Cathedral of the Holy Child - IFI Mandaluyong

The Official page of the Cathedral of the Holy Child - IFI Mandaluyong City

Photos from Cathedral of the Holy Child - IFI Mandaluyong's post 19/08/2024

Halina't ipagdiwang ang Dakilang Kapistahan ng La Hermosa Virgen sa Balintawak, ang Pangunahing Patrona ng Iglesia Filipina Iindependiente.

"O Bathalang Maykapal,
Ampunin Mo aming bayan.
Manatili nawa, O Bathala
Ang Maligayang Araw ng Pagsasarili,
Ang Maligayang Araw ng Pagsasarili!"

Ang Larawang Tampok ay mula sa Pagsasalarawa ng Birhen ng Balintawak na makikita natin sa Pambansang Katedral ng Iglesia Filipina Independiente sa Taft Avenue, Ermita, Manila

Photos from Cathedral of the Holy Child - IFI Mandaluyong's post 18/08/2024

Kasalukuyang nakatanghal sa Katedral ng Banal na Sanggol ang Imahen ni Nuestra Señora de la Asuncion sa pagdiriwang ng kanyang Kapistahan noong Agosto 15.

Ang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit kay Maria, na kilala rin bilang Assumption of Mary, ay isang pagdiriwang na ginaganap tuwing Agosto 15. Sa araw na ito, ipinagdiriwang ng mga Katoliko ang pag-aakyat kay Maria, ang Ina ng Diyos, sa langit nang buo ang katawan at kaluluwa. Ang kapistahan ay isang pagkakataon upang ipakita ang paggalang at pagpapahalaga sa buhay at kabanalan ni Maria, pati na rin ang kanyang papel bilang ina ng simbahan.

O Reynang Iniakyat sa Langit,
Ipanalangin mo kami.

18/08/2024

IKA-13 NA LINGGO PAGKARAAN NG PENTECOSTES

Pagdiriwang ng Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit kay Maria

Agosto 18, 2024 l 5:00NH

18/08/2024

IKA-13 NA LINGGO PAGKARAAN NG PENTECOSTES

Ang Pagpapanibago ng Pangako ng Ministry of Altar Servers ng Katedral ng Banal na Sanggol

Agosto 18, 2024 l 8:00NU

17/08/2024

IKA-13 NA LINGGO PAGKARAAN NG PENTECOSTES
Agosto 18, 2024 l 6:00NU

Photos from Cathedral of the Holy Child - IFI Mandaluyong's post 17/08/2024

Christian Stewardship Culminating Activity 2024

Noong Buwan ng Hulyo ipinagdiwang natin ang Buwan ng Kristyanong Tagapangasiwa, upang bigyang pahalaga at pangaral ang ating mga tungkulin bilang mga Kristyanong tagasunod ng ating Panginoon, kung paano ang mga talento, kakayahan, at oras na ibinigay sa atin ay maibalik sa Kanyang kapurihan.

Ginanap noong Hulyo 28, 2024 ang pamamahagi ng School Supplies para sa mga mag-aaral mula sa iba't ibang bahagi ng ating komunidad bilang paghahanda sa darating na pagbubukas ng taon ng pag-aaral. Pinangunahan ng Lupon ng Kristyanong Tagapangasiwa bilang pasasalamat at panapos na gawin sa buwang ito.

Photos from Cathedral of the Holy Child - IFI Mandaluyong's post 16/08/2024

Kasalukuyang nakatanghal sa Katedral ng Banal na Sanggol ang Imahen ni San Roque na nasa pangangalaga ng isang komunidad sa Barrio Hagdan Bato sa pagdiriwang ng kanyang Kapistahan ngayong Agosto 16.

Si San Roque ay isang santo ng Katolikong Simbahan na kilala bilang patron ng mga may sakit at naglalakbay. Ipinanganak sa Montpellier, France noong ika-14 na siglo, siya ay naglaan ng kanyang buhay sa paglilingkod sa mga nagdurusa mula sa salot at iba pang sakit. Sa kabila ng kanyang sariling karamdaman, ipinakita ni San Roque ang tunay na diwa ng malasakit at pagkakawanggawa, na nagbibigay inspirasyon sa mga Kristyano upang maglingkod sa kanilang kapwa.

San Roque,
Patron laban sa Sakit at Salot,
Ipanalangin mo kami.

16/08/2024

PAGDEDEBOSYON SA POONG JESUS NAZARENO
AGOSTO 16, 2024 l 5:30NH

16/08/2024

Ang Katedral ng Banal na Sanggol ay buong galak na bumabati ng Maligayang Kapistahan sa ating Kapatid sa Misyon ng San Roque - Dau, Pampanga

Nawa, lagi tayong patnubayan at ipanalangin ni San Roque sa ating Panginoong Jesus, Ang Señor Sto. Niño de Mandaluyong.

Viva San Roque!
Viva Sto. Niño!

15/08/2024

Agosto 16 l Paggunita kay ni San Roque

Tayo'y Manalangin,

O, Panginoon Kong Diyos, ikaw na nagsugo sa maluwalhating San Roque at pinahatiran mo siya ng kaputol na tabla, pinagtibay Mo ang pangako sa kanya, upang ang sino mang dapuan ng salot ay hindi maano, sapagkat siya'y deboto sa Iyo.
Magdalita Ka sa aming lahat na gumugunita sa kanyang buhay. Ipagkaloob Mo na kami ay maligtas sa mga salot na nakakamatay sa kaluluwa't katawan, pakundangan kay Hesukristong Panginoon namin. Amen.

San Roque,
Pintakasi laban sa Sakit at Salot,
Ipanalangin mo kami.

14/08/2024

Agosto 15 I Dakilang Kapistahan ng Pag-aakyat sa Langit sa Mahal na Birheng Maria

Tayo'y Manalangin,

Ama naming makapangyarihan, sa Iyong kaningningan. Naakit ang Mahal na Birheng Maria, sa tulong ng Iyong biyaya. Namuhay siyang kalinis-linisan at karapat-dapat sa Iyong itinakda, kaya't pinagpala Mo siyang iniakyat sa kalangitan taglay ang kaluluwa't katawan.

Ibinigay Mo sa amin siyang Ina at huwaran, sa tulong ng kanyang mga panalangin at sa pagsasaloob namin ng mga bagay sa kaitaasan. Pagindapatin Mo na kami'y mamuhay rin sa kalinisan at karapat-dapat sa Iyong mga itinakda, at kaisa niya'y magtamasa sa Iyong piling ng kaningningang walang maliw sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. AMEN

O Reynang Iniakyat sa Langit,
Ipanalangin mo kami.

14/08/2024

PAGDEDEBOSYON SA MAHAL NA INA NG LAGING SAKLOLO
Agosto 14,2024 l 5:30NH

11/08/2024

IKA-12 NA LINGGO PAGKARAAN NG PENTECOSTES
Agosto 11, 2024 l 5:00NH

10/08/2024

IKA-12 LINGGO PAGKARAAN NG PENTECOSTES

Agosto 11, 2024 l 8:00NU

10/08/2024

IKA-12 LINGGO PAGKARAAN NG PENTECOSTES

Agosto 11, 2024 l 6:00NU

10/08/2024

Agosto 10 l Paggunita kay San Lorenzo, Diyakuno at Martir

Tayo'y Manalangin,

O Dakilang San Lorenzo, nang dahil sa marubdob mong pag-ibig kay Kristo, bansang España, bayang tinubuan mo ay iniwan at sa Roma ikaw ay nagtungo at naglingkod bilang isang Diyakono na ang gawai'y tumulong nang husto sa Inang Simbahan at sa mga kapus-palad na totoo.

Katapatan mo sa Diyos iyong patunayan, nang sa nagliliyab na parilyang bakal ikaw ay hindi nga tumangging isalang upang sunugin hanggang mamatay.

Aming mga puso'y iyo sanang buksan at antigin sampung aming mga isip at kalooban at nang kami, sa abot ng makakayanan ay makapaglingkod ding walang kahulilip na kaligayan sa piling ng Maykapal. Amen.

San Lorenzo, Diyakono at Martir,
Ipanalangin Mo Kami.

08/08/2024

Agosto 8 l Paggunita kay Santo Domingo de Guzman

Tayo'y Manalangin,

Amang Santo Domingo de Guzman, dakilang alagad ng Diyos at matapat na g**o ng pananampalataya, kami'y dumudulog sa iyong mapagpalang tulong. Naging liwanag ka sa gitna ng kadiliman, patnubay sa mga nawawala, at tagapagtanggol ng katotohanan.

Nawa'y matularan namin ang iyong buhay ng pagdarasal at pagpapakumbaba. Tulungan mo kaming maging masigasig sa paghahanap ng kalooban ng Diyos at ipalaganap ang Ebanghelyo sa aming araw-araw na pamumuhay. Sa gitna ng mga pagsubok at hirap, ipagkaloob mo sa amin ang tapang at lakas upang manatiling matatag sa aming pananampalataya.

Santo Domingo, aming tagapamagitan, ipanalangin mo kami sa harap ng Diyos Ama upang mapuspos kami ng biyaya at awa. Nawa'y maging mapagmalasakit kami sa kapwa, tagapagtaguyod ng katarungan, at mga saksi ng pagmamahal ng Diyos.

Sa iyong pamamatnubay, kami'y umaasa at nagtitiwala. Sa ngalan ni Hesukristo, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.

Amen.

Santo Domingo de Guzman,
Ipanalangin mo kami.

07/08/2024

PAGDEDEBOSYON SA MAHAL NA INA NG LAGING SAKLOLO
Agosto 7, 2024 l 5:30NH

06/08/2024

Agosto 6 | Kapistahan ng Pagbabagong-anyo ng Pamginoong Hesukristo

Ama naming makapangyarihan, sa pagliliwanag sa bagong anyo ng iyong Anak, ang pananda ng aming sinasampalatayanan ay iyong binibigyang-patunay sa pagsaksi ng aming mga ninuno at inihayag mong kami’y lubos na kinukupkop bilang mga anak. Ngayong kami’y nakikinig sa iyong Anak na pinakamamahal, kami nawa’y pagindapating maging tagapagmanang kaniyang katambal sa pamamagitan niya kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Amen.

Panginoong Hesuristo, maawa Ka sa amin!

04/08/2024

IKA-11 NA LINGGO PAGKARAAN NG PENTECOSTES
Agosto 4, 2024 l 5:00NH

04/08/2024

IKA-11 NA LINGGO PAGKARAAN NG PENTECOSTES
Agosto 4, 2024 l 8:00NU

03/08/2024

Maraming Salamat po sa Pagbati!

Ang Mandaluyong Local Historians Guild ay bumabati sa Iglesia Filipina Independiente para sa kanilang ika-122 taong anibersaryo ng proklamasyon ng pagkakatatag. Itinatag ni Isabelo de los Reyes ang IFI noong Agosto 2, 1902 at nahirang bilang unang Obispo Maximo si Rev. Padre Gregorio Aglipay.

Bilang isang balwarte ng Katipunan, ang mga Mandaleño ay sinuportahan ang mithiin na magkaroon ng isang maka-Pilipinong pananampalataya sa Kristiyanismo at malayo sa impluwensya ng mga prayle. Katunayan, ang Mandaluyong noon ay isa sa may pinakamalaking bilang ng Aglipayano sa buong Pilipinas.

Nang itinatag ang IFI sa Mandaluyong noong 1903, naging unang pangulo ng “Comite Central” ang Katipunero ng Balangay Tala at Mandaleño na si Florencio Inocentes. Pinamunuan niya ito hanggang 1905. Ang ikalawang pangulo (1905-1907) ng Comite Central ay ang Katipunero at Presidente-Municipal ng San Felipe Neri na si Claro Castañeda. Ilan pa sa mga naging pangulo ay sina Igmidio Torres (1908-1915), Marcos Domingo (1916-1924) at Domingo Dominguez (1925-1928).

Sa kasalukuyan ay matatagpuan ang simbahan ng IFI (Cathedral of the Holy Child - IFI Mandaluyong) sa Daang Buhangin (ngayon ay kalye Rev. Gregorio Aglipay), tapat ng Mababang Paaralan ng Mandaluyong, Barangay Poblacion.

Sanggunian:

• Vicencio, Leonardo R. (1987). Mandaluyong 1470-1950. [unpublished manuscript].

Larawan: IFI Page Gallery at Señor Sto. Niño de Mandaluyong

03/08/2024

Maraming Salamat po sa Pagbati!

Binabati po natin ang Iglesia Filipina Independiente ng isang mapagpalang pagdiriwang ng ika-122 taong pagkakatatag!

03/08/2024

Maraming Salamat po sa Pagbati!

Mainit na pagbati sa Iglesia Filipina Independiente sa inyong 122nd Proclamation Anniversary.

Mabuhay, Iglesia Filipina Independiente!

03/08/2024

Ang Pagpapatunog ng mga Kampana ng Katedral ng Banal na Sanggol sa Lungsod ng Mandaluyong bilang Pagpupugay sa Ika-122 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Pagkakatatag ng Iglesia Filipina Independiente.

O Bathalang Maykapal!
Ampunin mo ang Simbahang Pilipino!

02/08/2024

Ako'y nagpapasalamat O Bathalang Maykapal!
'pagkat sumapit ng walang sakuna ang bagong araw!

Maligayang Ika-122 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Pagkakatatag
ng Iglesia Filipina Independiente ngayong Ika-3 ng Agosto 2024.

Tayo'y Manalangin,

O Bathalang Maykapal,
niloob Mong isilang ang aming minamahal na simbahan,
ang Iglesia Filipina Independiente
upang ipagpatuloy ang dakila Mong kalooban;
Sa panibagong taon na aming tatahakin
bilang isang simbahang tumututugon sa tawag ng pagbabago,
pag-ibig, kapayapaan at katarungan
ay gabayan at pagpalain kami
upang patuloy naming tahakin ang landas
at diwa ng tunay na paglilingkod sa Iyo
at sa aming kapwa.
Ito’y aming isinasamo sa ngalan ng aming Panginoon
at tagapagligtas na si Hesukristo, kaisa ng Banal na Espiritu,
iisang Diyos, ngayon at magpakailanman.
Amen.

Señor Sto Niño de Mandaluyong,
Gabayan at Pagpalain mo ang Iyong Iglesia.

02/08/2024

PAGDEDEBOSYON SA MAHAL NA SEÑOR SANTO NIÑO DE MANDALUYONG
Unang Biyernes sa Buwan ng Agosto

Araw ng Pasasalamat ng Ministry of Altar Servers para sa Pagdiriwang ng Buwan ng mga Sakristan

Hulyo 5, 2024 l 5:30NH

01/08/2024

Ang Unang Biyernes ng bawat Buwan ay inilaan ng ating Katedral bilang Pagdedebosyon sa Karangalan ng ating Mahal na Patron, Señor Santo Niño de Mandaluyong.

Ang Lahat po ay inaanyayahang makiisa sa Banal na Gawaing ito na magsisimula sa ganap na Ika-5:30 ng hapon na susundan ng Banal na Misa. Ito po ay bukas sa Publiko at mapapanood rin via Facebook Livestreaming sa ating Official page.

Kami'y nagpupuri at nagpapasalamat,
Santo Niño de Mandaluyong!

31/07/2024

PAGDEDEBOSYON SA MAHAL NA INA NG LAGING SAKLOLO
Hulyo 31, 2024 l 5:30NH

Want your place of worship to be the top-listed Place Of Worship in Mandaluyong?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

IKA-13 NA LINGGO PAGKARAAN NG PENTECOSTES
IKA-13 NA LINGGO PAGKARAAN NG PENTECOSTES
IKA-13 NA LINGGO PAGKARAAN NG PENTECOSTES
PAGDEDEBOSYON SA POONG JESUS NAZARENO Agosto 16, 2024 l 5:30NH
PAGDEDEBOSYON SA MAHAL NA INA NG LAGING SAKLOLO
IKA-12 NA LINGGO PAGKARAAN NG PENTECOSTES
IKA-12 LINGGO PAGKARAAN NG PENTECOSTES
IKA-12 LINGGO PAGKARAAN NG PENTECOSTES
PAGDEDEBOSYON SA MAHAL NA INA NG LAGING SAKLOLO
IKA-11 NA LINGGO PAGKARAAN NG PENTECOSTES
IKA-11 NA LINGGO PAGKARAAN NG PENTECOSTES
Ang Pagpapatunog ng mga Kampana ng Katedral ng Banal na Sanggol sa Lungsod ng Mandaluyong bilang Pagpupugay sa Ika-122 A...

Telephone

Address


61 Rev. G. Aglipay Street, Barangay Poblacion
Mandaluyong
1550
Other Mandaluyong places of worship (show all)
MFC Kids MFC Kids
Mandaluyong, 1800

We are MFC Kids, the kids ministry of Missionary Families of Christ who caters to children ages 0 to 12.

XLYF XLYF
658 Boni Avenue
Mandaluyong, 1550

What is XLYF? XLYF (Xtreme Life Youth Fellowship), the youth ministry of Berean Baptist Church, is an organism passionately seeking after Jesus Christ who desires to give life – li...

Domus Nazareth Renewal Community Domus Nazareth Renewal Community
St. Francis Of Assisi Mandaluyong
Mandaluyong, 1550

The Domus Nazareth Catholic Renewal Community is a group of people who openly proclaim the Lordship of Jesus and declare their love of God by sharing their lives with other Christi...

Mandaluyong Tigers Adventurer & Pathfinder Club Mandaluyong Tigers Adventurer & Pathfinder Club
917 B. Fabella Street, Brgy. Welfareville, Addition Hills
Mandaluyong, 1550

Mandaluyong Tigers Pathfinder Club of Seventh-day Adventist Church

Jesus Christ Our Firm Foundation Jesus Christ Our Firm Foundation
#2 Broccoli Street BLK. 38 Brgy. Addition Hills
Mandaluyong, 1550

1 Corinthians 3:11 For no one can lay any foundation other than the one we already have, Jesus Christ

Oblates of St. Joseph-St. Joseph Province-Philippines Oblates of St. Joseph-St. Joseph Province-Philippines
Santuario De San Jose Parish Duke Street Cor. Buffalo St. Greenhills East
Mandaluyong, 1554

The Official FB Page of the OSJ St. Joseph Province-Philippines

Sample on template Sample on template
Mandaluyong

This is the page for Sample on template.

Jesus Supreme King Christian Ministry Jesus Supreme King Christian Ministry
Mandaluyong, 1550

Jesus Supreme King Christian Ministry (JSKCM) aims to bring all people to the Kingdom of the Living God regardless of race, color, nationality and religious affiliation through the...

YSLEP - SHJP Mandaluyong City YSLEP - SHJP Mandaluyong City
Welfareville Compound Brgy. Addition Hills
Mandaluyong, 1550

YSLEP is the flagship program of Caritas Manila, which extends financial assistance to poor but deserving youth, and trains and hones the youth not only for academic excellence, bu...

Parish of Our Lady of the Abandoned- Ministry of Altar Servers Parish of Our Lady of the Abandoned- Ministry of Altar Servers
Coronado Street , Hulo
Mandaluyong

Ministry of Altar Server Parish of Our Lady of the Abandoned- Mandaluyong