ISIP Pilipinas Movement Pampanga

Inday Sara Is My President! Ang Agila ng Pilipinas!

Photos from Inday Sara Duterte's post 14/03/2023

Mahigit 1,000 mag-aaral sa iba’t ibang barangay ng probinsya ng Antique ang nakatanggap ng ating PagbaBAGo bags ngayong araw.

Tulad ng mga naunang PagbaBAGo distribution, ibinahagi natin sa mga kabataan ang kahalagahan ng edukasyon at ang pagkakaroon ng determinasyong makatapos ng pag-aaral ang magiging susi nila upang maabot ang kanilang mga pangarap sa buhay.

Personal rin tayong nakipag-diyalogo sa mga g**o upang pakinggan at tugunan ang kanilang mga hinaing sa loob ng sektor ng edukasyon.



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1133267007517509&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 14/03/2023

Pinangunahan natin ngayong araw ang pamimigay ng ayuda para sa libo-libong residente na naapektuhan ng oil spill sa Caluya, Antique.

Kasabay ng pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS), ang Office of the Vice President ay namigay ng Relief for Individuals in Crisis and Emergencies (RICE) food boxes sa 1,200 na apektadong residente sa mga barangay ng Seminara, Tinogboc, Alegria, Sibolo, at Sitio Liwagao.

Ayon sa Office of the Vice President Disaster Operations Center (OVP-DOC), mahigit 7,617 pamilya o 25,733 na indibidwal, kung saan 450 ay seaw**d planters at 3,649 na mangingisda, ang apektado ng oil spill. Idineklara na ang bayan ng Caluya bilang under state of calamity.



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1133264500851093&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 14/03/2023

Isang malaking karangalan para sa akin ang maimbitahan bilang panauhing pandangal sa Banigan Festival 2023 Opening Program dito sa Libertad Municipal Plaza sa Antique.

Lubos ang aking paggalang at paghanga sa ating mga manghahabi — sa kanilang pasensya, tiyaga, disiplina at pagsusumikap para lamang makalikha ng mga banig at iba pang de-kalidad na produktong nakakapag-bigay pansin sa pagkakayari at pagkamalikhain ng mga Pilipino.

Bilang kalihim ng Department of Education, nanawagan rin ako sa ating mga local government units at mga magulang na mamuhunan at unahin ang pagpapatupad ng magandang programa sa edukasyon na magiging kapaki-pakinabang sa mga batang Pilipino.

“Importante po ang edukasyon at importante na ang ating mga anak ay makapag-aral at makakuha ng maayos na edukasyon. May I enjoin our parents who are here today to keep your children and youth in school or learning technical skills no matter the challenges.”



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1133262230851320&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 14/03/2023

Dinalaw ko ngayong araw ang Caticlan Elementary School dito sa Malay, Aklan upang personal na kumustahin ang mga mag-aaral at mga g**o.

Ibinahagi ko sa mga estudyante ang PagbaBAGo campaign ng Office of the Vice President kung saan 350 na mga studyante mula sa Grade 1 hanggang Grade 3 ang nakatanggap ng PagbaBAGo bags na naglalaman ng school supplies at dental kits.

Kasabay din ng PagbaBAGo campaign ay ang mensahe ng responsible parenthood para naman sa mga magulang — upang mapaghandaan nila ang kinabukasan ng kanilang anak, una-unang na ang pagtiyak na makapag-aral sila.



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1133203117523898&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 08/02/2023

Isinapubliko natin ngayong araw ang Basic Education Report 2023 na naglalaman ng estado ng edukasyon sa Pilipinas at ang mga programa na ipapatupad ng Department of Education para mapaunlad ang kalidad ng edukasyon, masagot ang mga hamon, at masolusyonan ang mga problema na hinaharap ng mga Pilipinong mag-aaral.

Bahagi ng Basic Education Report ang “MATATAG: Bansang Makabata, Batang Makabansa” bilang gabay sa bagong direksyon ng DepEd at mga stakeholder sa paglutas ng mga hamon sa basic education.

May apat na kritikal na bahagi ang MATATAG:
- MAke the curriculum relevant to produce competent and job-ready, active, and responsible citizens;
- TAke steps to accelerate delivery of basic education facilities and services;
- TAke good care of learners by promoting learner well-being, inclusive education, and a positive learning environment; at
- Give support to teachers to teach better.

Ito ang parte ng aking report:

“We know that the road will be bumpy, but our direction is clear. We know that the challenges are vast but we, Filipinos, are resilient. We will overcome. Tayo po ay magiging MATATAG. Tungo sa isang Bansang Makabata at Batang Makabansa.”

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1106583430185867&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 25/01/2023

Ipinagdiriwang natin ngayong araw dito sa Department of Education Central Office ang International Day of Education alinsunod sa proklamasyon ng United Nations.

Isa itong oportunidad para sa ating institusyon na ibahagi ang ating direksyon at mga plano upang paigtingin ang sistema ng edukasyon sa bansa at matulungan ang bawat mag-aaral na makabawi mula sa mga learning losses na hatid ng COVID-19 pandemic.

Ibinahagi din natin sa ating mga stakeholders ang mga inisyatibong ipinapatupad ng DepEd tulad ng pagtatag ng Learner Rights and Protection Office upang masig**o na ligtas ang bawat paaralan at pasilidad para sa ating mga kabataan.

Naniniwala tayo na ang sapat at de-kalidad na edukasyon ang magdadala sa ating bansa tungo sa kaunlaran.



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1102487717262105&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 25/01/2023

Bahagi ng ating pagdalaw sa Bacolod City ang ating pagbisita din sa Office of the Vice President-Bacolod Satellite Office.

Naging pagkakataon ko ang pagbisitang ito upang personal na makilala ang ating mga empleyado at mapag-usapan ang estado ng ating mga programa dito sa Bacolod City Satellite Office at ang pagro-roll-out ng iba pang mga proyektong nakahilera ngayong taon.

Ang OVP-Bacolod Satellite Office ay binuksan lamang noong Agusto 3, 2022.



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1101824150661795&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 25/01/2023

Binisita natin ngayong araw sina Girlie Ramirez at April Bangero dito sa Negros Occidental.

Si Girlie ay nakilala ko noong kampanya dito sa Talisay City. Dala-dala niya noon ang kanyang anak na si Acezequel, na may cleft palate at nangangailangan ng operasyon.

Si April naman ay sumulat sa ating opisina at humiling na makita ako sa aking pagdalaw sa Bacolod City.

Si April ay mayroong komplikasyon sa utak at nangagailangan ng ating pagdarasal at tulong.

Dinalaw natin sila upang makita ang kanilang mga kalagayan at matingnan kung anong tulong ang pwede nating maiabot para sa kanilang medikasyon.



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1101821737328703&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 23/01/2023

Dinaluhan natin kagabi ang Philippine Association of Plastic, Reconstructive and Aesthetic Surgeons (PAPRAS) Induction Ceremonies dito sa SEDA Hotel, BGC, Taguig.

Lugod kong binabati ang mga plastic, reconstructive, at aesthetic surgeons na nagsilbing tulay sa pagbabago ng buhay ng mga tao, lalo na sa mga pasyenteng may cleft palates, mga naaksidente, at mga nangangailangan ng reconstructive procedures.

Sa aking mensahe, ibinahagi ko ang karanasan namin noong ako’y mayor ng Davao City kung saan ang City Government of Davao ay nakipagtulungan sa Mindanao Aesthetics Plastic Surgery para matulungan ang mga batang may cleft palates na makatanggap ng libreng pagpapagamot mula sa gobyerno.

Dahil sa tulong ng ating mga partner surgeons, humigit-kumulang 100 batang may cleft palate ang nabigyan ng libreng pagpapagamot.

“Your extraordinary effort, commitment, and determination to sustain the growth of the field of aesthetic and reconstructive surgery in the Philippines will never go unnoticed.”



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1100906577420219&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 21/01/2023

Isang malaking karangalan para sa akin ang maimbitahan bilang panauhing pandangal sa Aklan’s Ten Most Outstanding Mentors (ATOM) Awarding Ceremony ngayong araw dito sa Augusto B. Legaspi Memorial Sports and Cultural Complex dito sa Kalibo, Aklan.

Lugod kong binabati ang lahat ng mga awardees at kinikilala ang kanilang huwarang serbisyo bilang mga g**o at ang epekto nito sa buhay ng ating mga Pilipinong mag-aaral.

Bilang kalihim ng Department of Education, ibinahagi ko ang plano ng sektor sa pagtutok sa mga benepisyo ng mga g**o, mag-aaral, at sa rehabilitasyon at muling pagpapatayo ng mga imprastraktura para sa mga paaralan sa buong bansa.

Inilahad ko rin ang kasalukuyang pagsusuri ng Department of Education sa K to 10 at Grades 11 to 12 curriculum upang matiyak na ang mga graduates ng basic education ay agad na makakahanap ng trabaho sa iba’t ibang sektor at industriya.



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1100358917474985&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 21/01/2023

Namahagi ang Office of the Vice President - Disaster Operations Center kanina ng 500 sakong bigas para sa Lanao del Norte at 300 sakong bigas sa probinsya ng Eastern Samar para sa mga nasalanta ng baha.

Sa Lanao del Norte, umabot ng 440 sakong bigas ang binigay natin sa bayan ng Tubod na tinanggap ni Mayor Dionisio Cabahug Jr. para sa 2,200 apektadong residente.

Sa bayan ng Baroy, animnapung sakong bigas ang dala natin para sa 300 pamilya. Tinanggap ito ni Mayor Grelina Lim.

Sa probinsya ng Eastern Samar, naibigay natin ang 300 sakong bigas para sa 2,822 apektadong pamilya. Ito ay tinanggap ni Provincial Administrator Nelson Cortez.

Ang pagbaha sa mga probinsyang ito ay dala ng Trough ng Low Pressure Area (LPA) na nagsimula noong January 2.



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1099889177521959&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 21/01/2023

Dinaluhan natin ngayong araw ang meet and greet at welcome party ng mga miyembro ng UniTeam Kalibo dito sa Kalibo, Aklan.

Sa aking pagbisita, muli kong iginiit ang pagpapatupad ng aking mga pangako noong nakaraang kampanya na tututukan ang pagbibigay ng trabaho, at ang pagpapalakas ng kapayapaan at edukasyon dito sa ating bansa.

Bilang kalihim ng Department of Education, ibinahagi ko ang Basic Education Plan for 2023 na naglalayong mapatatag ang mga karagdagang plano para sa pagpapabuti ng sektor ng edukasyon.

Ibinahagi ko rin ang mga programa ng Office of the Vice President sa taong 2023 — ang Mag Negosyo Ta 'Day livelihood program, na naglalayong magbigay ng inclusive financial support para sa mga kababaihan at LGBTQI+ members, at ang paglulunsad ng Peace 911 initiative, isang programa sa Davao City na nagpalaya sa 17 barangay sa Paquibato District mula sa hawak ng New Peoples Army na nais kong ilunsad para sa kapayapaan ng buong bansa.



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1099763830867827&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 21/01/2023

Binisita tayo ngayong hapon ni Japan International Cooperation Agency (JICA) President, Dr. Tanaka Akihiko dito sa Office of the Vice President.

Pinasalamatan ko si Dr. Akihiko sa tulong ng JICA at suporta ng Japan sa patuloy na peace process, at sa patuloy na tulong sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa pagpapatatag ng seguridad at kaligtasan laban sa terorismo sa pamamagitan ng kanilang iba’t ibang socio-economic programs.

Inihayag ni Dr. Akihiko ang kanyang suporta sa Pilipinas sa pagbabahagi ng kanilang mga proyekto at kung paano maiayon ang mga plano sa pagpapaunlad para sa ikabubuti ng Pilipinas.



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1097798454397698&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 21/01/2023

Rumesponde ang Office of the Vice President Disaster Operations Center (OVP-DOC) sa probinsya ng Palawan noong January 10 upang magpa-abot ng tulong sa mga residenteng naapektohan ng malakas na pag-ulan na dala ng low pressure area.

Mahigit 27,000 kilong bigas ang naipadala ng OVP-DOC sa mga munisipalidad ng Brooke’s Point at Sofronio Española sa iba’t ibang evacuation centers ng Palawan para sa 2,295 sa mga residenteng apektado ng pagbaha.

Nagpapasalamat kami sa Palawan Provincial Government (PPG), Palawan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), at Philippine Coast Guard Palawan sub-station sa kanilang taos-pusong serbisyo upang mabigyan ng tulong ating mga apektadong kababayan.

# ISIPPilipinasMovement

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1093492741494936&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 21/01/2023

Hindi natinag ng malakas na ulan ang ating mga kababayan sa Koronadal City, South Cotabato na nagdiriwang ngayon ng kanilang ika-83 taong anibersaryo at ika-23 Hinugyaw Festival.

Laman ng ating mensahe ang pagbabalik-tanaw sa pag-unlad ng syudad kasabay ang panawagan na pangalagaan ang seguridad mula sa terorismo at ang pagturo sa mga kabataan sa kahalagahan ng edukasyon.

“While our government armed forces are working hard to w**d out these groups and keeping civilian Filipinos safe, we must ensure that we do our share to protect our peace and order and keep our communities free from fear and violence.”

“Education is a liberating force. I cannot overemphasise to all adults here in Mindanao — we should force our children to go to school. The Department of Education is implementing a stronger child protection mechanism in our school communities - another layer of defense against the recruitment and exploitation of children and youth.”



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1093102094867334&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 21/01/2023

Kasabay ng selebrasyon ng ika-13 taon ng Minasa Festival ay nagsagawa ngayong araw ang Office of the Vice President’s Disaster Operations Center (OVP-DOC) ng relief operations para sa mga residente na naapektuhan ng pagbaha dito sa probinsya ng Bulacan.

Ang OVP-DOC, katuwang ang Bulacan Provincial Office sa Malolos, Bulacan, Provincial Social Welfare and Development Office (PSWDO) Head Weng Tiongson, at Philippine Coast Guard sa pamumuno ni CG PO2 Patrick Jay Pioquinto, ay naghatid ng 200 sakong bigas upang ipamahagi sa mga apektadong pamilya.

Sa aking mensahe, tiniyak ko na ang gobyerno ay nagtatrabaho upang magbigay ng kinakailangang tulong sa mga apektadong pamilyang Pilipino na dumaranas ng krisis.

Ito ang parte ng aking mensahe: “Sa panahon ng mga emergencies na kagaya nito, hindi po namin kayo iiwan. Sa araw na ito, ang amin pong Disaster Operations Center ay magpapadala ng tulong sa ating local government of Bulacan.”



https://m.facebook.com/100025026600630/posts/1092353654942178/?d=n&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 21/01/2023

Isang malaking karangalan para sa akin ang maimbitahan ngayong umaga bilang panauhing pandangal sa selebrasyon ng Minasa Festival dito sa Bustos, Bulacan.

Mahalaga ang pagdiriwang na ito dahil ipinapakita nito sa kahanga-hangang kakayanan ng mga Pilipino na ipagpatuloy ang ating matagal nang kaugalian na itatag ang ating mga tradisyonal na gawi at pagsisikap.

Nawa'y patuloy na maging inspirasyon ang Minasa Festival na buhayin ang pagkakaisa ng mga Pilipino sa pagpapalago ng turismo at agrikultura.

Maligayang selebrasyon ng Minasa Festival sa ating lahat!



https://m.facebook.com/100025026600630/posts/1092222844955259/?d=n&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 21/01/2023

Umabot sa 574 pamilya ang ating nabigyan ng relief assistance sa mga bayan ng New Corella, Kapalong, Sto. Tomas, at sa syudad ng Tagum sa probinsya ng Davao del Norte na lumikas dahil sa pagbaha noong January 3.

Pinangunahan ng ating Davao City Satellite Office noong Biyernes ang paghatid ng mga rice packs at food boxes para sa mga residenteng nananatili sa mga evacuation centers.

Ang relief operations ay inilunsad sa tulong ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council.



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1091721171672093&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 21/01/2023

Kasama ang Office of the Vice President (OVP) sa pamamahagi ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) sa libu-libong benepisyaryo ng public transport sector sa Davao City noong Disyembre 27-29.

Mahigit 5,000 benepisyaryo ang nakatanggap ng AICS na ginanap sa Rizal Elementary School dito sa Davao City.

Sa pakikipag-ugnayan rin ng OVP sa Davao City Transport and Traffic Management Office (CTTMO), ay nagsagawa din ang OVP ng pamamahagi ng mga rice packs na naglalaman ng tig-10 kilong bigas sa mahigit 5,000 jeepney at taxi drivers noong Disyembre 29.



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1091670945010449&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 16/12/2022

Binabati natin ang Knights of Rizal at ang National Rizal Youth Leadership Institute sa kanilang selebrasyon ng ika-60th Anniversary.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang organisasyong ito sa mga kabataan na isabuhay ang mga katangian at pagmamahal ni Dr. Jose Rizal sa bayan.

Sa aking mensahe, ipinaabot ko na kinakailangan natin ang mga kabataang Pilipino bilang katuwang ng ating pamahalaan sa pagpapalaganap ng edukasyon.

“The Philippine government needs partners like the Filipino youth to help us spread the importance of education.”

“We need ambassadors who can influence fellow youth to resist the lure of drug addiction or see through the deceitful rhetoric of recruitment to terrorism and violent extremism.”



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1074083080102569&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from COTTOLENGO FILIPINO INC's post 09/12/2022

Cottolengo Filipino would like to express its sincerest and warmest gratitude to the following benefactors:

- ISIP PILIPINAS MOVEMENT
- VILLAGE EAST DAMAYAN
- GRACE PARK LIONS CLUB CALOOCAN CITY
- RIZAL METRO LIONS CLUB
- LIONS INTERNATIONAL
- GRADE 8 FAMILY OF CAINTA CATHOLIC COLLEGE

Thank you very much for your continued love and support to our institution! ❤️

God bless us. 🙏😇



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=519551286884925&id=100064901733461&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 08/12/2022

Dumalaw tayo ngayong hapon sa Embassy of the People's Republic of China in the Philippines sa Makati City upang ipaabot ang ating taos-pusong pakikiramay sa pagpanaw ni former Chinese President Jiang Zemin.

Ito ang bahahi ng aking naging mensahe:

“President Jiang was a visionary leader who dedicated his life and work to his country and people. He was behind a legacy of leadership, wisdom, and distinguished public service.

I join the Filipino people in celebrating his achievements in forging closer bilateral ties between the Philippines and China.”

Sa pagpapaabot ko ng pakikiramay, sinalubong ako ni
Chinese Ambassador to the Philippines His Excellency Huang Xilian.



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1066057194238491&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 04/12/2022

Sa pangunguna ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., lumahok tayo kagabi sa tradisyonal na seremonya ng pag-iilaw ng Christmas tree sa Kalayaan Grounds sa Malacañan Palace.

Ginawaran ng Pangulo ang mga nagwagi sa nationwide parol-making competition na tinaguriang “Isang Bituin, Isang Mithiin,” isang kompetisyon na kumalap ng 72 parol o Christmas lanterns na isinumite ng iba't ibang probinsya sa buong bansa na gawa sa mga gamit na nagsisimbolo ng kani-kanilang mga lugar.



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1065010811009796&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 03/12/2022

Dumalo tayo sa pagtitipon ng grupong Inday Sara Nation ngayong hapon dito sa Paco, Maynila.

Pinasalamatan natin sila sa pagsasagawa ng iba’t ibang mga aktibidad na naglalayong makatulong sa ating mga kapwa Pilipino.

Ilan dito ay ang coastal clean-up drive, Mga Munting Ngiti Campaign, Sanib Pwersa sa Pagtulong Campaign, at Tulong sa Mag-aaral Campaign na inspirasyon ang programang PagbaBAGo sa pagbibigay ng mga school supplies at hygiene kits sa mga kabataang mag-aaral.

Sa aking mensahe, sinabi ko sa kanila na nawa’y maging inspirasyon sila ng ating mga kababayan upang ipagpatuloy ang ating hangarin na patuloy na mahalin ang Pilipinas.



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1064587967718747&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 02/12/2022

Inimbitahan tayo ni Mayor Art Mercado ng San Pedro City, Laguna upang pangunahan ngayong gabi ang Christmas Tree lighting dito sa kanilang City Plaza.

Gawa sa mga capiz shells ang kanilang Christmas tree na may taas na 42 feet.

Sa aking mensahe, sinabi ko na ang diwa ng Pasko ay pagmamahalan at pagpapatawad.

“Tandaan po natin na ang Pasko ay para sa ating mga mahal sa buhay at ang Pasko ay para po sa pagpapatawad. Hindi importante na hindi malaki o magarbo ang ating celebration ng Pasko. Ang importante po ay masaya tayo at masaya ang ating mga mahal sa buhay at ating pamilya at mahanap natin sa puso natin na magpatawad sa mga tao na gumawa ng mali o may kasalanan sa atin.”



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1063158541195023&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 29/11/2022

Pinangunahan ng ating OVP-Disaster Operations Center at Cebu Satellite Office ang paghatid ng tulong sa mga biktima ng sunog noong Nobyembre 23 sa Mandaue City.

Nasa 150 sakong bigas ang inihatid ng OVP kay City Mayor Jonas Cortes upang ipamahagi sa 750 pamilya o mahigit 2,700 indibidwal na nawalan ng bahay.

Ang nasabing relief operations ay isinagawa sa pakikipagtulungan ng OVP sa Philippine Coast Guard, Philippine Air Force, Department of Public Works and Highways, Traffic Management (TEAM), Alliance of Integrated Response (AIR 7 Phils.), at Federation of Volunteers through Radio Communication (FDRC).



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1061113044732906&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 29/11/2022

Hinatid ng Office of the Vice President-Davao City Satellite Office ang tulong para sa ating mga kababayang nasalanta ng Bagyong Paeng sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Tinanggap ni BARMM Ministry of the Interior and Local Government (MILG) at Rapid Emergency Action on Disaster Incidence (READi) Head na si Atty. Naguib Sinarimbo ang 50 sako ng bigas na tulong apektado ng bagyo.

Noong Nobyembre 4, nauna na nating pinadala sa BARMM ang 1,546 piraso ng assorted canned goods, tatlong tonelada na mga damit, 200 piraso ng turban, 200 pirasong sleeping mats, 300 piraso ng damit, at 35 na kahon ng 500ml mineral water.



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1059192561591621&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Photos from Inday Sara Duterte's post 29/11/2022

Personal akong nagpasalamat kay Vietnam Chairman of the National Assembly His Excellency Vuong Dinh Hue sa kanyang layunin na mas palakasin pa ang ugnayan ng Vietnam at ng Pilipinas.

Kabilang sa aming napag-usapan ang kalakalan, seguridad laban sa terorismo, at edukasyon.

Bilang Education Secretary, ibinahagi ko sa kanya ang BEDP 2030 plan ng Department of Education na nagsisilbing gabay natin para maisulong ang dekalidad na edukasyon sa bansa.



https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=1058330121677865&id=100025026600630&mibextid=qC1gEa

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in San Fernando?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Tunay na naging makabuluhan ang pagbisita ng ISIP Pilipinas Movement sa Davao. Bukod sa naimbitahan ang ISIP sa panunump...
ISIP AKO…MAKA-DIYOS, MAKABAYAN! 💚🦅🇵🇭#IsipPilipinasMovement#ISIPMovement#UniTeamBBMSara
Sama Sama tayo ipagpapatuloy ang pagbabago ❤️💚ISIP AKO…INDAY SARA DUTERTE ANG BISE PRESIDENTE KO! 💚🦅🇵🇭#IsipPilipinas2022...
Mayor Inday Sara Duterte's message to ISIP Pilipinas' volunteers. Kami po ay lubos din na nagpapasalamat sa inyo mahal n...
Makikita natin sa mga videos na mula Ynares Center sa Antipolo hanggang sa Montalban Complex, hindi natinag ang ating ma...
"There is no better time to extend a helping hand than now. If we are blessed with the ability to give to others, then w...
Ama naming Diyos, sa pagsilip ng bagong umaga ipadala mo ang ningning ng iyong liwanag upang sumilay sa aming mga puso. ...
Hiling niya ay makarating kay Inang Agila ang kanyang munting regalo na sumi-simbolo sa kanyang suporta sa mahal natin M...
“Ang Obra ng Tagumpay at Pagasa."Mayor Inday Sara Duterte  #isipPilipinas#isipluzviminda#isippilipinaspagtulongsapilipin...
ISIP PILIPINAS handang tumulong at ialay para sa ating kababayan. Kahit kailan ay hindi magbabago at asahan niyo ang ami...
ISIP PILIPINAS ating isigaw pagmamahal sa bawat Pilipino at hindi tayo ililigaw. Lagi naka suporta di mawawala, may tiwa...

Website

Address


Pampanga
San Fernando

Other Nonprofit Organizations in San Fernando (show all)
i.Raffle.PH i.Raffle.PH
San Fernando, 2000

Online Raffle

G4 Live Selling G4 Live Selling
San Fernando

One Degree Ministries One Degree Ministries
Dona Luisita
San Fernando, 2000

Helping leaders, churches and communities to transform and grow from one degree to another 2C3.18

Inner Wheel Club of San Fernando La Union District 379 Inner Wheel Club of San Fernando La Union District 379
San Fernando, 2500

IWCPI is a dynamic organization of committed women bound by friendship and service to humanity.

El - Verde San Fernando Chapter El - Verde San Fernando Chapter
San Fernando, Camarines Sur
San Fernando, 4415

El Verde Youth San Fernando is an organization committed to engage and uplift the San Fernando Youth

Bulaon LGBT Siwala Official Bulaon LGBT Siwala Official
Bulaon City Of San Fernando, Pamp
San Fernando, 2000

Ninu Ka Man, Nanu Ka Man. Basta Fernandinu Ka, Kayabe Ka! 🫰🙏❤️

Alhuda Filipino Cultural Dialogue Alhuda Filipino Cultural Dialogue
3rd Floor Lee Building, Barangay Lingsat Along The Highway
San Fernando

We are organization dedicated to sharing the guidance of Islam to all regardless of religion and towards promoting Islamic Awareness to clear all misconceptions about Islam and th...

gbfhi 1ganap guardians bayan Ng sillag chapter gbfhi 1ganap guardians bayan Ng sillag chapter
San Fernando City La Union
San Fernando, 2500

community service

God's Amazing Grace Ministry God's Amazing Grace Ministry
Brgy. Sevilla
San Fernando, 2500

In Christ, we have hope.

Affordable and Ready for Occupancy Housing in Pampanga Affordable and Ready for Occupancy Housing in Pampanga
San Fernando, 2000

Get your new home. 🫶

Living Water EFC Living Water EFC
Balungag, Cebu
San Fernando, 6018

“Whoever believes in me, as Scripture has said, rivers of living water will flow from within them.”

Kapit Bisig Volunteer Group - Pampanga Kapit Bisig Volunteer Group - Pampanga
D. Silang Street
San Fernando, 2000

Kapit Bisig Volunteer Group - Pampanga aims to help our people who were affected by unwanted events.