BULSU Student Government
Nearby schools & colleges
3000
3000
3000
Bulacan State University
Bulacan State University
Roxas Hall. Bulacan State University
3000
3000
Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from BULSU Student Government, College & University, Malolos.
[ON-SITE CLASSES ARE SUSPENDED]
Bulacan State University released an Office Memorandum no. 153 s. 2024
"In accordance with the recent announcement from the Local Government Units in the Province of Bulacan, all ONSITE CLASSES are still SUSPENDED in the University tomorrow, September 5, 2024. Meanwhile, shifting to ONLINE MODALITY is HIGHLY ENCOURAGED.
Moreover, all faculty members in Vacation and Sick Leave (VSL) status as well as the non-academic personnel shall physically report for work. The google form link to record the attendance of the non-VSL and part-time faculty members would be provided by the HRMO."
Please take note that attending online classes are not required especially if you are still suffering from the tropical cyclone
Stay safe, BulSUANS!
[SUSPENSION OF CLASSES. September 04, 2024]
Bulacan State University released an OFFICE MEMORANDUM No.152 s. 2024
Subject: Suspension of Classes and Skeletal Work Schedule
Please be informed that onsite classes in the university including the satellite campuses are still suspended today, September 4, 2024. This is due to the ongoing and forecasted rainfall caused by Southwest Monsoon as strengthened by the Typhoon Enteng. This is also in reference with the recent announcements posted by the Local Government Units in the province.
Meanwhile, heads of offices are instructed to facilitate the skeletal work schedule of the employees in their respective units to make sure that the operations of the university will not be hampered. This shall be done with utmost consideration relative to the weather condition, road accessibility, and other concerns. A google link to record the attendance of the employees will be sent by the Human Resource Management Office once it is finalized.
Stay safe, BulSUANS!
[PANAWAGAN NG KONSEHO NG MAG-AARAL]
SUSPEND THE CLASSES!
Prioritize safety of students and let them recover!
Ilang araw nang hinahagupit ng malakas na hangin at ulan ng Tropical Cyclone na ang hilagang bahagi ng Pilipinas, partikular na sa Central Luzon, kabilang ang Bulacan. Kasabay ng malakas na hangin at ulan, tumataas ang tubig sa ilang bahagi ng Bulacan na nagiging sanhi ng pagbaha. Maraming pamilya ang naapektuhan at patuloy na naaapektuhan ng tropical cyclone na Enteng.
Ayon sa datos mula sa isinagawang poll ng mga lokal na konseho, maraming estudyante ang nakararanas ng pagbaha, at sa ilang lugar ay lagpas tuhod na ang tubig at pumapasok na sa loob ng kanilang mga bahay. May iba naman na nawalan ng kuryente dahil sa lakas ng hangin at ulan. Kahit na hindi baha sa kanilang mismong tirahan, baha naman sa kanilang mga dadaanan.
Batay naman sa track forecast, posibleng lumabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ng umaga. Inaasahang kikilos si Enteng pakanluran hilagang-kanluran sa susunod na 24 oras at magbabago ng direksyon patungong kanluran habang nasa West Philippine Sea simula bukas (Setyembre 4) hanggang marating nito ang Hainan, China sa Sabado (Setyembre 7). Posible pa rin ang pagbaha at landslides dahil sa katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan sa Metro Manila, CALABARZON, natitirang bahagi ng Central Luzon, at MIMAROPA.
Sa kabila ng ipinagmalaki ni Pangulong Marcos sa SONA 2025 tungkol sa kanyang 5,500 Flood Control projects na may bilyon-bilyong pondo, tila walang epekto sa kasalukuyan. Sa halip, dumarami pa ang mga insidente ng pagbaha sa maraming lugar sa Pilipinas, na nagpapahirap sa mga mamamayan.
Hindi man natin gusto na maantala ang mga klase dahil suportado natin ang diwa ng aktibong akademya at naiintindihan natin ang maaaring idulot nito sa kalendaryo ng pamantasan, mas higit na malaking suliranin ng ating mga kababayan ang pagpapanatili ng kanilang kaligtasan, pagkakaroon ng sapat na pangangailangan, at sana’y sa lalong madaling panahon at pag-recover mula sa kalamidad na ito.
Nagkakaisa tayo ngayong nanawagan sa administrasyon ng Bulacan State University na SUSPENDIHIN NA ANG KLASE!
Delikado ang pagbiyahe ng mga estudyante papunta at pauwi mula sa pamantasan sa ganitong lagay ng panahon. Kahit inaasahang lalabas na ng bansa ang tropical cyclone na Enteng ngayong araw, malaki pa rin ang posibilidad na lumakas ang habagat na nagdadala ng pag-ulan sa kalupaan. Bukod dito, maraming pamilya pa rin ang nakararanas ng pagbaha dahil sa pagtaas ng tubig.
Nais nating tiyakin ang kaligtasan ng mga estudyante sa ganitong sitwasyon. Hinihimok natin ang BulSU administration na unahin ang kaligtasan at kapakanan ng bawat estudyante, g**o, at lahat ng stakeholders nito sa gitna ng hagupit ng tropical cyclone.
SUSPEND THE CLASSES NOW!!!
Prioritize safety of students and let them recover!
[CLASSES SUSPENSION]
Bulacan State University released an Office Memorandum No.149 s. 2024
SUBJECT: CLASSES SUSPENSION
"In light of the severe weather conditions brought about by Typhoon Enteng and the reported flooding in several areas within the province of Bulacan, all classes at Bulacan State University are hereby suspended tomorrow, September 3, 2024. This suspension applies to all campuses, to ensure the safety and well-being of our faculty. staff, and students. This is also in line with the directives and announcements of several municipal and city mayors within the affected areas, who have called for the suspension of classes to prioritize the safety of all residents.
Meanwhile, all faculty members in Vacation and Sick Leave (VSL) status as well as the non-academic personnel shall physically report for work. Furthermore, to ensure the safety of our students and employees once the onsite classes resume, the General Services Office (GSO) personnel are hereby directed to keenly check the facilities of the campus and submit necessary reports relevant to this"
Stay Safe, BulSUANS!
BulSU Student Government President Queenie Quintero published her seventh Executive Order Promulgation of the People Struggle Committee and Appointing Senator Vincent Elijah J. Canlas as the Chairperson.
Read the whole EO here:
bit.ly/BULSUSG-EO07S24
ANO ANG DAPAT MALAMAN SA BUDGET CUT SA BULSU?
Ayon sa United Nations, ang pamantayan para sa pagpopondo sa edukasyon ay dapat nasa 6% ng GDP ng isang bansa. Sa kabila ng ganitong rekomendasyon, kabaligtaran ang nararanasan ng mga pampublikong pamantasan sa Pilipinas. Sa katunayan, umabot na sa 14.5 bilyong piso ang kabuuang kaltas sa pondo ng mga pampublikong pamantasan sa buong bansa.
May kabuuang ₱127,272,000 ang kaltas sa badyet ng Bulacan State Univeristy para sa taong 2025. Bukod pa rito, naghahalagang ₱114 milyon ang kaltas sa BulSU para sa Capital Outlay. Habang ₱13 milyon naman sa Maintenance and Other Operating Expenses.
Ang halaga na tatanggalin mula sa Capital Outlay na ₱114 milyon ng ating pamantasan ay siyang nakalaan sana para sa mga sa pagpapabuti ng ating mga pasilidad at imprastruktura. Ang Capital Outlay ay napakahalaga dahil dito nagmumula ang pondo para sa mga proyekto tulad ng pagpapatayo ng mga bagong gusali, pag-upgrade ng mga silid-aralan, at pagpapabuti ng iba pang mahahalagang pasilidad na ginagamit ng mga mag-aaral at g**o na sobrang mahalaga sa kasalukuyan.
Ngunit hindi lamang dito natatapos ito. Ang halagang ₱13 milyon naman ay mababawas mula sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) ng ating pamantasan. Ang MOOE ay ang pondo na ginagamit para sa araw-araw na operasyon at pagpapanatili ng ating mga pasilidad at serbisyo sa paaralan. Dito kinukuha ang mga gastusin para sa mga utilities gaya ng kuryente at tubig, mga supplies at kagamitan, at mga serbisyo na kinakailangan para sa pagmimintina ng ating unibersidad.
Hindi lamang ang Bulacan State University ang makakaltasan ng pondo, kahit ang Commission on Higher Education ay may ₱6.5 bilyon na kaltas.
Gayundin, maraming State University and Colleges (SUCs) rin ang makakaltasan ng taunang pondo, kabilang ang Mindanao State University na nangunguna sa may pinakamalaking kaltas sa buong bansa. Sumunod dito ang University of The Philippines na pangalawa sa may pinakamalaking kaltas. Ang Bulacan State University naman ay nangunguna sa listahan ng mga unibersidad sa Central Luzon na makakaranas ng pinakamatinding epekto ng pagbawas ng badyet, habang pang-sampu naman ito sa buong bansa.
Sa kapapasok lamang ng panibagong akademikong taon, sinalubong tayo ng kulang-kulang na mga klasrum at pasilidad. Bukod pa rito, may mga hindi aksesibol at hindi na napapakinabangan ng mag-aaral, walang maayos na bentilasyon sa mga ginagamit na klasrum, at ang mga palikuran ay hindi nagagamit nang maayos tapos ganito pa kalaki ang kaltas na gagawin sa Budyet ng Edukasyon.
Hindi lang ang sektor ng edukasyon ang may kaltas kundi maging ang mga pangangailangan at iba pang serbisyong laan sana para sa mamamayang Pilipino. Ang Department of Agriculture ay may kaltas na ₱10 bilyon; nangalahati ang badyet ng Philippine Children’s Medical Center, Philippine Heart Center, at National Kidney and Transplant Institute. Gayundin, ang Department of Social Welfare and Development ay may ₱18 bilyong kaltas, at ang Department of Labor and Employment ay may ₱14 bilyong kaltas.
Habang ang mga pangunahing institusyon para sa edukasyon at mga pampublikong serbisyo ay makakaranas ng malalaking kaltas sa kanilang badyet, mas malaki namang pondo ang inilaan para sa mga ahensya ng seguridad at depensa. Ang Philippine National Police (PNP) ay makakatanggap ng karagdagang ₱7.9 bilyon. Ang Philippine Army, Navy, at Airforce naman ay makakatanggap ng karagdagang ₱14 bilyon. Bukod dito, ang AFP Modernization Program ay magkakaroon ng dagdag na ₱10 bilyon. Sa kabuuan, ang mga pagdagdag na ito sa sektor ng depensa ay umaabot sa ₱141.2 bilyon. Ipinapakita nito ang isang priyoridad sa pagpapalakas ng depensa sa kabila ng kakulangan sa pondo para sa mga pangunahing serbisyong panlipunan.
Malinaw sa mga datos na ito na hindi prayoridad ng ating gobyerno ang pagbibigay ng suporta sa kinakalailangan ng kabataang-estudyande at maging ang buong sambayanang pilipino. Sa krisis na lumalala dito sa ating bansa PARA KANINO NGA BA ANG GOBYERNO NATIN?
Patunay ang mga ito na wala tayong maasahan sa kanilang pamamalakad kaya't magkaisa tayo sa panawagan na itaguyod ang tunay na AKSESIBOL, DEKALIDAD, LIGTAS at DEMOKRATIKONG PAMANTASAN!
BADYET SA EDUKASYON, ITAAS!
SERBISYO SA TAO, HUWAG GAWING NEGOSYO!
BulSU Student Government President Queenie Quintero published her sixth Executive Order Establishing The Association Of Empowered Differently-abled Persons, and Appointing Gemryl Marcelino, student from CAFA, as the Chairperson.
Read the whole EO here:
bit.ly/BULSUSG-EO06S24
WORK & CLASS SUSPENSION
Bulacan State University release an Office Memorandum No. 148
SUBJECT: WORK & CLASS SUSPENSION
Pursuant to the announcement posted by Honorable Governor Daniel R. Fernando, all classes in the university are suspended today, September 2, 2024. This is due to the ongoing and forecasted rainfall caused by Southwest Monsoon as strengthened by the Typhoon Enteng.
Meanwhile, heads of Infirmary, Security and DRRMO, and FMO are instructed to facilitate the skeletal work schedule of the employees in their respective units. This shall be done with utmost consideration relative to the weather condition, road accessibility, and other relevant concerns.
Stay safe, BulSUANS!
Taos pusong pasasalamat sa mga nakasama at nagkaloob ng tulong upang maisakatuparan ang ALAB TINIG: Freshies’ Welcoming Concert sa Bulacan State University!
Mula sa pakikipagtulungan ng Fanverse at UMG Philippines at suporta ng EMI Records Philippines, Republic Records Philippines, Cornerstone Entertainment, Island Records Philippines, at Still Life Photography
Napagkaloob natin ng libre ang isang araw na puno ng saya, adbokasiya, at pagsasama-sama para sa mga BulSUans!
Hindi ka namin kahit kailanman malilimutan, Jayda Avanzado! Salamat sa pagsama at pakikiisa sa nagdaang ALAB TINIG: Freshies’ Welcoming Concert sa BulSU!
Thank you AJAA for opening the celebration of music and solidarity last Alab Tinig: Freshies’ Welcoming Concert here in BulSU!
See you soon? 👀
Mula sa pakikibaka hanggang sa pagbuklod sa mga alab ng musika! ✊🎶🔥
Pasasalamat sa bawat isang nakisama’t nakisaya sa isang araw ng pagpapaalab ng ating mga tinig para sa malayang espasyo sa iba’t-ibang sektor ng kabataan!
Hanggang sa muli, BulSUans!
📷:
JE Pascual
Denz Unsay
Kyle Basa
Neil Ramos
NATIONAL PRESS FREEDOM DAY
Ang araw na ito ay isang pagpupugay sa di-matatawarang halaga ng malayang pamamahayag at malayang pagpapahayag sa ating lipunan. Ito ay hindi lamang isang pagdiriwang ng ating karapatan na magsalita at ipahayag ang ating mga saloobin, kundi pati na rin ang pagkilala sa matagal na pakikibaka ng nating mamamayan para sa ating kalayaan.
Sa kabila ng paggunita sa araw na ito, nananatili pa rin ang sistemang pilit na tinatanggalan ng kalayaan ang mga mamamahayag. Mula sa pagpapasara ng mga media institution, pagse-censor ng mga lathalain na naglalaman ng reyalidad ng mamamayan, pamimigil sa operasyon ng mga mamamahayag upang hindi ito malabas sa publiko.
Ayon sa College Editors Guild of the Philippines, mayroong 58 biktima ng censorship, 37 kaso ng pagkakait o pagkuha ng pondo, 35 insidente ng pakikialam ng administrasyon, 24 na kaso ng harassment, 22 insidente ng state surveillance, 17 kaso ng red-tagging, at 17 kaso ng pakikialam ng adviser. Sa mga datos na ito, makikita natin ang malinaw na larawan ng paniniil at panggigipit na nararanasan ng mga publikasyong pangkampus.
Ipinapakita nito ang iba't ibang anyo ng pagsupil sa malayang pamamahayag at ang patuloy na pakikibaka ng mga kabataang mamamahayag para sa kanilang karapatan na magsalita at maghayag ng katotohanan. Tunay ngang ang malalayang pamamahayag ay hindi makakamtan kung nananatili pa rin ang sistemang mapaniil, kontrolado ng iilan, at ipinagsisilbi laban sa mamamayan.
Sa sama-samang paglaban, hindi lamang ng mga publikasyon at mamamahayag, kundi maging ng bawat isa sa ating kabataan at ng malawak na hanay ng masa, makakamit natin ang tunay na malayang pamamahayag na ating inaasam. Ang pagkakaisa ng bawat sektor sa lipunan ang magsisilbing sandigan sa ating pagsulong laban sa anumang anyo ng pagsikil sa ating mga karapatan. Tayo'y magpursige at magkaisa, sapagkat sa ating kolektibong pagkilos, nagmumula ang lakas na magpapatibay sa ating hangaring makamit ang kalayaang magpahayag nang walang pangamba at takot.
ok
Salamat, Daniel Paringit! ngayon alam mo na kung ga’no ka kamahal ng mga BulSUans! 😉
Alam na namin, Daniel Paringit! Salamat sa pagbabahagi ng pagmamahal at pakikiisa sa isang gabi ng musika’t adbokasiya!
We love you too, Ash, JC, Axl, and Alex!
Until we meet again here in Bulacan State University!
Salamat sa rakrakan, ONE CLICK STRAIGHT!! Hanggang sa muling pagsasama-sama para pag-alabin ang ating mga tinig!
Maraming salamat sa isang araw na puno ng saya, musika, at adbokasiya!
Fighting, AJAA! ✊
BulSUans, get a chance to meet and greet with Zild here at ALAB TINIG: Freshie’s Welcoming Concert!
Be one of the lucky 70 winners to get chosen:
https://live.umusic.com/school-tour-meet-and-greet-with-zild
Tawagin na ang barkada, ihanda na ang hiyawan at tinig para sa ating nagkakaisang panawagan---malay, malaya, at mapagpalayang Bulacan State University! Kita-kita mamaya, alas-dos ng hapon sa tapat ng E-library para sa ALAB TINIG: Freshies' Welcoming Concert 2024!🎨Rhin
takits, Zild!!
takits bukas Bulacan State University 👔📚[[school_invasion]] (2)
san ang next school gig? hmm 📌
anong songs gusto niyo marinig tom? comment below ⬇️
(kuha ni shairaluna)
BulSUans! Ready ka na ba sa pagsasama-sama natin bukas?
Tandaan ang mga DAPAT DALHIN at HINDI DAPAT DALHIN sa pagdiriwang!
Huwag kalimutan ang pagbitbit ng mga school supplies para sa libreng pagpasok sa concert grounds; maging ang payong o kapote para tuloy-tuloy ang kasiyahan kahit umaraw o umalan!
[DP BLAST]
Handa na ba kayong salubungin ang pinag-alab na mga tinig?
Ako si [Pangalan] mula sa [Kolehiyo/Kampus] at handa nang paalabin ang tinig! 🔥
Mula Bulacan State University, tatagos ang pinag-alab nating mga tinig patungo sa bayan. Hindi lamang ito araw ng kasiyahan dahil bibitbitin din natin ang mga tangan nating panawagan. Aalingawngaw ang mga himig, pati na rin ang sama-sama nating tindig.
Ano, kitain mo kami sa harap ng E-Library? Bukas, alas dos ng hapon, hihintayin kita.
zfra.me/AlabTinig2024
zfra.me/AlabTinig2024
zfra.me/AlabTinig2024
🖊️ Kim Hardy Oabel
🎨 Ichiro Miyahashi & Rjay Siocson
Eyes on here, BulSUans!
Narito ang ilan sa mga paalala para sa lahat ng pupunta sa ALAB TINIG:
• BAWAL ANG OUTSIDERS. Ang event na ito ay bukas lamang para sa mga mag-aaral ng Bulacan State University.
• Walang bayad ang ALAB TINIG Concert, ngunit hinihikayat namin ang lahat na magbigay ng mga school supplies para sa mga nabiktima ng sakuna at para sa mga partnered institutions. Maaari ninyo itong ilagay sa gate entries.
Narito ang listahan ng mga maaari ninyong ibigay:
- Lapis/Bolpen
- Notebooks
- Crayons
- Envelope
- Eraser
- Sharpener
'Takits bukas, BulSUans!
Major sponsor: Still Life Photography
What’s up, BulSUans!
Let’s shine the spotlight on all the incredible artists performing at the Fanverse University Tour at Bulacan State University this Thursday, August 29, 2024! 🤩
Featuring Zild, Janine Berdin, Jayda, ONE CLICK STRAIGHT, Daniel Paringit, and AJAA ✨
Pre-register now to unlock all the free activities: 🎉
fanverse.lnk.to/RegBulSU
fanverse.lnk.to/RegBulSU
fanverse.lnk.to/RegBulSU
See you there!🤘🏻🔥
BulSUans, tara na’t sama-samang pag-alabin ang tinig para sa pamantasan at bayan!
Kitain na ang barkada at ayain sa darating na Huwebes, ika-29 ng Agosto, sa tapat ng E-library Main Campus, simula alas-dos ng hapon!
Samahan sina Zild, Janine Berdin, Jayda, AJAA, One Click Straight, at Daniel Paringit sa ALAB TINIG: Freshies Welcoming Concert para maki-jam at makisaya!
Pre-register now to get UMG Ph and Fanverse: fanverse.lnk.to/RegBulSU
𝐁𝐮𝐥𝐬𝐮𝐉𝐔𝐀𝐍𝐒, 𝐀𝐓𝐈𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐔𝐍𝐃𝐎! ✨🌎
Sa BulSU-Ikot, hatid natin ang mensaheng walang estudyante ang maiiwan. Tulad ng sinabi sa pamagat na kanta "Hindi Tayo Pwede" na magbulag-bulagan sa mga isyung kinakaharap natin ngayon.
Ang bawat ikot ng jeepney, ay simbolo ng ating pagkilos para sa mas makatao at makatarungang lipunan.
Kaya mga kapwa iskolar, samahan ninyo kami sa BULSU-IKOT. Hindi lang ito tungkol sa pag-ikot sa paligid ng kampus, kundi sa pag-ikot ng ating mga prinsipyo at adhikain para sa mas maliwanag na bukas.
Magka-isa tayo sa BULSU IKOT, dala ang mga tunog na bumubuo ng isang musika ng pagbabago, paninindigan, at pagmamahal sa bayan.
Sa ganap na ala-una (1:00PM) ng tanghali sa Heroes Park, maghanda sa isang gabi na nag-aalab ang ating paglaban at sayawan!
Mapa-Dulo't dulo man, mapa-kahit saan man, "Bahagi ka ng Malaya, Mulat, at Mapagpalayang Pamantasan."
Sa Ganap na 1:00 ng hapon— harap ng Activity Center, tayo ay makiindak sa isang konsyerto na inihanda para lamang sa inyo!
Kita-kits, Firefox, Rajas, Knights, at CITizens!
Click here to claim your Sponsored Listing.
Videos (show all)
Category
Contact the school
Website
Address
Malolos
3000
Alvarado Hall, Bulacan State University
Malolos, 3000
CIT INFINIX is a dance group under the College of Industrial Technology.
Catmon Road, Capitol View Park Subdivision, Brgy. Bulihan
Malolos, 3000
"To be unfiltered is to be brave"
City Of Malolos, Bulacan
Malolos, 3000
This is the official page of College of Criminal Justice Education- Extension Service Office
Bulacan State University
Malolos, 3000
This is the OFFICIAL page of the Bulacan State University - College of Science.
Malolos
The official page of Bulacan State University - College of Architecture and Fine Arts
Km. 44 McArthur Highway, Malolos City, Bulacan
Malolos, 3000
First CEU campus outside of the Metro, CEU Malolos succeeds in fusing timeless values with experiential learning that play a critical role in inspiring and producing leaders, mover...
Malolos
Bulacan State University Bachelor of Science in Architecture 2nd year Section B