SAAD Central Luzon
Nearby government services
San Fernando, Pampanga
Sto. Niño, Pampanga
Capitol Compound
2000
City of San Fernando, Pampanga
Pampanga
Sto. Niño, Pampanga
Increase food production and alleviate poverty.
PAGSASANAY SA PAG-AALAGA NG KAMBING ISINAGAWA SA SAN CLEMENTE, TARLAC
Isinagawa ang Special Area for Agricultural Development (SAAD) katuwang ang Kagawaran ng Pagsasaka ng isang komprehensibong na pagsasanay para sa mga magsasaka hinggil sa tamang pag-aalaga ng kambing sa Covered Court ng San Clemente, Tarlac, noong Agosto 15, 2024.
Ang pagsasanay na ito ay pinangunahan ni Dr. Elna Yamson-Canlas, Veterinarian I, na may malawak na kaalaman at karanasan sa pag-aalaga ng kambing at ibinahagi sa mga nagsidalo. Kasama rin sa nasabing programa si Dr. Maria Lorna Baculanta, ang Chief ng Provincial Veterinary sa Tarlac, na nagbigay ng karagdagang kaalaman at suporta para sa mga magsasaka.
Ang pagsasanay ay naglalayong bigyan ang mga magsasaka ng mas malalim na kaalaman at kasanayan sa tamang pag-aalaga at pagpaparami ng kambing, na isa sa mga magiging kabuhayan ng mga magsasaka sa lugar sa ilalim ng programa ng SAAD. Pinagtuunan din ng pansin ang iba't ibang uri at lahi ng kambing, mga kinakailangang sukat para sa mga buntis na dumalagang kambing, at ang tamang pag-aalaga sa mga ito.
Ayon kay Dr. Yamson-Canlas, mahalaga ang ganitong mga pagsasanay upang matulungan ang mga magsasaka na mapabuti ang kanilang kabuhayan at masiguro ang kalusugan ng kanilang mga alaga. Nagbigay din sila ng mga praktikal na tip hinggil sa nutrisyon, pagpapakain, at pagpigil sa mga karaniwang sakit ng kambing. Kasama rito ang mga detalye sa wastong pagpili ng feeds, mga uri ng damo at leguminous plants na maaaring pakainin sa kambing.
Nagkaroon din ng diskusyon tungkol sa tamang pagbuo ng mga kulungan para sa kambing, mga kinakailangang sukat upang masigurong komportable at ligtas ang mga hayop, at mga estratehiya sa pagpapalago ng mga ito. Naging aktibo ang mga kalahok sa pagsasanay, nagtatanong at nagbabahagi ng kanilang sariling mga karanasan sa pag-aalaga ng kambing.
Kasama sa pagsasanay ang mg akawani ng SAAD na sina Ariel de Guzman, Provincial Coordinator at si Jacinto Bernardo Ongtangco na siya namang kumakatrawan bilang Area Coordinator sa San Clemente.
Ang nasabing pagsasanay ay bahagi ng patuloy na programa ng pamahalaang lokal ng Tarlac upang palakasin ang sektor ng agrikultura at tulungan ang mga magsasaka na magkaroon ng mas matatag na kabuhayan.
Anim na Asosasyon sa Nampicuan, Sumailalim sa Participatory Rural Appraisal
Isinagawa ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) Program ng Kagawaran ng Pagsasaka para sa Gitnang Luzon (DA RFO III) ang Participatory Rural Appraisal (PRA) sa Nampicuan, Nueva Ecija mula ika-11 ng Hulyo hanggang ika-23 ng Agosto. Ang PRA ay naglalayong turuan ang mga kasapi ng programa na masuri at maunawaan ang mga pangangailangan at hamon ng kanilang mga komunidad.
Ang PRA ay idinisenyo upang bigyang-diin ang partisipasyon ng bawat magsasaka mula sa anim na asosasyon sa Nampicuan. Sa pamamagitan nito, sumailalim ang mga magsasaka sa isang masinsinang pagsasanay na naglalayong palakasin ang kanilang kakayahan sa pagsusuri at pagpaplano.
Isa sa mga mahalagang bahagi ng pagsasanay ay ang paggawa ng transect map, na nagtatampok ng iba't ibang uri ng mapa tulad ng enterprise map, village map, at agro-economic map ng kani-kanilang barangay. Sa pamamagitan ng mga mapang ito, natutukoy ang mga pangunahing aspeto ng kanilang lugar na may kinalaman sa agrikultura at ekonomiya.
Bukod dito, naging bahagi rin ng pagsasanay ang pagbuo ng "problem tree" kung saan tinutukoy at sinusuri ang mga pangunahing suliranin na kinakaharap ng mga magsasaka sa larangan ng pagsasaka. Ang ganitong pamamaraan ay nagbibigay-daan sa mas malalim na pag-unawa sa ugat ng mga problema at nagiging batayan ng mga solusyon.
Pinangunahan ni Provincial Coordinator Aldrin Bulanadi ang PRA, kasama ang mga Area Coordinator na sina Leonard Suarez Jr. Ang kanilang pagtutok sa mga detalyadong aspeto ng pagsasanay ay nagbigay ng mas malalim na pag-unawa at kakayahan sa mga magsasaka ng Nampicuan.
Kabilang sa nasabing anim na asosasyon ang Ambassador Swine Farmers Association, Cabawangan Corn Farmers Association, Maeling Poultry Farmer Association, Mayantoc Duck Farmers Association, Medico Hog Raiser Association, Monic Swine Herd Association.
Nasa kabuuang 80 bilang naman ng magsasaka ang nagsidalo sa nasabing aktibidad.
| Dinaluhan ng Casili Anao Corn Growers Farmers Association ang pagtitipon na isinagawa sa Casili, Anao ngayong araw ika-21 ng Agosto, kasama sina Municipal Agriculturist Alvin Butay at Agricultural Technician Mark Pons Cuaresma, sa tulong ni Babie Dianne Dela Cruz, SAAD Area Coordinator ng Anao.
Tinalakay sa pagtitipon ang pag-aangkop ng roll-over scheme para sa mga binhi at pataba na ipamimigay sa mga magsasaka.
Ang roll-over scheme ay isang pamamaraan na sinangayunan ng mga magsasaka na kabilang samahan kung saan bago makakuha ng binhi o pataba ang isang magsasaka na kabilang sa isang asosasyon ay kinakailangan niya munang mag bayad ng 50% na halaga ng suggest retail price ng isang produkto.
Bagamat hindi ipinagbibili ng Kagawaran ng Pagsasaka ang anumang interbensyon na ipinamimigay sa mga magsasaka, inisyatiba ng bawat pangulo ng asosasyon ang pag iimplementa ng roll-over upang makalikom ng pondo para sa kanilang asosasyon. Ito ay pinagtibay ng Board Resolution kung saan nakapirma ang bawat kasapi ng nasabing asosasyon.
Basic Business Recording, Values Formation, at Entrepreneurial Mind Setting Training, isinigawa para sa mga magsasaka ng Ramos, Tarlac
Upang magkaroon ng paunang kaalaman ang mga magsasaka ukol sa pagnenegosyo, nagsagawa ang Special Area for Agricultural Development sa tulong ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at Department of Trade and Industry (DTI) ng isang pagsasanay na pinamagatang “Basic Business Recording, Values Formation at Entrepreneurial Mind Setting Training” na dinaluhan ng dalawang asosasyon sa Ramos, Tarlac noong ika-13 ng Agosto.
Pinangunahan ni Gomer Gomez, Bank Officer II ng BSP North Luzon Regional Office, ang kanyang paksang “Know your Money”.
Tinuruan ang ang mga magsasaka kung paano kumilatis ng pekeng pera. Naging esentiyal naman ito upang matutunan ng mga masasaka maging bigilante lalo na at magiging negosyante ang mga ito kalaunan.
Sinundan naman ni DTI Tarlac Trade Industry Development Analyst Jhoy Alouh Pangilinan ang Entrepreneurial Mind Setting, kung saan ang focus ay ang pag-develop ng tamang mindset para sa pagnenegosyo. Ang mga magsasaka ay binibigyan ng pratikal na pag dedesisyon at kaalaman kung paano bumuo ng mga oportunidad, humarap sa mga posibleng suliranin ng asosasyon, at kung paano lumikha ng solusyon para sa kanilang negosyo.
“I-mindset po natin na ang lahat ng gagawin natin ay nag sisimula sa unang hakbang. Bagamat madami pa po tayong pagdadaanan kasama po dito iyong ginagawa natin pagsasanay. Marami po kaming plano para sa inyo, ang kailangan lang po naming ay ang inyong dedikasyon, determinasyon, at pagyakap sa programa ng SAAD.” ani Ricky C. Manguerra, SAAD Regional Coordinator.
Nagbigay rin ng suporta si Municipal Agriculturist Dennish C. Pascua sa nasabing aktibidad. Kasama rin ang kawani ng SAAD na sina Roselyn Bumanlag at Dianne Dela Cruz, Area Coordinator ng Ramos at Anao, at si Ariel de Guzman na Provincial Coordinator ng Tarlac sa naging pagsasanay.
Ang mga pagsasanay na ito ay inaasahang magbibigay sa mga magsasaka ng mas malalim na pag-unawa at kakayahan sa pamamahala ng kanilang negosyo, na nagreresulta sa mas matagumpay at sustainable na kabuhayan.
|| Bilang bahagi ng patuloy na pagpapatupad ng programa ng SAAD sa Gitnang Luzon, nagsagawa ang SAAD ng pamamahagi ng 200 bags na organic fertilizer, 125 na litro sa bawat hydroponics solution A at B, 69 bags na Hybrid Corn Seeds, at dalawang unit ng Corn Seeder with Fertilizer Applicator sa mga magsasaka ng Ramos, Tarlac ngayong ika-19 ng Agosto sa CLIARC, Tarlac City.
Ibinahagi ito sa dalawang FA sa ilalim ng SAAD na Nagkaisang Samahang Magsasaka ng Brgy Toledo at Samahan ng Magsasaka ng Barangay Coral.
Pinangunahan ni Roselyn Bumanlag, Area Coordinator ng Ramos ang pamamahagi ng mga iba’t-ibang inrterbasyon at sa tulong ni Gennadiy Duque, Ariel de Guzman, at mga miyembro ng dawalang nasabing samahan.
Mga Magsasaka ng Anao, Tarlac, Aktibong Lumahok sa Basic Business Recording, Values Formation at Entrepreneurial Mind Setting Trainings
Nagdaos ang Special Area for Agricultural Development sa ilalim ng Kagawaran ng Pagsasaka ng isang aktibong pagsasanay na naglalayong palakasin ang kanilang kaalaman sa pagnenegosyo, mula Agosto 6 hanggang Agosto 7, 2024, sa Anao, Tarlac.
Ang mga pagsasanay na ito, na pinamagatang Basic Business Recording, Values Formation at Entrepreneurial Mind Setting, ay idinaos upang magbigay ng mga kinakailangang kasanayan at tamang mindset sa mga magsasaka upang mas mapabuti ang kanilang mga kabuhayan
Si Frenn Nazren Pascual, isang Business Counselor mula sa Negosyo Center Ramos, at Jhoy Alouh Pangilinan, isang Trade Industry Development Analyst, DTI Tarlac, ang nagsilbing mga resource person sa unang araw ng nasabing pagsasanay. At pinangunahan naman nina Ana Marie S. Tabamo, Chief Trade Industry Development Specialist, DTI Tarlac at Lourdes Laconsay, Bank Officer IV, Bangko Sentral ng Pilipinas, North Luzon Regional Office sa pangalawang araw ng pagsasanay. Ang kanilang malawak na kaalaman at karanasan sa kani-kanilang larangan ay nagbigay ng mahalagang impormasyon sa mga magsasaka.
Sa unang araw ng pagsasanay, tinalakay ni Pascual ang mga pangunahing aspeto ng business recording. Inilahad niya ang kahalagahan ng maayos na pagre-record ng mga transaksyon sa negosyo, na tumutulong sa tamang pagmomonitor ng kita at gastos. Binigyang-diin din niya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng sistematikong pag-file ng mga dokumento upang mas madaling makapag-ulat ng financial status ng kanilang mga negosyo.
Sa ikalawang araw, tinalakay ni Tabamo ang paksa ukol sa values formation at entrepreneurial mind setting. Inilahad niya ang iba't ibang aspeto ng pagpapahalaga sa sariling negosyo, tulad ng integridad, disiplina, at pagnenegosyong may malasakit sa komunidad. Kasama rito ang isang aktibidad o workshop kung saan binigyang-pansin din niya ang kahalagahan ng tamang mindset sa pagnenegosyo, inudyok niya ang mga magsasaka na praktikal na pag-iisip sa pamamahala ng budget ng kanilang asosasyon.
Kasama rin sa nagsidalo sina Dianne dela Cruz at Leonard Suarez Jr, Community Development Officer II ng Anao at Nampicuan at Ariel De Guzman, Provincial Coordinator ng Tarlac.
Sa pamamagitan ng mga ganitong pagsasanay, inaasahang mapapalakas ang kakayahan ng mga magsasaka na pamahalaan ang kanilang mga negosyo. Ang mga natutunan sa pagsasanay na ito ay inaasahang magiging gabay ng mga magsasaka sa kanilang patuloy na pagsulong sa larangan ng agrikultura at pagnenegosyo.
DA-SAAD Nagsagawa ng Training sa Participatory Rural Appraisal para sa Banner Programs
Nagsagawa ng training session ang mga kawani ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) tungkol sa Participatory Rural Appraisal (PRA), ika-5 ng Agosto sa Conference Hall ng Department of Agriculture, San Fernando, Pampanga.
Ang layunin ng training na ito ay mabigyan ng kaalaman ang mga kalahok tungkol sa mahahalagang impormasyon hinggil sa mga magsasaka at mga pamamaraan kung paano matukoy ang mga pangangailangan sa pag-unlad ng isang lugar.
Ang PRA training session ay nagbigay ng komprehensibong pag-unawa sa mga batayang impormasyon na kinakailangan para sa epektibong pagpaplano ng pag-unlad ng agrikultura. Nakatuon din ito sa kung paano matukoy at bigyang prayoridad ang mga pangangailangan sa pag-unlad ng mga komunidad sa kanayunan. Ang pamamaraang ito na nakabatay sa partisipasyon ay nagsisiguro na ang mga pananaw at alalahanin ng mga magsasaka ay sentro ng proseso ng pagpaplano ng pag-unlad.
Dahil sa pagsasailalim ng mga tauhan ng SAAD sa masusing Training of Trainers (TOT) program, naging daan ito upang sila'y maging epektibong tagapagturo at tagapagsanay, na nagpapalakas sa kapasidad ng iba pang mga programa ng Kagawaran ng Pagsasaka.
Sa katauhan ni Rommelyn Quinto, Associate Project Officer I, tinalakay ang Phase 1 and 5 kung saan kinabibilangan ang mga paksang ukol sa mapa ng isang komonidad. Habang tinalakay naman ni Ariel de Guzman Associate Project Officer I, ang Phase 3 na kasama ang seasonal calendar at cost and return analysis. Gayundin naman at tinalakay ni Roselyn Bumanlag, Community Development Officer ang Phase 2 and 4 na kinabibilangan naman ng problem ranking, history and trend analysis, at iba pa.
Ang mga naging kalahok sa PRA training ay kinabibilangan ng mga kinatawan mula sa iba't ibang banner program ng Kagawaran ng Pagsasaka, Agricultural Program Coordinating Officers (APCOs), at ang Farmers and Fisherfolk Clusters and Communities (F2C2).
Sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga training session na ito, ang mga kawani ng SAAD ay nag-aambag nang malaki sa pangkalahatang layunin ng pagpapabuti ng sektor ng agrikultura sa pamamagitan ng makabatayang pagpaplano ng mga programa.
Inaasahan na ang inisyatibong ito ay magdudulot ng mas tiyak at epektibong mga interbensyon sa pag-unlad, na makikinabang ang mga magsasaka at mga komunidad sa kanayunan sa buong rehiyon.
SAAD Director bumisita sa 2nd Quarter Assessment ng Central Luzon
Bumisita si SAAD National Director Ulysses J. Lustria Jr. sa 2nd Quarter assessment ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) na ginanap sa Subic, Zambales mula Hunyo 24-25 ngayong taon. Kasama rin sa assessment si Regional Technical Director Dr. Arthur D. Dayrit na nagpakita ng suporta sa programa ng SAAD.
Sa nasabing aktibidad, tinalakay ang mga progreso at mga isyu ng bawat asosasyon na bahagi ng programa. Layunin ng assessment na suriin ang mga hamon na kinakaharap ng bawat asosasyon sa nagdaang buwan upang mapabuti pa ang kanilang mga proyekto at inisyatiba sa sektor ng agrikultura.
Dumalo rin sa assessment ang mga presidente ng bawat asosasyon na sakop ng programa ng SAAD. Ang kanilang aktibong pakikilahok ay nagbigay-daan sa isang masusing talakayan tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng kanilang mga asosasyon at mga hakbang na maaaring gawin upang mapalakas ang kanilang mga operasyon.
Ayon kay RTD Dayrit, mainam na nagkakaroon ng ganitong klaseng aktibidad upang maipakita ang mga mahusay na pamamaraan ng mga magsasaka at Local Government Unit sa pamamahala ng programa ng SAAD sa kanilang lugar.
"Ang kagandahan rin po kasi ng SAAD ay mayroon silang PRA o Participatory Rural Appraisal kung saan inaalam natin ang partikular na pangangailangan ng mga magsasaka na siyang ibababa naman sa kanila", dagdag ni Dayrit.
Kasamang bumisita ni Director Lustria sina Jacquelyn Rebusit, Region 3 SAAD Focal Person at Kit Jasper Gopela, FPL Lead. Naimbitahan rin sa nasabing assessment ang mga LGU ng Anao, Ramos, San Clemente at Nampicuan kasama ang 14 na presidente ng bawat asosasyon sa Gitnang Luzon at ang mga kawanin ng SAAD sa pangunguna ni Regional SAAD Coordinator Ricky Manguerra, at Mary Joy Daguro, Assistant Regional SAAD Coordinator.
Ang pagbisita ni Director Lustria at ang suporta ni RTD Dayrit ay mahalagang hakbang upang matiyak na ang mga layunin ng programa ng SAAD ay matagumpay na maisakatuparan at ang mga benepisyo nito ay tunay na maramdaman ng mga magsasaka sa buong rehiyon.
𝐒𝐀𝐀𝐃𝐒𝐩𝐞𝐜𝐢𝐚𝐥𝐅𝐞𝐚𝐭𝐮𝐫𝐞| 𝐏𝐚𝐠-𝐚𝐬𝐚 𝐬𝐚 𝐆𝐢𝐭𝐧𝐚 𝐧𝐠 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐮𝐛𝐨𝐤: 𝐀𝐧𝐠 𝐊𝐰𝐞𝐧𝐭𝐨 𝐧𝐢 𝐒𝐚𝐛𝐢𝐧𝐨 𝐂𝐫𝐢𝐬𝐨𝐬𝐭𝐨𝐦𝐨, 𝐌𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐤𝐚 𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐂𝐨𝐫𝐚𝐥-𝐈𝐥𝐨𝐜𝐨, 𝐑𝐚𝐦𝐨𝐬, 𝐓𝐚𝐫𝐥𝐚𝐜
Sa tahimik na baryo ng Coral-Iloco sa bayan ng Ramos, Tarlac ay namumuhay si Sabino Crisostomo, isang masipag na magsasaka. Kanyang inilahad ang matiyagang pag-iipon ng pang tanim sa bawat anihan upang matiyak ang patuloy na pagtatanim ng mais. Subalit, sa kabila ng kanyang pagsisikap, patuloy siyang hinahamon ng mataas na presyo ng binhi at abono.
Sa likod ng bawat tagumpay ng ani ay ang mga pagsubok na kinakaharap ni Sabino. Ang kanyang kalagayan ay nagpapakita ng masalimuot na realidad ng mga maliliit na magsasaka sa bansa—ang kakulangan sa puhunan para sa kanilang mga pangangailangan. Ang kanilang kinikita mula sa ani ay madalas na hindi sapat para sa mga susunod na gastos, at ang kanilang kabuhayan ay laging nasa balag ng alanganin.
Noong una, binalak ni Sabino na ihinto ang pag-aaral ng kanyang anak sa kolehiyo upang magamit ang naipong pera bilang puhunan sa muling pagtatanim. Alam niyang kung gagastusin ito sa pag-aaral, wala silang maaasahan na kita mula sa susunod na ani. Ang pag-aaral ng kanyang anak ay nagmistulang isang malayong pangarap dahil sa kakulangan ng puhunan para sa kanilang sakahan.
Gayunpaman, ang mapait na kalagayang ito ay napalitan ng kaginhawahan nang mapabilang si Sabino sa sa Samahang Magsasaka ng Brgy. Coral na magiging benepisyaryo ng programang Special Area for Agricultural Development o SAAD. Taong 2023 nang mabigyan si Sabino ng pataba at binhi: apat na bags na complete, apat at kalahating bags naman ng Urea, Muriate of potash o (MOP) at dalawang bags na Dekalb seeds at isang sprayer na kanyang gagamitin sa pagtatanim ng mais. Ang programang ito ay may layong magbigay ng suporta at tulong sa mga magsasaka upang mapabuti ang kanilang kabuhayan.
Ngunit sa tulong ng SAAD, nagbago ang takbo ng kanilang buhay. Ang suporta mula sa programa ay nagbigay-daan upang magamit ni Sabino ang kanyang naipon para sa pag-aaral ng kanyang anak. Hindi na niya kinakailangang pumili sa pagitan ng edukasyon at kabuhayan. Ang tulong na ito ay nagbigay ng bagong pag-asa at pagkakataon para sa kanyang pamilya.
"Laking pasasalamat ko sa SAAD," ani Sabino. "Kung wala ito, hindi makakapag-aral ang aking anak sa kolehiyo." Ang kanyang kwento ay isang patunay na sa kabila ng mga pagsubok, may liwanag na naghihintay sa dulo ng bawat sakripisyo. Si Sabino Crisostomo, sa kabila ng mga hamon, ay patuloy na nagsusumikap, pinapatatag ng bagong pag-asa at inspirasyon na hatid ng SAAD.
Sa bawat butil ng mais na kanyang itinatanim, kasama ang mga pangarap ng kanyang pamilya. At sa bawat ani, bitbit niya ang pangakong muling itatanim ang pag-asa para sa mas magandang kinabukasan.
4M halaga ng kambing ipinamahagi sa anim na asosasyon ng SAAD sa Central Luzon
Sa patuloy na pagsusumikap ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) Program na magbigay ng kabuhayan sa mga magsasaka, isang malaking hakbang ang isinagawa kamakailan sa pamamagitan ng pamimigay ng mga kambing sa anim na asosasyon sa Nueva Ecija at Tarlac noong ika-21 at 28 ng Hunyo.
Sa kabuoang halaga na P4,149,600, ang SAAD Program ay namahagi ng 144 piraso ng upgraded doe at 12 piraso ng purebred buck. Bawat asosasyon ay tumanggap ng 24 na doe at dalawang buck, layuning mabigyan ng panibagong kabuhayan ang mga benepisyaryo ng SAAD sa dalawang probinsya.
Ang mga kambing na ito ay inaasahang magdudulot ng karagdagang kita at mapagkukunan ng pagkain para sa mga miyembrong kasapi ng asosasyon.
Kabilang sa mga dumalo sa aktibidad ng pamimigay ay sina Dra. Joely Ongtangco, na nagsilbing inspector upang tiyakin ang kalusugan ng mga kambing. Siniguro ni Dra. Ongtangco na ang mga hayop ay nasa maayos na kalagayan at agad na maireport ang anumang sakit na maaaring dumapo sa mga ito.
Kasama rin sa mga kinatawan ng SAAD sa lugar sina APCO Ricky C. Manguerra, Ariel de Guzman, at Jacinto Bernardo Ongtangco sa Tarlac habang kasama naman sa Nueva Ecija sina Leonard C. Suarez Jr., Aldrin Bulanadi, APCO Analou Santos-Morelos at si Dr. Eliseo Padolina, Veterinarian III ng PVet Nueva Ecija. Kasama ang mga Local Government Unit ng bawat lugar na nabanggit. Ang kanilang pagtutok ng SAAD Program sa mga benepisyaryo nito ay naglalayong palakasin ang agrikultura at kabuhayan ng mga magsasaka sa Nueva Ecija at Tarlac.
Apat na asosasyon ang galing sa Nueva Ecija na kinilala ang: Ambasador Swine Farmers Association, Mayantoc Duck Farmers Association, Medico Hog Raisers Association, at Monic Swineherd Association habang Bamban-Maasin Swine Farmers Association and Nagsabaran-Casipo Livestock Raiser Association naman sa San Clemente, Tarlac ang napabilang sa mga makakatanggap ng kambing.
Ang pamamahaging ito ay bahagi ng mas malawak na inisyatibo ng SAAD upang mapabuti ang kalidad ng buhay ng mga magsasaka at patuloy na itaguyod ang sektor ng agrikultura sa bansa.
MGA KINATAWAN NG SAAD DUMALO SA “LAB FOR ALL” CARAVAN NG UNANG GINANG
Dumalo ang mga kinatawan ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) Farmers Cooperative and Association sa “Lab for All” Caravan na pinangunahan ni Unang Ginang Louise Araneta-Marcos na ginanap sa Mandaluyong City College of Science and Technology Gymnasium kahapon Hunyo 24, 2024.
Ang Lab for All Caravan ay nakatuon sa pagpapabuti ng kabuhayan ng mga magsasaka sa buong bansa. Sa pamamagitan ng iba't ibang proyekto, layunin ng programang ito na bigyan ang mga magsasaka ng mga kasanayan at kagamitan na magpapalago sa kanilang kita at kabuhayan.
Sa pagtitipon, ang mga SAAD beneficiaries ay makakatanggap ng egg-layer project na pinondohan ng Lab for All.
Sa katauhan ni SAAD Director Ulysses Lustria maipoproseso ang nasabing ipamamahaging poultry machine. Ang mga kagamitan ay malaking tulong sa produksyon ng itlog, na magreresulta sa dagdag na kita para sa mga magsasaka.
Kabilang sa mga dumalo sa programa ang president at bise presidente ng Maeling Poultry Farmer Association at Cabawangan Corn Farmers Association. Ang kanilang presensya ay nagpapakita ng kanilang aktibong pakikilahok sa mga proyektong naglalayong mapabuti ang kanilang kabuhayan.
Ayon kay Jay O. Capili, president ng Maeling Poultry Farmers Association, nakatutuwa ang ganitong klaseng program ana makatutulong sa paglago ng kanilang asosasyon.
“Nagpapasalamat po kami sa love for all program dahil isa ang aming asosasyon sa napili na mabibigyan nang poultry machine” ani ni Capili.
Ang matagumpay na pagsasagawa ng Lab for All Caravan ay isang patunay ng pagtutulungan ng iba't ibang sektor upang makamit ang layuning mapaunlad ang kabuhayan ng mga Pilipinong magsasaka.
248 NA MAGSASAKA NG SAAD, SUMAILALIM SA LAKBAY-ARAL SA TARLAC AT NUEVA ECIJA
Sa pagsusumikap na mapabuti ang kaalaman at kasanayan ng mga magsasaka, matagumpay na nagsagawa ang programa ng Special Area for Agricultural Development (SAAD) ng tatlong linggong Lakbay-aral na dinaluhan ng mga magsasaka mula sa iba't ibang asosasyon na kasapi sa nasabing programa.
Layunin ng lakbay-aral na ito na ibahagi ang mga epektibong stratehiya at pamamaraan ng mga matagumpay na kooperatiba upang mapalakas ang sektor ng agrikultura.
Nagsimula ang lakbay-aral noong unang linggo ng Hunyo at nagtapos ngayong linggong ito.
Ang mga magsasaka, na kasapi ng SAAD program, ay bumisita sa iba't ibang kooperatiba sa mga lalawigan ng Tarlac at Nueva Ecija. Sa bawat pagbisita, sila ay binigyan ng pagkakataon na makipag-ugnayan at makipagpalitan ng kaalaman sa mga miyembro ng matagumpay na kooperatiba.
Isa sa mga tampok na lugar na binisita ay ang Pagbiagan Multi-purpose Cooperative sa San Manuel, Tarlac — na kilala sa kanilang sustainable farming practices at epektibong management ng kanilang agribusiness. Sa katunayan isa ang nasabing kooperatiba sa mga supplier ng isang kilalang fastfood chain sa Pilipinas. Sa bahagi naman ng Nueva Ecija, itinampok ng Small Ruminant Center at University Business Affairs and Program ng Central Luzon State University na nagpakita ng kanilang mga inobasyon at stratehiya sa pag-aalaga ng kambing at manok.
Ayon kay Charlie Dela Cruz, pangulo ng Rizal Livelihood Farmers Association ng Anao, Tarlac, napakalaking tulong ng mga natutunan nila sa lakbay-aral.
“Nakita namin ang iba't ibang paraan kung paano pinapaganda ng mga kooperatiba ang kanilang produksyon at kung paano nila pinapalawak ang kanilang merkado. Malaking inspirasyon ito para sa amin," aniya.
Nilibot ng 14 Farmers Association ng SAAD ang anim na matagumpay na kooperatiba sa Tarlac, ito ay ang: Pagbiagan Multi-purpose Cooperative, JSJ Goat Farm, Bamban Agriculture Farmers Association, Prime Agriculture Cooperative, United Bamban Agriculture Cooperative, at Dapdap Paniqui Farmer Irrigators Association. May kabuuang bilang na 248 ang mga magsasakang nagsidalo sa lakbay aral.
Bukod sa mga stratehiya sa produksyon, tinalakay rin sa lakbay-aral ang mga pamamaraan sa pag-manage ng kooperatiba, mula sa financial management hanggang sa pagpapalawak ng mga miyembro at pagbuo ng mga epektibong marketing plans.
Ang SAAD Program, na nasa ilalim ng Kagawaran ng Pagsasaka, ay naglalayong tulungan ang mga magsasaka sa mga mahihirap na lugar sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga libreng pagsasanay, kagamitan, at teknikal na suporta. Ang ganitong mga inisyatiba ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng mga magsasaka at itaas ang kanilang antas ng kabuhayan.
Patuloy na umaasa ang mga kalahok na ang mga bagong kaalaman at kasanayan na kanilang natutunan mula sa lakbay-aral ay makakatulong upang mapabuti ang kanilang mga sariling asosasyon at mapalago ang kanilang ani at kita. Ang aktibidad na ito ay hindi lamang nagbigay ng bagong kaalaman kundi nagpalalim din ng ugnayan sa pagitan ng mga magsasaka at ng mga matagumpay na kooperatiba.
Sa pagtatapos ng lakbay-aral, lahat ng kalahok ay nagpahayag ng kanilang pasasalamat at umaasa na muling magkaroon ng iba pang pagsasanay upang patuloy na mapaunlad ang agrikultura sa kanilang mga lugar.
𝐍𝐞𝐰𝐬 𝐑𝐞𝐥𝐞𝐚𝐬𝐞 | SAAD Central Luzon farmer-leaders in Tarlac undergo Organizational Development Management Training
Gaining a deeper understanding of leadership towards an organization, the Samahan ng Magsasaka ng Brgy. Coral Farmer Association (FA) attended the training on Organization Development and Management conducted by the Department of Agriculture - Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) in Ramos, Tarlac last April 25.
The training, which covered modules on different aspects of leadership, the crucial role of meetings, and the essential dynamics of effective organization within a group, was attended by twenty farmers from the said FA.
Full story: (link to follow)
SAAD Central Luzon
Department of Agriculture - Philippines
𝐈𝐍 𝐏𝐇𝐎𝐓𝐎𝐒: Empowering Change: Development Communication Training for SAAD development workers and information officers
Development Communication, also known as DevCom, is a field that focuses on the strategic use of communication to promote social change and development. For development workers and information officers, learning and understanding DevCom is crucial to effectively engage communities, disseminate information, and influence policy.
In today’s rapidly evolving global landscape, communication’s role in fostering development has become increasingly significant. With this, the Special Area for Agricultural Development (SAAD) Program of the Department of Agriculture has seen the need to train its workforce on the importance of development and communication, specifically that the program deals with the underrepresented communities in the country.
Happening from May 27 to 31 in Paoay, Ilocos Norte, the National Program Management Office (NPMO) of SAAD Phase 2 facilitated a training on Development Communication with resource persons Dr. Chrysl Avegeil N. Vallejo and Ms. Zorille DC. Villaflores from Central Luzon State University (CLSU).
During the first day of the activity, Dr. Vallejo begins with an introduction to the theoretical foundations of development communication. This includes understanding key concepts, models, and approaches that guide effective communication practices in development contexts. The participants from Cordillera, 1, 2, 3, and 7 regional offices of both DA and Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) are trained to develop strategic communication plans that align with their project goals. This involves audience analysis, message development, channel selection, and evaluation methods.
With the rise of digital media, training includes the use of various media platforms, technologies, and available resources to help the professionals leverage social media, mobile communication, and other digital tools to reach and engage their target audiences.
Emphasizing participatory communication, during the session, the resource persons highlighted the need to always involve communities in the development process through community meetings, focus groups, and participatory workshops. Enhanced communication skills lead to better project outcomes, increased participation, and strong trust and partnerships.
More topics will be discussed in the following days of the training.
𝐏𝐔𝐁𝐋𝐈𝐂 𝐀𝐃𝐕𝐈𝐒𝐎𝐑𝐘
𝗜𝗻𝘁𝗿𝗼𝗱𝘂𝗰𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗡𝗲𝘄 𝗙𝗮𝗰𝗲𝗯𝗼𝗼𝗸 𝗣𝗮𝗴𝗲 𝗳𝗼𝗿 𝗦𝗔𝗔𝗗 𝗡𝗣𝗠𝗢
We are pleased to announce the creation of our new page named "SAAD Nat'l Program Management Office" for the Special Area for Agricultural Development (SAAD) Program. This page has been established temporarily by the SAAD-NPMO due to ongoing technical difficulties with our main page named "Special Area for Agricultural Development Program".
We encourage all followers of the SAAD Program to transition to this new page to stay updated with the latest news, updates, and announcements. This new page will serve as our primary communication platform during this period.
Please make sure to follow and like this new page to continue receiving timely information and updates. We apologize for any inconvenience caused and appreciate your understanding and support.
For any further inquiries or concerns, please email us at [email protected]. Thank you for your continued cooperation and support.
Click here to claim your Sponsored Listing.
Contact the organization
Website
Address
Regional Field Office III
San Fernando
2000
Opening Hours
Monday | 8am - 5pm |
Tuesday | 8am - 5pm |
Wednesday | 8am - 5pm |
Thursday | 8am - 5pm |
Friday | 8am - 5pm |
A. Consunji Street Barangay Sto. Rosario
San Fernando, 2000
The official page of City Nutrition Committee of San Fernando, Pampanga
San Fernando, 4023
An online portal that brings new and recent information happening inside the ADELINA 1 SUBDIVISION.
2nd Floor New Municipal Building, Municipal Compound, Brgy. Bulakin II, Dolores Quezon
San Fernando, 4326
The official page of the Office of the Municipal Planning and Development Coordinator of Dolores, Quezon
Biday Brg
San Fernando, 2500
Project: Support to Parcelization of Land for Individual Titling (SPLIT)
Government Center, Sevilla
San Fernando, 2500
The Coastal and Marine Ecosystems Management Program (CMEMP)
Diosdado Macapagal Government Center, Brgy. Maimpis, City Of San Fernando, Pampanga
San Fernando, 2000
This page provides facts, updates, and information about the mining industry in the country. It also
DepEd San Jose City Compound, Brgy. Sto. Niño 1st
San Fernando, 3121
DepEd San Jose City focal and coordination unit for Disaster Risk Reduction and Management
Mc Arthur Highway, Sindalan, City Of San Fernando, Pampanga
San Fernando, 2000
For Tax Information Awareness of Taxpayers