Kabataan Partylist - UP Manila

Kabataan Partylist is the first and only youth party-list group in Philippine Congress today. Program of Action

1.

KABATAAN Party-list is the sole youth representative in the Philippine Congress. Since its first term, it has stayed committed to the service of the Filipino youth by fighting for quality and accessible education inside and outside the confines of the parliament. Likewise, KABATAAN has actively campaigned for the general welfare of the Filipino people, whom the youth is bound to serve. Kabataan is

Photos from Philippine Star's post 05/10/2024
07/08/2023

BAKIT 🤸 SUPPORTIVE 🤸 ANG 🤸 AMING 🤸 BESHIES 🤸 ?

TIGNAN: BUMUHOS ang suporta para kina Kyla Benedicto at Luigi Lalas para sa kanilang kandidatura bilang UPM USC Councilor mula sa iba't ibang mga indibidwal, lider-estudyante, at mga student formations at mass organizations.

Tinukoy nila ang kanilang personal na karanasan sa pakikipagtrabaho sa mga kandidato, sa kampanyang bitbit nila, at sa mga sari-sariling plano na isinusulong nina Lalas at Benedicto bilang dahilan upang suportahan at i-endorso ang mga kandidato mula sa Sulong UP Manila.

Bilang mga lider-estudyante, tangan nina Lalas at Benedicto ang pagiging TUNAY, PALABAN, AT MAKABAYAN! ✊❤️💛

SA DARATING NA 2023 GENERAL STUDENT COUNCIL ELECTIONS, BUMOTO AT MAGPABOTO! ✒️💻

UP MANILA, PAG-ALABIN ANG ATING MILITANTENG DIWA! MAKISANGKOT, LUMABAN, AT MAGTAGUMPAY! 🔥✊

WE DEMAND SPACE! NO TO BUDGET CUTS!
STOP AND REVIEW RSA!
DEFEND PRESS FREEDOM! AFP-PNP, OUT OF OUR SCHOOLS!
STAND FOR A NATIONALIST, SCIENTIFIC, AND MASS-ORIENTED EDUCATION!
REJECT MARCOS-DUTERTE!

Mga formations na nagpaabot ng kanilang suporta sa mga kandidato:
Agham Youth UP Manila
Anakbayan UP Manila
League of Filipino Students - UP Manila
League of Filipino Students - National Capital Region
Kabataan Partylist - UP Manila
UP Sigma Kappa Pi Fraternity
KATRIBU UP Manila
Sigma Delta Pi Sorority UP Manila
SANDIG
UP Manila Salinlahi
Panday Sining-Cavite
ACS UPB
NNARA-Youth UP Manila

19/07/2023

Youth, Speak Now and Stand Up for our Rights, Freedom, and Future!

A year into the Marcos-Duterte administration, we have faced various problems such as budget cuts, tuition fee increases, campus militarization, and mandatory ROTC. National issues such as additional EDCA bases, inflation and the lack of wage increases have also adversely affected the lives of the youth and the Filipino people.

In the midst of these challenging times and the upcoming State of the Nation Address (SONA), we will make our voices heard!

The 2023 National Capital Region State of the Youth Address (SOYA) is an annual assembly of youth and students that aims to discuss, enlighten, and empower the youth to assert their rights through policy-making and formulating campaigns through collective action.

Let's unite and speak now at the 2023 NCR SOYA!

July 23 | 1:00 p.m. – 5 p.m.
Commission on Human Rights, Quezon City

Register here: https://bit.ly/2023NCRSOYAReg

11/06/2023

Sumama sa pagkilos!

Bukas, Hunyo 12, ay ating gugunitain ang ika-125 na Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

Malinaw na hindi pa talaga natin natatamasa ang kalayaang ito dahil sa patuloy na pagkakaroon ng mga base militar ng Estados Unidos sa bansa sa ilalim ng Enhanced Defence Cooperation Agreement (EDCA) at ang pagtatatag ng Tsina ng mga base rin sa West Philippine Sea.

Patuloy rin ang pagratsada ng mga anti-mamamayang batas kagaya ng Mandatory Reserve Officers Training (MROTC) na mas lalo pang bubusalan ang ating mga demokratikong karapatan. Nariyan rin ang mga panukala na magbubukas pa ng ating bayan sa pandarambong ng mga dayuhan sa pamamagitan ng Charter Change (ChaCha) at sa pandarambong ng mga ganid na pulitiko kagaya ng Maharlika Sovereign Wealth Fund.

Kaya naman, inaanyayahan ng Kabataan Partylist - UP Manila ang lahat sa gaganaping pagkilos bukas 7:00 n.u. sa Liwasang Bonifacio upang gunitain ang Araw ng Kalayaan ng Pilipinas. Sama-sama nating ipaglaban ang tunay na kalayaan at demokrasya!

Sumama sa pagkilos, bukas, Lunes, Hunyo 12, 2023:

📌7:00 am - Assembly @ Liwasang Bonifacio
📌7:15 am - Start of program
📌10:00 am - Martsa papuntang Kilometer 0
📌11: 00 am - Martsa papuntang US Embassy

Sumali sa KPL-UPM: tinyurl.com/KPLUPM2022

US TROOPS OUT NOW!
JUNK VFA! JUNK EDCA!
US-CHINA LAYAS!

25/05/2023

Iniulat ng ilang mamamayan sa Barangay ng Cabiraoan, Gonzaga, Cagayan na hinuli ng 501st Infantry Brigade sina Patricia Nicole Cierva at Cedric Casaño noong May 18. Kasalukuyang wala pa ring naiuulat na komunikasyon mula sa dalawa matapos ang isang linggo.

Si Patricia Cierva ay dating estudyante ng UP Manila, naging tagapangulo ng Kabataan Partylist UPM, naglingkod National and Local Issues Councilor ng CAS Student Council at People's Struggle Councilor ng UP Manila University Student Council.

Isa si Cierva sa mga nanguna sa paglaban sa samu't saring isyu sa unibersidad tulad na lamang ng Return Service Agreement (RSA), budget cuts at para sa student representation. Isa rin siya sa nangunang ibuklod ang mga estudyante ng UP Manila sa laban ng mga Lumad, maralitang lungsod, manggagawa at magsasaka.

Mariing kinukundena ng Kabataan Partylist UP Manila ang lantarang pasismo ng estado laban sa mga progresibo at rebolusyonaryong pwersa. Matatandaang lantarang inihayag ng Armed Forces of the Philippines ang plano nitong wasakin ang anumang rebolusyonaryong pagkilos sa hilagang-silangan ng Luzon. Makikita rin na bahagi ito ng pag-hahanda ni Marcos at ng imperyalismong US sa digmaan matapos nilang isulong ang pagkakaroon ng 2 base militar sa ilalim ng EDCA sa probinsya.

Kasama nina Cierva ang KPL UPM sa pagsusulong ng interes ng kabataan, manggagawa, magsasaka at ng malawak na sambayanan. Humahanga kami sa kanyang halimbawa bilang mabuting anak ng bayan na nag-alay ng kanyang buong panahon upang paglingkuran ang mamamayan.

SURFACE CEDRIC CASAÑO AND PATRICIA CIERVA!

24/02/2023

ANG TAO, ANG BAYAN, NGAYON AY LUMALABAN!

Sa ika-25 ng Pebrero, ating gugunitain ang ika-37 anibersaryo ng EDSA People Power - isang makasaysayang kaganapan na nagpabagsak sa pasistang rehimen ng diktador na si Marcos Sr. dahil sa radikal na pagkakaisa’t pakikibaka ng masa.

Sa kasalukuyan, isang Marcos na naman ang nakaupo sa palasyo na walang ibang alam na gawin kundi pahirapan ang mga mamamayan at burahin ang kasaysayan.

Sumama sa gaganaping pagkilos bukas, alas nueve ng umaga sa People Power Monument upang ipabatid ang ating mga panawagan at ipakita na ang diwa ng EDSA ay patuloy na nagliliyab sa bawat puso ng sambayanang Pilipino.

Photos from Kabataan Partylist - UP Manila's post 13/02/2023

Nakiisa ang Kabataan Partylist - UP Manila sa isinigawang First Day Rage kaninang tanghali upang salubungin ang ikalawang semestre. Bitbit natin ang mga panawagang dagdag espasyo, pasilidad at suporta sa mga estudyanteng nagbabalik pa rin sa paaralan.

Kasama rin sa ating panawagan ang pagtigil at pagrerepaso sa Return Service Agreement na nakakaapekto sa maraming mga estudyante sa UP Manila at ang pagpigil sa pagbabalik ng Mandatory ROTC sa mga pamantasan.

Nananawagan kami sa aming kapwa kabataan na sumama at ipagpatuloy ang pagigiit sa ating mga karapatan sa loob at labas ng pamantasan!

Pag-asa ng bayan, kabataan!

Sumali sa KPL-UPM: tinyurl.com/KPLUPM2022

Photos from Kabataan Partylist - UP Manila's post 25/01/2023

Ang Kabataan Partylist UPM, kasama ang iba pang mga progresibong organisasyon, ay mariing tinututulan ang panunumbalik ng Mandatory ROTC sa pamamagitan ng NCSTP Bill na ngayo’y niraratsada upang maisabatas.

Matatandaan na binuwag ang pagiging mandatory ng ROTC noong 2001 dahil sa karumal-dumal na sinapit ni Mark Nelson Chua, isang mag-aaral at kadete sa UST, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nabibigyang ng hustisya. Siya’y pinatay nang kaniyang isiniwalat ang baho ng sistema ng ROTC sa kanilang unibersidad.

Sa kabila ng bulok na sistema ng edukasyon sa bansa, muling ipinapatupad ang MROTC na siyang pabigat sa mga estudyante. Bugbog at hirap na hirap na nga sa tambak at sandamukal na gawain na kailangang tapusin at ipasa mula sa iba’t ibang asignatura, pilit na dinadagdagan pa ng pasanin ang mga mag-aaral sa senior high school at kolehiyo. Ang oras na sana’y para sa pagpapahinga o ‘di kaya’y para sa ibang interes at aktiibidad ay mapupunta sa walang kwentang ROTC.

Lingid sa kaalaman ng lahat, ang MROTC ay represibo at manunupil sa mga estudyante. Ito’y nagdudulot ng iba’t ibang karahasan tulad ng hazing, harassment at sexual abuse na siyang nakakapangamba sa kaligtasan ng mga mag-aaral. Dagdag pa rito ay inaapakan ang karapatan ng mga estudyante na mag-isip, gamitin ang boses laban sa katiwalian at kasamaan, at bagkus ay pinapatahimik. Pilit pa nitong tinatakpan ang ating mga mata’t bibig. Hindi makataong parusa ang naghihintay sa mga mag-aaral, oras na sila ay tumaliwas sa mga kumand.

Ang MROTC ay nagtuturo ng huwad na pagkamakabayan. Sinasabing ang pangunahing layunin ng MROTC ay paliyabin ang pagiging nasyonalismo ng mga estudyante, subalit mismong gobyerno at militar ng bansa ay tuta ng mga imperyalistang bansa tulad ng Estados Unidos at Tsina. Paano uusbong ang pagiging makabayan kung ang mismong mga nagtuturo ay mga duwag at sunud-sunuran? Hindi lamang ROTC ang paraan upang paglingkuran ang bayan.

Ngayong araw ay ihahain na sa subcommittee hearing ang mga bill na naglalayong ibalik muli ang Mandatory ROTC, kung saan sapilitang dadaan sa dalawang taon ng pagsasanay-militar ang mga mag-aaral ng kolehiyo. Sa nabanggit na pagdinig, walang inimbitahang representate ng mga kabataang dumalo na siyang malinaw na manipestasyon ng anti-estudyante at anti-kabataang postura ng estado. Kamakailan lamang ay tinalaga nang “urgent” ang mga bill na ito ni Ferdinand Marcos, Jr. kabilang na ang House Bill No. 6687 o National Citizens Service Training Program (NCSTP) na siyang pumasa na sa ikatlong pagbasa nito sa Kapulungan ng mga Kinatawan.

Nasa gitna ng krisis ang bansa kung saan lumalala ang kondisyon ng ekonomiya, edukasyon, transportasyon, at iba pang serbisyong panlipunan. Ngunit mas inaatupag at binibigyang pansin ng gobyerno ay ang pagsasabatas ng Mandatory ROTC. Ang paaralan ay aming pangalawang tahanan kung saan dapat kami’y ligtas at may kalayaang maging kritikal. Kaya sigaw ng kabataan, Tutulan ang pagsasabatas ng Mandatory ROTC! Tutulan ang panghihimasok ng militar sa mga pamantasan! Ipaglaban ang kalayaan pang-akademiko!

11/10/2022

NTF-ELCAC, balak ipatanggal ang Kabataan Partylist sa pwesto gamit ang gawa-gawang kaso! Didinggi ito ng COMELEC sa October 13, 2022!

Heto na naman tayo! 🙄 kahit pa todo effort ang mga kabataan na magsulong ng makabuluhang mga batas at serbisyo...

Gawa-gawang kaso, redtagging at pag-atake ang ganti ng NTF-ELCAC. 😮‍💨

Balak kasi bawasan nag 5 BILYON ang pondo nila, dahil nilantad ni Kabataan Rep. Manuel na nasasayang lang ang pondo ng bayan sa redtagging at mas mainam na ilipat ang pondo na ito sa edukasyon, ayuda at iba pa. Bitter much?

Kaya sama-sama nating ipanawagan!

DEFEND THE GENUINE YOUTH REPRESENTATION IN CONGRESS! ✊️

26/09/2022

CALL FOR DONATIONS

Kahapon, Setyembre 25, 2022, ay nanalasa ang Bagyong sa kalakhan ng Luzon. Nananawagan ang Tulong Kabataan UPM para sa mga donasyon na ipapamahagi sa mga apektadong estudyante ng UP Manila at mga komunidad na nasalanta ng bagyo.

Maaring magpadala ng mga in-kind donations sa:
📌UP Manila Office of the University Registrar, Ermita, Manila
☎️ 09274132625 or 09174040065

Para sa mga monetary donations:
• Gcash
Ma. Rowz Angela Fajardo
09274132625

• Paymaya
Ma. Rowz Angela Fajardo
09274132625

• BPI
Ma. Rowz Angela Fajardo
9803088435

Para sa lahat ng monetary donations, magsend lamang ng proof of transaction sa aming page o sa [email protected].

Photos from The Ateneo Assembly's post 24/09/2022
23/09/2022

KABATAAN, pag-asa ng bayan! ✊🏼

KABATAAN Party-list is the sole youth representative in the Philippine Congress. It is a large network of energized and pro-active young people that is committed to the service of the Filipino youth by fighting for quality and accessible education inside and outside the confines of the parliament. Likewise, KABATAAN has actively campaigned for the general welfare of the Filipino people, whom the youth is bound to serve.

We invite you to join our cause and be a member of the UP Manila chapter of Kabataan Partylist!

Register here:
tinyurl.com/KPLUPM2022

Sama-sama tayong magising sa katotohanan at lumaban para sa ating karapatan!

16/09/2022

ISKOLAR NG BAYAN, TUMINDIG AT LUMABAN!

Inihahandog ng Kabataan Partylist UP Manila kasama ang iba't ibang balanggay ng Kabataan Partylist ang pag-aaral hinggil sa "Rise and Fall of Marcos Dictatorship". Ito ay gaganapin sa Gmeet ng 8:00 PM.

Inaanyayahan ang lahat na dumalo at magpadalo!

Registration form: https://tinyurl.com/8yep86th

11/05/2022

Nakikiisa ang Kabataan Partylist UP Manila sa tawag ng masa na panagutin ang kapalpakan ng COMELEC at kondenahin ang harap-harapang pandaraya ng Marcos-Duterte nitong nakaraang halalan.

Muli nating alalahanin ang sakripisyo ng mga biktima ng Martial Law at ang pang aapi at pang aabuso ng pamilyang Marcos sa mga mamamayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng paglabas ng mga lansangan para sa demonstrasyon ng ating galit at buong desisyon na hindi na muli tayong papayag na umupo ang isang Marcos at isang Duterte sa Malacañang. Alalahanin na ang tunay na kapangyarihan ay hawak ng taumbayan, hindi ng iilan lamang.

Nananawagan ang Kabataan Partylist UP Manila sa ating mga kabataan na pumunta sa gaganaping Candle Lighting Vigil mamayang 6PM sa PGH Oblation Plaza at Cultural Night mamayang 7PM sa Liwasang Bonifacio.

Mula naman sa MAKI-Leni - Martsa ng Kabataan para sa Kinabukasan at kay Leni, hinihingi ang tulong ng lahat para sa kampuhan sa Liwasang Bonifacio. Maaaring magdonate ng pagkain, tubig, trapal at iba pang kailangan.

Ang isinasagawang kampuhan ay para sa mga gaganapin na pang araw-araw na kilos protesta laban sa lantarang pandaraya sa nakaraang eleksyon. Ito rin ay magiging tipunan ng mga kabataan upang bantayan ang anumang susulpot pang anomalya sa bilangan at canvassing ng ating mga boto.

Ang ating kinabukasan ay nakasalalay sa mga darating na araw at mahalaga ang ating pakikilahok upang maipagtanggol ang ating mga karapatan. Maaaring magdonate dito:

Gcash
09054526457
Kym Aia D.

Landbank
0016167835
Hazel Anne G. Macasu

BPI
2749202677
Djoanna Marie Dimapilis

Para sa transparency, i-send sa [email protected] or sa page messenger ang screenshot ng inyong donasyon para sa tracking and transparency purposes.

Muli tayong manindigan para sa ating mga karapatan lalo na sa nagbabadyang pagbabalik ng kadiliman sa ating bayan.

Photos from UP Manila CAS Student Council's post 04/05/2022
18/12/2021

📣 CALL FOR DONATIONS 📣

Ramdam na ang hagupit ng bagyong sa iba't-ibang parte ng Visayas at Mindanao, ngayong araw ng Huwebes, Disyembre 16. Isang ganap na super typhoon na si Odette ayon sa ulat ng gobyerno.

Tara na mga kabataan at magbayanihan tayo sa kalamidad. Lahat ng papasok na monetary donations at in kind donations ay dito ilalaan.

Para sa mga donasyon:

Contact person:
Hayme Alegre
09690964538

Para sa mga in-kind donations, ipadala sa:
117 C Matatag St., Brgy. Central, Diliman, Quezon City

Para sa monetary donations:
UnionBank
Arnold Tristan Buenaflor
109485114994

GCash
James Bryan G.
09690964538

Paypal
https://paypal.me/TulongKabataanPH

Kabataan, TULONG TAYO!

18/12/2021

[CALL FOR DONATIONS]

TULONG KABATAAN WESTERN VISAYAS is calling for in-kind and monetary donations for the communities affected by Typhoon Odette.

For monetary donations:
Gcash
Maria Keziah P.
09458911392
(For gcash senders please note: for donations)

In-kind donations:
Canned goods
Noodles
Drinking Water
Sanitary Packs

Drop-off point:
Door 2 Jardaleza, Fajardo St., Jaro, Iloilo City

For more information, kindly contact our Tulong Kabataan Western Visayas Coordinator
ARLIE BOSQUE
09272063271
09611709640

Want your organization to be the top-listed Government Service in Manila?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Telephone

Address


Padre Faura Street, Ermita Manila
Manila
1000

Other Political Organizations in Manila (show all)
TEAM SANTUGON for the College of Computer Studies TEAM SANTUGON for the College of Computer Studies
Malate
Manila

Empowered Lasallians, Progressive Citizenry

LAKAS TOMASINO COALITION LAKAS TOMASINO COALITION
University Of Santo Tomas
Manila

∞ Lakas Tomasino Coalition is a central political party of the University of Santo Tomas. Its goal is to empower the Thomasian studentry by giving them the power to CHOOSE and a CH...

Siklab Sebastino Siklab Sebastino
Manila

The SIMULA NG KILOS AT LABAN NG MGA SEBASTINO is a Political Party of San Sebastian College-Recoletos, Manila

AKLAS - Alyansa ng Kristiyanong Lakas AKLAS - Alyansa ng Kristiyanong Lakas
University Of Santo Tomas
Manila

UNIVERSITY OF SANTO TOMAS - AKLAS TOMASINO est.1986. SERVING THOMASIANS WITH AN A-CLASS STUDENT LEAD

Liberal Party Manila Malaya Chapter Liberal Party Manila Malaya Chapter
Manila

Official FB Page of LP Manila MALAYA Chapter

F**K THE SYSTEM F**K THE SYSTEM
Manila
Manila

END THE F**KED UP SYSTEM

LENI Para Sa Pilipinas 2022 LENI Para Sa Pilipinas 2022
Manila

Buong-buo ang loob ko ngayon: Kailangan nating palayain ang sarili mula sa kasalukuyang situwasyon. Lalaban ako; lalaban tayo. -𝐋𝐄𝐍𝐈

ANG ANAK NG Maynila ANG ANAK NG Maynila
Moriones
Manila, 1012

Anak Ng Masa Manila Anak Ng Masa Manila
Manila

Supporters Senatorial Candidate of Jinggoy "Anak Ng Masa" Estrada

League of Filipino Students - Adamson University League of Filipino Students - Adamson University
Manila, 1000

League of Filipino Students-Adamson University is local university chapter based in the regional office of Metro Manila. LFS remains as the leading anti-imperialist student organi...

Mayor Isko Moreno for President Movement Mayor Isko Moreno for President Movement
Manila

Mayor Isko Moreno suppurters only