PTC RISE Program
The Official page of PTC Inc.'s Resiliency Improvement, Support, & Education (RISE) Program
PTC RISE Program observes and supports the IDDRR 2024
Nakiisa ang PTC RISE Program team sa paggunita ng International Day for Disaster Risk Reduction (IDDRR) 2024 ngayong araw, October 13, 2024, kasama ang United Nations Office for Disaster Risk Reduction (UNDRR).
Ang tema ng IDDRR 2024 na "Empowering the next generation for a resilient future" ay pagpapatunay sa kahalagahan ng pagtuturo at pagsasanay sa mga kabataan ng angkop, nararapat, at tamang Disaster Risk Reduction (DRR) capacities at capabilities, upang hangga't maaga ay malaman na nila ang tamang paghahanda bago, habang, at matapos ang mga hazards o panganib na maaaring maging disasters o sakuna, para masig**o ang kanilang kaligtasan at kapakanan.
Binibigyang-pansin din sa IDDRR 2024 ang pagtuturo ng DRR capacities sa mga kabataan sa kani-kanilang mga paaralan, bilang bahagi ng kanilang pag-aaral, na kanilang mabibitbitlat maibabahagi sa kani-kanilang mga pamilya at tahanan.
Para sa karagdagang impormaston, bisitahin ang official IDDRR wedsite: https://iddrr.undrr.org/learn
We are one with UNDRR and the world in observing the IDDRR 2024, as we move together in building resilient communities, resilient lives
PTC RISE Program conducts RPSS-CTP Activity for DepEd SDO San Pedro City, Laguna
Matagumpay na naisagawa ng PTC RISE Program team ang RISE Program for Safe Schools-Citizen Training Program (RPSS-CTP) para sa mga mag-aaral, g**o, at empleyado ng DepEd Schools Division Office (SDO) of San Pedro City, Laguna, nitong nakaraang October 01, 2024 (Tuesday), sa San Pedro Relocation Center National High School.
Sa pangunguna ni PTC Talent Acquisition Group Program Manager Hector Brizuela kasama sina Lead Program Officer Josh McCarver, Project Associate Crystal Lopez, at CORE Resilience Consultancy Inc. Training Specialists Jhun Servano at Jonamae Fabale, higit sa 90 na mga mag-aaral, g**o, at empleyado ng SDO ang natuto patungkol sa angkop na paghahanda at tamang pag-responde sa mga posibleng hazards o panganib na maaring maging disaster o sakuna.
Pinangunahan naman ni DepEd SDO San Pedro City Schools Division Superintendent Rogelio Opulencia ang programa, katuwang si Chief Education Supervisor-SGOD Frederick Byrd, Jr. at Atty. Sheila Mae Laude, kung saan pinasalamatan nila ang PTC RISE Program sa paglunsad ng program patungkol sa Disaster Risk Reduction (DRR), at hinimok ang mga kalahok na isapuso at isaisip ang kanilang natutunan para sa kanilang kaligtasan at ng kanilang pamilya at paaralan.
Bilang bahagi ng program ay nagpalaro ang PTC RISE Program team ng Master of Disaster (MOD) Board Game na ikinatuwa ng mga kalahok; nag-donate din ang PTC RISE Program team ng limang (5) MOD Board Game sets para magamit ng SDO City of San Pedro sa kanilang mga programa sa DRR.
We are one with DepEd SDO San Pedro City, Laguna in educating and capacitating its educators, students, and stakeholders on DRR to ensure their safety and security against hazards and disasters, as we move together in building resilient communities, resilient lives.
Looking to start a new adventure abroad? Swing by the PTC and Lifelinks booth at the "Land a Job Fast Mega Job Fair" today, Oct. 11, from 9am onwards at Robinsons Place General Trias, Cavite. Visit bit.ly/ptc-gentri-jobfair to pre-register now!
Don't miss this chance to land your dream job! See you there!
PTC RISE Program conducts RPSS-CTP Activity for Mapua Malayan Colleges Laguna
Isinagawa ng PTC RISE Program team ang RISE Program for Safe Schools- Citizen Training Program (RPSS-CTP) nitong nakaraang September 30, 2024 (Monday) sa Mapúa Malayan Colleges Laguna
Sa pangunguna ni PTC Talent Acquisition Group Program Manager Hector Brizuela, kasama sina Lead Program Officer Josh McCarver at Project Associate Crystal Lopez, naturuan ang mga mag-aaral ng Mapua-Ptc College of Maritime Education and Training at Mapua-Laguna Institute of Aviation patungkol sa Disaster Preparedness at kung paano nila mapapanatili ang kaligtasan ng bawat isa at ng kanilang pamilya kung may hazard or panganib na maaring maging disaster o sakuna.
Lubos na pasasalamat sa pamunuan ng Mapua Malayan Colleges Laguna, sa pangunguna ng Mapúa MCL Center for Service-Learning and Community Engagement at kay former MMCL-CSCE Director Ms. Jocelyn Bellin, sa kanilang gabay at suporta upang maging posible ang programang ito.
We are one with Mapua Malayan Colleges Laguna in ensuring the safety and welfare of its educators, students, and stakeholders against hazards and disasters, as we move together in building resilient communities, resilient lives.
Thank you, Bantay Bata 163 ❤️
Taos-pusong salamat mula sa PTC RISE Program team sa pagkakataong maging bahagi ng Child Safe Schools Program para sa Pola, Oriental Mindoro.
PTC RISE Program successfully concludes RPSS-MTP Day 2 Activity for Midway Colleges
Matagumpay na natapos ng PTC RISE Program team ang ikalawa't huling araw ng RISE Program for Safe Schools-Master Trainer Program (RPSS-MTP) para sa Midway Colleges nitong nakaraang September 27, 2024 (Friday), sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Sa pangunguna nina PTC Talent Acquisition Group Lead Prpgram Officer Josh McCarver at Project Associate Crystal Lopez, katuwang sina CORE Resilience Consultancy Inc. Training Specialists Jhun Servano at Jonamae Fabale, natuto ang mga mag-aaral, g**o, empleyado mg Midway Colleges kung paano maging isang Disaster Risk Reduction (DRR) Facilitators na may layuning ibahagi ang kanilang natutunan mula sa programang ito.
Ipinakita rin ng mga kalahok ang kanilang kakayahan sa pagbuo ng kani-kanilang mga GO bag na magagamit sa panahon ng hazards o panganib, at disasters o sakuna, at kung paano nila hihikayatin ang kanilang pamilya at bawat isa na magpursigi sa pagkakaroon ng GO Bag sa kani-kanilang mga tahanan.
Lubos na pasasalamat sa pamunuan ng Midway Colleges, sa pangunguna ng kanilang President and Chief Executive Officer Mr. Sabino Czar Manglicmot, II, kasama sina Academic Director Richard Oandasan, Admin Director Jeffey Boticario, at Office of Student Affairs Head Robie Mar Dayto, sa kanilang gabay at suporta upang maging posible ang programang ito.
We are one with Midway Colleges in educating and capacitating DRR-driven Advocates and Champions, as we move together in building resilient communities, resilient lives.
PTC RISE Program conducts Day 1 of RPSS-MTP Activity for Midway Colleges
Matagumpay na naisagawa ng PTC RISE Program team ang RISE Program for Safe Schools-Master Trainer Program (RPSS-MTP) para sa mga mag-aaral, g**o, at empleyado ng Midway Colleges nitong nakaraang September 26-27, 2024, sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.
Sa pangunguna nina CORE Resilience Consultancy Inc. Training Specialists Jhun Servano at Jonamae Fabale, mahigit 90 na mga mag-aaral, g**o, at emplayado ang naturuan ng mas malalim at komprehensibong mga paksa patungkol sa Disaster Risk Reduction (DRR), na may layuning maisalin ang kanilang natutunan sa kanilang mga pamilya at mga kasamahan sa loob ng campus.
Pinangunahan naman nina PTC Talent Acquisition Group Lead Program Officer Josh McCarver at Project Associate Crystal Lopez ang pagpapalaro ng Master of Disaster (MOD) Board Game bilang bahagi ng RPSS-MTP Activity, kung saan natuto ang mga kalahok patungkol sa Disaster Preparedness and Response, habang nag-eenjoy at nagkakatuwaan.
Lubos na pasasalamat sa pamunuan ng Midway Colleges, sa pangunguna ng kanilang President and Chief Executive Officer (CEO) Mr. Sabino Czar Manglicmot, II, kasama sina Academic Director Richard Oandasan, Admin Director Jeffrey Boticario, at Office of Student Affairs Head Robie Mar Dayto, sa kanilang gabay at suporta upang maging posible ang programang ito.
We are one with Midway Colleges in capacitating its educators, students, and stakeholders on comprehensive and extensive Disaster Risk Reduction (DRR) concepts and principles, as we move together in building resilient communities, resilient lives.
PTC TAG and RISE Program visit and meet with General Trias City, Cavite Officials
Matagumpay ang naging pagbisita ng PTC Talent Acquisition Group at RISE Program team at ang kanilang naging pagpupulong kasama ang mga opidyal ng City Government of General Trias nitong nakaraang September 24, 2024 (Martes).
Sa pangunguna ni PTC TAG Lead Program Officer Josh McCarver, kasama sina Talent Acquisition Manager Benjie Bautista at Talent Acquisition Support Officer Chino Hernandez, tinalakay ang nakatakdang partnership ng PTC sa lokal na pamahalaan ng General Trias, na may kinalaman sa pagbibigay-trabaho at pagsasagawa ng RISE Program for Disaster Risk Reduction (DRR) para sa mga mamamayan at kabataan.
Nagpapasalamat sina General Trias City LYDO Head Ms. Lhen Kempiz, PESO Manager Alex Colina, at CDRRMO Head Ariel Avilla, sa oportunidad na makatuwang ang PTC at RISE Program sa mga programang may kinalaman sa pagpapabuti ng buhay ng mga kabataan at residente.
Lubos na pasasalamat sa City Government of General Trias, Cavite, sa pamumuno ni Mayor Luis "Jonjon" Ferrer, sa kanilang pagtanggap at suporta sa mga magiging programa ng PTC.
We are one with the City of General Trias in providing various career opportunities on land, air, and sea, and to capacitate its residents on Disaster Risk Reduction, as we move togetherin building resilient communities, resilient lives.
PTC TAG and RISE Program visit and connect with Dagupan City
Matagumpay ang pagbisita ng PTC Talent Acquisition Group at RISE Program sa Dagupan City, Pangasinan nitong nakaraang September 19, 2024 (Huwebes).
Sa pangunguna ni Talent Acquisition Manager Ms. Benjie Baustista, kasama sina Lead Program Officer Josh McCarver at Project Associate Crystal Lopez, nakausap ng team ang pamunuan ng PHINMA-University of Pangasinan, Lyceum-Northwestern University, at Pangasinan Merchant Marine Academy (PAMMA) kung paano makakatulong PTC sa pagbibigay ng oportunidad at trabaho para sa kanilang alumni at graduates, at kung paano matutulungang mapagtibay ang Disaster Risk Reduction capacities sa pamamagitan ng RISE Program for Safe Schools.
Lubos na pasasalamat sa pamunuan at mga officials ng PHINMA-University of Pangasinan, Lyceum Northwestern University, at Pangasinan Merchant Marine Academy, sa kanilang mainit na pagtanggap at pagtangkilik sa PTC Talent Acquisition Group at PTC RISE Program.
We are one with Dagupan City in enabling career opportunities on land, air, amd sea, and ensuring their safety and well-being against hazards or disasters, as we move together in building resilient communities, resilient lives.
ABS-CBN Foundation and PTC RISE Program conduct relief operations in Bacoor City, Cavite
Matagumpay na nagsagawa ng relief operations ang PTC RISE Program team, katuwang ang ABS-CBN Foundation Sagip Kapamilya at Resilience and Sustainability for Empowerment Foundation - RSE Foundation ngayong umaga, September 06, 2024, sa Bacoor City, Cavite.
Mahigit 125 na pamilya sa tatlong (3) evacuation centers sa Bacoor City, Cavite ang nakatanggap ng relief packs mula sa ABS-CBN Foundation Sagip Kapamilya. Bukod sa mga pamilyang inilikas dahil sa pag-ulan at pagbaha na dala ng Bagyong Enteng at Enhanced Habagat, karamihan sa mga pamilya ay mga lumikas dahil sa sunog sa Barangay Zapote 3 noong nakaraang August 07, 2024 (Miyerkules), at sa kasamaang palad ay binaha rin ang kanilang evacuation center at kinailangan silang lumipat.
Lubos na pasasalamat sa ABS-CBN Foundation, sa pangunguna ng kanilang Managing Director Ms. Roberta Lopez-Feliciano kasama si Sagip Kapmilya Program Head Mr. Marcel Riñon; sa City Government of Bacoor sa pamumuno ni Mayor Strike B. Revilla katuwang sina Bacoor City Local Youth Development Office (LYDO) Officer-In-Charge Ms. Angie Cariaso, Sangguniang Kabataan (SK) Federation City of Bacoor, Bacoor City Social Welfare and Development Office (CSWDO), sa kanilang suporta at gabay upang maging posible ang programang ito.
We are one with ABS-CBN Foundation and City of Bacoor in prioritizing the safety and welfare of citizens affected by hazards and disasters, as we move together in building resilient communities, resilient lives.
AFI Bantay Bata and PTC RISE Program facilitate MOD Board Game Session in Pola, Oriental Mindoro
Matagumpay na naisagawa ng ABS-CBN Foundation Bantay Bata, katuwang ang PTC RISE Program team, ang Master of Disaster (MOD) Board Game Session sa Pola, Oriental Mindoro, nitong nakaraang August 31, 2024.
Sa pangunguna ni PTC Talent Acquisition Group RISE Lead Program Officer Josh McCarver, kasama sina Project Associate Crystal Lopez at Program Associate Chloe Balmaceda, mahigit sa 70 kalahok ang nasubukan laruin ang MOD Board Game, kung saan sila ay mas natuto pa kung paano ang angkop na paghahanda at tamang pagresponde bago, habang, at matapos ang mga hazards o mga panganib na maaaring maging disaster o sakuna.
Ang programang ito ay bahagi ng ABS-CBN Foundation Bantay Bata Child Safe Schools Program, kung saan pinapalaganap at pinalalakas ang mga karapatang pambata, at pinagtitibay ang mga paraan kung paano masosolusyunan ang mga issues at mga problemang kinakaharap ng mga bata at kabataan.
Lubos na pasasalamat sa ABS-CBN Foundation Inc., sa pangunguna ni Managing Director Ms. Roberta Lopez-Feliciano kasama sina Bantay Bata Program Head Ms. Levi Ambon-Rota at Sagip Kapamilya Program Head Mr. Marcel Riñon, sa kanilang gabay at suporta upang maging posible ang programang ito.
We are one with ABS-CBN Foundation Inc. and Municipality of Pola, Oriental Mindoro in promoting the rights of children and ensuring their safety amd well-being during hazards or disasters, as we move together in building resilient communities, resilient lives.
This , let's honor not just the legendary figures of our history, but also the modern-day heroes who sacrifice for the love of family and country. Your bravery and sacrifices continue to inspire and uplift us all. 💙❤️💛
ABS-CBN Foundation and PTC RISE Program facilitate MOD Board Game for Barbaza National High School
Matagumpay na naisagawa ng PTC RISE Program team, kasama ang ABS-CBN Foundation Programa Genio at Sagip Kapamilya, ang Master of Disaster Board (MOD) Board Game Session sa mga g**o at mag-aaral ng Barbaza National High School sa Antique, nitong nakaraang August 16, 2024 (Friday).
Sa pangunguna ni PTC Talent Acquisition Group Program Manager Hector Brizuela, kasama sina Lead Program Officer Josh McCarver at Project Associate Crystal Lopez, mahigit sa 200 na mga g**o at mag-aaral ang lumahok sa programa, kung saan natutunan nila ang angkop at tamang paghahanda bago, habang, at matapos ang mga panganib o hazards, na maaaring maging sakuna o disasters. Labis na ikinatuwa ng mga MOD Board Game Players ang paglalaro, kung saan mas naintindihan nila ang kahalagahan ng paghahanda upang masig**ong ligtas ang kanilang mga sarili at pamilya sa anumang kalamidad.
Kasabay ng programang ito ay ang turn-over ng mga gamit na handog ng ABS-CBN Foundation Programa Genio para sa paaralan na magagamit ng mga kabayaan sa pag-aaral
Lubos na pasasalamat sa ABS-CBN Foundation, sa pamumuno ni Managing Director Roberta Lopez-Feliciano kasama sina Programa Genio Program Head Maricar Estole at Sagip Kapamilya Program Head Marcel Riñon; Barbaza National High School sa pamumuno ni Secondary School Principal Maria Cozette Peñaflorida, katuwang ang mga g**o at mag-aaral; at sa Resilience and Sustainability for Empowerment Foundation - RSE Foundation sa kanilang gabay at suporta upang maging posible ang programang ito.
We are one with ABS-CBN Foundation and Barbaza National High School in fostering meaningful partnerships on Disaster Risk Reduction, as we move together in building resilient communities, resilient lives.
| We hope you're safe despite the recent volcanic activity and smog from Taal Volcano. Please ensure you take all necessary precautions and adhere to the guidance provided by local authorities. Take care.
ABS-CBN Foundation and PTC RISE Program partner for Bantay Kalikasan Marine Eco-Camp
Matagumpay na naisagawa ng ABS-CBN Foundation Bantay Kalikasan, kasama ang PTC RISE Program team, ang tatlong araw na Marine Eco-Camp nitong nakaraang August 02-04, 2024, sa Calapan City, Oriental Mindoro.
Mahigit 50 na Sangguniang Kabataan (SK) Officials mula sa Calapan City at mga bayan ng Naujan, Pinamalayan, at Pola sa Oriental Mindoro ang sumailalim sa pagsasanay, kung saan sila tinuruan kung paano mas mapapangalagaan pa ang marine environment sa kanilang mga lugar, at kung ano ang kanilang magagawa sa pagpapanatili ng kaayusan, kalinisan, at ganda ng kanilang coastlines at karagatan.
Pinangunahan ni CORE Resilience Consultancy Inc. Founder at Training Specialist Jhun Servano ang talakayan patungkol sa Disaster Preparedness bilang bahagi ng programa, kung saan hinikayat nya ang mga SK Officials na aktibong maghanda at proaktibong rumesponde sa marine-related hazards o panganib na maaaring maging disasters o sakuna.
Sa pangunguna ni RISE Lead Program Officer Josh McCarver, kasama si Project Associate Crystal Lopez, nakapaglaro ang mga SK Officials ng Master of Disaster (MOD) Board Game, kung saan sila ay mas natuto pa sa mga karaniwang hazards sa Pilipinas, habang nakakatuwaan.
Lubos na pasasalamat sa ABS-CBN Foundation, Inc., sa pangunguna ni Managing Director Ms. Roberta Lopez-Feliciano kasama sina Bantay Kalikasan Officer-In-Charge Ms. Sarah Agcaoili, Sagip Kapamilya Program Head Mr. Marcel Riñon, at Sagip Kapamilya Program Officer Ms. AK Miranda, sa kanilang imbitasyon upang maging bahagi ng programang ito.
We are one with ABS-CBN Foundation in enabling marine environment protection and conservation while ensuring Disaster Preparedness is integrated with citizens and communities, as we move together in building resilient communities, resilient lives.
Huge congratulations to Carlos Edriel Yulo on winning the GOLD medals in the gymnastics floor exercise and the vault at the Paris 2024 Olympics! 🎉🏅🏅 You’ve made history by claiming our country’s first ever gymnastics medals, and we couldn’t be prouder.
Your incredible performances truly move the world and inspire us all. Mabuhay ka, Caloy! 🇵🇭✨
MapaKalamidad.ph and PTC RISE Program conduct Disaster Preparedness Series Part 3: Typhoon Preparedness
Matagumpay na naisagawa ng MapaKalamidad.ph, katuwang ang PTC RISE Program team, ang virtual Disaster Preparedness Series Part 3: Typhoon Preparedness nitong nakaraang July 27, 2024 (Saturday) sa Zoom Meeting platform.
Pinangunahan ni Mr. Rave Bryan Salvosa, LDRRMO II ng San Mateo Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), kung saan tinalakay nya ang mga angkop at sapat na paghahanda bago, habang, at matapos ang bagyo.
Ang programang ito ay napapanahon din, matapos ang naging pag-ulan na idinulot ng Bagyong Carina, kung saan maraming lugar ang binaha; ito rin ay pakikiisa sa katatapos lamang na National Disaster Resilience Month 2024, nitong nakaraang July 2024.
We are one with MapaKalamidad.ph and the Filipinos in enabling capacities and knowledge related to typhoon preparedness, as we move together in building resilient communities, resilient lives.
MapaKalamidad.ph and PTC RISE Program facilitate Disaster Preparedness Series Part 2: Earthquake Safety
Matagumpay na naisagawa ng MapaKalamidad.ph, katuwang ang PTC RISE Program team, ang virtual Disaster Preparedness Series Part 2: Earthquake Safety nitong nakaraang July 11, 2024 (Thursday) sa Zoom Meeting platform.
Sa pangunguna ni Mr. Joel Panelo, Training Specialist ng CORE Resilience Consultancy Inc., higit sa 200 kalahok sa virtual program ang natuto kung paano mapaghahandaan ang lindol, partikular na ang nakaambang panganib at sakuna na maaaring idulot ng The Big One.
Ang programang ito ay inilunsad bilang pakikiisa sa katatapos lang na National Disaster Resilience Month 2024, nitong nakaraang July 2024.
We are one with MapaKalamidad.ph and the Filipinos in ensuring their capacity and capability to actively prepare for and proactively respond to earthquakes, as we move together in building resilient communities, resilient lives.
AFI Sagip Kapamilya and PTC RISE Program provide relief packs for evacuees in San Mateo, Rizal
Nagsagawa rin ng pamamahagi ng relief packs ang PTC RISE Program Team, katuwang ang ABS-CBN Foundation Sagip Kapamilya para sa mga pamilyang nasa Barangay Sta. Ana Covered Court kahapon (July 30, 2024) sa San Mateo, Rizal.
Higit sa 70 pamilya ang nabigyan ng tulong, handog ng ABS-CBN Foundation Sagip Kapamilya, sa pakikipagtulungan ng San Mateo Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at San Mateo Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO).
Isang taos-pusong pasasalamat sa ABS-CBN Foundation, Inc. Sagip Kapamilya, sa pangunguna ng kanilang Program Head Marcel Riñon, sa kanilang handog na tulong para sa ating mga kababayan sa San Mateo, Rizal.
Pasasalamat din sa Pamahalaang Bayan ng San Mateo, Rizal, sa pamumuno ni Mayor Bartolome Rivera, Jr., kasama ang San Mateo MSWDO sa pamumuno ni Department Head James Opider, San Mateo MDRRMO pamumuno ni Assistant Department Head Braulio Villanueva kasama si LDRRMO II Rave Bryan Salvosa, at sa Barangay Sta. Ana sa pamumuno ni Punong Barangay JC Salen.
We are one with ABS-CBN Foundation Inc. Sagip Kapamilya and San Mateo, Rizal in ensuring the safety, security, welfare, and well-being of the citizens in times of natural hazards and disasters, as we move together in building resilient communities, resilient lives.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Contact the organization
Telephone
Address
Makati
1203
Opening Hours
Monday | 8:30am - 6pm |
Tuesday | 8:30am - 6pm |
Wednesday | 8:30am - 6pm |
Thursday | 8:30am - 6pm |
Friday | 8:30am - 6pm |
Unit 201, SEDCCO 1 Bldg. 120 Rada Street Legaspi Village
Makati, 1229
Binhi English Literacy Foundation, Inc. is an NGO focused on helping children aged 5-8 years old learn how to read, speak, and spell better in English using Science of Reading-alig...
Philippine Institute Of Tuberculosis Bldg. , Amorsolo Street Cor. Urban Avenue, Pio Del Pilar
Makati, 1230
Equitable universal access to health for economic prosperity
Makati
THIS NGO IS NOT REAL. IT IS FOR ACADEMIC PURPOSES ONLY. BUT THE INTENTION OF THIS CAMPAIGN IS TRUE AND REAL. CONTENTS ARE ALL ORIGINALLY MADE BY US.
Makati, 1219
toktok online Franchise business services
22nd Floor, PBCom Tower, 6795 Ayala Avenue, Corner V. A Rufino Street, Salcedo Village
Makati, 1227
Pioneering under KB Media enterprise since 2021, Pacific pulse is giving excellent sampling services from comprehensive ideas of diverse specialists.