UP Variates

UP Variates is a duly recognized socio-academic organization based in UP School of Statistics

10/09/2024

𝙐𝙋 𝙈𝙎𝘼 𝙃𝘼𝙇𝘼𝙇 𝙋𝙊𝙏𝙇𝙐𝘾𝙆 𝟮𝟬𝟮𝟰 🥘

Dearest ikhwani and akhawati, come and have ~ 𝐀 𝐓𝐚𝐬𝐭𝐞 𝐨𝐟 𝐇𝐨𝐦𝐞! 🫂✨🍴

We are calling all Muslim students in UP Diliman ☪️ to join our Potluck Event – an afternoon of diverse cuisines, cultural exchange, and heartwarming connections all under the banner of openness and diversity! 🤝❤️‍🔥

Join us on 𝗦𝗲𝗽𝘁𝗲𝗺𝗯𝗲𝗿 𝟭𝟲 (𝗠𝗢𝗡𝗗𝗔𝗬) 𝟭𝟮𝗣𝗠 at the 𝗦𝘁𝘂𝗱𝗲𝗻𝘁 𝗨𝗻𝗶𝗼𝗻 𝗕𝘂𝗶𝗹𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗥𝗼𝗼𝗺 𝟰𝟮𝟯, In shaa Allah. Share your favorite dishes and unique stories with fellow Muslim students. Come join the community, your home closer to home. Save the date and your appetite! 😋

✍️REGISTER HERE:
bit.ly/2425APOTLUCK
bit.ly/2425APOTLUCK
bit.ly/2425APOTLUCK

📌 If you won't be able to come to the potluck, please feel free to still answer the form so we can reach out to you for future gatherings and events 🫶

Registration form will be open until 𝗦𝗲𝗽𝘁. 𝟭𝟯

For the Ummah! 💚

Pub by: Adeem Alonto
Caption by: Zayn Limba

10/09/2024

NAGKAKAISANG PAHAYAG TUTOL SA DEMOLISYON SA OLD TENNIS COURT, AREA 2!

MARIING KINOKONDENA ng UP Not For Sale Network at lahat ng mga lumagdang pormasyon ang tahasang panggigipit ng UP administration sa ating mga Shopping Center Stallholders at mga tangkang demolisyon nito sa Old Tennis Court. Inilalagay nila sa peligro ang buhay at kabuhayan ng ating mga manininda habang hindi pa naigagarantiya ng administrasyon ang pagkakaroon nila ng pwesto sa loob ng Dilimall na maka-masa ang presyo at alinsunod sa pinasukan nitong Memorandum of Agreement noong 2004.

Noong ika-5 ng Setyembre, naipakita ng UP Administration ang tahasang pagbabalewala nito sa kapakanan ng ating komunidad. Sa gitna ng matinding ulan at pagsalanta ng Bagyong Enteng, iniutos ng opisina ng UP Vice President for Development ng UP System ang pwersahang paggiba sa kabuhayan ng ating mga shopping center stallholders sa Old Tennis Court bilang bahagi sa tangkang pagpapalipat sa kanila mula sa kanilang mga puwesto upang magbigay daan sa pagtuloy sa konstruksyon ng parking lot para sa DiliMall.

Sa pangunguna ng UP Project Management Office, kasabwat ang Special Services Brigade ng UP Diliman, UP Diliman Police, at mga tauhan ng developers ng Dilimall, tinangkang magtayo ng bagong Perimeter Fence upang mabakuran ang bahagi ng Old Tennis Court na gagawing Parking Lot para sa Dilimall. Nagpasok sila ng mga bakal na pangbakod at nagputol ng mga puno sa loob ng pasilidad. Tinangkang pwersahan na ipalipat ang mga stallholders sa ibang bahagi ng Old Tennis Court ngunit hindi sapat ang espasyong binibigay sa kanila ng administrasyon ng UP at puro putik at damo pa ang pwesto. Nangangamba rin sila na paraan lamang ito upang mas mabilis silang mapaalis mula sa kanilang mga pwesto sakali mang magpatuloy ang pagbubukas ng DiliMall.

Tumaas pa ang tensyon noong maglabas ng martilyo ang isa sa mga construction worker. Nagkataasan din ng boses sa pagitan ng mga developer ng DiliMall at ilang miyembro ng komunidad matapos ipagpilitan ng demolition team na ipagpatuloy ang kanilang operasyon. Sa kabutihang palad, naidaan sa negosasyon ng mga miyembro ng UP Not For Sale Network at Rise 4 Education Alliance ang pagpapatigil sa demolisyon at iginiit na manatili ang mga manininda sa kanilang pwesto.

Sa kabila ng mga ganitong banta, nananatiling mahigpit ang pagkakaisa ng komunidad, kontra sa mga atake ng administrasyon at ang mga komersyal na interes na siyang inuuna nila bago ang kapakanan ng mga miyembro ng komunidad. Magbibigkis lalo ang komunidad ng UP laban sa komersyalisasyon at pagiibayuhin ang kampanya para sa isang pamantasang pinagsisilbihan ang bayan, hindi ang malalaking kapitalista’t negosyante. Mananatiling nagbabantay at nagmamatiyag ang komunidad laban sa komersalisasyon at iba pang porma ng neoliberal na polisiya sa ating edukasyon.

SERBISYO SA TAO, WAG GAWING NEGOSYO! SUMALI SA UP NOT FOR SALE NETWORK!





Mga pormasyon na lumagda:
UP Shopping Center Stallholders Association, Inc.
UP Samahan ng Nagkakaisang Guwardiya
UP Workers Alliance
Samahang Manininda sa UP Campus, Inc.
All UP Academic Employees Union - UP Diliman
CONTEND
Alay Sining KAL
Bahaghari UP Diliman
BUKLOD CSSP
Gabay Isko
Geographic Society of the University of the Philippines
Junior Philippine Geographical Society - UP Diliman
Kabataan para sa Tribung Pilipino - UP Diliman
Kabataan Partylist UP Diliman
League of Filipino Students - UP Diliman
National Network of Agrarian Reform Advocates Youth - UP Diliman
PISARA
Sigma Kappa Pi Fraternity
STAND UP
STAND UP AIT
Tambisan sa Sining - Diliman
UP Artists' Circle Fraternity and Sorority
UP Asian Institute of Tourism Student Council
UP Broadcasters’ Guild
UP Business Administration Council
UP CAL FST Council
UP Career Assistance Program
UP College of Arts and Letters Student Council
UP College of Education Student Council
UP College of Fine Arts Student Council
UP College of Home Economics Student Council
UP College of Mass Communication Student Council (UP CMCSC)
UP College of Music Student Council
UP College of Science Student Council (CSSC)
UP Community Development Circle
UP Consulting Group
UP CSSP Student Council
UP CSWCD Student Council
UP Diliman Architecture Student Council
UP Diliman University Freshie Council
UP DOST Scholars’ Association
UP Economics Towards Consciousness
UP EMC² Fraternity
UP Engineering Student Council
UP Epsilon Chi Fraternitt
UP Harong
UP Industrial Engineering Club (UP IE Club)
UP Katilingban sa mga Anak Mindanao (UP Kalinaw)
UP NCPAG Student Council
UP Samahang Linggwistika
UP School of Economics Student Council
UP School of Library and Information Studies Student Council
UP Society of Industrial Designers
UP Variates
UP Writers Club
Rise for Education Alliance - UP Diliman
START AIT

NAGKAKAISANG PAHAYAG TUTOL SA DEMOLISYON SA OLD TENNIS COURT, AREA 2!

MARIING KINOKONDENA ng UP Not For Sale Network at lahat ng mga lumagdang pormasyon ang tahasang panggigipit ng UP administration sa ating mga Shopping Center Stallholders at mga tangkang demolisyon nito sa Old Tennis Court. Inilalagay nila sa peligro ang buhay at kabuhayan ng ating mga manininda habang hindi pa naigagarantiya ng administrasyon ang pagkakaroon nila ng pwesto sa loob ng Dilimall na maka-masa ang presyo at alinsunod sa pinasukan nitong Memorandum of Agreement noong 2004.

Noong ika-5 ng Setyembre, naipakita ng UP Administration ang tahasang pagbabalewala nito sa kapakanan ng ating komunidad. Sa gitna ng matinding ulan at pagsalanta ng Bagyong Enteng, iniutos ng opisina ng UP Vice President for Development ng UP System ang pwersahang paggiba sa kabuhayan ng ating mga shopping center stallholders sa Old Tennis Court bilang bahagi sa tangkang pagpapalipat sa kanila mula sa kanilang mga puwesto upang magbigay daan sa pagtuloy sa konstruksyon ng parking lot para sa DiliMall.

Sa pangunguna ng UP Project Management Office, kasabwat ang Special Services Brigade ng UP Diliman, UP Diliman Police, at mga tauhan ng developers ng Dilimall, tinangkang magtayo ng bagong Perimeter Fence upang mabakuran ang bahagi ng Old Tennis Court na gagawing Parking Lot para sa Dilimall. Nagpasok sila ng mga bakal na pangbakod at nagputol ng mga puno sa loob ng pasilidad. Tinangkang pwersahan na ipalipat ang mga stallholders sa ibang bahagi ng Old Tennis Court ngunit hindi sapat ang espasyong binibigay sa kanila ng administrasyon ng UP at puro putik at damo pa ang pwesto. Nangangamba rin sila na paraan lamang ito upang mas mabilis silang mapaalis mula sa kanilang mga pwesto sakali mang magpatuloy ang pagbubukas ng DiliMall.

Tumaas pa ang tensyon noong maglabas ng martilyo ang isa sa mga construction worker. Nagkataasan din ng boses sa pagitan ng mga developer ng DiliMall at ilang miyembro ng komunidad matapos ipagpilitan ng demolition team na ipagpatuloy ang kanilang operasyon. Sa kabutihang palad, naidaan sa negosasyon ng mga miyembro ng UP Not For Sale Network at Rise 4 Education Alliance ang pagpapatigil sa demolisyon at iginiit na manatili ang mga manininda sa kanilang pwesto.

Sa kabila ng mga ganitong banta, nananatiling mahigpit ang pagkakaisa ng komunidad, kontra sa mga atake ng administrasyon at ang mga komersyal na interes na siyang inuuna nila bago ang kapakanan ng mga miyembro ng komunidad. Magbibigkis lalo ang komunidad ng UP laban sa komersyalisasyon at pagiibayuhin ang kampanya para sa isang pamantasang pinagsisilbihan ang bayan, hindi ang malalaking kapitalista’t negosyante. Mananatiling nagbabantay at nagmamatiyag ang komunidad laban sa komersalisasyon at iba pang porma ng neoliberal na polisiya sa ating edukasyon.

SERBISYO SA TAO, WAG GAWING NEGOSYO! SUMALI SA UP NOT FOR SALE NETWORK!





Mga pormasyon na lumagda:
UP Shopping Center Stallholders Association, Inc.
UP Samahan ng Nagkakaisang Guwardiya
UP Workers Alliance
Samahang Manininda sa UP Campus, Inc.
All UP Academic Employees Union - UP Diliman
CONTEND
Alay Sining KAL
Bahaghari UP Diliman
BUKLOD CSSP
Gabay Isko
Geographic Society of the University of the Philippines
Junior Philippine Geographical Society - UP Diliman
Kabataan para sa Tribung Pilipino - UP Diliman
Kabataan Partylist UP Diliman
League of Filipino Students - UP Diliman
National Network of Agrarian Reform Advocates Youth - UP Diliman
PISARA
Sigma Kappa Pi Fraternity
STAND UP
STAND UP AIT
Tambisan sa Sining - Diliman
UP Artists' Circle Fraternity and Sorority
UP Asian Institute of Tourism Student Council
UP Broadcasters’ Guild
UP Business Administration Council
UP CAL FST Council
UP Career Assistance Program
UP College of Arts and Letters Student Council
UP College of Education Student Council
UP College of Fine Arts Student Council
UP College of Home Economics Student Council
UP College of Mass Communication Student Council (UP CMCSC)
UP College of Music Student Council
UP College of Science Student Council (CSSC)
UP Community Development Circle
UP Consulting Group
UP CSSP Student Council
UP CSWCD Student Council
UP Diliman Architecture Student Council
UP Diliman University Freshie Council
UP DOST Scholars’ Association
UP Economics Towards Consciousness
UP EMC² Fraternity
UP Engineering Student Council
UP Epsilon Chi Fraternitt
UP Harong
UP Industrial Engineering Club (UP IE Club)
UP Katilingban sa mga Anak Mindanao (UP Kalinaw)
UP NCPAG Student Council
UP Psychology Society
UP Samahang Linggwistika
UP School of Economics Student Council
UP School of Library and Information Studies Student Council
UP Society of Industrial Designers
UP Variates
UP Writers Club
Rise for Education Alliance - UP Diliman
START AIT

Photos from UP Variates's post 09/09/2024

Ipinagmamalaking ihandog ng UP Variates ang 🌊🌊🌊Turn the Tides: A Donation Drive for PAMALAKAYA - The National Federation of Small Fisherfolk Organizations in the Philippines🌊🌊🌊

Bilang parte ng ika-35 anibersaryo ng UP Variates, ang organisasyon ay naglulunsad ng donation drive na naglalayong suportahan ang kampanya ng PAMALAKAYA patungo sa kagalingan ng mga mamamalakaya, lalo na silang mga humaharap sa banta ng kawalan ng kanilang hanapbuhay dulot ng reklamasyon at kumbersyon ng kanilang pook-pangisdaan.

Ang layunin ng PAMALAKAYA na isulong ang karapatan ng mga mamamalakaya ay napapanahon at akma sa aming adbokasiya na ipaglaban ang ating pambansang soberanya, lalo na sa ating mga karagatan.

Ang mga kahirapan na hinaharap ng ating mga mamamalakaya ay hindi lamang galing sa mga dayuhan na nais nakawin ang yaman ng ating karagatan kundi pati na rin ang mga proyekto ng gobyerno na nagbabanta sa kapakanan ng ating mga mamamalakaya.

Tayo ay kumilos at magtulong-tulong upang ipabatid sa gobyerno ang kalagayan ng mga mamamalakaya at nang mabigyang proteksyon at katarungan ang mga nagbibigay buhay sa atin.

Ang donation drive na ito ay tatakbo mula Setyembre 09, 2024 hanggang Oktubre 14, 2024. Kaya naman kung nais ninyong suportahan ang aming adhikain, maaari kayong magbigay ng kahit anong halaga sa mga nakalagay na bank accounts sa ibaba.

Para sa mga donor, pakisagutan na lamang ang tracking form na ito: https://tinyurl.com/UPV35AnnivDonationDrive

Ang UP Variates ay magbabahagi rin ng updates tungkol sa pag-usad ng donation drive para sa transparency. Kung may karagdagang katanungan at pag-aalala, huwag mag-atubiling makipag-ugnayan sa pamamagitan ng pag-email sa [email protected]

Maaaring ipadala ang iyong donasyon sa mga sumusunod:

BPI
Tiffany Grace Cosue
0189608314

GCash
Lovely Joy Camba
09083628006

Maya
Sebastien Yllac Dela Cruz
09682136443

RCBC
Joedylan Barzy Deza
9039763198

Metrobank
Kyne Edrian Domingo
0543054536349

PROUDLY PRESENTED WITH
Academi Apparel
Asia United Bank

CO-PRESENTED BY
START AIT: Student Action for Responsive Leadership in Tourism
UP Association of Biology Majors
UP Chemical Society
UP Circle of Industrial Engineering Majors
UP Euro-Filipino Understanding and Relations Organization
UP Geology Majors' Society
UP Kalilayan
UP Muslim Students' Association
UPLB Development Communicators' Society
UPLB Statistical Society
UST Psychology Society

IN PARTNERSHIP WITH
Junior Psychologist Society of Arellano University
Philippine Society of Mechanical Engineers - UP Student Unit, Inc.
UP CSSP Student Council
UP Geodetic Engineering Club
Geographic Society of the University of the Philippines (UP GeogSoc)
UP Society of Geodetic Engineering Majors - UP GEOP
UP Library and Information Science Students Association - UP LISSA
UP Materials Science Society
UP Investment Club
UPV Elektrons
UP Zoological Society

WITH SPECIAL THANKS TO
UP Lingua Franca
UP Statistical Society
UP Manila Belle

09/09/2024
09/09/2024

Show off your expertise at the BrainMEsh Inter-University competition! 🧠📚

Join us for an exciting battle where knowledge takes center stage. Compete for a chance to win:

🏆 Champion: ₱20,000
🥇 1st Runner-Up: ₱15,000
🥈 2nd Runner-Up: ₱10,000

09/09/2024

🫨 GUESS WHAT??? 🫨

The registration for the BrainMEsh Inter-High (BMH) and Inter-Uni (BMU) Quizbee, and NMESC: Robotics Workshop & Competition has been extended until September 13, 2024! You’ve got more time to lock in your entries and dive into this once-a-year adventure! Get ready for some serious competition—let’s do this! 💥

Important Dates:
🕗End of Registration: 13 September 2024
✈️ NMESC: 28 September 2024
🧠 BMH: 28 September 2024
💎 BMU: 29 September 2024

08/09/2024

On this day in 1989, our esteemed organization, UP Variates, was officially established as a student organization at the University of the Philippines Diliman.💙

Congratulations on 35 years of turning impossibilities into probabilities! As we navigate forward, may we sail toward even more empowering and inspiring stories! ⛵️

01/09/2024

Do you see how handa na kaming sumablay? Very demure, very mindful 😊💅

Samahan ang UP Geology Majors’ Society na maging cutesy by testing your stock knowledge sa exciting na ‘anything-and-everything-under-the-sun’ quiz show: SASABLAY KA BA TALAGA? 2024! 😎

Sumali na kayo at gawin nating 🤩 2000 PESOS 🤩 ang Php 175 registration fee niyo (per pair)! Register using the form below ⬇️
🔗tinyurl.com/skbtlg24
🔗tinyurl.com/skbtlg24
🔗tinyurl.com/skbtlg24

See you all sa Activity Room 415, Student Union Building this coming September 13, 4̶:̶0̶0̶-̶6̶:̶0̶0̶ 𝟱:𝟯𝟬-𝟳:𝟯𝟬 𝗣𝗠! (YES, WE HEARD YOU!)🏃‍➡️🏃‍➡️🏃‍➡️

Co-presented by:
Wings Technology Enterprise, Inc.
SAGE -Student Association of Geological Engineers
551st Media
Geology Students’ Society of Negros Oriental State University
UP Geological Society
PLM Society for Biological Sciences
UP Variates
UPV PH Pub
UP Physics Association (UPPA)
PUP Aggregates

Also brought to you by:
UP Society of Geodetic Engineering Majors
UP Ecotour

Special Thanks To:
UP Cwm Zena’na
UP Rockhounds
UP Iuvenis Orbis Geological Fraternity


😎

19/08/2024

[NAGKAKAISANG PAHAYAG NG MGA PORMASYON NG PAARALAN NG ESTADISTIKA PARA SA SIMULA NG KLASE]

Hindi maikakaila na sa pagsalubong ng unang semestre ng panuruang taon 2024-2025, sagana pa rin sa iba’t ibang problemang ikinahaharap ang mga Iskolar ng Bayan.

Nitong nalalapit na takdang huling araw ng rehistrasyon, mayroon pa ring mga mag-aaral na underloaded at kulang ng kinakailangan nilang units. Patunay rito ang matataas na bilang ng demand sa mga kurso sa kabila ng katapusan ng pangalawang round ng pre-enlistment na umaabot hanggang waitlisting round at paghingi ng teacher’s prerogative. Gayundin ang hinaharap na problema ng mga mag-aaral sa kakulangan ng slot sa dormitoryo. Epekto nito ang pangungupa ng ilang mag-aaral sa boarding house, apartamento, o condo, na kung tutuusin ay mas malaki ang magagastos at mas malayo ang tatahakin papunta sa kanilang mga klase kumpara sa paninirahan sa loob ng Pamantasan.

Patuloy namang dinaranas ng mga pormasyon ng Paaralan ng Estadistika ang kakulangan sa espasyo ng tambayan. Sa semestreng ito ay nagbalik na ang tambayan sa mas maliit na silid kumpara noong nakaraang semestre. Naghahati-hati rito ang tatlong pormasyon na nasa higit isang-daan ang kabuuang bilang ng mga miyembrong mag-aaral.

Dagdag pa sa mga problemang ikinahaharap ng komunidad ang pagdeklara ng UP-Armed Forces of the Philippines Declaration of Cooperation noong Agosto 8, 2024. Mariin itong ikinokondena ng mga pormasyon ng Paaralan ng Estadiska sa kadahilanang labis ang bilang ng paglabag ng AFP sa karapatang pantao ng komunidad sa kasaysayan ng UP. Kasama rito ang paghimasok sa loob ng Pamantasan, pananakot, pagdakip, at pagpaslang sa mga mag-aaral. Ang mga ito’y mahaharas na uri ng pang-abuso sa kapangyarihan at patunay ng pagpapakita ng mataas na antas ng diktadurya.

Bilang Pamantasan ng Bayan, ang mga suliraning ito ay hindi makatarungan at hindi karapat-dapat na hinaharap ng mga Iskolar ng Bayan sapagkat mahalaga na makamit ang kalidad na edukasyon nang walang mag-aaral na naiiwan at naaagrabyado.

Nakikiisa ang Konseho ng Mag-aaral ng Paaralan ng Estadistika, UP Variates, at UP Statistical Society sa pagsulong ng karapatang pang-akademiko ng bawat mag-aaral. Patuloy rin ang mga panawagan na isabatas ang UP-DND Accord, tutulan ang budget cuts, tutulan ang komersyalisasyon, tutulan ang campus militarization, tutulan ang mandatory rotc, aksesableng edukasyon para sa lahat, malawak na espasyo ng tambayan, at sapat na units at dorm slots para sa lahat ng mag-aaral ng Pamantasan.

Ang mga numero ay may puwersa, kaya naman ang lahat ay inaanyayahan na makiisa sa First Day Fight upang isulong ang mga panawagan ng komunidad.

Estadistiko ng bayan, ngayon ay lumalaban!

Nilagdaan:
UP Variates
UP School of Statistics Student Council
UP Statistical Society

PROGRAMA PATUNGKOL SA FIRST DAY FIGHT
11:00 A.M. – Lokal na Aksyon sa UPSS Parking Lot
11:30 A.M. – Pangunahing Programa sa AS Steps
12:00 P.M. onwards – Study Circles

Paalala na magsuot ng maroon na kulay ng pananamit sa pakikiisa.

18/08/2024

ATIN A2! Iskolar ng bayan, kailangan ka ng komunidad! Makiisa sa pagkilos upang protektahan ang Area 2!

Sa paparating na Lunes, ika-19 ng Agosto, mayroong nakaambang banta ng clearing operations sa Old Tennis Court mula sa UP Administration kung saan itatayo ang parking lot para sa Dilimall. Sapilitang papaalisin ang mga manininda at pagkakaitan sila ng hanapbuhay upang itaguyod lalo ang komersyalisasyon ng ating pamantasan.

Tinatawag ang lahat ng mga Iskolar ng Bayan na ituloy ang ating laban kasama ang mga stallholders at manininda ng UP Diliman upang protektahan ang kanilang hanapbuhay at igiit ang ating karapatan sa aksesibleng batayang serbisyo para sa mga mag-aaral. Sumama sa pagkilos ng komunidad upang pigilan ang clearing operations!

AUGUST 19, 2024

CALL TIME PARA SA LAHAT: 4:00AM

OLD TENNIS COURT, UP DILIMAN

Gaganapin rin ang production work para sa First Day Fight dito sa Old Tennis Court. Sama-sama tayong maghanda ng mga panawagan para sa pagbubukas ng panibagong semestre!

Photos from UP Variates's post 17/08/2024

Maalab na pagpupugay sa mga miyembro ng UP Variates na mahusay na pinagtagumpayan ang kanilang pag-aaral nitong ikalawang semestre ng taong 2023-2024! 🎉

Pagbati rin sa lahat ng estudyanteng matatag na humaharap sa bawat pagsubok na dumarating! 💪

Laban, Estadistiko ng Bayan! Maging inspirasyon nawa ang tagumpay na ito upang lalong magpakahusay, maglingkod, at magmalasakit sa bayan.

Photos from Fiestadistika: Pista sa Barrio Variates's post 13/08/2024

Grabe, ang bilis talaga ng oras! Naghahanda na ba kayo para sa pinaka-inaabangang Fiestadistika: Pista sa Barrio Variates, mga FSTs? 🎉

Pero hep... hep... hep... (hooray!) Bago tayo magsalo-salo at magdiwang, may unkabogable na paandar ang UP Variates! Inihahandog namin ang 𝐏𝐢𝐬𝐭𝐚𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐥𝐚𝐫𝐨 𝐧𝐠 𝐕𝐚𝐫𝐚𝐧𝐠𝐚𝐲 🤩, ang online event na magbibigay pagkakataon sa inyo, mga FSTs na 𝐦𝐚𝐢𝐩𝐚𝐤𝐢𝐭𝐚 𝐧𝐢𝐲𝐨 𝐤𝐮𝐧𝐠 𝐬𝐢𝐧𝐨 𝐤𝐚𝐲𝐨!🔥

Upang makibahagi, siguraduhing basahin at intindihin nang maigi ang mechanics sa ibaba🧐 Oh ano pa hinihintay natin? Huwag na tayong magpatumpik-tumpik pa--i-ready na ang inyong kanal o aircon humor 🤣, mag-set na ng mga alarms ⏰, at show to the world, the universe rather, ang inyong natatagong husay! 🌍🥇

💫

Photos from UP Variates's post 13/08/2024

Despite years of collective efforts to overcome gender barriers, women remain wildly underrepresented in STEM (Yamio, 2023).

Let us delve into numbers as we recognize Women in STEM in the Philippines and across different countries with UP Variates’ StatCheck!

Research work by Cyrus Toring
Pub by Fiona Franco

09/08/2024

Row, row, row your boat, Freshies, Shiftees, and Transferees! 🛶

Halina’t maghanda at lumayag sa masiglang paglalakbay patungo sa kultura, tradisyon at hindi malilimutang alaala sa Fiestadistika: Pista sa Barrio Variates! 🎉 Hayaan ang mga makukulay na Vinta na gumabay sa iyo habang ipinagdiriwang natin ang simula ng ating masayang paglalakbay. Asahan ang walang kapantay na kasiyahan at pakikipagkaibigan na magbibigay-kulay sa iyong buhay sa unibersidad. 🚢✨

Huwag palampasin—sumama na at sabay tayong gumawa ng mga alon! 🌈🌊
'tMaglayag 💫

Abangan... 👀

09/08/2024

[OPISYAL NA PAHAYAG NG UP VARIATES SA ARAW NG MGA KATUTUBO]

Ngayong Agosto 9, 2024, ating ginugunita ang Pandaigdigang Araw ng mga Katutubo, na may temang “Pagprotekta sa Mga Karapatan ng mga Katutubo sa Kusang-loob na Paghihiwalay at Paunang Pakikipag-ugnayan.” Sa loob ng dalawang taong pamamahala ni Ferdinand Marcos Jr., hindi nirerespeto ng kanyang administrasyon ang pagbibigay ng karapatan para sa mga katutubo.

Patuloy pa ring nakararanas ng opresyon ang katutubo, na siyang patunay na binabalewala ng administrasyon ang kanilang komunidad sa pamamagitan ng kanilang pagbomba, paggamit ng dahas, at pagpapalayas sa kanilang lupain.

Nitong nakaraang Hulyo 29, 2024, iligal na inaresto at tinortyur ang apat na aktbistang tagapagtaguyod ng mga Ayta at Katutubong komunidad: Maria Theresa Buscayno, Desiree Jaranilla Patuñ-og, Andres Ely, at Oliver Millo. Lubos na hindi makatarungan ang paglabag ng mga awtoridad sa kanilang karapatang pantao.

Ang UP Variates ay nakikiisa sa mariin na pagkondena sa iligal na pag-aresto sa Central Luzon 4. Palayain ang mga bilanggong politikal! Ipaglaban ang karapatan sa pakikibaka!







Sanggunian: KATRIBU National Convener
Isinulat nina Bianca Aliyah Tresvalles at Gwyneth Nolasco
Litrato ni Bianca Aliyah Tresvalles

Photos from UP Variates's post 07/08/2024

The UP Variates proudly congratulates its esteemed Variants who have recently won the 2024 Best Undergraduate Student Paper Award! May your success serve as beacons, inspiring yourselves and other students to pursuing excellence and the advancement of Statistics! Mabuhay!

Photos from UP Diliman University Student Council's post 06/08/2024

DEFEND UP! DEFEND ACADEMIC FREEDOM!

UNITY STATEMENT OF UP DILIMAN COUNCILS AND FORMATIONS ON SEN. BATO DELA ROSA’S RED TAGGING SENATE HEARING

Walang puwang sa Unibersidad ng Pilipinas ang pagsupil sa demokratikong karapatan ng progresibong kabataan at mga kawani! Nagkakaisa ang pirming tindig ng mga konseho, pormasyon, at organisasyon ng UP Diliman (UPD) sa pagkondena sa walang batayang mga paratang ni Senator Bato Dela Rosa at mga alipores ng estado sa isinagawang pagdinig ng Senado ngayong araw, ika-6 ng Agosto 2024.

Sa talakayan para sa P.S. Resolution No. 863, or an Inquiry into the continuous radicalization and recruitment of students in educational institutions to the local communist groups, walang habas na ni-redtag ang mga mag-aaral at mga organisasyon ng Unibersidad ng Pilipinas. Sa pagbibitaw ng mga walang kabuluhang akusasyong ito, nalalagay sa panganib ang ating mga batayang karapatan na mag-organisa, at patuloy na natatapakan ang akademikong pangkalayaan na nararapat ay natatamasa ng komunidad sa loob ng pamantasan.

Huwad ang pangako ng administrasyon ng UP Diliman na protektahan ang komunidad nito sa pamamagitan ng pagbuo ng Committee on the Protection of Freedom and Rights sapagkat ang miyembro mismo nito, si Vice Chancellor Agpaoa, ay nakilahok sa pagdinig kanina. Kinukundena ng komunidad ang pakikilahok ng administrasyon ng UP Diliman sa dayalogong ito na nangako pang handa silang makipag-ugnayan sa mga awtoridad ng pamahalaan pagdating sa agenda nitong manredtag ng mga mag-aaral at organisasyon.

Ang pagsang-ayon ng administrasyon sa mungkahi ng estado laban sa aktibismo ay isang tanda na nananatiling anti-demokratiko ang pamantasan ng bayan. Hamon sa komite na paigtingin ang panawagan ng komunidad at magkaroon ng pangil sa kabila ng pag-atake sa seguridad sa unibersidad. Katiwalian sa pagprotekta ng kalayaang pangakademiko ang pag-sang-ayon ng administrasyon ng UPD sa muling pagsuri ng Organization Code upang harangan ang mga progresibong organisasyon. Walang mali sa pagkondukta ng mga educational discussions, basic masses integration, at mobilisasyong humuhubog sa tunay na makabayang diwa. Sa katotohanan, ang mga mag-aaral at masang nakikilahok rito ay may mga hinaing lamang na nais ipanawagan.

Kinukundena rin ng komunidad ang tinatangkang profiling sa mga mag-aaral at organisasyon gamit ang NTF-ELCAC. Sa iilang taon na pinondohan at binuhay ang NTF-ELCAC ay wala naman itong makabuluhang ambag sa lipunan. Nilalagay lang nito ang mga mamamayan sa panganib, at umaagaw sa pondong sana ay inilaan na lamang sa mga serbisyong tunay na kinakailangan ng sambayanan, tulad ng edukasyon at kalusugan. Muli rin nating iginigiit ang halaga sa pagbabalik ng UP-DND Accord, na isa rin sa mga pinupuntirya ng estado sa Senate hearing na naganap. Ang polisiyang ito ay hindi para gawing ekslusibo ang pamantasan, gaya ng paratang kanina, kundi ay bunga ng mahabang kasaysayan ng karahasan at pamamasistang dinanas ng komunidad. Nangangambang magpapatuloy ito kung walang aksyon ang pamantasan upang despensahan ang ating espasyo sa panghihimasok ng pulis at militar.

Makatarungan ang ating paglaban. Ang sunod-sunod na pag-atake ng estado ay takda ng kanilang takot sa pakikibaka ng malawak na hanay ng masang iginigiit ang kanilang mga panawagan sa gitna ng lumalalang krisis panlipunan. Sa gayon, hinihimok natin ang lahat ng mga mag-aaral, organisasyon, at ang malawak na komunidad na makiisa sa panawagan natin na depensahan ang pamantasan at ang ating pang-akademikong kalayaan!

Signed by:

UPD College of Mass Communication Student Council
Rise For Education Alliance - UP Diliman
UPD College of Home Economics Student Council
Tambisan sa Sining - Diliman
UP ALYANSA
KALikha: Kasama Ka sa Paglikha ng Arte at Literatura Para sa Bayan
UP Association of Chemistry Majors and Enthusiasts (UP ACME)
Kabataan Partylist - UP Diliman
UPD College of Arts and Letters FST Council (CAL FSTC)
UPD College of Arts and Letters Student Council
Rise for Education - UP College of Arts and Letters
UP Likha sa Ramdam at Isip ng Kabataan (UP LIRIKA)
UPD College of Fine Arts Student Council
UP DOST Scholars’ Association
UP GRAIL - Graphic Arts in Literature
Kabataan para sa Tribung Pilipino - UP Diliman
League of Filipino Students CSSP
Alay Sining Liga ng Kabataang Propagandista - UP Diliman
Alay Sining Kolehiyo ng Arte at Literatura
Student Alliance for the Advancement of Democratic Rights in UP-NCPAG (STAND UP NCPAG)
UP CSSP Student Council
UP Circle of Industrial Engineering Majors
UP Industrial Engineering Club
UP School of Economics Student Council
UP College of Education Student Council
Rise for Education Alliance - College of Mass Communication
League of Filipino Students - UP Diliman
Anakbayan - Kolehiyo ng Arte at Literatura
UP Sining na Naglilingkod sa Bayan - UP SINAGBAYAN
UP Samahan Tungo sa Progresibong Administrasyon
UP Artists’ Circle Fraternity
Anakbayan Maskom
GABRIELA Youth UP Diliman
Gabay Isko
UP Variates
Union of Journalists of the Philippines - Diliman
UP Psychological Understanding for Growth and Distinction (PUGAD) Society
National Network of Agrarian Reform Advocates Youth UP Diliman (NNARA-Youth)
UP Asian Institute of Tourism Student Council (UP AITSC)
UP Clark-Subic Student Council
UP Cinema
UP National College of Public Administration Student Council (UP NCPAGSC)
UP Business Administration Council (UP BAC)
UP Association of Visual Communicators (UP AVCOM)
UP Economics Towards Consciousness
UP Engineering Student Council (UP ESC)
UP Psychology Society
Alpha Phi Omega - Omicron Chapter (APO Omicron)
UP Cinema Arts Society
Practice of Administrative Leadership and Service - National College of Public Administration (PALS-NCPAG)
UP Education Society
UP Communication Research Society
UP Graphic Illustration Collaborate (UP GRAPHIC
UPD College of Music Student Council
UPD University Freshie Council
UP Lipunang Pangkasaysayan (UP LIKAS)
Saribuhay UPD
UP Geological Society
UP Diliman College of Social Work and Community Development Student Council (UPD CSWCD Student Council
UP Diliman College of Social Work and Community Development FST Council (UPD CSWCD FST Council)
UP Writers Club (UPWC)
UP Chemical Society
Agham Youth UP Diliman
SALiGAN sa CSSP
Bahaghari UP Diliman
UP Broadcasters’ Guild
UP Broadcasting Association
UP Circle of Landscape Architecture Students
UP Community Development Circle (UP CDC)
UP Journalism Club
Kilos Ko Youth - UP Diliman
Upsilon Sigma Phi
UP College of Mass Communication Freshies, Shiftees, Transferees Council
UP Lingua Franca
UP Design Core
UP School of Library and Information Studies Council (UP SLIS Student Council)
UP Association of Clothing Technology Students (UP ACTS)
UP Circle of Home Economists
UP College of Science Student Council (UP CSSC)

Want your organization to be the top-listed Non Profit Organization in Quezon City?
Click here to claim your Sponsored Listing.

Videos (show all)

Let's power up! 🎶 Summer mystery is waiting just around the corner 👀🏖️🍋🍎🍇🍒🍍 [D-6 TEASER]📆 2024.03.07 (THU) 17:30 PHT #Po...
Let me hear you sing! 🎶 Something’s waiting for you 👀🌈September 25-29, 2023#BeHue#VibeToTheRhythm#BidaVariant#BeTheVaria...
On this day, our beloved organization, UP Variates, was formally established in the year 1989 as a student organization ...
Discovering something?👀 Do you want to feel the Extravagancia vibes?🐦 Don't worry because we got you! The UP Variates Re...
Are you ready to soar in style?February 27, 2023 - March 3, 2023Edited by: Ale Diana
Large paper cranes are dancing here at our Recruitment Booth! To make a wish, collect them all on our Applicants' Orient...
Wander around and take the paper cranes with you.Wishes to possibilities is unfolding soon.October 8 | 7:00PM
[𝓗𝓘𝓢-𝓢𝓣𝓞𝓡𝓨: 𝓞𝓷𝓮 𝓸𝓯 𝓽𝓱𝓮 𝓕𝓸𝓾𝓷𝓭𝓲𝓷𝓰 𝓕𝓪𝓽𝓱𝓮𝓻𝓼 𝓸𝓯 𝓤𝓟𝓥]Humans of UPV is back once again! This year, we are stepping up our effor...
Shopee UCC Teaser Video
ADARNA: Exhibit Opening Kalakip ng unti-unting pagbabalik sa dati ng lahat ay ang hirap na makaalpas mula sa pandemyang ...
ALICANTO: Candle Lighting
HAPPY 33RD YEAR OF TURNING IMPOSSIBILITIES INTO PROBABILITIES!UP Variates 33rd Anniversary Week [COMING SOON]

Website

Address


Room 108, School Of Statistics Cor. T. M. Kalaw Street
Quezon City
1101

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 8am - 5:30pm
Wednesday 8am - 5:30pm
Thursday 8am - 5:30pm
Friday 8am - 5:30pm
Saturday 9am - 5pm

Other Nonprofit Organizations in Quezon City (show all)
Heritage Conservation Society Heritage Conservation Society
UP Asian Institute Of Tourism, Don Mariano Marcos Avenue, Diliman
Quezon City, 1104

Advocating the protection of built heritage and cultural sites in the Philippines

Greenpeace Philippines Greenpeace Philippines
30 Scout Tuason Street, JGS Building, Brgy. Laging Handa, DIliman
Quezon City, 1103

Campaigning on climate, plastic, energy, livable cities & social justice. Join us today! 💚

Young Moro Professionals Network Young Moro Professionals Network
Quezon City

The Young Moro Professionals Network (YMPN) is a non-stock, non-profit, non-partisan organization, composed of young Moros, whose primary purpose is to serve the common interests o...

Samahang Pisika ng Pilipinas Samahang Pisika ng Pilipinas
Quezon City, 1101

The Samahang Pisika ng Pilipinas (SPP, Physics Society of the Philippines) is a professional organiz

Sonshine Philippines Movement Sonshine Philippines Movement
Quezon City, 1116

Towards the Restoration of the Earth

GlobalLead Southeast Asia GlobalLead Southeast Asia
Quezon City, 1105

Ministering. Mentoring. Multiplying.

YouthSENTral YouthSENTral
5th Floor, Back To The Bilble Building, 135 West Avenue
Quezon City, 1105

"A growing movement of Jesus' disciplemakers significantly impacting communities and churches "gloca

Institute of Social Order Institute of Social Order
ISO Building, Social Dev't Complex, Ateneo De Manila University
Quezon City, 1800

The ISO is an NGO implementing programs on community-based coastal resources management (CB-CRM). Its main thrusts include the empowerment of the fisheries sector and the protectio...

Wavemakers Wavemakers
5F Back To The Bible Building, 135 West Avenue, Barangay Bungad
Quezon City, 1105

Equipping leaders for Christ-Centered movements

UGAT FOUNDATION INC. UGAT FOUNDATION INC.
Ateneo De Manila University
Quezon City, 1107

We are a Jesuit apostolate, with an advocacy to promote and address the mental health and well-being of the underserved Filipino individuals and families through psychological inte...

UP Inclusive Business Association UP Inclusive Business Association
4th Floor, Cesar EA Virata School Of Business, University Of The Philippines Diliman
Quezon City, 1101

The UP Inclusive Business Association is a university-wide organization based in the College of Business Administration, UP Diliman.