Faithealer john matthew
thanks support my page to all ��
HOROSCOPE FOR TODAY
July 12, 2023
Aries
(March 21 - April 19)
Kung oobserbahan mo ang sarili, malayo ka na sa dati. Mas pinahahalagahan mo na ang oras na dati ay hinahayaan mo lamang lumipas. Sa dami ng nangyari, bukas na ang iyong isipan. Ikaw na ngayon ang may kontrol sa iyong buhay kaya maging responsable at maingat sa mga decision.
Lucky number: 14, 23, 33
Lucky color: violet, pink
Ta**us
(April 20 - May 20)
Huwag padalos dalos sa pananalita dahil baka makasakit ng kalooban ng iba. Pahupain muna ang damdamin at isipin ang sasabihin. May mga taong sensitibo na kapag iyong sinabihan ay sumasama ang kalooban kahit sila ang may kasalanan. Idaan sa tamang paraan ang nais iparating para hindi mauwi sa alitan.
Lucky number: 17, 22, 45
Lucky color: green, violet
Gemini
(May 21 - June 20)
Hindi lahat ng pakiusap ay kailangan pakinggan. Huwag mahiyang tumanggi kung ayaw mo, dahil may choice kang umayaw. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay mapagbibigyan mo ang mga tao dahil ang responsibilidad nila ay hindi mo responsibilidad. Hayaan mo muna silang gumalaw at panindigan ang kanilang pinasukan dahil kung lagi kang andyan para sa kanila, hindi na sila kikilos at patuloy na sa iyo sasandal.
Lucky number: 11, 18, 33
Lucky color: blue, red
Cancer
(June 21 - July 22)
Huwag idaan sa katahimikan ang nararamdaman dahil ikaw din ang mahihirapan. Madalas damdamin ng iba ang iyong iniisip dahil ayaw mong makasakit. Pero kung hindi ka kikibo at hindi mangangatwiran lagi ka na lang didiktahan. Sabihin ang kalooban para madali kang maintindihan at para hindi na ipilit sa iyo ang mga bagay na hindi mo naman kailangan.
Lucky number: 12, 18, 34
Lucky color: blue, pink
Leo
(July 23 - August 22)
Sa kabila ng iyong pagiging mapagbigay ikaw ay pagdadamutan. Mararanasan mo na hindi lahat ng tao ay patas at ang iba ay andyan lamang kapag may mapakikinabangan. Kapag wala ka ng maibigay hindi ka na nila kailangan, kaya magtira ka sa sarili para balang araw wala kang pagsisihan.
Lucky number: 15, 26, 49
Lucky color: beige, orange
Virgo
(August 23 - September 22)
Maging sigurado sa bawat hakbang dahil maraming maaapektuhan kapag namali ka ng galaw. Mataas ang pagtingin sa iyo ng mga tao kaya hanggat maaari ay huwag mo silang biguin. Sa abot ng makakaya lahat ay iyong isalba dahil lakas na meron ka ay wala sila. Ikaw ang nagsisilbing kasagutan sa problema at kalungkutan ng iba kaya panatilihin mo kung ano ang meron ka.
Lucky number: 12, 5, 28
Lucky color: pink, maroon
Libra
(September 23 - October 22)
Minsan kung kailan ka naging masaya tsaka ka iiwanan. May mga taong magbibigay sa iyo ng kalungkutan matapos mong mahalin at alagaan. Hindi nila ito kayang suklian at sarili nilang kakulangan ay ayaw tingnan. Sarili muna ang busugin ng pagmamahal para puso ay hindi tuluyang mawasak. Walang tunay na magmamalasakit sa sarili kung hindi ikaw din.
Lucky number: 11, 38, 40
Lucky color: black, maroon
Scorpio
(October 23 - November 21)
Sa hindi inaasahang pagkakataon lahat ay darating. Ang mga luha at pasakit ay matatapos dahil tuwa ay mararamdaman mo ng lubos. Sa isang iglap magbabago ang lahat dahil mabubuksan mo ang pintuan ng magandang kapalaran kung saan andoon lahat ang iyong hinahangad. Hindi ka makakapaniwala na darating ang oras na ang mga bagay na akala mong imposible ay magiging posible.
Lucky number: 16, 39, 48
Lucky color: violet, pink
Sagittarius
(November 22 - December 21)
Hindi lahat ng kaibigan ay tunay. Minsan kung sino pa ang laging nakakasama sya pa ang makakalaban. Hindi naman lahat ay kailangan mong pag isipan ng hindi tama. Mag obserba ka na lang at makiramdam para ikaw mismo ang makatuklas kung ano ang trato nila sa iyong likuran.
Lucky number: 6, 17, 35
Lucky color: pink, white
Capricorn
(December 22 - January 19)
Patuloy ka lamang maguguluhan kung mananatili ka sa ingay. Kailangan mo munang ilayo ang sarili sa iba para isipan ay magkaroon ng kaliwanagan. Huwag ka ng makipaglaban sa mga bagay na nakakasawa at paulit ulit na lang. Kung kaya mo itong putulin habang naghahanap ng kapayapaan sa sarili ay gawin mo na. Hindi ka ma t toxic kung kaya mong I cut off ang mga bagay na nagbibigay sa iyo ng hindi magandang pakiramdam.
Lucky number: 18, 38, 42
Lucky color: orange, green
Aquarius
(January 20 - February 18)
Magkakaroon ng improvement ang financial kung gagamitin ng tama ang kakayahan. Kikita ka ng tama kung iaangkop mo ng ayos ang iyong skill sa hanap buhay. Kailangan connected ang sarili sa trabaho para katawan ay hindi magreklamo. Kung tugma ang paggawa at talento, tiyak na ikaw ay aasenso.
Lucky number: 14, 38, 48
Lucky color: beige, white
Pisces
(February 19 - March 20)
May mga taong hindi makatarungan na matapos mong tulungan ikaw ang aapakan. Sa pag iisip ng ikabubuti ng ibang tao, ikaw ang nawawalan. Matapos mong gawin ang tama ikaw pa ang palalabasing masama. Kaya bago tumulong sa iba, sarili na muna.
Lucky number: 15, 39, 46
Lucky color: yellow, red
HOROSCOPE FOR TODAY
July 10, 2023
Aries
(March 21 - April 19)
Patawarin ang sarili kung alam mong may nagawang hindi tama. Minsan may mga bagay na mahirap pagdesisyunan pero kailangan. Para sa kapakanan at kaligayahan, hindi maiiwasan na minsan may maapektuhan at masaktan. Pero andyan na yan, may mga bagay na nangyari na, ang magagawa mo lang ay mag move on at magpatawad.
Lucky color: violet, red
Lucky number: 8, 13, 14
Ta**us
(April 20 - May 20)
Hindi mo mapipigil ang mga tao sa gusto nilang paniwalaan. Mahirap ipaliwanag ang sarili lalo na kung alam mong hindi ka pakikinggan. Maging masama man ang tingin nila sa iyo dahil sa kagagawan ng iba, itrato mo pa din sila ng mabuti. Ipakita mo kung sino ka talaga at hayaan mong sila ang makapagpatunay na mali ang kanilang mga "akala".
Lucky color: yellow, blue
Lucky number: 27, 33, 41
Gemini
(May 20 - June 20)
Hanggat nananalig ka kay Lord maraming blessing ang darating. Huwag kalimutan tumawag sa Kanya dahil lagi syang andyan para dinggin ka. Hindi ka Nya pinaparusahan gamit ang mga problema, tinuturuan ka lang nya para maging matatag ka. May problema o wala ibigay ang buong tiwala habang kumikilos ng tama. Hindi ka Nya pababayaan hanggang Sya ang sentro ng iyong buhay.
Lucky color: black orange
Lucky number: 46, 49, 52
Cancer
(June 21 - July 22)
Sa pagsalo sa problema ng ibang tao, ikaw ang lumulubog. Nakakalimutan mo ang iyong sarili dahil mas inaalala mo ang iba. Ikaw ang naghahanap ng ibang paraan para hindi sila mabigatan. Bigyan din ng pahinga ang sarili sa mga problemang hindi naman talaga sa iyo. Mapapagod ka ng walang kunsuwelo kung lahat ng sakit ng ulo ay papasanin mo.
Lucky color: blue, green
Lucky number: 15, 31, 49
Leo
(July 23 - August 22)
Kung mahal mo ang isang tao makikinig ka sa mga bagay na ayaw nya sa iyo. Huwag maghinanakit kung sinasabi nya ang mga mali mo. Huwag mo syang kontratahin at ibato din sa kanya ang kanyang pagkakamali. Lalong gugulo kapag sumasabay ka sa init ng ulo. Hayaan mong lumamig ang sitwasyon tska mo sabihin ang iyong saloobin.
Lucky color: brown, gray
Lucky number: 36, 39, 48
Virgo
(August 23 - September 22)
Anumang ibinibigay sa iyo ay iyong pahalagahan. Hindi mo alam kung ano ang kanilang tiniis maibigay lang ang iyong gusto. Ipagpasalamat lahat ng natatanggap at bumawi kung meron kang maitutulong. Kailangan ng bigayan para hindi mawalan ng biyaya.
Lucky color: pink, green
Lucky number: 12, 19, 38
Libra
(September 23 - October 22)
Palayain ang taong gustong kumawala sa iyo. Baka parehas kayong magtagumpay kapag ginawa nyo ang mga bagay ng hindi magkasama. Huwag puro puso ang pakinggan, isipin din ang kinabukasan. Kung para kayo sa isa't isa pagtatagpuin pa din kayo ng pagkakataon.
Lucky color: blue, white
Lucky number: 18, 26, 38
Scorpio
(October 23 - November 21)
Mali ang iyong desisyon kaya naiipit ka sa sitwasyon. Huwag kang tumingin sa nagagawa ng iba dahil baka hindi iyon para sa iyo. Tingnan mo ang sarili at tingnan ang mga gawaing angkop sa iyo. Huwag ipilit ang hindi pwede at tanggapin lang kung ano ang kayang gawin.
Lucky color: red, orange
Lucky number: 18, 20, 33
Sagittarius
(November 22 - December 21)
Huwag maging mahina sa mga problema. Kung hindi mo sila gagawan ng paraan hindi ka nila iiwanan. Huwag mong isipin na hindi sila kayang labanan. Kaya mo silang ipagtabuyan para mawala ng tuluyan, ikaw lang minsan ang naduduwag kaya sarili ay napipigilan.
Lucky color: cream, aqua blue
Lucky number: 5, 23, 48
Capricorn
(December 22 - January 19)
Maliitin man ng iba ang iyong trabaho ipagpatuloy mo. Ito ang nagtatawid sa iyo sa gutom at hindi sila. Huwag makinig sa mga taong wala naman pakinabang sa iyong buhay. Gamitin ang lakas at gawin kung ano ang kaya para makaahon sa hirap. Lahat ay namamayagpag dahil sa sipag at tyaga. Maliit man ang tingin nila sa iyo ngayon, balang araw titingalain ka din nila.
Lucky color: light green, dark blue
Lucky number: 16, 18, 25
Aquarius
(January 20 - February 18)
Ipagyayabang sa iyo ng iba ang pera at yaman na hindi naman nila pinaghirapan. Hindi mo sila dapat kainggitan dahil iba pa din ang halaga ng mga bagay na iyong pinagpawisan. Meron nga silang materyal na bagay pero hindi sila ang nagsikap. Sila din ang mahihirapan kung maubos na ang lahat at wala ng mapagkunan.
Lucky color: gray, yellow
Lucky number: 3, 7, 11
Pisces
(February 19 - March 20)
Mahalin ang mga magulang. Kahit anong mangyari sila pa din ang nagbigay sa iyo ng buhay. Hindi biro ang kanilang isinakripisyo maigapang ka lang sa hirap. Huwag gawin dahilan ang tampuhan para sila ay talikuran at hindi pakinggan. Dahil sa pagmamahal at pag unawa, pinilit nilang takpan ang mga hinanakit sa iyo.
Lucky color: green, white
Lucky number: 11, 18, 28
HOROSCOPE FOR TODAY
July 5, 2023
Aries
(March 21 - April 19)
Ang mga taong nanakit sa iyo sa nakaraan ay huwag mo ng balikan. Para saan pa na sila ay pagbigyan kung hindi ka naman nila pahahalagahan. Tama na ang nangyari at matuto ka na sa pagkakamali. Mahalin mo muna ang sarili at huwag hayaang maapi.
Lucky number: 19, 34, 52
Lucky color: gray, yellow
Ta**us
(April 20 - May 20)
Ilabas mo ang saya kasama ang iba para makalimutan ang problema. Imbes na magmukmok ka, makihalubilo ka para malibang at sumigla. May mga taong laging andyan kapag ikaw ay may pinagdadaanan, minsan hindi mo lang sila napapansin dahil atensyon mo ay sa iba nakabaling. Pero sa oras na kailangan mo ng kausap, ang mga tunay na kaibigan ay laging nariyan lamang.
Lucky number: 16, 34, 45
Lucky color: gray,white
Gemini
(May 21 - June 20)
Pagsikapan mabuti ang mithiin at hindi ka nito bibiguin. Dadaan ka sa hirap pero hindi ibig sabihin ay hindi ka na uusad. Kaunting tiis lang at sakripisyo at mundo mo ay magbabago. Huwag kalimutan manalig at manampalataya dahil darating din ang oras na makakamit mo ang buhay na hinahangad.
Lucky number: 18, 34, 56
Lucky color: red, orange
Cancer
(June 21 - July 22)
Kung sino pa ang mga estranghero sila pa ang makaka appreciate sa nararating mo. Samantalang ang mga tunay na kadugo, imbes na matuwa may maririnig ka pang hindi tama. Kahit alam mong walang bilib sa iyo ang mga tao sa paligid, huwag kang magtampo. Pagbutihan mo pa lalo dahil lahat ng gagawin mo ay para din sa iyo.
Lucky number: 18, 34, 54
Lucky color: yellow, orange
Leo
(July 23 - August 22)
Sarili mo lang ang iyong kakampi kaya kahit anong mangyari huwag kang sumuko. Pilitin mong magpakatatag sa mga laban dahil lahat ng ito ay iyo din mapagtatagumpayan. Isipin mo ang iyong kinabukasan at huwag ang mga taong hadlang. Maraming sagabal sa buhay pero hindi dapat iyon ang iyong tingnan.
Lucky number: 19, 47, 51
Lucky color: pink, red
Virgo
(August 23 - September 22)
Maiksi lang ang buhay kaya huwag mo ng gawing kumplikado. Huwag mong sabayan ang gulo ng mundo kung kaya mo naman pasayahin ang bawat oras para sa iyo. Kahit minsan, sarili muna ang pasayahin. Pagod ka na sa ibang tao, pati ba sarili mo kakalimutan mo? Huwag mo itong pagdamutan at ibigay ang happiness na kailangan.
Lucky number: 11, 36, 45
Lucky color: orange, blue
Libra
(September 23 - October 22)
Mahihirapan kang gumalaw dahil may kakulangan sa pinansyal. Hindi ka makakilos ng tama dahil bawat aksyon may kasamang gastos. Hirap man ngayon ang sitwasyon, aayon din sa iyo ang panahon. Darating din sa iyo ang magandang pagkakataon at lahat ng bigat na iyong baon baon ay kusang maghihilom.
Lucky number: 36, 45, 53
Lucky color: violet, white
Scorpio
(October 23 - November 21)
Kung kaya mong gawin ang isang bagay huwag kang matakot. Lakasan mo lang ang loob at maging alisto sa buhay para hindi mapag iwanan. Huwag pabagal bagal para hindi mawala sa iyo ang mga oportunidad. Makipag unahan kung kailangan para hindi ikaw ang mawalan.
Lucky number:18, 32,16
Lucky color: brown, blue
Sagittarius
(November 22 - December 21)
Iwasan ang init ng ulo para hindi magkaroon ng pagtatalo. Kung kailangan ikaw na ang mag adjust ay gawin mo na lang. Huwag hayaang ingay ang mamayagpag sa loob ng tahanan dahil nakakabigat ito sa buhay. Ayusin ang relasyon para umayos din ang sitwasyon at mas tumatag ang pundasyon.
Lucky number: 6, 13, 14
Lucky color: pink, violet
Capricorn
(December 22 - January 19)
Tama na ang sobrang pag iisip sa mga bagay na hindi naman makakabuti. Huwag mong I toxic ang sarili dahil ikaw din ang aani. Maging mahinahon dahil aayos din ang sitwasyon. I pressure mo man ang sarili kung hindi pa panahon wala din mangyayari. Maghintay at magtiwala.
Lucky number: 27, 31, 55
Lucky color: beige, maroon
Aquarius
(January 20 - February 18)
Sikapin mong magkaroon ng sariling pera para hindi ka knkwenta. Wala kang maririnig sa iba kung lahat ng gastos mo ay galing sa sariling bulsa. Masarap kumilos ng hindi umaasa. Kung maiaayos mo ang iyong pamumuhay ay gawin mo ng mas maaga.
Lucky number: 39, 45, 53
Lucky color: blue, pink
Pisces
(February 19 - March 20)
Ang reyalidad ng buhay ay makikita mo lang sa labas. Doon ka mamumulat at matutong magsikap kapag sumabak ka na sa pakikipagsapalaran. Hindi sa lahat ng oras ay may magpprovide sa iyong pangangailangan. Ibigay mo ito sa sarili gamit ang lakas at kakayahan ng walang ibang inaasahan.
Lucky number: 23, 46, 50
Lucky color: blue, white
HOROSCOPE FOR TODAY
June 2, 2023
Aries
(March 21 - April 19)
Protektahan ang kapayapaan ng sarili at lumayo sa mga taong nagbibigay ng negative vibe sa iyo. Kung hindi mo sila iiwasan patuloy na maaapektuhan ang iyong buhay. Hindi lahat ng tao ay kailangan mong pakisamahan, kung hindi mo gusto, ikaw ang lumayo.
Lucky number: 17, 27, 39
Lucky color: black, gray
Ta**us
(April 20 - May 20)
Kailangan mo ng kaibigan na tutulungan ka sa lahat ng bagay. Iaangat ka kapag nadapa at ang pagkakamali mo ay hindi ipamamalita. Sa lahat ng pinagdadaanan dapat meron sa iyong umaalay. Minsan hindi mo naman maaasahan ang pamilya dahil baka makabigat ka pa sa kanilang problema. Lumapit ka sa taong pinakamalapit sa iyong puso at tiyak na makukuha mo ang pang unawa.
Lucky number: 18, 36, 44
Lucky color: pink, gray
Gemini
(May 20 - June 20)
Sumagot ng may respeto kahit sa mga taong kinaiinisan mo. Galit ka man sa kanila maging professional ka. Huwag mo silang tularan dahil hindi mo ikararangal ang pagiging mababaw tulad ng kanilang galaw. Ilagay mo pa din sa ayos ang sarili at huwag idaan sa init ng ulo ang p**t na nararamdaman mo.
Lucky number: 18, 23, 36
Lucky color: white, blue
Cancer
(June 21 - July 22)
Magsikap sa sariling paraan para wala kang sumbat na marinig. Mahirap humiram at makiusap lalo na kung sasabihin nila ay nakakapanliit. Kung ayaw mong sumama ang loob, tumayo ka sa sariling paa. Wala naman silang masasabi kung nakikita nila sa iyo ang pagpupursige.
Lucky number: 27, 36, 18
Lucky color: green, violet
Leo
(July 23 - August 22)
Mahihirapan ka sa trabaho kung wala ka sa focus. Kung hindi ka lumalago sa career mo, baka naman hindi ito ang talagang gusto mo? Hindi mag w work out ang isang bagay kung wala ito sa iyong puso. Kailangan alam mo ang iyong target at pinaghihirapan mo para ito ay ma achieved. Hindi darating ang isang magandang bagay kung hindi mo naman pinagbubutihan.
Lucky number: 16, 38, 44
Lucky color: red, brown
Virgo
(August 23 - September 22)
Huwag hayaang maapektuhan ang iyong decision dahil sa opinion ng ibang tao. Kaysa unahin mo sila, unahin mo muna ang iyong sarili. Wala naman silang magagawa kung ginusto mo at wala ka din mapapala kung makikinig ka sa kanila. Mas alam mo kung saan ka masaya at mas alam mo kung anong tama para sa iyo. Hindi ka naman nila tutulungan kahit sila ang iyong pakinggan. Sarili mo lang din ang iyong katuwang kaya pagbigyan mo ito sa kanyang kagustuhan.
Lucky number: 17, 39, 44
Lucky color: brown, orange
Libra
(September 23 - October 22)
Ipaparamdam sa iyo ng iba ang iyong kakulangan. Kahit nakikita nila na pinagsisikapan mo lahat hindi pa rin nila maunawaan. Akala nila ganoon lang kadali kapag sila ang humingi. Ikaw pa ang lumalabas na madamot kapag wala kang maibigay. Minsan hindi mo na alam saan lulugar, wala ka na ngang pagkukunan pinipilit ka pang magpa luwal.
Lucky number: 40, 32, 13
Lucky color: white, orange
Scorpio
(October 23 - November 21)
Ayos lang masaktan minsan para ma proseso mo ang iyong mga kamalian. Pero huwag mo itong gawin dahilan para sukuan ang ibang bagay na wala naman kinalaman sa pinagdadaanan. Harapin mo ang reyalidad at hayaan mo ang iyong sarili na ito ay malampasan. Sa bawat kalungkutan may mga aral kang matututunan para sarili ay pangalagaan.
Lucky number: 13, 19, 30
Lucky color: blue, pink
Sagittarius
(November 22 - December 21)
Minsan kung ano pa ang iyong iniiwasan iyon pa pala ang magiging susi para ka magtagumpay. Inuunahan ka lang ng kahinaan kaya madalas wala kang napapatunayan. Subukan mong palakasin ang iyong kalooban para harapin ang mga bagay na kinatatakutan. Makikita mo ang tunay na ikaw kapag nailabas mo ang tunay na potential.
Lucky number: 45, 32, 12
Lucky color: gray, violet
Capricorn
(December 22 - January 19)
Iwasan mag overthink, kung loaded ang isip mas nawawalan ng clarity. Isa isahin munang I proseso ang mga bagay at huwag pagsabay sabayin. Mas lalo kang m d drain kung kakainin ng mga problema ang oras at attention mo. I priority muna ang dapat unahin bago isunod ang iba pa.
Lucky number: 14, 16, 38
Lucky color: violet, maroon
Aquarius
(January 20 - February 18)
Maging tahimik sa sariling buhay para hindi ka basta pasukin ng ingay. Maraming taong maiintriga kapag wala silang masyadong alam tungkol sa iyo. Hindi ka nila mapapanghimasukan at lalong hindi ka nila mapapakialaman. Hayaan mong ikaw na lang ang nakakaalam sa nangyayari sa personal mong buhay. Mahirap magsalita sa iba at baka mawala pa ang iyong katahimikan.
Lucky number: 12, 16, 36
Lucky color: gray, blue
Pisces
(February 19 - March 20)
Kung ano ang sitwasyon mo ngayon ikaw ang nagdesisyon nyan. Wala kang dapat sisihin dahil ikaw ang may responsibilidad sa sarili, hindi naman yan mangyayari kung hindi mo ginusto. Bago ka gumawa ng aksyon tingnan mo muna ang posibleng resulta. Madali kang makakawala sa mga bagay kung tinitingnan mo ang pinakamainam na paraan.
Lucky number: 10, 16, 28
Lucky color: red, white
HOROSCOPE FOR TODAY
May 29, 2023
Aries
(March 21 - April 19)
Hindi mareresolved ang isang bagay kung iyong kinikimkim. Paano nila malalaman ang iyong damdamin kung hindi mo sasabihin? I release ang emotional baggage para maging light ang feeling. Maging bukas at totoo sa sarili para para mga bagay ay madali mong masabi.
Lucky number: 5, 18, 36
Lucky color: yellow, white
Ta**us
(April 20 - May 20)
Iwasan maging impulsive. Kahit galit, pag aralan kontrolin ang bibig. Bago umaksyon at magsalita, magpakalma ka muna. Ang pagiging padalos dalos ay magdadala sa iyo sa alanganing sitwasyon. Huwag mong biglain ang sarili sa mga gustong mangyari, baka imbes na mapabuti, ikaw lang ay magsisi.
Lucky number: 6, 18, 34
Lucky color: red, yellow
Gemini
(May 20 - June 20)
Magkakaroon ng progreso sa iyong mga plano, matatapos mo ito ng maayos kahit wala sa iyong sumusuporta. Dahil sa pagiging independent, madadala mo ng ayos ang sarili. Dahil sa iyong kakaibang strategy trabaho mo ay mapapadali.
Lucky number: 17, 39, 45
Lucky color: violet, green
Cancer
(June 21 - July 22)
Upang magkaroon ng monetary success, kailan mong mag tyaga, mag effort at magtiis. Walang bagay na madali at lahat ay nagkakamali, pero kung gusto mong I alter ang sitwasyon, gumawa ka ng tamang action. Mag gain ng knowledge mula sa iyong failure at gamitin mo itong weapon para maging maayos ang future.
Lucky number: 17, 35, 48
Lucky color: violet, pink
Leo
(July 23 - August 22)
Maging concern ka din sa sarili at bigyan ng konsiderasyon ang katawan. Kung alam mong ito ay nahihirapan, gawain ay huwag ng dagdagan. Lahat ay nakikipagsapalaran sa buhay pero matutong maghinay hinay. I organise ang buhay pero huwag isakripisyo ang kalusugan.
Lucky number: 16, 39, 43
Lucky color: white, brown
Virgo
(August 23 - September 22)
Lahat ng magagandang bagay ay asahan mong darating sa iyong buhay. Huwag kang masyadong mag aalala sa kasalukuyan dahil lilipas din iyan. Lahat ng iyong panalangin ay didinggin at lahat ng iyong hinanaing ay matatapos din.
Lucky number: 18, 33, 46
Lucky color: blue, pink
Libra
(September 23 - October 22)
Tanggalin ang negative thoughts dahil pahihirapan lamang nito ang iyong isipan. Isipin lamang ang mga magagandang bagay dahil mas dapat itong isabuhay. Labanan ang anumang hadlang para hindi ka nito pigilan. Kailangan mong maging matapang para hindi ka madaling maapektuhan.
Lucky number: 27, 37, 43
Lucky color: green, pink
Scorpio
(October 23 - November 21)
Kung hindi mo kaya ang isang bagay, humingi ka ng tulong. Sa gitna ng pinagdadaanan may mga taong handa kang damayan. Ibabalik ka nila sa kaliwanagan para mas makakilos ka ng magaan. Huwag mong solohin ang mga problema at hayaan mong magabayan ka ng mga kasama.
Lucky number: 27, 38, 45
Lucky color: pink, maroon
Sagittarius
(November 22 - December 21)
Makipag bonding sa iba para magkaroon ng ibang kakilala. Paminsan minsan kailangan pagbigyan ang sarili para hindi maboring. Makisalamuha sa iba at tiyak na may matututunan ka. Ang samahan ay hindi lamang para maging barkada kung hindi turuan at suportahan ang isa't Isa para mas matuto pa.
Lucky number: 17, 30, 42
Lucky color: violet, orange
Capricorn
(December 22 - January 19)
Mag ingat sa ibang tao dahil hindi lahat sila ay kakampi mo. Kahit masaya silang kasama, hindi mo masasabi kung hanggang kailan sila magiging tapat sa iyo. Minsan kung sino pa iyong kadikit ay sya pang handang magkanulo. Sarili lang ang pagkatiwalaan dahil hindi mo alam sino ang tunay na kalaban.
Lucky number: 18, 38, 40
Lucky color: black, blue
Aquarius
(January 20 - February 18)
Hindi lahat ng iyong naririnig ay kaya ng dibdib, hindi mo man ito gusto kailangan mong manahimik. Huwag ng makipaglaban sa mga bagay na walang katotohanan. Huwag mong pag aksayahan ng panahon at oras ang mga salitang gawa gawa lamang.
Lucky number: 35, 42, 20
Lucky color: pink, white
Pisces
(February 19 - March 20)
Isisisi sa iyo ng iba ang pagkakamali nila. Palalabasin nilang nasa iyo ang problema kahit sila ang may gawa. Minsan kahit wala kang kasalanan, ikaw ang nahuhusgahan. Anumang isipin nila, hayaan mo sila. Ganyan talaga ang buhay. Kung sino pa ang madungis ang sya pang nagmamalinis.
Lucky number: 15, 37, 40
Lucky color: red, gray
HOROSCOPE FOR TODAY
April 6, 2023
Aries
(March 21 - April 19)
Hindi na maibabalik ang dati kaya huwag mo ng isipin. Manghinayang ka man, hanggang doon na lang. Kaya mo pa naman gumawa ng happy memories at higitan ang dati. Patakbuhin ang isip sa kinabukasan at hindi sa nakaraan.
Lucky number: 6, 13, 24
Lucky color: blue, white
Ta**us
(April 20 - May 20)
Walang ibang sasaway sa iyo kung hindi yung mga taong tunay na may malasakit. Imbes na kagalitan, makinig ka sa kanila. Tanggapin ang kanilang sinasabi kahit masakit. Mas magandang mamulat sa katotohanan kaysa papaniwalain ka sa kasinungalingan.
Lucky number: 4, 11, 13
Lucky color: red, purple
Gemini
(May 20 - June 20)
Kung niloloko ka ng ibang tao, mas niloloko nila ang sarili nila. Kung sino yung mga mapanglamang sila yung laging nasa kagipitan. Maging mapagbigay kahit alam mong hindi sila patas. Kahit hindi ka mayaman, dahil sa iyong ginagawa mas magiging magaan ang iyong pamumuhay.
Lucky number: 10, 23, 42
Lucky color: green, violet
Cancer
(June 21 - July 22)
Hindi dahil lagi mong nakakasama ang isang tao ay magiging kampante ka na. Minsan kung sino pa ang iyong pinagkakatiwalaan ay sya pang mangunguna na ikaw ay siraan. Hindi lahat ng nasa harapan mo ay tunay dahil pagtalikod mo ay lumalabas ang kanilang mga sungay. Bigyan ng limitasyon ang pakikipag usap para hindi ka mapahamak.
Lucky number: 12, 17, 32
Lucky color: yellow, blue
Leo
(July 23 - August 22)
Akala ng iba wala kang problema kaya ikaw ang tinatakbuhan nila. Pero kahit alam mong may kakulangan ka sa sarili patuloy pa din ang pagtulong mo sa kapwa. Minsan ikaw ang sinisisi ng iba dahil sinasalo mo ang mga bagay na hindi mo naman dapat pinoproblema. Kahit alam mong may pinagdadanaan ka hindi mo matiis na nakikitang nahihirapan ang iba.
Lucky number: 6, 17, 34
Lucky color: blue, gray
Virgo
(August 23 - September 22)
Walang perpekto sa mundo kaya huwag mong sisihin ang sarili sa mga pagkakamali. May mga bagay talaga na hindi na maitatama at may mga bagay na kahit tama ay mali pa din sa paningin ng iba. Minsan hindi mo na alam kung saan ilulugar ang iyong sarili dahil lahat ng kilos mo ay napupuna. Doon ka na lang sa mga bagay na magpapasaya sa iyo at huwag ng intindihin ang sasabihin ng iba.
Lucky number: 13, 47, 52
Lucky color: yellow, white
Libra
(September 23 - October 22)
Maglakbay at hanapin ang kapalaran. Hindi magliliwanag ang iyong buhay kung nagtatago ka lang sa isang lugar. Kailangan pag aralan ang pakikisalamuha para masanay ka sa pakikipag usap. Kapag natutunan mong makibagay, kahit saan ka pumunta ay madali kang uunlad.
Lucky number: 17, 22, 43
Lucky color: red, blue
Scorpio
(October 23 - November 21)
Pilitin mong umahon para hindi ka makulong sa sitwasyon. Kung hindi mo ipagtanggol ang sarili lagi kang maapi. Buksan mo ang iyong mga mata at huwag hayaang maging kontrolado ng iba. Pakawalan mo ang sarili ang dahil may karapatan kang maging malaya.
Lucky number: 12, 15, 42
Lucky color: yellow, white
Sagittarius
(November 22 - December 21)
Paghandaan ang kinabukasan para kagipitan ay maiwasan. Kung hindi ka kikilos ngayon baka pagsisihan mo pagdating ng panahon. Hindi lahat ng tao ay iyong maaasahan, matulungan ka man nila sa maliit na paraan, mas malaki pa ang maririnig mong sumbat.
Lucky number: 14, 17, 29
Lucky color: red, blue
Capricorn
(December 22 - January 19)
Lahat ng iyong paghihirap ay mamumulaklak ng magandang bagay. Balang araw makikita mo ang sariling nakaupo sa tagumpay. Kaya huwag panghinaan ng loob dahil lahat ng effort mo ay hindi masasayang.
Lucky number: 18, 33, 36
Lucky color: blue, violet
Aquarius
(January 20 - February 18)
Timbangin lahat ng bagay bago gumawa ng desisyon. Siguraduhing patas ka sa lahat para walang sumama ang loob. Kung ano ang tama, iyon ang sundin. Kailangan makatwiran bawat galaw para wala kang pagsisihan.
Lucky number: 3, 16, 28
Lucky color: maroon, blue
Pisces
(February 19 - March 20)
Hindi lahat ng dumarating sa buhay ay permanente. Minsan kailangan mong masaktan para malaman kung ano talaga ang para sa iyo. Lahat ng nangyayari masama o mabuti ay kailangan mong tanggapin. Doon ka matututo at mare-realize mo na may mga bagay na talagang pansamantala lang.
Lucky number: 10, 41, 50
Lucky color: red, orange
HOROSCOPE FOR TODAY
April 5, 2023
Aries
(March 21 - April 19)
Hindi ka titigil hanggat hindi mo natatapos ang mga bagay na dapat gawin. Handa kang magsumikap kahit mahirap ang sitwasyon maipadama lang ang iyong emosyon sa pamamagitan ng aksyon. Dahil sa iyong dedikasyon lahat ng iyong intensyon ay matutupad, lalago ang lahat sa iyong buhay at magkakaroon ng ganap na pag unlad.
Lucky number: 17, 23, 34
Lucky color: yellow, red
Ta**us
(April 20 - May 20)
Magiging proud sa iyo ang mga tao dahil sa ipinapakita mong pakikitungo. Walang tapat na halaga ang kabutihan at respeto na ibinibigay mo kaya ganoon din sila sa iyo. Ang matatag na pundasyon mo sa pakikisama ay syang magdadala sa iyo sa next level. Hindi ka pababayaan ng mga taong iyong pinahalagahan dahil sila din ang iyong maaasahan sa oras ng pangangailangan.
Lucky number: 16, 23, 43
Lucky color: white, red
Gemini
(May 20 - June 20)
Hahamunin ka ng pagkakataon para lumabas ang iyong tunay na potensyal. Marami ka pang pagdadaanan bago mo masabi na bihasa ka na sa buhay. Isang katuwang ang iyong kailangan para malampasan lahat ng pagsubok. Piliin mo ang isang taong kaya kang sabayan sa lahat ng laban at hindi ka gagawing isang sandalan.
Lucky number: 2, 11, 34
Lucky color: black, green
Cancer
(June 21 - July 22)
Huwag masyadong maging sensitibo kung nagiging mahigpit sila sa iyo, para din iyon sa kapakanan mo kaya dapat mong maunawaan. Panatilihin ang paggalang at makinig sa mga patnubay. Iniiwas ka lang nila sa kapahamakan kaya iyong pakinggan.
Lucky number: 7, 15, 35
Lucky color: orange, pink
Leo
(July 23 - August 22)
Mag ingat sa mga taong matalino pero mapang abuso. Huwag kang magpabulag sa kanilang mga salita dahil baka ikaw din ang magsakripisyo. Iwasan mong makita nila ang iyong kahinaan dahil baka iyon ang maging tulay para mahulog ka sa kanilang mga kamay. Huwag maakit sa panlabas na anyo dahil baka kabaligtaran ito sa tunay na pagkatao.
Lucky number: 16, 22, 39
Lucky color: violet, pink
Virgo
(August 23 - September 22)
Huwag hayaang puso ang magdesisyon. Kailangan mo din gamitin ang talino para relasyon ay maging smooth. Hindi mo kailangan ibigay ang lahat dahil baka ikaw ang maubusan. Minsan hindi mo maiiwasan mawalan ng gana kung ginagawa mo na ang lahat pero hindi mo pa rin nararamdaman ang iyong halaga.
Lucky number: 18, 32, 46
Lucky color: white, orange
Libra
(September 23 - October 22)
Ikaw ang manguna sa paggawa ng desisyon at huwag ng maghintay pa ng iba. Dumiretso ka saan mo gustong magpunta at huwag maging sunud sunuran sa iba. Gamitin ang iyong kaalaman sa gusto mong larangan at doon mo ibuhos ang iyong husay. Kumilos ng mag isa para mas malayo ang marating.
Lucky number: 7, 12, 15
Lucky color: violet, green
Scorpio
(October 23 - November 21)
Hindi ka maingay at mayabang pero marami kang maiaambag sa sarili mong paraan. Mas gusto mong manindigan ng tahimik para payapa ang isip kaysa makigulo sa mga taong mahilig mag angat ng sariling bangko. Dahil sa pagiging pribado, nagmimistulang misteryo ang iyong pagkatao.
Lucky number: 16, 29, 34
Lucky color: blue, red
Sagittarius
(November 22 - December 21)
Asahan ang isang magandang balitang parating. Ito ang magbubukas ng maraming pintuan para makita mo ang ibat ibang oportunidad. Magkakaroon ka ng positibong hakbang na mag aayos sa iyong pinansyal. Huwag kang tumanggi sa anumang alok, pag aralan mong mabuti para matutunan tsaka mo tutukan.
Lucky number: 10, 18, 25
Lucky color: violet, green
Capricorn
(December 22 - January 19)
Madalas ikaw ang umiiwas para hindi ka makasakit sa damdamin ng iba. Pero pagdating sa iyo hindi sila nababahala kahit ano pa ang iyong nadarama. Pagmamahal ang iyong binibigay kahit alam mong hindi nila ito masusuklian. May posibilidad na ikaw ay mamanipula kung pagmamahal ang maging kahinaan.
Lucky number: 17, 29, 39
Lucky color: violet, orange
Aquarius
(January 20 - February 18)
Matatamo mo ang kasaganaan dahil sa sariling pagsisikap. Makikita mo ang sarili na tinatamasa ang magagandang bagay na iyong pinaghirapan. Hindi ka magsisisi sa iyong pinagdaanan dahil iyon ang nagsilbing daan para anihin mo ang benipisyo ng iyong pagsasakripisyo.
Lucky number: 17, 38, 46
Lucky color: yellow, pink
Pisces
(February 19 - March 20)
Maraming kasiyahan at kagalakan ang parating sa iyong buhay. Dahil sa iyong personal na hakbang para maisakatuparan ang lahat hindi ka mabibigo. Mas mamumulaklak ang iyong buhay dahil sa mga pagpapalang naghihintay.
Lucky number: 12, 40, 37
Lucky color: maroon, orange
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Website
Address
Taguig
Skinsmart @St. Luke's Global City Medical Arts Rm. 316
Taguig, 1636
Now offering Teledermatology appointments.
Unit 1506, 15th Floor, Capital House Building 34th St Cor 9th Avenue
Taguig, 1630
Always with you from start to healing.
St. Luke's Medical Center Global City MAB 217, Rizal Drive Corner 5th Avenue And 32nd Street, Bonifacio Global City
Taguig, 1634
Your vision is our mission. +639178442020 +639989982020 +63288282020 [email protected] Eye.com.ph/book
Bayani Road, Fort Bonifacio
Taguig, 1630
𝐓𝐚𝐠𝐮𝐢𝐠 𝐇𝐞𝐫𝐢𝐭𝐚𝐠𝐞 𝐏𝐚𝐫𝐤 is providing world-class mortuary services and Memorial Lots
208 M. L Quezon Street Hagonoy
Taguig, 1634
Introducing Japan Formulated Kirei Glutathione with Vitamin C, Vitamin E and Collagen for effectively whiter and flawless complexion for Asian. Made in Taiwan and FDA approved.
Unit 221 Soho Tower, Avida Cityflex, 7th Avenue Corner Lane T, North Bonifacio, BGC
Taguig, 1630
Movement Experts who treat people of all ages and abilities. MOVE PT's promise is to help you functi
Lot 1 Blk 242 Friendship Street Zone 6, South Signal Village, Taguig City
Taguig, 1633
Our mission is to help people by making quality eye care and eye wear more affordable and accessible
2F Pretty Huge Multi-Sports & Performance Training Facility, Unit 266, Civic Center Tower, Mckinley Parkway
Taguig, 1637
⚡️ Elevating Movement ⚡️ Visit us from 8am - 8pm (Mon - Sat)
Clipp Center, 11th Avenue Cor. 39th St
Taguig, 1634
LABx Asia aims to provide people with affordable, accessible, and accurate state-of-the-art diagnost