 (Every 4 PM)
📌 WHERE: SU Building, UPLB

Mag-aral. Maglingkod. Mangahas na makibaka.

Photos from Serve The People Brigade - UPLB's post 03/09/2024

TYPHOON ENTENG UPDATE | Nananatiling nasa Signal #1 ang Laguna at mga karatig-bayan sa CALABARZON dulot ng Bagyong Enteng.

Huling namataan ang bagyo kaninang alas-8 ng umaga sa 100km northwest ng Daet, Camarines Norte taglay ang hanging 75kph at pag-ulan na 90kph. Mabagal pa rin ang pag-usad ng bagyo pahilagang-kanluran o northwest sa bilis na 15kph.

Bunsod nito ay itinaas na rin sa higit siyam na lugar sa Luzon ang Tropical Storm Signal No. 2.

Para malaman namin ang inyong kasalukuyang lagay, pasagot lamang ng Google Forms na ito: bit.ly/BagyongEntengWatch

Umaantabay lamang sa mga panibagong update tungkol sa Bagyong Enteng. Panatilihing ligtas ang sarili at tumawag sa mga nakatakdang hotlines.

Here are the emergency hotlines that you may contact.

Serve the People Brigade UPLB
0997-846-1164

Security and Safety Office
Smart: 09218901259
TM/Globe: 09759287880

UPLB Alliance of Dormers Association
0920-946-8329

University Health Services
536-3247
536-6238
536-2470

St. Jude Family Hospital
536-1982

Los Baños Doctors Hospital
536-0100
536-4462

Health Serv Los Baños
536-4858

Batong Malake Brgy. Hall
09192544257
09455445373

San Antonio Brgy. Hall
544-8309

01/09/2024

UY, KLASMEYT! SAWA KA NA BA SA BUDGET CUTS? 💵✂️

Sa pagmamakaawa ng slots at units?
Sa confidential funds at paglulustay ng mga hindi natin kaibigan sa kaban ng bayan? 🤬💢

Rinding-rindi ka na rin ba sa panghihimasok ng Tsina at Estados Unidos sa ating teritoryo at karagatan? 🌊🛳️
O mariin mo ring kinukundena ang henosidyo na pinondohan ng imperyalistang US sa Palestine, Congo, at iba pang inaaping bansa? 🇵🇸🕊️

‘WAG KA NA MAGPATUMPIK-TUMPIK PA, ITO NA ANG SIGN PARA SUMALI SA LEAGUE OF FILIPINO STUDENTS UPLB! 🔥

Ang League of Filipino Students UP Los Baños, ang nangungunang anti-imperyalistang pangmasang organisasyon ng mga kabataan sa buong pamantasan! Tayo ay kaisa sa pagsusulong sa interes ng sangkaestudyantehan kasama ang malawak na hanay ng masang Pilipino na militanteng nakikibaka para sa pagtataguyod ng makamasang edukasyon, nakakabuhay na sahod, tunay na reporma sa lupa, at pambansang soberanya! Ang LFS-UPLB ay ang iyong tunay na kaibigan!

Mangyaring mag sign-up sa link na ito:
tinyurl.com/LFSUPLBOnlineOrye2024

📌 WHAT: Face-To-Face Orientation
📌 WHEN: September 2-6, 2024 (Every 4 PM)
📌 WHERE: SU Building, UPLB

Mag-aral. Maglingkod. Mangahas na makibaka.

Photos from League of Filipino Students - UPLB's post 31/08/2024

TINGNAN: Ikinasa kahapon, Agosto 30, ang Black Friday Protest sa pangunguna ng mga lider-estudyante at mga progresibong organisasyon ng UP Los Baños upang patambulin ang mga panawagan para sa aksesible at dekalidad na edukasyon at gunitain ang Pandaigdigang Araw ng mga Desaparecidos. Binigyang-diin sa kilos-protesta ang kalunos-lunos na kondisyon ng mga estudyante mula sa College of Veterinary Medicine bunsod ng kakapusan ng slots at pondo para sa mga laboratory specimen at reagents, dagdag pa ang ipinamalas na inkompetensiya ng admin ng kolehiyo. Hindi nararapat na pasanin ng mga mag-aaral ang perwisyo ng paglilikom ng badyet para sa mga karagdagang specimen pagkat simula’t sa una pa lamang ay ang administrasyon ang dapat na bumabalangkas ng solusyon para sa mga suliraning ito.

Maliban sa pagtatampok ng pang-akademikong krisis na dinaranas ng CVM, iginiit din kahapon ang pagpapalitaw sa mga desaparecidos na dinakip mula pa noong rehimen ni Marcos Sr. hanggang sa administrasyong Marcos Jr. na magkaibang panahon ngunit parehong tuta ng imperyalistang Kano at ulo ng pasistang estado. Habang libu-libo ang sapilitang winala noong nanunungkulan si Marcos Sr. ay 16 naman ang naitalang desaparecidos ngayong naka-upo ang anak nitong si Marcos Jr. at kabilang sa mga ito sina Rowena Dasig na environmental activist, James Jaminez na labor organizer, at Cirila Estrada na peasant rights defender. Patuloy ang pagpapaingay sa panawagan na agarang palitawin si Rowena “Owen” Dasig, aktibong lider-kabataan at tagapagtanggol ng kalikasan mula sa Timog Katagalugan. Siyam na araw na ang nakalilipas mula nang isabotahe ng Lucena District City Jail ang kaniyang paglaya mula sa mga isinampang ilehitimong kaso laban sa kaniya at mapahanggang sa ngayon ay hindi pa rin siya natatagpuan.

Umaalingawngaw pa rin sa kasalukuyan ang daing ng mga pamilyang dinadalaw pa rin ng pagkabahala at pighati matapos sapilitang agawin ng mga pasistang rehimen at berdugong militar ang kanilang mga mahal sa buhay. Katulad lamang natin sila na pawang mga mag-aaral, magsasaka, manggagawa, at ordinaryong mamamayan na may matatayog na hangarin para sa masang-api at aktibong ipinaglaban ang interes ng sambayanang Pilipino sa kabila ng kalakip na kapahamakan ng pakikibaka.

Kaisa ang League of Filipino Students - UPLB sa paniningil sa mapanupil na estado at ng mersenaryo nitong AFP-PNP para sa inutang nilang dugo at buhay na kinil at puwersahang winala. Mabigat man ang hamon na tanganin ang ipinamana nilang rebolusyon, tumatagos sa ating tuloy-tuloy na militanteng pagkilos ang mga bakas ng kanilang mapangahas na pakikibaka laban sa represyon, pandarahas, at pananamantala. Pararangalan natin sila sa pamamagitan ng paggunita sa kanilang ‘di matatawarang sakripisyo at patuloy na pagmartsa tungo sa malaya at progresibong lipunan.

30/08/2024

END STATE SURVEILLANCE! AFP-PNP, HANDS OFF OUR SCHOOLS!

Sa pagkapal ng konsentrasyon ng pulis sa mga lugar na malapit sa kampus ng UP Los Baños, may mga namataang pulis na may bitbit na malalaking kalibre ng baril sa mga itinayong checkpoint sa labas ng pamantasan kagabi. Matatandang naiulat din ang presensya ng mga unipormadong tauhan sa may bandang ICOPED ng College of Economics Management at sa Raymundo Gate kung saan tahasang pinoprofile ng mga unipormadong tao ang mga estudyanteng dumadaan mula alas diyes ng gabi hanggang ala una ng madaling araw noong nakaraang araw. Dagdag pa rito ay nagkaroon din ng biglaang checkpoint sa kalye ng Agapita kamakailan lamang nang walang anunsyo o paunang konsultasyon sa mga opisyal ng barangay.

Naging sanhi ng pagkabahala at alarma sa mga mag-aaral at mamamayan ang biglaang pagdami ng mga armadong pwersa ng estado sa erya. Naghasik ng teror, intimidasyon, at takot ang pulisya sa pamamagitan ng pagtatanong sa mga residente kung sila ba ay may kakilalang aktibista o nirerekrut sa mga pinararatangan nilang “anti-government” na mga grupo. Lantaran at masahol na pagtatangka ito na mang-profile, maniktik, at mangterror-tag ng mga progresibong indibidwal at organisasyon na itinatambol ang interes ng masang-api at itinutulak ang makatarungang panlipunang pagbabago.

Kaugnay nito, harap-harapang niyuyurakan din ang akademikong kalayaan ng mga estudyante at walang-pakundangan din na sinisikil ang ating demokratikong karapatan na maging kritikal sa gobyerno. NATATAKOT ang estado sa kapasidad ng mga kabataan na magmulat, mag-organisa, at magpakilos kaya naman ay humahantong ito sa pagpapairal ng mga militarista, pasista, at represibong polisiya katulad ng ipinapatupad nitong AFP-UP Accord, kung saan mas lalo lang magiging bulnerable ang mga estudyante at malalagay sa kapahamakan sa ilalim ng tumitinding state surveillance. Sa halip na ugatin ang mga dahilan ng armadong pakikibaka, tahasang nilalason ng AFP-PNP ang isipan ng mga kabataan sa pamamagitan ng paglunsad ng mga terror-tagging sessions upang pagtakpan ang kanilang kawalang-aksyon sa mga sosyo-ekonomikong krisis sa lipunan tulad ng kawalan ng lupa sa mga magsasaka, kakarampot na sahod para sa mga manggagawa, at pag-iral ng komersyalisado at kolonyalisadong tipo ng edukasyon na patuloy na nagpapahirap sa kalakhan ng mga mag-aaral.

Hinubog ng mararahas at matitinding materyal na kondisyon ang kabataang Pilipino at sa paglubog pa nila sa karanasan ng masa ay mapasisinayaan ang kanilang paghinog para sa pagbibitbit ng rebolusyonaryong pag-aaklas. Hangga’t nananatiling nagbibingi-bingihan ang estado sa mga hinaing ng mamamayang Pilipino at patuloy tayong nakatali sa tanikala ng malakolonyal at malapyudal na lipunan, ay puspusan na sasandig ang taumbayan sa pambansa-demokratikong pakikibaka, maging sa paanan man ito ng lansangan o sa rurok ng kanayunan. Walang-humpay na sisingilin ng sambayanan ang reaksyunaryong rehimen para sa mga inutang nitong dugo at walang-habas na paglabag sa karapatang pantao.

28/08/2024

ALERT | Nagsagawa ng biglaang checkpoint kaninang alas diyes ng gabi ang mga kapulisan sa may bandang Agapita, malapit sa UPLB. Ilang mga estudyante din ang nag-ulat na may mga unipormadong tao na nag-iikot sa campus at lumalapit sa kanila para magtanong kung may kilala ba silang "aktibistang anti-government" na di umano'y nagrerekrut sa loob ng pamantasan.

Kaninang ala una din ng madaling araw ay may unipormeng taong naka-neon security vest ang nakabantay sa may bandang ICOPED ng College of Economics and Management at malapit sa Raymundo Gate para magtanong sa mga dumadaan kung saan sila papunta.

Mahaba na ang kasaysayan ng paninitik, profiling, at panunupil ng kapulisan sa sangkaestudyantehan lalo na ilang estudyante na ang walang habas nilang niredtag at sinasampahan ng mga gawa-gawang kaso ng paglabag ng Anti-Terror Law. Kaya naman, takot at pangamba ang nararamdaman ng mga UPLB Constituents dahil sa tahasang panghihimasok ng mga kapulisan sa loob ng pamantasan nang walang abiso sa mga estudyante.

Mag-antabay para sa karagdagang detalye.

28/08/2024

ALERT: Ngayong araw, Agosto 28, inilunsad ng NTF-ELCAC ang isang lantarang red-tagging seminar sa National University Lipa, Batangas. Ito ay isinagawa ng NTF-ELCAC upang sikilin ang boses ng mga kabataang lumalaban, mga progresibong grupo, at organisasyon na ang tanging gampanin ay isulong ang demokratikong karapatan ng mga mamamayan.

Isa lamang ang National University Lipa Campus sa napakaraming unibersidad na nakararanas ng walang habas na red-tagging ng estado na mariing tumatapak sa kalayaang pang-akademiko ng mga kabataan. Lalo lamang nitong pinatutunayan ang panawagan na marapat ng buwagin ang huwad na institusyong NTF-ELCAC na hindi tunay na nasosolusyonan ang ugat ng tunggalian kundi aktibo pang nangunguna sa pagpapahamak sa buhay ng mga mamamayan.

Tahasang kinukundena ng League of Filipino Students UPLB ang ganitong paulit-ulit na kaso ng red-tagging at desperadong estilo ng estado upang maghasik ng takot at panganib sa seguridad ng mga kabataan at estudyante sa loob at labas ng paaralan. Sa halip na ilaan ang pondo ng mamamayan sa pampublikong serbisyo, malaking porsyento nito ang inilaan sa Department of National Defense para sa taong 2025 kung saan higit P256.1 bilyong piso ang sinasayang para sa pangreredtag sa mga progresibong indibidwal at organisasyon. Sa katunayan, nitong mga nakaraang taon, patuloy din na binabawasan at kinakaltasan ang pondo ng mga State Universities at Colleges State Universities at Colleges (SUCs) habang lumulobo naman ang pondo para sa giyera at panunupil ng estado.

Habang mas umiigiting ang pamamasista at pag-gamit ng dahas ng rehimeng US-Marcos sa mga mamamayang nakikibaka at patuloy ang pagbingi-bingian sa estado sa hinaing ng taumbayan, nagpapatunay ito na ang estado mismo ang nagtutulak sa mga mamamayan na tumangan ng armas at tahakin ang landas ng armadong pakikibaka. Hangga’t hindi nauugat ng estado ang mga sosyo-ekonomikong krisis dulot ng imperyalismo, pyudalismo, at burukrata kapitalismo, nagpapatunay ito na makatarungan ang pambansa-demokratikong pakikibaka ng mamamayan sa pagkamit ng hustisyang panlipunan na nakabatay sa katarungan.

27/08/2024

I-KAMPEON ANG INTERES NG SAMBAYANAN! ✊ IPANALO ANG TAUMBAYAN! 📢

Kahapon, Agosto 26, Araw ng mga Bayani, tumungo sa Liwasang Bonifacio ang iba’t ibang mga progresibong unyon, organisasyon, at grupo para suportahan ang pag-anunsyo ng Koalisyong Makabayan ng kanilang sampung kandidato na tatakbo sa senado sa darating na Halalan 2025. Itinampok sa programa ang samu’t saring panawagan ng mga mamamayan para sa totoong makabayan at makamasang representasyon.

Panahon na upang magluklok tayo ng mga kandidatong hango mula sa malawak na hanay ng mga batayang sektor at tumatayong tunay na kinatawan ng masang Pilipino. Oras na para wakasan ang deka-dekadang paghahari ng mga politikal na pamilya at dinastiyang nagpataba ng bulsa at nagpakasasa sa kaban ng bayan sa tinagal-tagal ng kanilang termino sa gobyerno. Niluluwa na ng sambayanan ang mga trapo na naghasik ng dominasyon sa politika sa pamamagitan ng mga napakong pangako at mababangong kasinungalingan! Kalampagin ang bulok na sistema at lagutin ang mga kinakalawang na tanikala nito na patuloy na nagpapahirap sa mga ordinaryong Pilipino!

Nakasandig sa kolektibong kalakasan ng taumbayan ang paglikha ng kinabukasang malaya sa anumang porma ng pananamantala at panlipunang pagbabago na nakabatay sa katarungan. Mabigat ang mandatong tatanganin ng mga kandidato upang isulong ang kapakanan ng masa subalit hinubog na sila ng kanilang mga karanasan bilang pangkaraniwang mamamayan at niyari ng pambansa demokratikong pakikibaka bilang mga militanteng lider. Manggaling man tayo sa iba’t ibang sektor ng lipunan, pinagbubuklod-buklod tayo ng ating iisang tunguhin at hangarin: maisakatuparan ang mga panawagan para sa tunay na reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon, paggalang sa karapatang pantao, pagbalikwas mula sa dayuhang kontrol, pagsagip sa kalikasan, at pagkakapantay-pantay sa kasarian.

Kaya malaking hamon sa mga tatakbo ngayong paparating na Halalan 2025, ialay ang sarili para bigyang boses ang karaniwang tao mula sa loob ng Kongreso at Senado hanggang sa kahabaan at kainitan ng lansangan. Hamon din sa inyo na maging representante at kinatawan ng mga aping sektor ng lipunan maging sa pagsusulong ng interes ng sambayanan.

26/08/2024

IKAW, ANONG HINAHANGAD MONG GOVERNANCE NGAYONG 2025? 🤔

Pagod ka na ba sa mga ✨trapong pulitiko✨ na taun-taon na lamang pare-parehong mukha, pangalan, at kapamilya ang nakaupo sa gobyerno? Sawang-sawa ka na rin ba sa mga 😤korap at abusadong😤 hindi naman tunay na naglilingkod sa sambayanang Pilipino? Rinding-rindi ka na rin ba sa deka-dekada ng slogan at pangako ng mga pulitiko na kesyo 😝para sa mahirap at para sa pag-angat sa kahirapan🙄?

Alam nating ‘we deserve better’ ✊ kaya naman, ibahagi ang inyong mga opinyon, saloobin, at gustong ipahatid sa comment section kung ano ba ang tunay at nararapat na pamamahala para sa mamamayan. Maaari rin magtanong sa inyong mga kakilala kaibigan, at kapamilya kung paano nila mailalarawan ang hinahangad nilang tipo ng pamamahala sa susunod na taon! ❤

Photos from League of Filipino Students - UPLB's post 25/08/2024

WALANG ESPASYO ANG MGA BERDUGONG MILITAR SA ATING MGA PAMANTASAN!

Noong Ika-8 ng Agosto, dalawang araw matapos ang “terror-tagging spree” hearing ni Bato dela Rosa, nilagdaan ng UP President Angelo "Jijil" Jimenez ang Declaration of Cooperation kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP). Sa kabila ng talamak na terror-tagging na nararanasan ng mga progresibong indibidwal, pormasyon, konseho at pangmasang organisasyon sa mga paaralan, lantarang binalewala ito ng UP admin nang mariing giniit nito ang pakikipagsabwatan sa mga berdugong militar at dinungisan ang kalayaang pang-akademiko ng mga mag-aaral ng UP. Matandaang inakusahang “terorista” ng 59th Infantry Battalion ang ilang mga kabataang-estudyante na sina JPEG Garcia, Hailey Pecayo, Jasmine Rubia, at Ken Rementilla, at sinampahan din nila ng mga gawa-gawang kaso ng paglabag ng Anti-Terror Law na kinakasangkapan ng estado para maghasik ng takot sa mga mamamayan ng Timog Katagalugan.

Tahasang kinukundena ng League of Filipino Students-UPLB ang kapasyahan ni Angelo Jimenez na pumasok sa kasunduang magpapatindi ng panghihimasok ng mga berdugong militar at kapulisan sa mga bulwagang marapat sanang ligtas at malaya para sa sangkaestudyantehan. Patunay lamang ito ng kapalpakan ng UP admin na isanggalang ang karapatan at akademikong kalayaan ng mga mag-aaral sa harap ng lantarang paghahasik ng terror at intimidasyon ng mga armadong pwersa sa pamantasan. Sa lumulubhang kahirapan na kinakaharap ng mga estudyante tuwing registration period, kakapusan sa units, at pagtitiis sa mga masisikip at lumang pasilidad dulot ng kakarampot na badyet na inilalaan para sa sektor ng edukasyon taun-taon, hindi lunas at dagdag-perwisyo lamang para sa mga mag-aaral ang presensya ng militar sa mga pang-akademikong espasyo.

Isinusuka ng liga ang kasahulan ni Jimenez at pakikipagkuntyaba nito sa mga armadong makinarya ng estado upang tiktikan, dahasin, at pagbantaan ang mga progresibong lider-estudyante at pangmasang organisasyon na kolektibong ipinapanday ang makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon. Magbibigay-daan ang kasunduang ito sa pagsasawalang-kibo ng administrasyon ng UP sa sapin-sapin na paglabag ng AFP sa karapatang pantao at puspusang panunupil nito sa mga kabataan na militanteng nakikibaka para sa interes ng sangkaestudyantehan at mga batayang sektor.

Kung kaya’t nananatiling mabigat na hamon para sa mga iskolar ng bayan na kritikal na suriin at patuloy na labanan at itakwil ang mapanupil, kolonyalisado, at komersyalisadong tipo ng edukasyon na pahirap at makadayuhan. Pupudpurin natin ang pangil ng pasistang rehimen at tatanganin natin ang tanglaw na lulusaw sa bulok na sistema ng neoliberal na edukasyon. Pilit man nilang busalan ang ating tinig, hinding-hindi nila matatangay mula sa atin ang kalayaang mamulat at magpamulat pagkat aalingawngaw ang ating mga panawagan at tatagos ang ating mga kampanya mula sa mga hangganan ng ating pamantasan!

Igiit natin ang pagpapaigting sa Safe Haven Resolution na dati nang napagtagumpayan ng kilusang estudyante ng UPLB! Mangahas tayong kumilos tungo sa tunay na panlipunang pagbabago at biguin ang terorismo ng estado!

Sumapi sa nangungunang anti-imperyalistang pangmasang organisasyon dito sa UP Los Baños—ang League of Filipino Students-UPLB!

Mag-aral, Maglingkod, Mangahas na makibaka!

25/08/2024

ILITAW SI ROWENA DASIG!
MAKIISA SA CANDLELIGHT VIGIL NGAYONG ARAW!🕯️

Ano: Candlelight Vigil para sa Nawawalang si Rowena Dasig
Kailan: Ngayong araw, 6PM
Saan: Carabao Park

Tatlong araw na ang nakalilipas nang makatanggap ng balita mula sa Lucena City District Jail (LCDJ) para sa pagpapalaya sa bilanggong politikal na si Rowena "Owen" Dasig, ngunit hanggang ngayon ay wala pa ring anumang balita ang kanyang pamilya, mga kaibigan, at legal team sa kanyang kinaroroonan.

Kaya naman, iniimbitahan ang lahat ng indibidwal, alyansa, at organisasyon ng UPLB na sumama at makiisa sa ilulunsad na Candlelight Vigil, 6 PM sa Carabao Park upang ipanawagan na agarang ilitaw si Owen!

Sama-sama rin natin kundenahin at panagutin ang LCDJ sa kanilang kapabayaan sa pagtitiyak ng kaligtasan at karapatan ni Owen.

Tuloy-tuloy ang ating panawagan: para sa agarang pagpapalitaw kay Rowena "Owen" Dasig! At pagtitiyak na ligtas at maayos ang kanyang kalagayan!

Photos from League of Filipino Students - UPLB's post 24/08/2024

SURFACE ROWENA DASIG NOW!

Nananawagan ang League of Filipino Students - UPLB sa agarang pagpapalitaw kay Rowena “Owen” Dasig at pagtiyak sa kanyang kaligtasan mula sa anumang porma ng karahasan, tortyur o abuso galing sa mga berdugong militar na patuloy na naghahasik ng terror sa mga komunidad ng Timog-Katagalugan.

Si Rowena Dasig ay isang environmental defender at ang kasalukuyang Secretary General ng Anakbayan Southern Tagalog. Noong ika-12 ng Hulyo 2023, iligal na inaresto si Rowena Dasig, aktibong lider-kabataan at tagapagtanggol ng kalikasan, kasama si Miguela “Ella” Peniero, isang magsasaka at community health worker sa lalawigan ng Quezon. Ang pag-aresto ay isinagawa ng pinagsamang pwersa ng 2nd Quezon Provincial Mobile Force Company, 85th Infantry Battalion, at Intelligence Unit ng 201st Infantry Brigade habang sila ay nagsasagawa ng pananaliksik sa komunidad ng Purok Banaba, Brgy. Caridad Ibaba, Atimonan, Quezon. Illegal Possession of Fi****ms and Explosives (RA 9516 at RA 105691) ang kaso nina Owen at Ella matapos umano silang mahuli na may bitbit na armas at mga bala.

Nito lamang ika-20 ng Agosto 2024 ay nabasura ang gawa-gawang kaso nina Owen at Ella sa pamamagitan ng isang demurrer na nakapag-dismiss sa kasong Illegal Possession of Fi****ms and Explosives dahil sa kakulangan ng ebidensya. Pinakawalan na mula ng mga gawa-gawang kaso si Owen noong ika-22 ng Agosto ngunit matapos ang dalawang araw ng paglaya ay wala pa ring nakakaalam sa kanyang kinaroroonan.

Si Owen ay isang indibidwal na may mga karapatang pantao na pinoprotektahan ng konstitusyon. Dapat siyang tiyaking ligtas mula sa anumang panganib at bigyan ng pagkakataon na makipag-ugnayan sa kanyang pamilya, mga kaibigan, at legal counsel.

24/08/2024

Kung di tayo kikibo, sino ang kikibo?
Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos?
Kung hindi ngayon, kailan pa?

Photos from League of Filipino Students - UPLB's post 23/08/2024

TINGNAN: Nakiisa ang League of Filipino Students - UPLB sa inilunsad na First Semester Rage kahapon, ika-22 ng Agosto. Kabilang sa mga lumahok ang iba't ibang mga progresibong organisasyon, alyansa, at pormasyon, bitbit ang mga panawagan ukol sa mga naging suliranin noong registration period tulad ng kakulangan sa units bunsod ng 2.04 bilyon na budget cut sa pamantasan, lantarang terror-tagging sa mga progresibong indibidwal at mga pormasyon, at ang nilagdaan na Declaration of Coordination ng AFP-UP.

Mariing kinukundena ng liga ang kolonyalisado at komersyalisadong tipo ng edukasyon pati na rin ang mga tagibang na kasunduan tulad ng Visting Forces Agreement at Enhanced Defence Cooperation Agreement na nakaangkla sa interes ng Imperyalistang US. Dagdag pa rito, kinukundena rin ng liga ang henosidyo sa Palestine, Lebanon, Sudan, at Congo na pinopondohan ng Estados Unidos.

"Mga iskolar ng bayan, patuloy natin isusulong ang isang makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon dahil ito ay isa sa mga nagsisilbing armas natin para sa kalayaan laban sa dayuhang dominasyon at imperyalismo. Ang ating edukasyon ay hindi para pagsilbihan natin ang interes ng mga dambuhalang korporasyon at mga imperyalista kundi dapat para sa interes ng sambanyanang Pilipino." wika ni Ciel Velez, tagapagsalita ng League of Filipino Students - UPLB.

Mga Iskolar ng Bayan, isabuhay ang Dangal, Husay, at Paglilingkod sa sambayanan!

Sumali sa League of Filipino Students UPLB, ang nangungunang anti-imperyalistang organisasyong pang-masa sa loob ng UP Los Baños!

Para sa mga interesado, mag-register lamang sa link na ito:
📎 https://forms.gle/2xR7jESGJkARRf3XA



!

22/08/2024

IPAGLABAN ANG MAKABAYAN, SIYENTIPIKO, AT MAKAMASANG EDUKASYON! SUMAMA SA FIRST SEM RAGE! ✊‼️

Hinihikayat ng League of Filipino Students - UPLB ang lahat ng iskolar ng bayan na sumapi sa ikakasang mobilisasyon mamayang hapon, 🕓 4PM, sa tapat ng 📍 Carabao Park. Dumalo at magpadalo sa gaganaping kilos-protesta upang taas-noong ipamalas ang ating dangal, husay, at serbisyo sa sambayanan!

Halina’t humanay sa laksa-laksang puwersa ng sangkaestudyantehan upang igiit ang libre, aksesible, at dekalidad na edukasyong malaya mula sa anumang porma ng pagsupil sa akademikong kalayaan! Sama-sama nating bakahin ang bulok na sistema ng neoliberal na edukasyon at himay-himayin ang mga tahasang manipestasyon ng taunang budget cuts sa tumitinding materyal na kondisyon ng mga mag-aaral sa UP.

Magsuot ng p**a, bitbitin ang diwang palaban, at taas-kamao nating ipanday ang ating mga panawagan! Magiging pasinaya ang First Sem Rage sa patuloy na pagpapatambol ng mga kampanya na magtatampok ng mga krisis na nararanasan ng mga mag-aaral. Hamon para sa ating mga iskolar ng bayan na masikhay at tuloy-tuloy na pagulungin ang ating mga panawagan! Iskolar ng bayan, mangahas na lumaban! 🚩

EDUKASYON, EDUKASYON! KARAPATAN NG MAMAMAYAN!
SERBISYO SA TAO, HUWAG GAWING NEGOSYO!

21/08/2024

𝗨𝗣𝗟𝗕, 𝗙𝗶𝗴𝗵𝘁 𝗕𝗮𝗰𝗸! 𝗣𝗮𝗶𝗴𝘁𝗶𝗻𝗴𝗶𝗻 𝗮𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗯𝗮𝗻 𝗸𝗼𝗻𝘁𝗿𝗮 𝗞𝗼𝗺𝗲𝗿𝘀𝘆𝗮𝗹𝗶𝘀𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻, 𝗠𝗶𝗹𝗶𝘁𝗮𝗿𝗶𝘀𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻, 𝗮𝘁 𝗧𝗲𝗿𝗿𝗼𝗿-𝘁𝗮𝗴𝗴𝗶𝗻𝗴! 𝗜𝗸𝗮𝗺𝗯𝘆𝗼 𝗽𝗮𝘀𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝗮𝗻𝗴 𝗵𝗶𝗴𝗮𝗻𝘁𝗲𝗻𝗴 𝗹𝗮𝗸𝗮𝘀 𝗻𝗴 𝗞𝗮𝗯𝗮𝘁𝗮𝗮𝗻 𝗽𝗮𝗿𝗮 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝗹𝗮𝘆𝗮𝗮𝗻 𝗮𝘁 𝗞𝗮𝗿𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝗻 𝘀𝗮 𝗘𝗱𝘂𝗸𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻!

Sa bagong semestre, nananatiling matatag ang paglaban nating mga estudyante, g**o, at kawani ng UPLB para sa isang makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon. Sa gitna ng P2.4 bilyong budget cut, lumalalang militarisasyon, komersyalisayon, at terror tagging dapat tayong magkaisa kasama ang buong komunidad ng UPLB laban sa mga banta sa ating karapatan sa edukasyon!

Ngayong Agosto 22, sama-sama tayong magtipon para sa First Sem Rage at ipaglaban ang kalayaan at karapatan sa edukasyon!

𝗦𝗨𝗠𝗔𝗠𝗔 𝗦𝗔 𝗔𝗚𝗢𝗦𝗧𝗢 𝟮𝟮, 𝗠𝗔𝗞𝗜𝗜𝗦𝗔 𝗦𝗔 𝗙𝗜𝗥𝗦𝗧 𝗦𝗘𝗠 𝗥𝗔𝗚𝗘!

Basahin ang buong pahayag rito:
https://drive.google.com/file/d/1lWN1Y3JmnnNd5e8uV6BngkLtb1_rBPly/view?usp=sharing

Photos from League of Filipino Students - UPLB's post 18/08/2024

HAPPENING NOW: Kasalukuyang nakatayo ang pop-up booth ng mga national democratic mass organizations sa SU Ampitheater ngayong UPLB Freshie Fair 2024. Ibinida ng iba’t ibang pangmasang organisasyon sa kanilang mga binibentang stickers ang mga kampanya at panawagan ng masang Pilipino.

Tara na’t kilalanin ang mga progresibong organisasyon at magsign-up sa kanilang mga gaganaping mass orientation! May mga pinapamigay din na libreng pagkain at palamig kung kaya’t humabol na habang meron pa! Sumubok sa pakulong palaro sa aming booth para sa tiyansang makakuha ng free stickers! 👀🙌

Photos from League of Filipino Students - UPLB's post 18/08/2024

UY KLASMEYT! 🤩 BILI KA NA NG LFS-UPLB FRESHIE FAIR STICKERS ‼️✨

Excited ✨ na ba kayong bumisita sa booth ng mga pangmasang organisasyon ngayong Freshie Fair? Rinig ko may free food and drinks daw ⁉️ Tara, mga isko’t iska! Get ready na mag-enjoy sa aming handog na games, merch, at surprises! Bitbitin niyo lang ang diwang makabayan at pusong palaban, tiyak na magiging 🌟 stellar 🌟 kayo sa aming inihandang palaro!

Pero wait, there's more! Marami rin kaming stickers na ibinibida ang iba't ibang panawagan ng sangkaestudyantehan at masang Pilipino! Kaya san ka pa? Tara na! 🎉

Para sa mga nais mag-order ng stickers, please click the link below ✨
https://tinyurl.com/lfsuplbstickers
https://tinyurl.com/lfsuplbstickers
https://tinyurl.com/lfsuplbstickers

Interesadong sumali sa mga pangmasang organisasyon?
Register here: https://tinyurl.com/Join-NDMOs

Mag-aral, maglingkod, at mangahas na makibaka, Iskolar ng Bayan!
Dumalo at imbitahan pa ang mga kakilala! Kita-kits! 🫵🫡

17/08/2024

𝙁𝙧𝙚𝙨𝙝𝙞𝙚𝙨 🫵, 𝙝𝙖𝙣𝙙𝙖 𝙣𝙖 𝙗𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙞𝙣𝙮𝙤𝙣𝙜 𝙛𝙧𝙚𝙨𝙝𝙞𝙚 𝙚𝙣𝙚𝙧𝙜𝙮? ✨✨

Sa gitna ng lumalalang mga sosyo-ekonomikong krisis na bumabalot sa lipunan, mahalagang ilaan ang ating ✨𝙚𝙣𝙚𝙧𝙜𝙮✨ sa pagkilala sa mga krisis na ating nararanasan at paglilingkod sa sambayanan ✊🔥! Samahan ang mga pangmasang organisasyon kagaya ng Anakbayan UPLB, LFS UPLB, GABRIELA Youth UPLB, Panday Sining UPLB, at NNARA Youth UPLB sa 𝗕𝗼𝗼𝘁𝗵 𝗡𝗼. 𝟮𝟬 ngayong darating na ika-18 ng Agosto sa Opening Convocation para sa mga bagong Iskolar ng Bayan!

Tiyak na mag-e-enjoy kayo sa mga inihanda naming 🎲fun games🎯 sa aming Spin the Wheel with a twist!🌱. But wait, there's more! Mayroon ding libreng food and drinks!

Kaya, what are you waiting for? 🤔 Tara na! Sagot namin ang games at pagkain, basta bitbit n'yo ang inyong diwang mapanlaban at talas sa mga krisis sa lipunan 😉✊

𝗜𝗦𝗞𝗢𝗟𝗔𝗥 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗣𝗔𝗚𝗟𝗜𝗡𝗚𝗞𝗨𝗥𝗔𝗡 𝗔𝗡𝗚 𝗦𝗔𝗠𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡𝗔𝗡!

Interesadong sumali sa mga pangmasang organisasyon?
Register here: https://tinyurl.com/Join-NDMOs

17/08/2024

✊ CALL FOR DONATIONS ✊
𝙈𝘼𝙆𝙄𝙄𝙎𝘼 𝙎𝘼 𝙁𝙄𝙍𝙎𝙏 𝘿𝘼𝙔 𝙍𝘼𝙂𝙀! 🔥

Sa muli nating pagpasok sa panibagong semestre sa pamantasan, sama-sama nating ipakita ang lakas ng sangkaestudyantehan! Patuloy nating ipaglaban ang makabayan, makamasa, at siyentipikong edukasyon, at igiit ang ating tunay na karapatan sa malayang edukasyon!

Ang mga malilikom na donasyon ay magiging tulong para sa mga lohistikal na pangangailangan ng programa at sa patuloy na pagtaguyod ng ating mga kampanya. Maaaring magbigay ng donasyon sa mga sumusunod na channel/s:

📍GCASH
09053854861
Al***a Zy*a F.

📍LANDBANK
1896 5581 41
Laureen Anne Calcabin

17/08/2024

Buong lakas na sinusuportahan ng League of Filipino Students - UPLB si Carla Padilla, kasalukuyang Regional Coordinator ng Anakbayan Southern Tagalog at dating Vice Chairperson ng UPLB University Student Council, para sa kanyang pagtakbo bilang ika-41 na Rehente ng mga Mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas. Taos-pusong naniniwala ang liga na ipapanday ni Carla ang mga panawagan ng sangkaestudyantehan sa pinakamataas na namumunong kinatawan ng pamantasan at aakayin niya ang tungkulin na maging tanging representante ng humigit 50,000 na mag-aaral sa UP Board of Regents nang may giting at buong determinasyon.

Sa pagtindi ng mga krisis na humahamon sa buong sistema ng UP bunsod ng taunang budget cuts, higit pa itong pinalulubha ng reaksyunaryong estado sa pamamagitan ng puspusang terror-tagging at pagmimilitarisa ng mga bulwagan ng pamantasan. Patuloy na isinusubo sa mga mag-aaral ang komersyalisado at pasistang tipo ng edukasyon na naka-angkla sa pakinabang ng mga dayuhan habang paulit-ulit na binubusalan ang bibig ng mga progresibong organisasyon at lider-estudyante. Sa halip na isanggalang ang akademikong kalayaan at demokratikong karapatan ng mga mag-aaral, nakipagsabwatan pa ang administrasyon ng UP sa berdugong AFP sa pamamagitan ng “Deklarasyon ng Kooperasyon”.

Pagkalabas naman ng mga tarangkahan ng unibersidad ay masugid ding nakibaka si Carla upang isulong ang interes ng mga batayang sektor. Nagtitiwala ang liga na tinataglay niya ang sigasig na i-arangkada ang militanteng pagkilos upang mapagulong ang kampanya ng sangkaestudyantehan at masang Pilipino tungo sa pagbabagong batay sa katarungan. Mabigat ang bitbit na mandato ng Rehente ng mga Mag-aaral upang igiit ang makabayan, siyentipiko, at makamasang edukasyon at naniniwala ang organisasyon sa kasikhayan at katapangan ni Carla na tanganin ito.

Want your organization to be the top-listed Government Service in College?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

TINGNAN: Nakiisa ang League of Filipino Students - UPLB sa pagsisimula ng LAGABLAB  Southern Tagalog Caravan sa papalapi...
[BALIK PROTESTA] Panoorin ang naging pahayag ng tagapag-salita ng League of Filipino Students - UPLB noong nakaraang pag...
𝐊𝐀𝐁𝐀𝐓𝐀𝐀𝐍, 𝐒𝐀𝐌𝐀-𝐒𝐀𝐌𝐀𝐍𝐆 𝐊𝐔𝐍𝐃𝐄𝐍𝐀𝐇𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐁𝐖𝐀𝐓𝐀𝐍𝐆 𝐔𝐒-𝐈𝐒𝐑𝐀𝐄𝐋! ✊💥 𝐓𝐔𝐌𝐈𝐍𝐃𝐈𝐆 𝐊𝐀𝐒𝐀𝐌𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐀𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐈𝐋𝐈𝐏𝐈𝐍𝐎 𝐀𝐓 𝐏𝐀𝐋𝐄𝐒𝐓𝐈𝐍𝐎! 🇵🇸🕊️Isang...
Panawagan ng mga estudyanteng Pilipino: 𝗝𝗨𝗡𝗞 𝗩𝗙𝗔! 𝗝𝗨𝗡𝗞 𝗘𝗗𝗖𝗔! ✊25 taon simula nang pairalin ang Visiting Forces Agreement...
𝗨𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗡𝗚𝗚𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔, 𝗛𝗨𝗞𝗕𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗣𝗔𝗚𝗣𝗔𝗟𝗔𝗬𝗔!Taas kamaong binabati ng League of Filipino Students UPLB ang mga manggagawa sa ik...
𝐈𝐏𝐀𝐆𝐓𝐀𝐍𝐆𝐆𝐎𝐋 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐀𝐌𝐀𝐌𝐀𝐒𝐀𝐃𝐀! 𝐈𝐁𝐀𝐋𝐈𝐊 𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐑𝐀𝐍𝐆𝐊𝐈𝐒𝐀!𝐈𝐁𝐀𝐒𝐔𝐑𝐀 𝐀𝐍𝐆 𝐇𝐔𝐖𝐀𝐃 𝐀𝐓 𝐌𝐀KADAYUHANG 𝐏𝐔𝐕 𝐌𝐎𝐃𝐄𝐑𝐍𝐈𝐙𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐏𝐑𝐎𝐆𝐑𝐀𝐌!Nananatilin...
𝙄𝘽𝘼𝙎𝙐𝙍𝘼 𝘼𝙉𝙂 𝙃𝙐𝙒𝘼𝘿 𝙉𝘼 𝙋𝙐𝙑𝙈𝙋! 𝙎𝙐𝙈𝘼𝙈𝘼 𝘼𝙏 𝙈𝘼𝙂𝙆𝘼𝙄𝙎𝘼 𝙋𝘼𝙍𝘼 𝙎𝘼 𝙏𝙄𝙂𝙄𝙇-𝙋𝘼𝙎𝘼𝘿𝘼!Ngayong nalalapit na araw ng mga manggagawa, tuloy a...
𝙄𝙨 𝙩𝙝𝙚 𝙐𝙣𝙞𝙩𝙚𝙙 𝙎𝙩𝙖𝙩𝙚𝙨 𝙖 𝙛𝙧𝙞𝙚𝙣𝙙 𝙤𝙧 𝙖 𝙛𝙤𝙚? 🤔𝐋𝐎𝐎𝐊: With heightened tensions in the West Philippine Sea and the ongoing large...
Text EXTEND MASS ORYE to 8080 🤳Naririnig namin kayo, tumitindig kami kasama ninyo, at sama-sama nating ipaglaban ang ati...
TINGNAN: Nakikiisa ang League of Filipino Students - UPLB sa panawagan ng malawak na hanay ng mga manggagawa sa ikinakas...
𝙃𝙐𝙎𝙏𝙄𝙎𝙔𝘼 𝙋𝘼𝙍𝘼 𝙆𝘼𝙔 𝙆𝙍𝙄𝙎𝙏𝙀𝙇 𝙏𝙀𝙅𝘼𝘿𝘼! 𝙀𝘿𝙐𝙆𝘼𝙎𝙔𝙊𝙉 '𝙒𝘼𝙂 𝙂𝘼𝙒𝙄𝙉𝙂 𝙉𝙀𝙂𝙊𝙎𝙔𝙊!Ngayong araw, ika-15 ng Marso, hindi lamang pag-alala an...
ANTI-IMPERYALISTA ANG UPLB!FROM PALESTINE TO THE PHILIPPINES, STOP THE US WAR MACHINE!Noong ika-5 ng Pebrero, sa pagpaso...

Address


College

Other College government services (show all)
COMELEC Region IV-A Los Baños, Laguna COMELEC Region IV-A Los Baños, Laguna
Gr. Flr. Old Municipal Bldg. Villegas Street , Barangay Baybayin
College, 4030

COMELEC Los Baños (offical FB page) "...protecting the sanctity of the ballot since 1940" You may message us here on our Messenger!

MGLB Information and Communication Systems Office - ICSO MGLB Information and Communication Systems Office - ICSO
College

The official page of MGLB Information and Communication Systems Office

UPLB Department of Agricultural and Applied Economics UPLB Department of Agricultural and Applied Economics
College, 4031

The Department of Agricultural and Applied Economics was the first to offer degree programs in agricultural economics both in the Philippines and in Asia.

Community board of Tadlac Los Baños Community board of Tadlac Los Baños
College, 4030

Official Page of Brgy. Tadlac Los Baños Laguna

UPLB CPAf Library UPLB CPAf Library
4th Floor, Left Wing, Domingo M. Lantican Avenue, Batong Malake
College, 4031

BIOTA Calabarzon Chapter BIOTA Calabarzon Chapter
College, 4031

This is a non-profit organization for biology teachers at both secondary and tertiary levels. BIOTA Calabarzon Chapter is housed at the Institute of Biological Sciences UPLB.

DOST PCAARRD DOST PCAARRD
College

The Official page of the Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD)

Sangguniang Kabataan ng Brgy. Baybayin, Los Baños, Laguna Sangguniang Kabataan ng Brgy. Baybayin, Los Baños, Laguna
College

Ito ang opisyal na pahina ng SK Baybayin. Maaaring bisitahin upang laging updated sa lahat ng proyek

Office of the Municipal Agriculturist - Los Baños Office of the Municipal Agriculturist - Los Baños
Municipal Hall Extension, Brgy. Timugan
College, 4030

Lokal na ahensya na tumutulong sa pagpapaunlad ng agrikultura sa bayan, sa pamamagitan ng suporta at serbisyo para sa mga mamamayan, magsasaka at mangingisda.

The Vestige The Vestige
ASpitong Street , Tuntungin-Putho
College, 4030

The Official School Publication of Tuntungin-Putho Integrated National High School