Deenul ISLAM Jami’atul Da’wah

Deenul ISLAM Jami’atul Da’wah

LAYUNIN PO NG GROUP OR SAMAHANG ITO NA MAGBAHAGI NG MGA KAALAMAN SA DEENUL ISLAM, AYON SA BANAL NA QUR’AN AT SUNNAH NG PROPETA MUHAMMAD S.A.W.

AT KAMI DIN PO AY TUTUGON SA INYONG MGA KATANUNGAN PATUNGKOL SA QUR’AN AT HADITH INAANYAYAHIN PO NAMIN KAYO NA MAGING BAHAGI NG SAMAHANG ITO.. SA PAMAMAGITAN PAG-TATAGUYOD NG MGA KAAYA-AYANG GAWAIN PARA SA ALLAH.. SAMA-SAMA NATING TUKLASIN ANG MGA BAGAY BAGAY NA KALUGOD LUGOD PARA SA ALLAH, AT ATING IPANGARAL SA ABOT NG ATING MAKAKAYA..

24/08/2024
Photos from Bangsamoro Qur'anic Media's post 22/08/2024
22/08/2024

Itangka nenka su ginawa nenka kanu mga Tao a.

✅ Penggamiten ka nin bu.
✅ Bagakalan ka nin bu.
✅ Manot i kailay nin salka.
✅ Da adat nin salka.

15/07/2024

FASTING
tayo bukas
INSHA ALLAH
☝🏻

12/07/2024

Pidtalu nu Rasulullah saw

Dala den labi nandu lemawan i kapia nin a peb puasan kanu langun nu mga ulanulan i ulanulan nu Muharram, uliyan nu ulanulan nu Ramadan..

07/06/2024

Rabbanaghfirli, Wali walidayya, walil Mu'mineena yawma yaquomul hisaab.... Ameen..🤲🏻

06/05/2024
05/05/2024

Sinabi ni Propeta Muhammad SAW.
Lahat ng nagawa natin na mga Kasalanan ay pinapatawad ng Allah.
Maliban na lang kung patuloy mo itong ipagsasabi sa iba
=Bukhari=

05/05/2024

Sinuman ang nananaliksik ng kaalaman para lang makipagtalo at magpakitang gilas
upang makuha ang atensyon ng mga Tao ay Mapupunta sa Apoy ng Impiyerno
=Ibn Majah=

11/04/2024

Su kab puasa sa 6days na shawwal na mana ka mibpuasa sa ludep na salagun, Gapakay apia dekena den sunod sunod i kabpuasa lon.
Uged na o aden lebat nenka kanu Ramadhan na nasisita Sambiyan into ba muna bago ta Sunnah.

09/04/2024

Para sa lahat nang mga Kapatid nating Muslim sa buong Mundo.. EID MUBARRAK🙏..

Naway Tanggapin ni Allah ang lahat ng ating mga mabubuting gawa sa buwan ng Ramadhan na ito, at patawarin nawa tayo sa ating mga pagkukulang at pagkakasalah…

Alagaan po natin ang ating mga nagawang kabutihan sa buwan ng Ramadhan na ito, na mananatiling banal, upang hindi masayang ang ating mga pag aayuno, pagpupuyat sa gabi..
sapagkat hindi natin alam kung maaabot pa natin ang susunod na buwan ng Ramadhan..
AMEEN…

04/04/2024

BIYAYA SA PAGSASALO TUWING KAKAIN NG SUHOOR

Naiulat ni Anas bin Malik R.A..
Ang Propeta Muhammad S.A.W.. ay nagsabi..

Magsalo-salo kayo sa pagkain ng Suhoor…
Sapagkat katotohanan ay mayroon pagpapala at biyaya sa pagsasalo-salo ng Suhoor..
=BUKHARI=
=MUSLIM=
=TIRMIDHI=

Naiulat ni ‘Abu Said Al-khudri R.A..
Ang propeta Muhammad S.A.W.. ay nagsabi..

Ang pagkain ng suhoor ay isang Pagkain ng pagpapala at Biyaya, kaya huwag itong kaligtaan at iwanan, kahit na uminom lamang kayo ng isang tubig, Sapagkat sa mga sandaling ito, ay ipinapadala ng Allah, Pababa ang kanyang Awa at Habag.. at ang kanyang mga Anghel (Malaikah) ay humihingi ng kapatawaran sa Allah, para sa mga taong kumakain ng suhoor..
=MUSNAD AHMAD BIN HANBAL=
=AL-JAAMI’=

JAZAKALLAHU KHAIRAN...
= 1 Sadaqah
= 1 Sadaqah
= 1 Sadaqah
Like's & Follow our Page's
https://www.facebook.com/Deenul-ISLAM-Jamiatul-Dawah-102849331561857/

04/04/2024

ILANG MAGAGANDANG GAWAIN SA EID UL FIT’R

Ang Eid-ul-Fitr ay isang pagpapala ng Allah na Makapangyarihan sa lahat, tulad sa pagdiriwang ng Eid ay may kahalagahan din sa iba pang mga larangan ng Pamumuhay, lalo na sa pananaw sa Pagsasama-sama.

Ang Eid ul Fit’r ay ang pagkatapos ng Ramadhan na isa sa pinakahihintay na mga kaganapan sa Islam, mula sa buong mundo na gumawa ng mga espesyal na paghahanda para sa araw na ito, dahil ito ay isang araw ng pagpapa-abot at pag-babahagi ng kagalakan at kaligayahan.

Ang pagdiriwang ng Eid ay darating bilang isang gantimpala para sa mga Muslim na kung saan naghahanda ng mga espesyal na pagkain, Kasuotan at masayang pagdiriwang..

Ang Eid-ul-Fitr bilang isang pagpapala at ang mga pangunahing tungkulin at obligasyon na dapat gampanan at isagawa ng isang Muslim kaugnay sa Eid-ul-Fitr.

Si Propeta Muhammad S.A.W..
ay dumating sa Madinah, at ang mga tao ay mayroong dalawang araw kung saan dati nilang kinagigiliwan at nililibang ang kanilang mga sarili..
Tinanong niya ang mga tao..
"Ano ang dalawang araw na ito?"
At sila ay nagsabi na..
"Ginagawa namin na libangin ang aming mga sarili at nagpapakasaya sa dalawang araw na ito noong panahon ng Kamangmangan (jahiliyyah).

Ang Rasulullah S.A.W.. ay nagsabi..
“Ang Allah ay pinalitan para sa iyo ng isang bagay na mas mahusay kaysa sa dalawang na iyan..
ang Eid ul Adha (sakripisyo) at ang Eid ul Fit’r (pamimigay ng kawanggawa at pagpapatawad)..
=SUNAN ABU DAWOOD=

Bagama’t ang Eid-ul-Fitr ay isang Pagdiriwang ng kasiyahan at kaligayahan ay gayunpaman, ang kasiyahan at kaligayahan na ito ay mayroon din mga hangganan at limitasyon na kung saan ang mga pagdiriwang ay mayroon din mga ilang pagbabawal sa paraan ng mga tungkulin at obligasyon…

Ang mga tungkulin at obligasyong ito ay nagmula sa kaparaanan na isinabuhay ng Propeta Muhammad S.A.W.. at mga bagay na nakaugalian niyang ginagawa sa tuwing sasapit ang araw ng Eid…

Ang unang pangunahing obligasyong na nauugnay sa Eid-ul-Fitr ay ang pag-aalay ng pagdarasal para sa Eid. Ang pagdiriwang ng paghahanda ng Eid ay hindi nangangahulugang sa araw na iyon ang isang Muslim ay maaaring kalimutan si Allah at magpakasawa sa purong kasiyahan at magpakaligaya…

Sa halip, ang pagdarasal para kay Allah sa araw ng Eid ay nangangahulugang naiintindihan at napagtanto ng isang Muslim ang katotohanan na ang lahat ng kasiyahan at kaligayahan sa kanyang buhay ay isang pagpapala ng Allah na kailangan niyang magpasalamat para dito..

Sinabi ni Hazrat Jabir bin Samurah R.A..
tungkol sa paraan ng pag-aalay ng pagdarasal ng Eid ni Propeta Muhammad S.A.W..

Nag alay kami ng Pagdarasal kasama nang Rasulullah S.A.W.. Nang dalawang pagdarasal ng Eid nang higit sa isang beses o dalawang beses, nang walang pagsasagawa ng Adhan o Iqamah..
=SAHIH MUSLIM=

Para sa ating mga Muslim ang Sunnah ng Propeta Muhammad S.A.W.. ay ang pinakamahusay na halimbawa at bawat isa ay nararapat na isabuhay at gayahin Siya hangga't maaari… Nauukol sa Eid-ul-Fitr, bukod sa pagdarasal ng Eid at Sadqah Fitr, ay mayroon pang ibang mga bahagi ng Sunnah ng Propeta Muhammad S.A.W..

1. Sunnah ay paggising ng maaga sa umaga sa Araw ng Eid ul Fit’r..

2. Sunnah ang paghahanda ng isang maganda at malinis na damit at pagpapa bango (para sa lalaki) para sa pagpunta sa pagdarasal ng Eid.

3. Sunnah ang Kumain ng Tam’r o anuman pagkain bago pumunta para sa pagdarasal ng Eid.

“Si Propeta Muhammad S.A.W..
ay hindi pumunta (sa lugar ng pagdarasalan) sa umaga sa mga araw ng Eid, hanggang hindi siya kumain ng Tam’r..
=SAHIH BUKHARI=

“Si Propeta Muhammad S.A.W..
ay hindi lumabas ng bahay sa araw ng Eid-ul-Fitr hanggang sa hindi siya makakain ng anumang pagkain sa araw ng Eid hanggang sa siya ay magsagawa ng pagdarasal”
=TIRMIDHI=

4. Ang pag-aalay ng pagdarasal ng Eid-ul-Fitr nang sabay sabay o magkakasama.. maliban kung mayroon anumang mga kakila-kilabot na pangyayari..

5. Kapag pupunta ka sa Pagdarasal ng Eid ay, huwag ng dumaan sa dinaanan at sa kabila na dumaan pag-balik sa bahay.

“Sa araw ng Eid ang Propeta Muhammad S.A.W..
ay bumalik sa bahay sa pamamagitan ng ibang daan, mula sa kanyang tinahak na daanan pag-labas”
=SAHIH BUKHARI=

JAZAKALLAHU KHAIRAN...
= 1 Sadaqah
= 1 Sadaqah
= 1 Sadaqah
Like's & Follow our Page's
https://www.facebook.com/Deenul-ISLAM-Jamiatul-Dawah-102849331561857/

04/04/2024

SIKAPIN NATIN NA MAGING BAHAGI SA MGA HULING GABI NG RAMADHAN

Isa sa mga pinakamaganda at pinakamainam na bahagi sa Buwan ng Ramadan ay ang pagdalo sa mga pagdarasal sa gabi ng taraweeh at tahajjud..
ito ay isinasagawa sa buong buwan…

Dito ay nararamdaman ng isang tao na siya ay kabahagi ng pinagpalang buwan ng Ramadhan..
at ang mga huling araw ng Ramadhan ay isang pagkakataon upang lubus nating maramdaman ang diwa ng buwan ng Ramadhan.. Katulad ng pagpapadami ng mga sunnatul Naf’l, pagbabasa ng banal na Quran, pagdhi-dhik’r, pag Alala sa Allah, bilang pagsasabuhay sa mga sunnah ng Propeta Muhammad S.A.W..

kung tayo ay hindi masyado nakakadalo o hindi nakadalo ng mga pagdarasal sa Gabi (taraweeh) ay samantalahin natin ang pagkakataon na maging bahagi ng mga pagdarasal sa gabi sa mga huling Araw ng Ramadhan, upang maging bahagi tayo ng huling mga araw ng Dakilang buwan ng Ramadhan, sapagkat sa mga huling Gabi na ito ay dito ang isang Gabi na Pinagpala, ang gabi ng kapasiyahan (Lailatul Qad’r).

Isang gabi na kung ating masumpungan ang isang Gabi ng Kapasiyahan na ito.. sa sandaling tayo ay nagdarasal ay, higit pa sa nagdasal tayo ng isang libong taon, ang katumbas ng pagdarasal natin na iyon, or anumang kabutihan na ating ginagawa sa sandaling iyon..

Ang Dakilang Allahu S.W.T.. ay nagsabi sa..
Qur’an Surah Al-Qad’r aayah 1-5..

1. Katotohanan, Aming ibinaba o ipinahayag ito ang maluwalhating Qur’an sa gabi ng kapasiyahan.

2. At ano ba ang makapagpapaliwanag sa iyo kung ano ang gabi ng kapasiyahan..

3. Ang gabi ng kapasiyahan ay higit na mabuti kaysa sa isang libong mga buwan.

4. Dito sa gabing ito ay bumababa ang mga anghel at ang Banal na Espiritu sa kapahintulutan ng kanilang Panginoon (Allah) para sa lahat ng bagay na napagpasiyahan..

5. Mayroon kapayapaan sa gabing ito hanggang sa pagsapit ng bukang- liwayway.

sa gabing iyon ay ang lahat ng mga bagay na napagpasyahan na mangyayari, ang mga kapalaran ng kabuhayan, kamatayan at lahat ng magaganap sa buong taon na iyon hanggang sa susunod na Ramadhan ay ibinababa ng mga Anghel sa Gabing iyon.. kaya’t sikapin natin na maging bahagi tayo ng pagdarasal ng Gabi sa mga huling sampung Araw ng Ramadhan..

Matatagpuan itong Gabi ng Kapasiyahan (Lailatul Qad’r) sa mga gabi ng huling sampung Araw ng Ramadhan, mula sa mga Gansal o butal na mga bilang..

Naiulat ni ibn ‘Abbas R.A..
Sinabi ni Propeta Muhammad S.A.W..
Hanapin ang Gabi ng kapasiyahan (Lailatul Qad’r)..
Sa mga gabi ng huling sampung Araw ng Ramadhan..
Maaaring ito ay sa Siyam (9) na lamang ang natitira, Pito (7) na lamang ang natitira, Lima (5) na lamang ang natitira, Tatlo (3) na lamang ang natitira o Isa (1) na lamang ang natitira..
=SAHIH BUKHARI=

Naiulat ni Abu Hurairah R.A..
Sinabi ng Propeta Muhammad S.A.W..
Ang Allahu S.W.T.. na mapagpala, ang Kataas-taasan, ay bumababa tuwing gabi sa pinakamalapit na bahagi ng Langit sa atin, sa huling ikatlong bahagi ng gabi siya ay mananatili at Magsasabi nang..
Mayroon ba sa aking mga Alipin ang humihiling sa Akin, upang tumugon ako sa kanilang kahilingan? Mayroon bang Humihiling sa Akin? upang maibigay ko sa kanya ang kanyang hinihiling? Mayroon bang humihingi ng Aking kapatawaran, upang siya ay aking mapatawad..
=SAHIH BUKHARI=
=SAHIH MUSLIM=

(Ang tinukoy sa hadith na ito na pagbaba ng Allah sa pinakamamabang bahagi ng Langit ay ang kanyang Habag at Awa)

Bilang paniniwala sa kaisahan at kadakilaan ng Allahu S.W.T.. ay maaari din natin gamitin ang mga pagitan ng pagdarasal upang mag-alay ng ating buong pusong Panalangin..

Si Propeta Muhammad S.A.W.. ay nagsabi..
Sinuman ang mag-alay ng pagdarasal sa gabi sa mga panahon na ito (buwan ng Ramadhan) na may buong pananampalataya at naghahangad ng gantimpala mula sa Allah, ay ang kanyang mga nakalipas na kasalanan ay patatawarin ng Allah..
=SAHIH BUKHARI=
=SAHIH MUSLIM=

PAG-SASAGAWA NG ITIKAF

Si Aisha R.A.. ay nag-ulat..
ang pinakamamahal na asawa ng Propeta Muhammad S.A.W..
Sinabi niya na si Propeta Muhammad S.A.W..
ay laging nagsasagawa ng Itikaf sa mga huling gabi ng Ramadhan at nagsabi na, Hanapin niyo ang Laitul Qadr sa mga huling sampung gabi ng buwan ng Ramadhan…

Ang Itikaf ay isang uri ng pag-iisa, na kung saan ang isang tao ay mananatili sa Masjid o isang lugar na tahimik na walang nakaka gambala sa kanya, upang ilaan ang kanyang mga oras sa pag-alaala sa Allah, tulad ng pagdhi-dhik’r, pagbabasa ng Qur’an, at ng mga kaalaman tungkol sa islam, mga sunnah ng Propeta Muhammad S.A.W at pakikinig ng mga pangaral tungkol sa kahalagahan ng Islam..
maliban na lamang na aalis siya kung kinakailangan,, gaya ng pagpunta sa palikuran..

Isa sa mga kinikilalang Pantas ng Islam na si Ibnul Qayyim ay ipinaliwanag ang mas mataas na hangarin ng itikaf… Siya (ang tao na nag Itikaf) ay ang kaisipan ay nau-ukol sa pag-alala sa Allah, at pag-iisip kung paano makakamit ang kaluguran ng Allah upang maging daan na mapalapit siya sa Allahu S.W.T.. ito ay magdadala sa kanya sa pagka kuntento sa pag-alala sa Allah kaysa sa mga tao..

JAZAKALLAHU KHAIRAN...
= 1 Sadaqah
= 1 Sadaqah
= 1 Sadaqah
Like's & Follow our Page's
https://www.facebook.com/Deenul-ISLAM-Jamiatul-Dawah-102849331561857/

04/04/2024

GANTIMPALA SA PAGLALAGAY NG TUBIG SA LAMESA PARA SA MGA NAG AAYUNO

Maaari tayong Makakuha ng gantimpala na katulad sa Gantimpala ng isang taong Nag-aayuno sa pamamagitan lamang ng paglalagay ng pagkain at tubig sa Lamesa, hapag kainan o pagtulong natin maghanda ng ilan mga pagkain para sa Iftar ng mga Taong Nag-aayuno..

Sinabi ng isa sa mga kasamahan ng
Propeta Muhammad S.A.W..
Yaa Rasulullah, hindi lahat sa atin ay nagtataglay ng (pagkain) ibig sabihin nito kung saan maaari nating ibigay ang iftar sa isang taong nag-aayuno..

Ang Rasulullah S.A.W ay nagsabi nang..
ipinagkakaloob ng Allah ang gantimpala ng (pag-aayuno) na ito sa isang taong nagbibigay sa isang tao na nag-aayuno upang ganap na matapos ang kanyang pag-aayuno ng isang datiles (tam’r) o pag-inom ng tubig o nang kahit isang higop lamang ng gatas..
=IBN KHUZAIMAH=

Sinabi ni Propeta Muhammad S.A.W..
at sinuman ang nagbigay sa buwan ng Ramadhan, para sa isang tao na nag-aayuno, nang tubig upang kanya itong inumin..
Ay si Allah ay magbibigay sa sinumang Tao na nagbigay ng inumin ng isang nag aayuno, mula sa kanyang Bukal na tubig, na tulad ng isang uri ng inumin na kung saan, pagkatapos mainom ng isang tao ang tubig na iyon ay hindi na siya muling makakaramdam ng pagka-uhaw, sa araw ng paghuhukom, hanggang sa siya ay ganap na makapasok sa Paraiso...
=IBN KHUZAIMAH=

Sinabi ni Propeta Muhammad S.A.W..
Siya na nagbibigay ng iftar sa ibang taong nag-aayuno ay makakakuha ng gantimpala na katumbas sa Gantimpala ng isang taong nag-aayuno nang hindi Nababawas sa gantimpala ng Taong binigyan niya ng pang iftar.
=AN-NASA’I=
=TIRMIDHI=

JAZAKALLAHU KHAIRAN...
= 1 Sadaqah
= 1 Sadaqah
= 1 Sadaqah
Like's & Follow our Page's
https://www.facebook.com/Deenul-ISLAM-Jamiatul-Dawah-102849331561857/

04/04/2024

MGA SUNNAH SA ARAW NG EID ‘UL-FITR

Mayroon ilang mga Mabuting gawain o Sunnah na dapat nating isagawa sa araw mismo ng Eid ‘ul-Fitr tulad ng mga Sumusunod.

1. Bigkasin ng Paulit ulit ang Takbir, mula pagkatapos ng Saltul Faj’r hanggang sa dumating ang imam para sa pagdarasal.
“Allahu Akbar, Allahu Akbar.
La Ilaaha Illallahu Wallahu Akbar.
Allahu Akbar wa Lillahil Hamd”

2. Siguraduhin na nakapagbigay na ng Zakat ‘ul-Fitr bago isagawa ang Salatul Eid (pagdarasal).

3. Magsuot ng pinakamahusay at malinis na kasuotan na damit na naaayon sa iyong kakayahan bilhin o anumang mayroon sa iyo, na makatwiran at mahinhin.

4. Maligo ng maaga at maglinis ng maayos at angkop sa lahat ng bahagi ng katawan..

5. Ang pagpunta ng Maaga sa lugar kung saan pinaka malapit na pagdaraosan ng Pagdarasal o Masjid.

6. Ang pgbati sa lahat o sinuman na inyong maka salubong na may kagalakan ng Eid at ipakita ang tunay na mga palatandaan ng pagkakapatiran ng Islam sa pamamagitan ng pakikipagkamay, pagyakapan at pagsambit ng ”TAQABALLAHU MINNA WA MINKUM”

7. Ang pag bisita o pag punta sa mga kapit bahay o nang iyong mga kamag-anak, upang maghatid ng mga pagkain handog.

8. Mamigay sa mga mahihirap, matatanda, ulila ng kawanggawa sa abot nang iyong makakaya, upang maging bahagi sila ng diwa eid ’ul-fitr.

9. Magparami ng istighfar (paghingi ng kapatawaran sa Allah) at manalangin na tanggapin ng Allah ang ating pag-aayuno, panalangin at debosyon, at nawa'y bigyan Niya ang Ummah ng kaluwalhatian at tagumpay.

Ang Propeta Muhammad S.A.W.. ay nagsabi..
Mayroon limang gabi kung saan ang ating mga du'a (panalangin) ay hindi tinatanggihan ng Allah..
Una ay ang unang gabi sa buwan ng Rajab.
Ikalawa ay ang ikalabing lima ng gabi ng Sha`ban.
Ikatlo ay tuwing gabi sa araw ng Huwebes.
Ikaapat ay ang Gabi bago eid ‘ul-fitr at ang gabi bago ang eid ‘ul-adha (al-nah’r).
Ikalima ay ang gabi ng kapasiyahan (Lailatul Qad’r).

SUKRAN🙏🙏🙏

JAZAKALLAHU KHAIRAN...
= 1 Sadaqah
= 1 Sadaqah
= 1 Sadaqah
Like's & Follow our Page's
https://www.facebook.com/Deenul-ISLAM-Jamiatul-Dawah-102849331561857/

19/03/2024

KAWAGAN NU ZULED A DILI MAGAYUN😢

08/03/2024
02/03/2024

Inshaa Allah💖💖💖

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Taguig?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

ANG TATLONG URI NG MGA TAONG KAHANGA-HANGA SA ARAW NG MULING PAGKA BUHAY
KAWAGAN NU ZULED A DILI MAGAYUN😢
Mapiya ged i susuled a Kakalimowa
Masjidil Nabawi - Madinatul Monawara.After mag salah, ng Salatul Faj’r.
Sinabi ni Propeta Muhammad saw. “Ang isang panalangin (salah) sa aking masjid (Masjidil Nabawi) ay higit na mainam sa is...
World Champion, from Philippines..Al-Qari Nu’man Pimbayabaya.Reading Qur’an for…Opening Ceremony for the..CHIEF MINISTER...

Telephone

Address


Road 16 MCC Village
Taguig
1632
Other Taguig non profit organizations (show all)
Real LIFE Foundation Real LIFE Foundation
32nd Street Corner University Parkway, Bonifacio Global City
Taguig, 1634

Real LIFE Foundation is a Philippine nongovernmental organization that exists to honor God by serving and empowering the underprivileged youth of the Philippines through educationa...

Mga Batang Dekada Nobenta Mga Batang Dekada Nobenta
Taguig

Laking Dekada Nobenta ka ba? Sariwain natin ang mga alaala! http://no-benta.blogspot.com

JCI Global CT JCI Global CT
Bonifacio Global City (Fort Bonifacio)
Taguig

Active GLOBAL Citizens: Think Global. Go GLOBAL. For membership (ages 18-40), please visit our website @ www.jciglobalct.cc

British Council Philippines British Council Philippines
7th Floor The Curve, 32nd Street Corner 3rd Avenue
Taguig, 1635

We support peace and prosperity by building connections, understanding and trust between people in the UK and countries worldwide. Terms of use: https://www.britishcouncil.ph/priv...

Kabalikat sa Makabuluhang Pagbabago (KMP) PUP Taguig Kabalikat sa Makabuluhang Pagbabago (KMP) PUP Taguig
General Santos Avenue
Taguig

The official page of Kabalikat sa Makabuluhang Pagbabago - the first and only non-affiliated student party list organization of PUP-Taguig since 1995.

Philippine Green Building Council Philippine Green Building Council
Unit G-4B, One/NEO, 26th Street Corner 3rd Avenue
Taguig, 1634

Be part of the transformation, and join the largest and greenest building initiative in the Philippines.

S.A.F S.A.F
TAGUIG
Taguig, 1630

Helping Hands- Taguig City Helping Hands- Taguig City
Taguig

A community of parents who understand the joys and struggles of raising children with special needs.

Padayon Paglaom Padayon Paglaom
Bonifacio Global City
Taguig, 1634

PADAYON PAGLAOM is a non-profit organization that promotes public service and bayanihan. This aims to provide at least basic needs of people from far-flung areas most especially th...

Vista De Lago Taguig Community Vista De Lago Taguig Community
Bagong Calsada Street
Taguig, 1632

This page is exclusive for Vista De Lago Condominiums Taguig residents only. This is to promote communication to and from the residents, the property management and the board of di...

Seaman Wife Adviser Seaman Wife Adviser
Taguig

I'm a seawoman, who worked with a lot of Seaman. And could give you answer to your question in relevance to seaman/seaman life onboard

APP - Reinforcement Unit - Taguig Chapter APP - Reinforcement Unit - Taguig Chapter
Taguig

non government organization pnp force multiplier