Dulaang Matiaga Cenakulista

This is a religious group and we are conducting a religious show every holy week...

08/04/2023

Sa lahat po ng may pictures kasama ang manlalabas please use an , para po mashare niyo po sa amin ang Moments niyo kasama kami.

Muli SALAMAT sa inyong walang sawang pag suporta.

Photos from Pitik ni Dreppy's post 06/04/2023

Maraming salamat sa magagandang larawan Pitik ni Dreppy

05/04/2023

DISCLAIMER:
NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED.
MUSIC BELONGS TO THE RIGHTFUL OWNER.

Photos from Dulaang Matiaga Cenakulista's post 05/04/2023

DULAANG MATIAGA NOON, NGAYON AT SA MGA SUSUNOD PANG HENERASYON.

04/04/2023

Dulaang Matiaga Cenakulista sa Namayan

DISCLAIMER:
NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED.
MUSIC BELONGS TO THE RIGHTFUL OWNER.

04/04/2023

Inihahandog ng Pamahalaang Lungsod ng Mandaluyong sa pangunguna ng Dulaang Matiaga Cenakulista at sa Direksyon ni Manny Ampaya ang KALBARYO NI HESUS

Abril 5-8
8 ng gabi
Sa Jun Torres Gym, R. Aquino St. Hagdan Bato Libis

Mapapanood din kami dito sa aming page: Dulaang Matiaga Cenakulista

03/04/2023

Dulaang Matiaga Cenakulista presenting at the Mandaluyong City Hall

Maraming Salamat Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Menchie Abalos sa walang sawang pagsuporta sa aming samahan...

02/04/2023

May Magbabalik sa Tanghalan.

Umaasa po ang samahan sa suporta niyo mga Mamayang Mandaleño ❤️🙏

25/03/2023

ABANGAN!

18/11/2022

May you rest in paradise our dearest tatay Benjo 💔😭

We know that you are always there watching over us and guiding us..

We miss you our tatay benjo 💔💔💔

WE LOVE YOU TAY 😭❤️❤️❤️

02/10/2022

Ngayong araw ay ang ika-62 taong pagpanaw ng dating punongbayan ng Mandaluyong na si Pedro Cruz y Pascual.

Si Pedro Cruz ay isinilang noong Enero 1, 1896 sa Hagdan Bato, Mandaluyong. Noong panahong iyon ay nasa kasiglahan ng pagtatatag ng Katipunan sa Mandaluyong. Ang kanyang ama ay si Francisco de la Cruz na isang labandero at ang kanyang ina ay si Nicolasa Pacual. Siya ay bunso sa sampung magkakapatid.

Bagamat nakaranas ng kahirapan ay likas naman kay Pedro ang katalinuhan at kasipagan sa pag-aaral. Sa gulang na 6 taon ay natuto na siyang bumasa ng Cartilla, Caton, at catecismo. Siya ay nakapag-aral sa Mababang Paaralan ng San Felipe Neri (ngayon ay Mandaluyong Elementary School) hanggang ikalawang baytang. Nang sumapit siya ng ikatlong baytang ay lumipat sa Mababang Paaralan ng Sta. Ana sa Maynila. Matapos ang isang taon ay lumipat muli si Pedro sa Paco Intermediate School. Tinapos niya ang sekundarya sa Rizal Provincial School noong Marso, 1914.

Bagamat ang pangarap ni Pedro ang maging isang abogado ay hindi ito ipinagpatuloy dahil na rin sa kahirapan. Kaya si Pedro ay nag-aral ng kolehiyo sa Philippine School of Commerce (ngayon ay Polytechnic Univerity of the Philippines) hanggang sa ikalawang taon noong 1915. Nakapasa si Pedro sa pagsusulit ng Serbisyo Sibil. Sa nasabing taon ay maagang nagpakasal si Pedro kay Dionisia Emmanuel at biniyayaan ng labindalawang mga anak. Dahil dito ay nagtrabaho na si Pedro bilang kawani ng Rentas Internas (Bureau of Internal Revenue Philippines) ngunit hindi ito nagtagal matapos niyang malaman na pinakiusapan ng kanyang ama ang direktor ng Rentas Internas para sa kanyang trabaho. Si Pedro ay nagtrabaho rin sa iba’t ibang pagawaan ng bordados hanggang noong 1921 nang magtrabaho naman siya sa Henry W. Peabody & Co., isang bahay-kalakal. Nang magsara ito ay lumipat ng trabaho si Pedro sa Smith Bell & Co., Ltd. hanggang 1923. Hanggang sa naging kontratista at negosyante si Pedro ng kanyang sariling labanderya (laundry shop) noong 1937. Nakilala siya bilang isang mabuting amo para sa kanyang mga empleyado.

Nagsimula sa larangan ng pulitika si Pedro sa tulong ng tubong-Mandaluyong at dating Katipunero na si Florencio Inocentes. Siya ay kinuha ni Inocentes bilang kandidato sa pagka-alkalde ng Mandaluyong noong 1937 sa ilalim ng partidong “Buklod”, ngunit siya ay natalo kay Isaac Lopez. Sa kanyang muling pagtakbo sa ilalim ng Partidong Nacionalista noong 1941 ay nahalal si Pedro bilang punongbayan ng Mandaluyong.

Matinding pagsubok ang kinaharap ni Pedro bilang ama ng bayan dahil sa kanyang unang panunungkulan ay sinakop ng mga Hapon ang Pilipinas kabilang na ang Mandaluyong noong Enero 2, 1942. Sinikap ni Pedro na mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng bayan nang walang napapahamak na sinumang mga kababayan. Kanyang tinutukan ang pagbibigay ng mga pangangailangan ng mga Mandaleño sa kabila ng krisis na kinahaharap. Hindi rin niya kinalimutan ang kanyang obligasyon bilang Pilipino kaya palihim niyang tinulungan at sinuportahan ang mga gerilya ng Mandaluyong kabilang na ang Javier’s Regiment ni Bonifacio I. Javier at ang Mandaluyong Sabotage ni Juan V. Franco. Tinulungan rin ni Mayor Cruz na mapalaya ang mga sundalong taga-Mandaluyong na nabilanggo sa Capas, Tarlac matapos ang Death March noong Abril 1942.

Nang sumapit ang digmaan noong Enero 1945 ay napilitang umalis si Pedro at kanyang pamilya sa Mandaluyong dahilan upang pansamantalang humalili sa kanyang katungkulan ang bise-alkalde na si Primo Guzman mula Abril 4 hanggang Agosto 31, 1945. Bago si Guzman ay naging Military Mayor ng Mandaluyong sina Amado T. Reyes (Pebrero 9-11, 1945) at Valente B. Garcia (Pebrero 11-Abril 1945). Noong panahon ng liberasyon ay ipinagpatuloy niya ang pagtulong sa mga kababayan. Muling nakabalik sa katungkulan si Pedro Cruz bilang alkalde noong Setyembre 1, 1945 hanggang Hunyo 1946 nang mapili ni Pangulong Manuel A. Roxas si Bonifacio Javier bilang bagong alkalde ng Mandaluyong.

Sinubukang tumakbo sa pagkaalkalde si Pedro noong 1951 ngunit natalo siya ni Bonifacio Javier. Matapos ang tatlong taon ay muling tumakbo si Pedro noong halalan ng 1955 at nagwagi. Sa kanyang ikalawang termino bilang alkalde ay kanyang tinutukan ang pagpapaunlad ng bayan ng Mandaluyong. Tiniyak niya na maayos ang pagpopondo sa mga kapulisan at binigyan ng programa sa pagtitipid para sa mga kabataan. Kanya ring pinalakas ang mga gawaing pansibiko tulad ng Binibining Mandaluyong at mga paliga sa basketball. Kanyang pinagpatuloy ang pagpapatayo ng bagong munisipyo ng Mandaluyong sa lupain ng Plainview na nagmula sa donasyon ni Don Francisco Ortigas Jr. Patuloy ang pagtaas ng kita ng bayan dahil sa pagpapatayo ng ilang pabrika sa pinaayos na “Highway 54” na ngayon ay kilala EDSA na napalitan sa bisa ng RA 2140 noong 1959. Sa kanyang panahon itinayo ang mga paaralan tulad ng Lourdes School of Mandaluyong (1959); at La Salle Green Hills - 1959 (1959); pagsasaayos (renovation) ng Villa San Miguel; at pag-usbong ng New Zaniga Subdivision at Plainview Subdivision noong Dekada 50. Naitala sa kanyang katungkulan ang 132 mga silid-aralan at 113 pansamantalang mga silid-aralan (1960). Dahil sa patuloy na pag-unlad ng Mandaluyong ay hindi nakapagtataka na may panukala na noong 1957 na maging lungsod ito.

Naging tagumpay din ang pagtugon ni Mayor Cruz sa paglaganap ng epidemya ng sakit ng influenza sa Mandaluyong noong Dekada 50.

Maliban dito ay miyembro rin si Mayor Cruz ng iba’t ibang samahan katulad ng Mandaluyong Lions Club, Boy Scout of the Philippines at Rotary Club of Manila. Kanya ring sinuportahan ang mga samahan katulad ng Pureculture for Women, Metropolitan Health Council, at maging ang simbahan ng Iglesia Filipina Independiente.

Kilala si Mayor Pedro P. Cruz bilang “pinakamapagkumbabang alkalde ng Mandaluyong” dahil sa kanyang matapat na paglilingkod.

Si Mayor Cruz ay pumanaw noong Oktubre 1, 1960 sa edad ng 64 dahil sa sakit ng kanser. Siya ay inihimlay sa Mandaluyong Public Cemetery.

Bilang pagpupugay ay ipinangalan ang dating Mababang Paaralan ng Mauway bilang Mababang Paaralan ng Pedro P. Cruz (DepEd Tayo - PPCES 136670 Mandaluyong) noong Oktukbre 2, 1989 sa panahon ng Punongbayan Ben Abalos. Ipinangalan din ang lansangang Pedro Cruz sa Barangay New Zaniga, Old Zaniga at San Jose na isa sa mga kilalang lansangan ng Mandaluyong.

Malaki ang gampanin ni Pedro P. Cruz sa pagpapanday tungo sa pagsasalungsod ng Mandaluyong. Isang pagpupugay at pasasalamat mula sa kanyang mga kababayan.

Sanggunian:
* _____. (1971). A Profile of the Municipality of Mandaluyong 1971. National Library of the Philippines.
* Jacobo, Marie Fe., Datuin, Jennifer M., & Ocampo, Arcedita P. (2019, September). Talambuhay ni Pedro P. Cruz.
* Domingo, Nicanor S. (1956). Maiksing Talambuhay ni Mayor P. Cruz. Mandaluyong Memorial Book.
* Affidavit of Mayor Pedro P. Cruz dated January 18, 1946.

28/04/2022
28/04/2022
28/04/2022
28/04/2022
28/04/2022
26/04/2022
26/04/2022
Photos from Dulaang Matiaga Cenakulista's post 26/04/2022
26/04/2022
26/04/2022
21/04/2022

1st night of Dulaang Matiaga

Photos from Dulaang Matiaga Cenakulista's post 21/04/2022

Maraming Salamat po sa inyong lahat 🙏❤
See you next year

📸 April 13, 2022

21/04/2022

Last Practice

13/04/2022

TEST

12/04/2022

Sa darating na Miyerkules Santo hanggang Sabado de Gloria ating tungyahan ang pagsasadula ng KALBARYO NI HESUS. Ito ay inyong mapapanuod sa Jun Torres Gym, R. Aquino Street Barangay Hagdang Bato Libis, Abril 13 - 16 sa ganap na 8:00 ng gabi.

Para sa mga nasa tahanan, inyong mapapanuod ito via "Facebook Live" dito sa aming Official page. Ito rin ay mapapanuod sa "Youtube Live" sa Youtube Channel ni Siklistang Pantarorong, LINK: https://youtube.com/channel/UCE2zCovTMBRE3tj7c6FHjEw

Sa panahon natin ngayon tayo pa rin ay may hinaharap na pandemya subalit ipagpatuloy pa rin natin ang pananampalataya at pagsasabuhay ng Kalbaryo Ni Hesus.

06/04/2022

Matapos ang 2 taon ng pandemya ay muling nagbabalik sa tanghalan ang DULAANG MATIAGA ng Hagdan Bato, Lungsod ng Mandaluyong.

Ang "KALBARYO NI HESUS".
Senakulo sa Unang Distrito.
Ito po ay sa pakikipagugnayan ng City Government ng Mandaluyong.

Simula Abril 13-16, 2022 alas 8:00 ng gabi sa JUN TORRES GYM R. Aquino st. Hagdan Bato Libis.

Photos from Dulaang Matiaga Cenakulista's post 11/03/2022

February 22, 2022

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Mandaluyong?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

DISCLAIMER: NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED.MUSIC BELONGS TO THE RIGHTFUL OWNER.
Dulaang Matiaga Cenakulista sa NamayanDISCLAIMER: NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED.MUSIC BELONGS TO THE RIGHTFUL OWNER...
Dulaang Matiaga Cenakulista presenting at the Mandaluyong City HallMaraming Salamat Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Mench...
Dulaang Matiaga Cenakulista presenting at the Mandaluyong City HallMaraming Salamat Mayor Ben Abalos at Vice Mayor Mench...
ABANGAN!
Patungong Kalbaryo
Bando
Martsa 3
Martsa 2
Martsa
Dakip kalye
Dakip

Website

Address

Mandaluyong

Other Religious Organizations in Mandaluyong (show all)
MFC Kids MFC Kids
Mandaluyong, 1800

We are MFC Kids, the kids ministry of Missionary Families of Christ who caters to children ages 0 to 12.

Holy Child Cathedral Youth Organization Holy Child Cathedral Youth Organization
Rev. G. Aglipay Street
Mandaluyong

HCCYO is Ohana, Ohana means Family, Family means nobody gets left behind, or forgotten...

XLYF XLYF
658 Boni Avenue
Mandaluyong, 1550

What is XLYF? XLYF (Xtreme Life Youth Fellowship), the youth ministry of Berean Baptist Church, is an organism passionately seeking after Jesus Christ who desires to give life – li...

Domus Nazareth Renewal Community Domus Nazareth Renewal Community
St. Francis Of Assisi Mandaluyong
Mandaluyong, 1550

The Domus Nazareth Catholic Renewal Community is a group of people who openly proclaim the Lordship of Jesus and declare their love of God by sharing their lives with other Christi...

Mandaluyong Tigers Pathfinder Club Mandaluyong Tigers Pathfinder Club
917 B. Fabella Street, Brgy. Welfareville, Addition Hills
Mandaluyong, 1550

Mandaluyong Tigers Pathfinder Club of Seventh-day Adventist Church

Jesus Christ Our Firm Foundation Jesus Christ Our Firm Foundation
#2 Broccoli Street BLK. 38 Brgy. Addition Hills
Mandaluyong, 1550

1 Corinthians 3:11 For no one can lay any foundation other than the one we already have, Jesus Christ

Oblates of St. Joseph-St. Joseph Province-Philippines Oblates of St. Joseph-St. Joseph Province-Philippines
Santuario De San Jose Parish Duke Street Cor. Buffalo St. Greenhills East
Mandaluyong, 1554

The Official FB Page of the OSJ St. Joseph Province-Philippines

Sample on template Sample on template
Mandaluyong

This is the page for Sample on template.

Jesus Supreme King Christian Ministry Jesus Supreme King Christian Ministry
Mandaluyong, 1550

Jesus Supreme King Christian Ministry (JSKCM) aims to bring all people to the Kingdom of the Living God regardless of race, color, nationality and religious affiliation through the...

YSLEP - SHJP Mandaluyong City YSLEP - SHJP Mandaluyong City
Welfareville Compound Brgy. Addition Hills
Mandaluyong, 1550

YSLEP is the flagship program of Caritas Manila, which extends financial assistance to poor but deserving youth, and trains and hones the youth not only for academic excellence, bu...