Art Mercado
This is my only page. Ingat sa ibang mga fake accounts. This is my only page.
You may follow my official social media accounts:
facebook.com/ArtJFMercado
twitter.com/ArtJFMercado
instagram.com/ArtJFMercado
tiktok.com/@artjfmercado
For transparency purposes, you may send us an email for inquiries, feedbacks, and opinions at [email protected]
Bago matapos ang araw na ito, atin pong alalahanin ang kadakilaan ng ating mga bayani na buong pusong nakipaglaban para sa ating bansa upang ating makamit ang kalayaan na tinatamas natin sa kasalukuyan.
Kasabay ng ating pag-alala sa kanila ay kilalanin rin natin ang ating mga makabagong bayani na nag-aalay ng kanilang husay, talento at lakas para sa patuloy na pag-unlad ng ating bayan.
Manatili nawa silang mga gabay sa bawat isang San Pedrense tungo sa pagtataguyod sa aktibong pakikiisa sa ating pangarap na manguna ang San Pedro sa lalawigan ng Laguna.
Maligayang Araw ng mga Bayani po sa ating lahat!
Patuloy pa rin po ang ating turnover ng school bags at school supplies para sa mga minamahal nating mag-aaral ng San Pedro!
Kitang-kita ko ang pagkasabik ng mga bata sa natanggap nilang gamit pang-eskwela. Ramdam ko rin ang kasiyahan at pagmamahal ng mga g**o para sa lahat ng estudyante na itinuturing nilang mga anak sa loob ng paaralan.
Nakakataba naman talaga ng puso at naghahatid ng positive vibes sa bawat isa! 😊
Naniniwala po ako na we have to put our best foot forward and fully support ang mga Batang San Pedro bilang sila ay beacon of hope and inspiration to us all.
Kaya naman ay patuloy po ang ating pamamahagi ng bags, school supplies, at school uniforms para sa kanilang maunlad na kinabukasan at narito lamang po ako handang umagapay tungo sa inyong tagumpay.
Pagbutihin natin ang pag-aaral, mga bata! Pagbubutihin pa natin ang ating serbisyo para sa lahat ng taga-San Pedro! EYYYYYYYY! 😉
Para po sa akin, ang duck industry ay hindi lamang isang kabuhayan sa Lungsod ng San Pedro, ito rin ay isang kultura na dapat natin pagyamanin, pangalagaan, at pahalagahan.
Sa tulong po ng City Agriculture Office, we turned over 650 ready-to-lay (RTL) ducks to 2 Duck Growers Associations in Brgy. Cuyab.
Nakiisa rin po ang City Veterinary Office sa ating ceremonial turnover kung saan nag-provide sila ng technical assistance on what to know about bird flu, with continuous monitoring and surveillance of ducks towards keeping the virus at bay.
Maraming salamat po sa inyong pakikiisa sa aking layuning mapabuti ang pamumuhay ng San Pedrense. Tuloy-tuloy po ang ating pagtulong at pag-asenso para sa isang lungsod na !
Dahil sa unhealthy air quality sa ating bayan ng San Pedro caused by volcanic smog mula sa Bulkang Taal, SUSPENDED ang FACE-TO-FACE CLASSES bukas, August 20, 2024 (Tuesday), sa public and private schools, all levels.
Ang lahat po ng eskwelahan ay inaasahang mag-implement ng modular/asynchronous mode of learning.
Mag-ingat po ang lahat!
In this Lord’s day, we thank You Lord God for your precious gift of a complete and healthy family. Our family is blessed because of You. You have always been the center of our family.
Maligayang araw ng Linggo sa lahat! May your week be filled with God’s protection, guidance, and wisdom.
Isang mainit na pagbati po sa El Shaddai DWXI Prayer Partners International sa kanilang ika-40 Anibersaryo! Isang napakalaking biyaya ang inyong patuloy na paglilingkod at paghubog sa pananampalataya ng ating komunidad. Taos-puso akong nagpapasalamat kay Bro. Mike Velarde at Sis. Belen Velarde, gayundin kina Cong. Michael Velarde, Cong. Rene Velarde, Atty. Beng Velarde, Trustee ng PAGIBIG Fund, Sir Michael Angelo Lobrin, Cardinal Jose Advincula, Archbishop ng Maynila, Bishop Jesse Mercado ng Diocese of Parañaque, at Bishop Teodoro Bacani Jr., Spiritual Adviser ng El Shaddai, sa inyong pagtanggap sa amin ni Mika Mercado bilang inyong mga panauhin.
Nawa’y patuloy na gabayan at basbasan ng Panginoon ang inyong misyon sa pagpapalaganap ng Kanyang salita at pagmamahal. Mabuhay kayo at maraming salamat po!
| Magsisimula na ang ating San Pedro Green Card Registration Caravan sa darating na Lunes, Agosto 19, 2024. Bilang bahagi ng Phase 1, bibigyan ng prayoridad ang ating mga Senior Citizens at Persons with Disabilities (PWDs). Narito ang mga iskedyul:
BRGY. NARRA
• Agosto 19, 2024 - Senior Citizens Brgy. Narra (Members)
• Agosto 20, 2024 - Brgy. Narra Senior Citizens (Non-Members) at Brgy. Narra PWDs
• Ito ay gaganapin sa Barangay Narra Covered Court mula 8:00AM hanggang 3:00PM.
BRGY. RIVERSIDE
• Agosto 21 & 26, 2024 - Riverside Senior Citizens (Members)
• Agosto 27, 2024 - Brgy. Riverside Senior Citizens (Non-Members) at Brgy. Riverside PWDs
• Ito ay gaganapin sa Activity Center, SM Center San Pedro mula 9:00AM hanggang 4:00PM.
BRGY. GSIS
• Agosto 28 & 29, 2024 - GSIS - Holiday Hills Village Senior Citizen Association (Members)
• Agosto 30, 2024 - Brgy. GSIS Senior Citizens (Non-Members) Brgy. GSIS PWDs
• Ito ay gaganapin sa Brgy. GSIS Covered Court mula 8:00AM hanggang 3:00PM.
Note: Sa mga Senior Citizens na hindi miyembro ng asosasyon at mga PWDs, magpunta lamang sa inyong mga Barangay Hall para makakuha ng Application Form. Huwag pong kalimutan ang inyong Senior Citizen at PWD IDs sa araw ng registration.
Para sa mga bedridden at may serious health condition na Seniors at PWD, magkakaroon tayo ng special house-to-house visit sa inyong mga tahanan.
Abangan po ang susunod na mga schedule ng iba pang barangay dito sa aking Official FB Page at sa ating City Government of San Pedro page. Sa mga katanungan at iba pang detalye, maaaring tawagan ang numerong (02) 8808-2020, loc 217.
Isang magandang balita para sa ating mga naging aplikante ng San Pedro City Scholarship Program (SPECS) para sa A.Y. 2024-2025.
HINDI na magkakaroon ng Qualifying Examination at kayo ay pinapayuhan na isumite ang mga sumusunod na dokumento sa itinakdang oras at araw. Kasabay na rin dito ang pagpo-proseso ng dokumento ng ating mga lumang iskolar.
Mga kailangang ipasa ng mga bagong iskolar (Batch 2024):
1. Buksan ang link at i-print ang Scholar ID: https://drive.google.com/file/d/1XM5-g--hQFFPIVmfa8QFrJfO41tnypvh/view
2. Buksan ang link at i-print ang inyong Claim Stub: https://drive.google.com/file/d/1X9h2Wj385xuV4Ytm6dqKJ6LNOal_zXXy/view?usp=sharing
3. Certified True Copy ng inyong grado (mula sa nakaraang markahan)
4. Orihinal at kopya ng inyong enrolment/registration form ng 1st semester (AY 2024-2025)
5. Certificate of Residency
6. Kapag nagtatrabaho ang mga magulang - Income Tax Return (ITR) mula sa BIR
7. Kapag walang trabaho ang mga magulang - Affidavit of No Fix Income (makukuha sa City Legal Office ang sertipikasyon o katunayan bago dalhin sa BIR)
8. 2 piraso ng Passport Size na larawan
Mga kailangang ipasa ng mga lumang iskolar (Batch 2020-2023):
1. Buksan ang link at i-print ang inyong Claim Stub: https://drive.google.com/file/d/1hbnEZqxL4zX80boRMtSRt4L4oVPfMRNM/view?usp=sharing
2. Buksan ang link at i-print ang inyong Scholar ID:
https://drive.google.com/file/d/1XM5-g--hQFFPIVmfa8QFrJfO41tnypvh/view
3. Orihinal at kopya ng inyong enrolment/registration form ng 1st semester (AY 2024-2025)
4. Certified True Copy ng inyong grado mula sa nakaraang markahan o 2nd semester (AY 2023-2024)
Narito ang iskedyul ng bawat barangay:
ATRIUM, ROBINSONS GALLERIA SOUTH
(mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon)
Setyembre 2, 2024 (Lunes)
San Antonio
Maharlika
San Lorenzo Ruiz
Rosario
Setyembre 3, 2024 (Martes)
Landayan
Nueva
San Roque
Fatima
Poblacion
Setyembre 4, 2024 (Miyerkules)
Cuyab
Pacita 1
Pacita 2
Sto. Niño
Chrysanthemum
ACTIVITY AREA, SM CENTER SAN PEDRO
(mula alas-10:00 ng umaga hanggang alas 4:00 ng hapon)
Setyembre 5, 2024 (Huwebes)
Langgam
Laram
Estrella
Bagong Silang
Sampaguita
Calendola
Setyembre 6, 2024 (Biyernes)
San Vicente
Magsaysay
United Bayanihan
United Better Living
Riverside
Narra
GSIS
PAALALA: Mahigpit na ipatutupad ang mga nabanggit na iskedyul ng bawat barangay.
Ang San Pedro City Scholarship (SPECS) Program na kilala bilang “Iskolar ng Lungsod ng San Pedro (ILSP) ay scholarship program para sa mga incoming at kasalukuyang college student.
Mayor lang po tayo, hindi po Senador.
Nais kong ipabatid sa publiko na hindi ako ang gumagamit ng “Sen Art Mercado” na Facebook Account.
Sa panahon ngayon na naglipana ang mga scams, fake news, at iba pang mga panloloko, maging mapanuri po tayo.
Your love, care, and wisdom have shaped my life in more ways than I can count. As I raise my own children, I make sure the values you instilled in me shine through them as well. Thank you for always being a very supportive lola to us. You are blessed because you have a kind heart. We are all so blessed that you are our Nanay!
Happy 96th birthday, Nanay Pina! Mahal ka namin!
Another week, another blessing!
Maraming salamat sa ating kaibigan, Sir Michael Angelo Lobrin sa pagsama sa atin kaninang umaga sa Flag Ceremony. Bukod sa mga biro, panigurado napasaya at na-inspire ang kawani ng ating City Hall dahil sa iyong mga mensahe.
Hindi madali ang pagiging public servant, nandyan ang kaliwa't kanang problema pero ganoon pa man, focus lang. Lagi nating tandaang ang 3Ps sa public servce: Pagpapakumbaba, Pagpapasalamat, at tamang Pananaw.
Masayang Lunes sa ating lahat!
Sumingit ako sa meeting ng mga kapwa ko kabataan kahapon. 😅
Sumilip lang sa regular session ng SK Federation ng San Pedro. Marami silang mga napagusapan at mga plano na gusto gawin sa kani-kanilang mga barangay. Alam ko na marami sa kanila ang limited lang ang pondo para makapag-implement ng madaming programa kaya sinig**o ko na huwag sila mag-alala na andito lang ako at ang City Government of San Pedro para tumulong, umalalay sa kanila.
Kaya naman sa lahat ng kabataan sa ating lungsod, huwag kayong magatubiling kausapin ang inyong mga youth leaders, makilahok, magmungkahi ng magagandang mga programa na makakabuti sa mga kabataan. Andito lang kami para sumuporta. 😊
| Congratulations sa ating mga barangay na nagpamalas ng Outstanding performance pagdating sa nutrition program management, kung saan ang mga programang ito ay nagbibigay ng mga serbisyo at aksyon upang matugunan ang lahat ng uri ng malnutrisyon sa kanilang mga barangay.
Congratulations Kap. Jing Anchoriz ng Barangay Sto. Nino, 3 years Consecutive Outstanding Barangay Nutrition Committee (OBNC) 2021-2023, Kap. Edwin Palomar ng Barangay Laram, Outstanding Barangay Nutrition Scholars (OBNS) 2024, at Kap. Romeo B. Bonoan ng Barangay San Lorenzo, Outstanding Barangay Nutrition Committee (OBNC) 2024!
At sa bumubuo ng ating City Nutrition Evaluation Team, barangay officials, and government agencies, maraming salamat po sa inyo. Patuloy po natin pag-tulungan na masig**o na may maayos na nutrisyon ang ating mga kababayan lalo na ang mga bata. Mabuhay po kayo!
Ang bilis ng panahon, ikatlong school year na pala natin ngayon.
Isa sa mga pangarap ko para sa ating Lungsod ng San Pedro, wala ng iisipin ang mga bata at mga magulang tuwing mag-papasukan. Papasok nalang ang mga estudyante at mag-aaral. Malayo pa, pero malayo na rin ang narating natin para sa mga bata.
To our taxpayers and city government employees, marami pong salamat sa inyo. Hindi magiging posible ang mga programa ng ating administrasyon kung hindi dahil sa inyong lahat! Patuloy po nating pag-tulungan ang kinabukasan ng ating mga kabataan! Mabuhay po kayo!
Maganda umaga!
Ikatlong araw pa lang ng Agosto, marami ng kailangan ipasalamat na mga good news. Ilan lang sa mga good news ay ang naging MOA signing and launching ng Food Share Program para sa Brgy. San Vicente kasama ang Okada Foundation Inc. Ang programang ito ay inilunsad para labanan ang gutom at malnutrition sa ating vulnerable sectors. Nakasama rin natin ang Smart Communications, Inc. Sa pag-abot nila ng relief support sa mga nasalanta ng bagyong Carina. Maraming salamat po sa ating industry partners na patuloy na sumusuporta sa ating bayan!
Bumisita din sa ating City Hall si Tatay Federico Lopez na kaka-celebrate lang ng kanyang 100th birthday! Kasama ng ating CSWD, binigay natin kay Tatay ang kanyang Centenarian Incentive. Happy more long years, Tatay Federico!
Araw-araw ay maraming dapat ipagpasalamat. Have a great weekend mga kababayan! 😊
"It is good to give thanks to the Lord, and to sing praises to Your name... to declare Your lovingkindness in the morning, and Your faithfulness every night."
Psalm 92:1-2
Sa katatapos lang na CDRRMO's National Disaster Resilience Month 2024 Culminating Activity, binigyan natin ng parangal at pagkilala ang bawat miyembro ng ating City Disaster and Risk Reduction Council Members, Barangay DRRM, at iba pa nating kasamahan sa serbisyo para sa kanilang dedikadong serbisyo sa panahon ng kalamidad. Ipinagkaloob din ng ating City of San Pedro DRRMO ang mga parangal sa mga nakilahok at nagtagumpay sa iba't ibang hamon at kompetisyon na ginanap sa buong buwan ng pagdiriwang.
Nais ko pong magbigay pugay at magpasalamat sa ating mga emergency responders, rescuers, volunteers, at lahat ng kawani ng gobyerno na buong tapang na naglilingkod para sa kapakanan ng ating mga kababayan. Salamat sa inyong walang sawang serbisyo at dedikasyon sa ating komunidad!
Mabuhay po kayong lahat! Siguraduhin natin na sa lahat ng panahon, ang ating Lungsod ng San Pedro!
감사합니다!
Isang malaking karangalan ang i-welcome at makasama ang ating mga kaibigan mula sa Salt and Light International at Yeosu Global Charity Association from the Republic of Korea sa ating bayan. Nagkaroon tayo ng 3-Day Medical Mission kasama sila at ang ating City Government of San Pedro upang magbigay ng free health care services as ating mga kababayan.
To our Korean friends, we extend our deepest gratitude for your dedication, compassion, and hard work. Your visit highlights the power of collaboration and the importance of serving our community. Together, we can achieve great things and make a lasting impact.
Thank you for your kindness and for being a shining example of global solidarity and friendship. Mabuhay po kayo!
Matapos ang mahabang araw sa City Hall, dinalaw namin nina Konsi Burns, Konsitorni Marky, at Vice Ina ang burol ng isa sa mga bayani ng Lungsod ng San Pedro, si Vicente “Enteng” Remoquillo. Namatay siya noong Biyernes, dalawang araw pagkatapos ng kanyang 100th birthday.
Bukod sa mga kuwento ng kanyang kabayanihan na ipinakita noong World War II, ikinuwento rin ng kanyang mga inapo kung paano niya naabot ang 100 years. Napa-sana all na lang kami dahil tunay na naging long and meaningful ang kanyang naging buhay.
Ipinaabot rin namin nina Vice Ina ang mga tanda ng ating pasasalamat at pagpupugay sa kanya: ang kopya ng SP Resolution No. 2024-145 na nagpapahayag ng ating pakikiramay sa kanyang pagyao, at ang aking Executive Order No. 27 s. 2024 na nag-uutos na i-half-mast ang Philippine Flag sa buong San Pedro. Iniabot rin ng ating CSWDO Head Ma’am Fatima Autor ang Centenarian Incentive ng ating City Government.
Salamat po sa inyong serbisyo, ‘Ti Enteng. Utang namin sa iyo ang isang San Pedro na maunlad, panatag, at mangunguna sa Laguna.
Nais ko pong ibalita sa lahat na ang ating City Government of San Pedro, ay ISO Certified na! Isang mainit na pasasalamat sa lahat ng department heads at empleyado ng Pamahalaang Lungsod ng San Pedro sa matagumpay na pagkamit ng ISO Certification noong Hulyo 24, 2024. Ang inyong dedikasyon at pagsusumikap ang nagdala sa atin sa tagumpay na ito.
Para sa mga minamahal naming kababayan, asahan po ninyo na patuloy naming isusulong ang kahusayan at pagiging epektibo sa aming mga serbisyo. Ang sertipikasyong ito ay isang hakbang lamang patungo sa ating inaasam na manguna sa Laguna. 🇵🇭
Mabuhay ang Lungsod ng San Pedro!
Dahil sa malakas na buhos ng ulan at sa rekomendasyon ng ating City of San Pedro DRRMO, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan ngayong araw ng Lunes, Hulyo 29, 2024 sa ating Lungsod ng San Pedro.
Pinapapaalalahanan ang lahat na mag-ingat sa lahat ng oras at manatiling alerto.
City Government of San Pedro
Each day with you is a gift, and today we celebrate the amazing person you are. Your grace and kindness inspire me every day. I’m reminded of Proverbs 31:25: "She is clothed with strength and dignity; she can laugh at the days to come."
Thank you for filling our lives with joy and love. I’m so grateful for you and look forward to many more birthdays together.
Happy Birthday mahal cong Mika! 💚🎉🎂🎊
| Alinsunod sa direktiba ng ating Provincial Governor Ramil Hernandez, suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan ng Hulyo 25, 2024 sa buong lalawigan ng Laguna.
Suspendido rin ang goverment offices bukas (except frontline services).
Ang face-to-face classes ay suspendido naman sa lahat ng antas sa darating na Biyernes (Hulyo 26, 2024) sa ating Lungsod ng San Pedro at ililipat sa online modality.
Pinapapaalalahanan ang bawat residente na mag-ingat sa lahat ng oras at manatiling alerto.
Para sa mga residenteng nangangailangan ng agarang tulong, maaari po kayong tumawag sa sumusunod na hotline numbers:
☎️ 8403-2648
📱 0998-594-1743
City of San Pedro DRRMO
City Government of San Pedro
Patuloy po ang ating monitoring. Huwag po munang lumabas ng ating mga bahay kung hindi kinakailangan. Mag-ingat po ang lahat!
Sa mga nangangailangan ng tulong, o report situation, narito ang listahan ng mga Emergency Hotlines ng ating bayan:
• Office of the Mayor - (02) 8808-2020 local 401
• San Pedro CDRRMO (San Pedro Aktibo Rescue Crew) - (02) 8403-2648 / 0998-594-1743
• San Pedro City PNP - (02) 8567-3381 / (02) 8864-1548 / 0998-598-5639 / 0998-953-0352
• San Pedro BFP - (02) 8808-0617 / 0936-470-2158
• City Fire Auxiliary Unit - (02) 8363-9392
• MERALCO - For SMS only, 0920-971-6211 (Smart) / 0917-551-6211 (Globe)
• Jose Amante Emergency Hospital - (02) 8868-5284
• Gavino Alvarez Lying-in Clinic - (02) 8519-0249 or (02) 8478-6270
Pagtulungan po natin ang kaligtasan ng bawat isa. Stay safe mga kababayan!
ANNOUNCEMENT | Due to the continuous heavy rainfall caused by Typhoon Carina, work in government offices within the City of San Pedro is suspended today, July 24, 2024, at 12:00 NN.
However, agencies responsible for delivering essential and healthcare services, responding to disasters and emergencies, will maintain their operations and ensure the provision of necessary services.
We advise everyone to stay indoors, remain vigilant, and follow local advisories during this weather disturbance.
For urgent matters, here are the list of Emergency Hotlines in San Pedro City:
• Office of the Mayor - (02) 8808-2020 local 401
• San Pedro CDRRMO (San Pedro Aktibo Rescue Crew) - (02) 8403-2648 / 0998-594-1743
• San Pedro City PNP - (02) 8567-3381 / (02) 8864-1548 / 0998-598-5639 / 0998-953-0352
• San Pedro BFP - (02) 8808-0617 / 0936-470-2158
• City Fire Auxiliary Unit - (02) 8363-9392
• MERALCO - For SMS only, 0920-971-6211 (Smart) / 0917-551-6211 (Globe)
• Jose Amante Emergency Hospital - (02) 8868-5284
• Gavino Alvarez Lying-in Clinic - (02) 8519-0249 or (02) 8478-6270
| Suspendido ang klase sa lahat ng antas sa mga pribado at pampublikong paaralan sa araw ng Miyerkules, Hulyo 24, 2024 sa lungsod ng San Pedro.
Pinapapaalalahanan ang bawat residente na mag-ingat sa lahat ng oras at manatiling alerto.
Para sa mga residenteng nangangailangan ng agarang tulong, maaari po kayong tumawag sa sumusunod na hotline numbers:
☎️ 8403-2648
📱 0998-594-1743
City of San Pedro DRRMO
City Government of San Pedro
Nagconvene ang ating San Pedro CDRRM Council Response Cluster at Incident Management team bilang tugon sa epekto ng malakas na ulan dulot ni Bagyong Carina.
On-going pa rin ang rescue and evacuation response ng ating City of San Pedro DRRMO sa mga apektadong lugar.
Patuloy lang po ang pagmessage sa ating City Government of San Pedro at iba pa nating official pages para matulungan kaming mamonitor ang sitwasyon ng ating mga kababayan.
Mag-ingat po ang lahat!
With Maya Executives para sa magiging official roll out ng ating San Pedro City Green Card.
Nagkaroon na tayo ng trial registration ng San Pedro City Green Card sa ating city government employees earlier this year at ilang Persons-with-Disability nitong nakaraang linggo in celebration of National Disability Rights Week. Sa experience natin marami pang kailangan iimprove para mas mapabilis ang ating registration process, pero ngayon palang nakikita na natin ang mga dapat pang-gawin.
Makakasama natin ang Maya sa magiging official roll-out at registration ng ating Green Card. Meron din kaming mga napagusapan para mas mapabilis at maimprove ang ating digitalization efforts para sa ating bayan.
Ang unang phase ng ating Green Card ay registration ng Senior Citizens, PWD, at scholars. Ang registration ay magsisimula ngayong darating na buwan ng Agosto. Magkakaroon po ng schedule ang ating mga barangay kung kelan ang kanilang on-site registration para hindi na kailangan bumyahe ng ating mga Seniors at PWD.
Abangan po ang ating official announcement of schedule sa ating page. Konting konti nalang. Kita kits po sa inyong mga barangay!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Contact the public figure
Website
Address
San Pedro
4023
#6 Manansala Street
San Pedro, 4023
The Official page of Vice Mayor Divina "Ina" Olivarez, City of San Pedro, Laguna
Adelina II Public Plaza
San Pedro, 4023
The official page of Sangguniang Kabataan ng Brgy.Maharlika, San Pedro City, Laguna
San Antonio
San Pedro, 4023
Sangguniang Kabataan Chairperson - Brgy. San Antonio, San Pedro, Laguna
Quezon Street
San Pedro, 4023
Barangay Goverment of San Antonio City of San Pedro Laguna Official page
3rd Floor New City San Pedro City Hall Brgy. Poblacion
San Pedro, 4023
Politician, Facilitator of Learning, Graduate School professor, public speaker, mother, and wife
Barangay Langgam
San Pedro, 4023
The official page of: ✨SK Federation Vice President of San Pedro City ✨SK Chairperson of Barangay Langgam
San Pedro, 4023
The Official page of Kagawad Kavin Escudero, Barangay Cuyab, City of San Pedro, Laguna